You are on page 1of 6

KABANATA III

KAALAMANG-BAYAN/KUWENTONG-BAYAN

Paghahati ng Panahon ng Katutubo

Nahahati ang panahon ng katutubo sa (1) Panahon ng Kaalamang-bayan o


Panitiking Pagbigkas at (2) Panahon ng Epiko o Tulong-bayan.

May iba’t ibang katangian ang bawat panahon at higit itong mauunawaan
kung isa-isang ipaliliwanag ang mga katangiang ito.
1.) Panahon ng/Kaalamang –Bayan o Kuwentong-Bayan
Mayaman sa mga kuwentong-bayan ang Pilipinas. Ito ang kabang-
yaman ng ating panitikan. Dito nasasalamin ang nagging buhay ng ating
mga ninuno. Ayon kay Campos (1990) ang kaalamang bayan ay mga
kaugaliang tradisyunal, paniniwala, kuwento o mga kasabihan ng mga
diwang maalamat o mapamahiin.
Ang panahon ng kaalamang-bayan o pabigkas ay kinabibilingan ng
mga (1) kuwentong-bayan, (b) karunungang-bayan (c) kantahing-bayan at
isinasama rin ditto ang (d) bulong.

2) a. Mga Kuwentong-bayan (Folk Narratives)


Batay sa libro/artikulong sinulat ni Dr. Damiana Eugenio na kilala sa
larangan ng Folklore sa Pilipino, may mungkahi siyang tatlong mahahalagang
pangkat ng verbal na poklor. Folk Narratives na kinabibilangan ni mito, kuwento
ng paglikha, alamat at salaysayin (folktales) at nabibilang sa pangkat na ito ang
pabula, mga kuwentong katatawan,anekdota atbp. Folk Speech / Folk Poetry na
ang mga halimbawa ay mga bugtong, salawikain/sawikain, kasabihan,nursery
rhymes, folk poetry na mga epiko, mga sinasabi kapag naghahatsing, mga
binabanggit kapag “nagtatabi po” o iba pang tradisyunal na komentaryo ay
nabibilang sa Bulong at ang Kantahing Bayan at Katutubong Sayaw. Binanggit
pa ni Dr. Eugenio ang ilang partly verbal na poklor tulad ng mga paniniwala at
mga pamahiin, panghuhula, mga ritwal sa pananampalataya at folk na medisina.

Ayon kay William Bascom sa kanyang the Form of Folklore: Prose


Narratives (1976). Ibinigay niya ang mga katuturan ng mga sumusunod.

Matutunghayan sa bahaging ito ang Sapot na Semantik (Semantic Web) na


nagpapakita ng konsepto ng Poklor ng mga Pilipino. Ang lahat na angkop na
ideya ng bawat kahon ay kaugnay ng kakabit na salita sa ideyang nakasulat.
● Mito
Kuwentong - ● Alamat
Bayan ● Salaysayin
● Pabula

Awiting Bayan Paniniwala


/ Katutubong Pamahaiin
Sayaw Poklor ng mga Kaugalian
Pilipino

Tulang
Bayan

Epiko Karunungang Bayan

● Macroepic ● Salawikain
● Microepic ● Sawikain/Kawikain
● Mesoepic ● Bugtong
● Palaisipan
● Bulong

MITO

Ang mga tuluyang pasalaysay na itinututring na totoong naganap sa


lipunang yaon noong mga panahong nagdaan. Pinaniniwalaan ito sapagakat
tinuturuan silang ito’y paniwalaan. Nasa Mitoang dogma at karaniwang
itinuturing na sagrado. Karaniwang kaugnay ito ng teolohiya at ritwal. Ito ang
naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa. Kinapapalooban ito
ng simula ng daigdig, ng tao, ng kamatayan, ng mga katangian ng mga ibon,
hayop o pisikal na kaanuyan ng lupa. Maaari rin itong kuwentong tungkol sa mga
diyos at diyosa.
Kung tungkol sa mga diyos at diyosa marahil, higit na bantog ang mga
diyos at diyosa ng mga Griyego’t Romano. Ang dalawang parte na ito ay bantog
sa kanilang mga mito na kinapapalooban ng mag suliranin, pag-ibig at tagumpay
ng kanilang mga diyos at diyosa. Sa pilipinas naman, kinabibilangan ito ng mga
kuwentong-bayan naglalahad ng mga tungkol sa mga anito at sa mga pagkagunaw
nga daigdig noon. Matatagpuan pa ang mga mitong ito sa mga kuwentong –bayan
ng mga pangkating etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa ganitong uri ng panitikan
ang mga naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas at Mindanao. Maaring
hindi lagging tao ang pangunahing tauhan, maaaring hayop, mga anito, mga
bayan o paniniwalaang diyos nila.

