You are on page 1of 2

Tasaday, prehistorikong grupo

Isa sa mga dokumentaryong pumukaw ng aking pansin sa dokyufest na napanood ko ay


iyong nagkukwento tungkol sa mga Tasaday. Tunay na kahanga-hanga ang kakayahan at
katapangan ni Kara David, isang batikang mamamahayag ng GMA 7.

Taong 1971 nang maipakilala ni Manuel Elizalde, ang nagtatag ng kilusang PANAMIN,
ang 26 'lihim' na taong gubat sa Timog Cotabato bilang mga Tasaday. Isang grupo ng mga tao
na nakatira sa kweba, primitibo, nakabahag at walang muwang sa modernong sibilisasyon. Suot
ang mga dahon bilang damit at mga kagamitang gawa sa bato at kahoy, idineklara sila ng
international media bilang isa sa pinakamahalagang anthropological discovery ng panahong
iyon. Ngunit nang mapatalsik sa puwesto ang dating Pangulong Marcos, ay nagkaroon ng
pagkakataon ang isang dayuhang mananaliksik na balikan ang mga Tasaday at sinabing
namumuhay na ang mga ito nang pangkaraniwang taga-barrio. Sunud-sunod ang balitang peke
umano ang mga Tasaday, diumano'y mga magsasaka lamang na pinagsuot ng bahag para
magkapangalan ang ating bansa, para umusbong ang rehimeng Marcos o mapagtakpan ang mga
katiwalian sa pamahalaan kung meron man. Dahil dito, kinutya at tinawag na sinungaling ang
mga Tasaday. Sa isang pagtingin, maituturing na biktima ang mga Tasaday ng kagahaman ng
iba sa kasikatan at kapangyarihan.

Sa pagkamusta ni Kara David sa tribo ng mga Tasaday dalawampung taon matapos


sumambulat ang kontrobersiya ay tinanong niya ang mga ito tungkol sa kanilang pagkatao.
Maraming teoryang naglabasan tungkol sa mga Tasaday mula sa iba't ibang mga
anthropolohista.

Walang alam ang nasabing tribo sa pagtatanim at pamamahay. Wala nga rin silang tawag
sa mga pagkaing inaani sa bukid, maging sa kubo o sa iba't ibang parte nito. Nakatira sila sa
kuweba dahil wala rin silang nalalaman tungkol sa pagtatayo nito. Subalit hindi raw sila mga
taong bato noong unang panahon. Nahiwalay lang sila sa karamihan upang takasan ang
nakasisindak na sakit na kumitil sa karamihan sa kanila. Natakasan nga nila ang sakit ngunit
napag-iwanan naman ng panahon. Ayon sa pag-aaral ng mga dalubwika, ang mga wikang
Tasaday at Blit, ang kalapit-pangkat na ilang kilometro lamang ang layo ay mga dayalekto ng
Manobo. Matatandaang nababanggit ang grupo ng mga Manobo na ayon sa Tasaday na
nakausap ni Kara David ay napangasawa ng kanyang mga anak kaya't iniwan nila ang kwebang
dating tinitirhan.

Matagal nang panahon na napatunayan ng mga siyentista pati ng Batasang Kongreso ng


ating bansa na namuhay nga ang mga Tasaday tulad ng mga tao sa Tabon noong unang
panahon. Ito ang nagsilbing daan para suriin pa ng mga eksperto ang mga Tasaday upang
maliwanagan ang lahat kung paano namuhay ang mga sinaunang tao sa Pilipinas at upang
maiugnay ang mga pagkakahawig ng gawi at anyo ng mga prehistorikong grupo sa iba pang
panig ng Timog Silangang Asya. Kung tutuusin pa nga may posibilidad na sa bansa natin
nagmula ang “Inang Wika” ng mga proto-Austronesia na kumalat sa kalahati ng daigdig noong
nakaraang 4,000 - 3,000 taon.
Source:
www.tasaday.com

cutecat_nin28@rocketmail.com

You might also like