You are on page 1of 2

● Impormatibo - Taong 1971 nang maipakilala ni Manuel Elizalde, ang nagtatag ng

kilusang PANAMIN, ang 26 'lihim' na taong gubat sa Timog Cotabato bilang mga
Tasaday.

● Deskriptibo - Isang grupo ng mga tao na nakatira sa kweba, primitibo, nakabahag


at walang muwang sa modernong sibilisasyon. Suot ang mga dahon bilang damit at
mga kagamitang gawa sa bato at kahoy, idineklara sila ng international media bilang
isa sa pinakamahalagang anthropological discovery ng panahong iyon.

● Argumentatibo - Ngunit nang mapatalsik sa puwesto ang dating Pangulong Marcos,


ay nagkaroon ng pagkakataon ang isang dayuhang mananaliksik na balikan ang mga
Tasaday at sinabing namumuhay na ang mga ito nang pangkaraniwang taga-barrio.

● Argumentatibo - Sunud-sunod ang balitang peke umano ang mga Tasaday,


diumano'y mga magsasaka lamang na pinagsuot ng bahag para magkapangalan ang
ating bansa, para umusbong ang rehimeng Marcos o mapagtakpan ang mga
katiwalian sa pamahalaan kung meron man.

● Argumentatibo - Dahil dito, kinutya at tinawag na sinungaling ang mga Tasaday.

● Argumentatibo - Sa isang pagtingin, maituturing na biktima ang mga Tasaday ng


kagahaman ng iba sa kasikatan at kapangyarihan.

● Impormatibo - Sa pagkamusta ni Kara David sa tribo ng mga Tasaday dalawampung


taon matapos sumambulat ang kontrobersiya ay tinanong niya ang mga ito tungkol
sa kanilang pagkatao.

● Impormatibo - Maraming teoryang naglabasan tungkol sa mga Tasaday mula sa iba't


ibang mga anthropolohista.

● Deskriptibo - Walang alam ang nasabing tribo sa pagtatanim at pamamahay. Wala


nga rin silang tawag sa mga pagkaing inaani sa bukid, maging sa kubo o sa iba't
ibang parte nito. Nakatira sila sa kuweba dahil wala rin silang nalalaman tungkol sa
pagtatayo nito.

● Deskriptibo - Subalit hindi raw sila mga taong bato noong unang panahon.
Nahiwalay lang sila sa karamihan upang takasan ang nakasisindak na sakit na
kumitil sa karamihan sa kanila. Natakasan nga nila ang sakit ngunit napag-iwanan
naman ng panahon.

● Impormatibo - Ayon sa pag-aaral ng mga dalubwika, ang mga wikang Tasaday at


Blit, ang kalapit-pangkat na ilang kilometro lamang ang layo ay mga dayalekto ng
Manobo. Matatandaang nababanggit ang grupo ng mga Manobo na ayon sa Tasaday
na nakausap ni Kara David ay napangasawa ng kanyang mga anak kaya't iniwan
nila ang kwebang dating tinitirhan.

● Impormatibo - Matagal nang panahon na napatunayan ng mga siyentista pati ng


Batasang Kongreso ng ating bansa na namuhay nga ang mga Tasaday tulad ng mga
tao sa Tabon noong unang panahon. Ito ang nagsilbing daan para suriin pa ng mga
eksperto ang mga Tasaday upang maliwanagan ang lahat kung paano namuhay ang
mga sinaunang tao sa Pilipinas at upang maiugnay ang mga pagkakahawig ng gawi
at anyo ng mga prehistorikong grupo sa iba pang panig ng Timog Silangang Asya.
Kung tutuusin pa nga may posibilidad na sa bansa natin nagmula ang “Inang Wika”
ng mga proto-Austronesia na kumalat sa kalahati ng daigdig noong nakaraang 4,000
- 3,000 taon.

You might also like