ILANG PILING MITO

Pano Naging mga Bituin Si Magbangal


(Mito ng mga Katutubong Taga-Bukidnon sa Mindanao)

Si Magabangal ang itinututring na bayani ng mga katutubo sa Bukidnon.


Magaling mangahoy si Magbangal at madalas siyang pumapasabundok upang
pumatay ng baboy-ramo na kinakain nila. Isang gabi naisip ni Magbangal na
malapit na ang panahon ng pagtatanim. Kaya sinabihan niya ang kanyang asawa
na aakyat siya kinaumagahan sa bundok nang nag-iisa upang ihanda ang taniman.
Sasama ako para hindi ka nag-iisa, wika ng asawa. Huwag na, sabi ni
Magbangal. Nais kong mapag-isa at mag isa lamang sa trabaho. Dumito ka na
lamang sa bahay.

Kinaumagahan, pinaghainan ng almusal si Magbangal ng kanyang asawa.


Ayaw kong kumain ngayon, sabi ni Magbangal. Ipaghanda mo na lamang ako ng
makakain mamayang hapon.

Umalis na si Magbangal, dala ang kanyang sampung palakol at bolo, isang


batong hasaan at kawayang panbitbit at umakyat na nga sa bundok. Pumutol siya
ng mga sanga ng puno upang may maupuan, pagkatapos inutusan ang mga bolo,
hasain ninyo ang mga sarili ninyo. Naghasa nga sa sarili ang mga bolo. Sumunod,
mga palakol naman ang inutusan niya, maghasa rin kayo sa sarili. Nang hasa na
silang lahat, binilin ni Magbangal ang kani-kanilang gawain. Kayong mga bolo,
putulin ninyo ang mga talahib at kasukalan, hawanin ang paligid ng mga puno.
Kayong mga palakol, putulin ninyo ang mga puno, ang utos ni Magbangal.
Kumilos at nagtrabaho ang mga bolo at mga palakol habang nakaupo lamang at
nagmamasid si Magbangal. Hindi nagtagal, inantok siya at nakatulog nang
mahimbing. Narinig ng asawa ni Magbangal habang siya’y naghahabi ng
patadyong sa bahay ang sunud-sunod na pagbagsak ng mga puno. Nag-iisang
umalis ang aking bana, nasasaisip ng asawa. Ngayon pa nama’y madaming
pumuputol ng mga puno. Baka kaya nakatagpo siya ng maraming kasama.
Umakyat din sa bundok ang asawa ni Magbangal upang tingnan kung sinu-sino
ang mga kasama nito. Sa kalayuan pa lamang, nakita na niyang natutulog sa isang
tabi si Magbangal, habang patuloy ang paghawan ng mga bolo sa mga talahib at
ang mga palakol nama’y patuloy sa pagpuputol ng mga puno. Lubos na namangha
ang asawa ni Magbangal nang matuklasang may mga kagamitan ang kanyang
bana na kusang nagtatrabaho nang nag-iisa. Aba! Makapangyarihan pala si
Magbangal; bulong ng asawa sa sarili. Hindi man lamang ipinaalam sa akin na
may taglay siyang hiwaga o matinding kapangyarihan. Biglang napaigtad si
Magbangal. Sinunggaban ang isang bolo at naaalimpungatan pa, tinaga at pinutol
ang sariling bisig. Saka lamang lubusang nagising si Magbangal. Naku! May
naninilip sa akin, kaya pala’y putol ang isang bisig ko. Luminga-linga si
Magbangal hanggang namataan niya ang kanyang asawa na nagkukubli sa likod
ng isang puno. Noon niyang nabatid kung bakit putol ang kanyang bisig. Kaya
nang pauwi na silang magkasama, sinabihan ni Magbangal ang asawa, ngayon,
panahon na upang ako’y pumasalangit, pupunta na ako sa langit. Mas mainam
na doon ko ihudyat sa mga tao ang simula ng panahon ng pagtatanim. Ikaw!
Dapat kang pumunta sa tubig at maging isda. Umakyat nga sa langit si
Magbangal at nagging kumpol ng mga bituin na tinatawag pang Magbangal
hanggang ngayon ng mga katutubo ng Bukidnon. At tuwing nakikita nila si
Magbangal sa langit, alam ng mga katutubo na dapat nang magtanim ng palay.

