Professional Documents
Culture Documents
Alibata o Baybayin ang unang alpabeto nating mga Pilipino. Binubuo ito ng tatlong ( 3 )
patinig at labing-apat ( 14 ) na katinig.
Naging sulatan nila ang mga sariwang kawayan, palapa ng niyog, at dahon ng saging sa
tulong ng matalim na bagay.
Ang mga ninuno nating mga indones ay nagdala sa ating bansa ng kanilang mga salita,
epiko, alamat, at mga tula. Gayon din ang mga intsik, bumbay, arabo, persyano, kambodyan, at
Malaya.
Dahil sa hindi nasakop ng Kastila ang Mindanao, dito naimbak ang katutubong panitikan.
Marami rin tayong panitikang pasalin-salin sa bibig ng bawat salinhali. Mayroon tayong alamat,
mito, epiko, tula, tugma, awit, dula, at iba pa.
Ayon kay Lascasas ( 1943 ), ang mga kastila ay maraming nakuhang manuskrito o akda
na itinuring nilang pawang gawa ng mga dyablo. Ang mga akdang ito ay sinunog ng mga kastila
upang malimutan ng mga Pilipino ang katutubong pananampalataya sapagkat ang layunin ng
mga kastila sa pagsakop sa pilipinas ay mapalaganap ang pananampalatayang kristiyano.
Hindi nalipol ng palatandaan ng ating katutubong panitikan kahit na sinunog ito ng mga
misyonerong kastila. Ayon kay dr. alejandro ( 1949 ), ang nalabing matandang panitikang
filipino ay nahahati sa tatlong uri: ang mga kwentong-bayan, mga karunungang-bayan, at mga
awiting-bayan.
Narito ang iba pang pagpapatunay na ang pilipinas ay may panitikan na noong dinatnan
ng mga Kastila:
2
KAPANAHUNAN NG ALAMAT
Ang alamat o legend at folklore sa wikang Ingles ay isang uri ng panitikan na naglalaman
ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Kung minsan nagsasalaysay ito
ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook. Tumatalakay din ito sa mga katutubong
kultura, kaugalian o kapaligiran. Ito ay kadalasang mga kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa
ating mga ninuno. ( https://pinoycollection.com/alamat/ )
Katulad ng Maikling Kwento at mga Pabula, ang mga alamat ay kinapupulutan din ng
aral na sumasalamin sa kultura ng isang bayang pinagmulan.
1. Tauhan- Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng
bawat isa.
2. Tagpuan- Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente,
gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.
3. Saglit na kasiglahan- Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
4. Tunggalian- Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran
ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay
sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
5. Kasukdulan- Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban
6. Kakalasan- Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento
mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
7. Katapusan- Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring
masaya o malungkot, pagkatalo o Pagkapanalo
1. Simula- sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang mga
gumaganap sa kwento at ano ang papel na kanilang ginagampanan. Maging ang tagpuan
o lugar at panahon ng pinangyayarihan ng insidente ay inilalarawan din sa simula.
2. Gitna- kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kwento.
Ang saglit na kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. Ang
tunggalian ay nagsasaad ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan.
Samantalang ang kasukdulan ay ang bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang
tauhan.
3. Wakas- kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento.
3
Ang Alamat ng Lansones Mindanao)
Ang Alamat ng Makahiya Ang Alamat ng Sampalok
Ang Alamat ng Makopa Ang Alamat ng Bigas
Ang Alamat ng Sampung Datu
KAPANAHUNAN NG MITO
Nagsimula sa pali-palibot ng mga taong 1300 A.D. at nagtatapos sa panahon ng
pananakop ni Legazpi noong taong 1565.
Ang mito ay kuwentong piksyon tungkol sa buhay at karanasan ng mga diyos at diyosa.
Ito ay tumutukoy din sa mga kwentong hindi totoo na bunga lamang ng maikling kaisipan at mga
imahinasyon ng mga manunulat. Ngunit ang ilan dito ay pinaniniwalaan ng iba at sinasabing
totoo nga itong nangyari .Kung minsan ang mga kwentong Mito ay naisasalin sa mga pelikula o
mga palabas .
Ang kwentong mitolohiya ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang madalas
na tinatalakay ng mga kwento ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.
May kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daidig ay ang mga Ifugao; bahagi ito ng
kanilang epiko. Inilarawan sa kanilang epikong “ Alim” kung paano nagunaw ang daigdig. Ayon
sa epiko nagkaroon ng malaking pagbaha sa mundo at ang tanging nakaligtas ay ang magkapatid
4
na sina Bugan (babae) at Wigan (lalaki). Sa kanila nagmula ang bagong henerasyon ng mga tao
sa mundo.
Ang pinakamainam na halimbawa ay ang Griyego, na kung saan ang kanilang mitolohiya
ay kitang-kita sa kanilang literature, kultura, arkitektura at porma ng sining.
Ang mga sinaunang tao ay nagpatayo ng mga monumento, estatwa, gusali at mga
larawan para sa tinitingala nilang mga diyos at diyosa. Noon rin ay nagsasagawa sila ng mga
ritwal para sa mga diyos at diyosa na pinaniniwalaan ng mga tao upang maitaboy ang mga
masasamang elemento at ispirito at humingi ng gabay sa kanilang pagdedesisyon.
Mitolohiya Ngayon
Bukod riyan ay malaking tulong ito sa pag-intindi ng kasaysayan ng isang pook, rehiyon
o bansa, dahil nga, sa isinasalamin nito ang kabuhayan noong panahong ito ay ginawa.
Ito rin ay madalas na gamiting basehan sa mga pelikula at kung ano-ano pang palabas,
tulad na lamang ng mga sumusunod:
Maraming mga bansa ang mayroong sari-sariling mitolohiya. Mayroon silang kani-
kanilang bersyon ng diyos at diyosa, diwatas, engkanto at iba pa.
Mitolohiyang Pilipino
Dahil ang ating bansa ay binubuo ng napakaraming mga isla, nagkaroon ng maraming
bersyon din ang mga mito.
5
Mga Halimbawa ng kwentong Mito
Gamit ng Mitolohiya
1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan
3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
4. Magturo ng mabuting aral
5. Maipaliwanag ang kasaysayan
6. Maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot at pag- asa ng sangkatauhan.
ANG EPIKO
Higit nating makikilala ang ating pagka-Pilipino sa ating mga epiko. Nasasalamin natin
dito ang maraming pangarap ng lahing kayumanggi.
Mga Epiko ng Pilipinas: Biag ni Lam-ang, Hudhud at Alim, Ullalim, Ibalon, Maragtas,
Hinilawod, Agyu, Darangan, Tulalang.
Mga Epiko sa Ibang Bansa: Iliad at Odyssey (Gresya), Siegried (Alemanya), Kalevala
(Finland), Ramayana (India), Kasaysayan ni Rolando (Pransiya), Beowulf (Inglatera), El Cid
(Espanya), Sundiata (Mali), Epiko ni Haring Gesar (Tibet).
6
Tinatawag na “macro-epic” yaong mga epiko na napakahaba na kinakailangan ang higit
sa mga isang daang araw para ikuwento. Napakaloob sa macroepic ang mga micro-epic /
microepic na puwedeng ihiwalay at ituring na mga indibidwal na kuwento.
Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Ang mga
ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi
maikukumpara sa mga Kanluraning epiko.
Katangian ng Epiko
Epiko ng Ipugaw/Ifugao
7
bahagi ng tulang ito na hanggang ngayon ay inaawit pa ng mga Ipugaw sa mga kasalanan
at ibang pagdiriwang.
Epiko ng Tagalog
Epiko ng Iloko
Biag ni Lam-ang- ito ay akda ni Pedro Bukaneg tungkol sa isang bayani at ang kanyang
matapat na mga alaga, isang puting tandang manok, at isang aso.
Epiko ng Bikol
Ibalon- ito ay tungkol sa bayaning si baltog, ang unang nakarating sa Bikol mula sa kaharian ng
Samar. Kasama ng ama, tinuruan nila ang mga mamamayan ng wastong pamumuhay at mga
industriya. Itinuro rin nila ang mahusay na pagpapasunuran ng panginoon at alipin.