Mahalaga sa buhay ng mga taga-Bukidnon ang kumpol ng mga bituin sa


kalangitan sa mga sumusunod na kadahilanan.

1)Si Magbangal ay lumilitaw na hugis pansalok at ang tangkay ay ang bisig niya
na hindi naputol.

2)Sa gawing itaas na kanluran ang mga bituin na hugis V ay panga raw ng baboy
ramo na pinatay niya.

3)Sa maygawing kanluran, ito ay ang hugis ng bundok kung saan siya ang
nangangahoy, habang ang tatlong kumpol na bituin na humahabol sa kanya bago
sumikat ang araw ay ang kanyang palakol, kawayang panbitbit at baywak na
alaga niya. Ang paglitaw nitong ga bituin sa langit, ang hudyat sa mga-Bukidnon
na panahon nang magtanim at nagpapasalamat sila sa pagtulong ni Magbangal sa
kanila taun-taon, hanggang ngayon.
Ang Pinagmulan Nitong Daigdig
(Adeva, Victoria, 1978)

Alinsunod sa kaalamang-bayan ng mga Maranao, ang sansinukob ay


nilikha ng isang makapangyarihang nilalang. Hindi talos kung sino talaga ang
naturang makapangyarihang Maylikha; at kung ilang araw rin ang ginugol niya
sa paglikha nito.

Ang sansinukob ay nahahati sa pitung andana. Ang daigdig ay binubuo rin


ng pitong andana. Ang bawat andana ay tinitirahan ng iba’t ibang uri ng nilalang.
Ang pinakamataas na andana ang kinalalagyan natin. Ang ikalawang andana
naman ay ang tirahan ng mga duwende. Ang nasabing mga duwende ay pandak,
matataba at may mahahabang buhok. Tinatawag silang “karibang”. Ang mga
karibang ay may mahiwagang kapangyarihan. Karaniwan, hindi sila nakikita ng
mga tao. Ang ikatlong andana naman ng daigdig ay maaaring matagpuan sa pusod
ng dagat. Ang nananahanan dito ay mga nimpa. Ang naturang nimpa ay mayroon
ding kataka-takang kapangyarihan.
Matutunghayan sa kuwentong nauukol kay Raha Indarapata ang
pangingibig niya sa isang nimpang prinsesa. Nagkaanak siya naturang prinsesa.

Ang himpapawid ay binubuo rin nga pitong andana. Ang bawat andana ay
may pintuan. Gabi’t araw, binabantayan ito ng isang mahiwagang ibong
nagngangalang “garoda”. Ang ikapitong andana ng himpapawid ay ang sentro ng
langit na nahahati rin sa pitong andana. Ang naninirahan sa bawat andana ay mga
anghel. May paniniwala ang mga Maranao na hindi nangangailangan ng pagkain
ang mga ito dahil lahat sila’y may pakpak kaya sila’y maaaring lumilipad.

Ang langit na matatagpuan sa ikapitong andana ng himpapawid ay ang


lugar na maaaninag ang kaluluwa ng mababait na tao, matapos na sila’y
sumakabilang-buhay. Ang mga santo ay nakatira sa ikapitong andana
samantalang ang mga taong di-karapat-dapat sa nasabing lugar ay mananatili sa
pinakahuling andana na matatagpuan sa ilalim ng langit.

Sa langit natin matatagpuan ang “puno ng buhay”. Sa bawat dahoon ng


nasabing puno , nakasulat ang pangalan ng bawat nilalang na naninirahan sa
daigdig. Sa sandaling malanta at malagas ang dahoon ng taong may pangalan,
papanaw na rin siya sa daigdig.

Ang kaluluwa ng bawat tao ay matatagpuan sa nakatakip na bangang


nakaimbak sa isang bahagi ng langit. Mahigpit na mahigpit ang pagkakapinid ng
banga. Ang nasabing partikular na bahagi ay binabantayan ng isang halimaw na
may sanlibong mata at walong balahibung ulo. Walo ang pangalan ng nasabing
halimaw.
Matutunghayan sa epiko ng Darangan ang tungkol sa pagpasok ni Madale
sa nasabing partikular na bahagi ng langit at binawi ang kaluluwa ng kanyang
kapatid na si Bantugan.

You might also like