KODIGO ni KALANTIYAW
Ang Kodigo ni Maragtas, Kodigo ni Kalantiao, at Prinsesa Urduja ay ilan lang sa mga
bagay na pinwiwinalaan pa rin hanggang ngayon. Ano nga ba talaga ang mga ito? May
8
katotohan ba talaga ang mga iyan? ( http://kaspilchops.blogspot.com/2008/08/kodigo-ni-
maragtas-kodigo-ni-kalantiao.html )
Sinasabi sa Kodigo ni Maragtas ay may sampung datung Borneo ang umalis sa kanilang
bansa at napadpad sa Panay. Binili ng mga Borneong datu, isa na dito si Datu Puti, ang tabing-
dagat sa mga Aeta sa pamamagitan ng gintong salakot at arinola at binigyan pa ang asawa ng
Datu ng mga Aeta isang mahabang kwintas.
Ang Kodigo ni Maragtas ay nanggaling kay Pedro Monte Claro na binigay daw sa kanya
ang Kodigo ni Maragtas. Ang argumento sa Kodigo ni Maragtas ay hindi na ito mabasa dahil
halos nabubura na ang mga nakasulat dito. Base din ito sa isang lumang kwento mula sa Panay.
May mga salitang ginamit dito na nagkaroon lang noong dumating ang mga Kastila tulad ng
maize at piña. Kaya naman ang Kodigo ni Maragtas ay ikinukonsiderang pekeng dokyumento
lamang.
Hindi kapani-paniwala ang Kodigo ni Kalantiao dahil, una, ang Pilipino ay hindi ganoon
karahas. Ang karaniwang parusa noong panahon bago dumating ang mga banyaga ay ang pag-
aalipin o pagpapataw ng utang. Sunod, mahirap ito intindihin dahil na rin ito ay kakaibang
paraan ng pagpaparusa. Ang Kalantiao Code ay hindi totoong dokyumento.
Hindi totoo sina Datu puti at ang iba pang Borneong datu. Ang Kodigo din ni Kalantiao
at mararahas niyang parusa ay hindi na rin kapani-paniwala. Si Prinsesa Urduja na tinitingnan na
bayani ng ilan ay ngayon alamat na lang. Ang katotohanan ay hindi sila totoo.
Artikulo I
Huwag papatay, huwag magnakaw, huwag sasaktan ang mga matatanda, hindi malayo
ang kamatayan. Sinumang sumuway sa kautusang ito ay papatayin sa pamamagitan ng paglunod
sa ilog o kaya’y sa kumukulong tubig.
9
Artikulo II
Sumunod: bayaran ang mga pagkakautang sa mga nakaatas o nakalaang oras. Ang
sinumang hindi sumunod sa unang pagkakataon ay makatatanggap ng isandaang hampas. Kung
ang pagkakautang ay malaki, siya ay parurusahan sa pamamagitan ng paglagay ng kamay sa
kumukulong tubig nang tatlong ulit.
Artikulo III
Sumunod: huwag hahayaang magkaroon ng asawang napakabata o kaya ay hindi mo
mabubuhay o kaya ay bigyan mo ng sobrang kahalayan.
Sinumang hindi gumawa, sumunod at tumingin sa kautusang ito ay palalanguyin nang
tatlong oras sa unang pagkakamali at sa pangalawa ay hahampasin ng mga tinik hanggang
mamatay, ang pangatlo ay gayon din.
Artikulo IV
Sumunod: huwag mag-iingay sa libingan. Kung dumaraan sa kuweba at mga puno kung
saan naroon ang mga Diwata, magbigay-galang. Sinumang sumuway sa kautusang ito ay
papatayin ng mga kagat ng langgam o kaya’y hahampasin ng mga tinik hanggang mamatay
Artikulo V
Sumunod: sinumang makipagpalit ng pagkain, bayan siya ayon sa kanyang salita.
Sinumang sumuway ay paparusahan ng isang oras at kung ito’y umulit, siya’y ipakakagat sa
langgam nang isang araw
Artikulo VI
Bigyang-galang ang mga puno at mga iba pa. sinumang sumuway ay magbabayad ng
isang buwang trabaho
Artikulo VII
Papatayin: sinumang magpatay ng puno na magandang tubo; sinumang magpana tuwing
gabi sa matandang lalaki o babae; sinumang pumasok sa tahanan ng mga nakatataas nang walang
pahintulot; sinumang pumatay ng pating.
Artikulo VIII
Pagiging alipin sa kaunting panahon ang kaparusahan; Sinumang umaga sa asawa ng mga
nakatataas; sinumang magsunog ng bukiron ng iba.
Artikulo IX
Lahat ay parurusahan nang dalawang araw; sinumang kumanta sa gabi; pumatay ng ibong
Manaul; punitin ang mga dokumento ng mga nakatataas; mga hindi nagsasabi ng totoo o kaya’y
pagtawanan ang patay.
Artikulo X
Dapat maging obligasyon; turuan ng ina ang anak na babae ng lahat tungkol a kabuhayan;
ihanda sa pagdadalaga, huwag bayaang masama ang lalaki sa anak na babae o kaya ay parusahan
ito kung mahuling pumatay. Sinumang sumuway sa kautusang ito ay dudurugin ang katawan o
kaya ay itatapon sa kuweba.
Artikulo XI
Susunugin: sinumang gumamit ng lakas upang makatakas sa kaparusahan; sinumang
pumatay ng batang lalaki o kaya ay umagaw ng asawa ng taong-bundok.
Artikulo XII
Lulunurin: sinumang humadlang sa mga nakatataas o sa kanyang pinagsisilbihan,
sinumang umabuso sa kahalayan, sinumang magnakaw na nakatakas gaano mang kaliit ang
nakuha.
10
Artikulo XIII
Sila ay gagawing alila habambuhay. Sinumang may magandang anak na ipagkaila sa
nakatataas at itago sa mga ito.
Artikulo XIV
Parurusahan: sinumang kumain ng sirang karne ng hayop na binibigyang-galang
sinumang pumatay o manakit sa maliliit na Manaul o ang puting unggoy.
ArtikuloXV
Puputulin ang mga daliri, sinumang sumira sa templo, sinumang sumira ng mga gamit sa
pagpatay ng baboy o sinumang sumira ng inuman ng baboy.
Artikulo XVI
Papatayin ang sinumang hindi magbigay-galang kung saan naroon ang mga diwata at
libingan ng mga nakatataas. Sinumang sumuway ay susunugin.
Artikulo XVII
Sinumang kumilos o di-sumunod sa mga kautusang ito, kung sila ay mga nakatataas, sila
ay papatayin, kung sila ay mga taong-bundok, sila ay itatapon sa karagatan upang kainin ng mga
pating.
Artikulo XVIII
Ipakakagat sa langgam ng kalahating araw; sinumang pumatay ng pusang itim sa
panahon ng bagong buwan; sinumang magnanakaw kahit na hindi mahalaga sa kanilang hari at
nakatataas.
1. Bawal pumatay, bawal magnakaw, bawal manakit ng matatanda. Ang hindi makasusunod
ay itatali sa bato at lulunurin sa ilog o sa kumukulong tubig.
2. Kailangan magbayad ng utang sa tamang oras. Ang hindi makasusunod sa unang
pagkakataon ay lalatiguhin ng isang daang beses. At kung ang pagkakautang ay malaki,
ilulublob ang kanyang kamay sa kumukulong tubig ng tatlong beses. At kung hindi talaga
makababayad ay bubugbugin hanggang sa mamatay.
3. Walang sinuman ang maaaring magkaroon ng asawang napakabata. Hindi rin dapat mag-
asawang higit sa kayang tustusan. Ang lalabag sa unang pagkakataon ay kailangan
lumangoy ng tatlong oras at sa ikalawa, lalatiguhin ng may tinik hanggang mamatay.
4. Bawal gambalain ang katahimikan ng mga namatay. Dapat silang igalang habang
dumadaan sa kuweba o puno kung nasaan sila. Ang hindi makakasusunod ay ipapakagat
sa langgam o lalatiguhin ng may tinik hanggang mamatay.
5. Ang pagpapalitan ng pagkain dapat ay patas at matapat. Ang hindi tumupad ay
lalatiguhin ng isang oras. Ang umulit sa di pagtupad ay ipapakagat sa langgam sa loob ng
isang araw.
6. Dapat sambahin ang kagalang-galang na lugar at ang mga puno. Ang hindi makasusunod
sa unang pagkakataon ay magbabayad ng ginto katumbas ng isang buwang pagtatrabaho
at sa ikalawa ay ituturing na siyang alipin.
7. Ang puputol sa puno na dapat igalang, ang papatay sa matatanda, ang papasok sa bahay
ng pinuno ng walang permiso, at ang papatay sa isda, pating at buwaya ay dapat
mamatay.
8. Ang may-ari ng aso na kakagat sa pinuno, ang susunog sa araruhan ng iba, at ang
magnanakaw sa babae ng pinuno ay magiging alipin sa loob ng ilang panahon.
9. Ang mga kumakanta habang nagtratrabaho sa gabi, ang pumatay sa ibong manaul, ang
pumunit ng dokumento ng pinuno, mga sinungaling at ang mga naglalaro ng patay ay
dapat mamatay.
11
KARUNUNGANG-BAYAN O KAALAMANG-BAYAN
Ang ating mga katutubong tradisyon at kultura ay patuloy pa ring lumalagan hanggang sa
kasalukuyan. Kahit nasa modernong panahon na tayo, hindi pa rin nawawala ang mga
karunungang-bayan na nakasandig na sa ating kultura at tradisyon na naging pasalin-salin na sa
iba’t ibang henerasyon.
(file:///C:/Users/admin/Downloads/FILIPINO_Baitang_8_Yunit_1_Mga_Karununga.pdf )
Ang karunungan bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang
maipahayag ang mga kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng bawat tribo.
3. KASABIHAN- ang mga kasabihan noong unang panahon ay yaong ipinalalagay na mga
sabihin ng mga bata at matatanda na katumbas ng mga tinatawag na Mother Goose
Rhyme. Ang kasabihan ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng
isang tao.
Halimbawa:
a. Putak, putak b. Tiririt ng ibon,
Batang duwag Tiririt ng maya
Matapang ka’t Kaya lingon nang lingon
Nasa pugad Hanap ay asawa
12
Halimbawa:
a. Bungbong kung liwanag, kung gabi ay dagat.
b. Dalawang katawan, tagusan ang tadyang.
5. PALAISIPAN- ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao
upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin. Ito ay nangangahulugan lamang na
ang mga sinaunag Pilipino ay sana’y mag-isip at kanilang ipinamana ito sa kanilang mga
inapo.
Halimbawa:
a. Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si Mang Juan. Lumundag ang isa.
Ilan ang natira?
b. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang di man
lang nagalaw ang sombrero
6. BULONG- ang bulong ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit
na pangkulam o pangontra sa kulam, engkanto, at masasamang espiritu.
Halimbawa:
a. Huwag magagalit, kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag-uutusan.
AWITING-BAYAN
Ang mga awiting bayan ay mga sinaunang awit ng mga Pilipino na inaawit at
tinatangkilik pa rin maging sa kasalukuyan. Ang mga awiting bayan ay kadalasang nasa anyong
patula at binubuo ng labing-dalawang pantig sa bawat taludtod. Marami sa mga awiting bayan ay
tumatalakay sa pang araw – araw na buhay, kabuhayan, karanasan, kaugalian, damdamin, at
relihiyon. ( https://brainly.ph/question/907539 )
1. BALITAW- Ang balítaw ay isang tradisyon ng mga Cebuano. Ito ay pinaghalong awit,
sayaw, at sagutan sa pagitan ng isang babae at lalaki. Ito ay isang tagisan ng husay sa
musika at katwiran. Ang debate ay karaniwang tumatalakay sa paksa ng pag-ibig. Ang
isang halimbawa nito ay ang Inday, Inday sa Balitaw na nagmula sa katagalugan
3. KUNDIMAN- Ang kundiman ay awiting bayan na tumatalakay sa pag – ibig. Ito ang
ginagamit ng mga kalalakihan upang suyuin ang kanilang nililiyag na mga kababaihan sa
pamamagitan ng paghaharana. Ang halimbawang kundiman ay Manang Biday ng mga
Ilokano.
4. KUTANG-KUTANG- Ang kutang – kutang ay isang uri ng awit sa lansangan. Ang isang
halimbawa nito ay Paru – Parong Bukid.
5. DALIT O IMNO- Ang dalit o imno ay awiting bayan na inaawit upang magbigay papuri,
luwalhati, kaligayahan, o pasasalamat. Ang halimbawa nito ay ang himno ng San
Francisco ng Mabini Batangas.
13
6. DIONA- Ang diona ay awiting bayan para sa mga ikinakasal. Ang halimbawa nito ay ang
diona na isinulat ni Raymund Pambid ukol sa pamilya na siyang nagwagi ng unang
pwesto sa patimpalak na isinagawa ng University of the Philippines.
12. TALINDAW- Ang talindaw ay awiting bayan ukol sa pamamangka o pagsagwan. Ang
halimbawa nito ay Sagwan, tayo'y sumagwan, Ang buong kaya'y ibigay. Malakas ang
hangin, Baka tayo'y tangayin, Pagsagwa'y pagbutihin.
13. TIGPASIN- Ang tigpasin ay awiting bayan ukol sa paggaod. Ang halimbawa nito ay
Sitsiritsit.
KWENTONG-BAYAN
Ang mga kwentong-bayan, katulad ng mga alamat, ay mga salaysay ng ating mga ninuno
na nagpasalin-salin at kadalasan hindi na kilala ang orihinal na may akda. Ito ay nagpapalipat-
lipat sa bibig ng mga tao kung kaya’t may iba’t-ibang bersyon na ito sa paglipas ng panahon. (
https://pinoycollection.com/tag/kwentong-bayan/ )
14
Iilan sa mga kuwentong-bayan ang nagmula pa sa panahon ng mga ninuno nating Aeta o
mga Negrito. Halos magkakapareho na lang din naman ang karamihan sa ating mga kuwentong
bayan at nagkakaiba-iba na lamang sa mga tagpuan, tauhan, at sa ilang mayoryang kaganapan.
Ito ay dahil sa pagpapasalin-salin ng kuwento na may kinalaman sa pagsalindila ng mga ito sa
iba't ibang lugar at henerasyon. Nababago ang ilang mga bahagi ng kwento pero hindi ang
gintong aral ng mga ito
1. Alamat- Ito ay ang mga kuwentong tungkol sa pinagmulan ng isang bagay, pook, hayop,
o pangyayari. Marami sa mga alamat ay talagang nagmula pa sa mga kathang-isip ng
ating mga ninuno at / o katutubo.
2. Mito- Pwede ring mga mitolohiya. Tingnan ang mga link na ito para sa dagdag kaalaman:
3. Pabula- Ang mga pabula ay mga makabuluhang kuwento na ang mga karaniwang
nagtatampok sa kuwento ay ang mga hayop bilang mga tauhan.
4. Parabula- Ito ay uri ng panitikang maikling kuwento na, taliwas sa mga pabula, ang
karaniwang gumaganap ay mga tao at hindi mga hayop.
Nadatnan ng mga Kastila na ang mga Pilipino ay may dulang itinatanghal sa lilim ng puno. Ang
mga dulang patula ay sinasamahan ng awit at sayaw kung itanghal. Ang Wayang Purwa ng
Bisaya ay kasaysayan ng pakikipagsapalaran ng isang sultan. Ang mga Muslim ay mayroon ding
dula na kung tawagin ay Bayok, Embayoka, at Sayatan. Ito ang isang pagtatalong patula tulad ng
Balagtasan. Ang Tibaw ng mga Tagalog ay tungkol sa panliligaw at pamamanhikan.
1. Yugto- ito ang bahaging ipinanghahati sa dula. Inilalahad ang pangmukhang tabing upang
magkaroon ng panahong makapamahinga ang mga nagsisiganap gayundin ang mga
manonood.
2. Tanghal- ito ay ipinanghahati sa yugto kung kailangang baguhin ang ayos ng tanghalan.
3. Tagpo- ito ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula. Walang
tunay na dula sa Pilipinas bago dumating ang mga Kastila ngunit may mga dulang
ginaganap na noong panahong yaon. Ang anumang pagdiriwang ay hindi ganap na
makulay kung walang tugtog, sayaw, at tula.
15