You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Ika- Anim na Baitang

I. Layunin
Sa pagtapos ng aralin ang mga mag aaral ay inaasahang:
A. Nakilala si Dr. Jose Rizal at ang kanyang dalawang nobela
B. Nagbibigay ng pagmamahal sa ating Pilipino
C. Nakakasulat at nakakaguhit ng pagmamahal sa ating bayani

II. Paksang Aralin


Paksa:
Sanggunian: Kayamanan 6 binagong edisyon pahina. 38
Mga kagamitan: Visual aid at larawan

III. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng mag aaral


 Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin

Jonalyn, maari ka bang tumayo dito sa harapan Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito
upang pangunahan ang panalangin. ipinagkaloob niyo sa amin nawa’y gabayan mo
po kami sa mga gawain na aming gagawin sa
araw-araw na ito. Sana po gabayan niyo rin ang
aming guro na siyang magtuturo sa amin. Amen.

 Pagbati Magandang umaga din po aming guro.


Magandang umaga sa inyong lahat

 Pagsasaayos ng silid-aralan
Pagtetsek ng liban at hindi liban

Bago kayo umupo ay pakipulot muna ang


mga kalat sa ilalim ng inyong upuan at
pagkatapos ay maari na kayong umupo. Maraming salamat po.

Mayroon bang lumiban sa klase ngayong araw?


Wala po aming guro.
Mabuti kung gayo’y natitiyak kong mas magiging
maganda at masaya ang ating talakayan ngayong
araw.

 Pagbabalik- Aral

Kahapon ay tinalakay natin ang tungkol sa mga


pahayagan para sa reporma, tama ba?
Opo.

Kung gayon magbigay ng dalawang layunin ng La


Solidaridad.
Titser ang iparating sa mga kinauukulan ang mga
katiwaliang nagaganap sa Pilipinas at Ipaglaban
Tama! Mahusay! ang katarungan at kaunlaran.

Magaling! mga bata talaga ngang naunawaan niyo


na an gating tinalakay noong nakaraang araw.
 Pagganyak
Magkakanta ang mga bata at guro na may
kinalaman kay Jose Rizal

Mga bata gusto niyo bang kumanta?


Opo titser.
Maari niyo ba akong sabayan sa pagkanta ng ako’y
isang pinoy? Opo titser

Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa, Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa,
Pinoy na isinilang sa ating bansa. Pinoy na isinilang sa ating bansa.
Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga. Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga.
Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika.
Wikang pambansa ang gamit kong salita Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan, Bayan kong sinilangan,
hangad kong lagi ang kalayaan hangad kong lagi ang kalayaan

Si Gat Jose Rizal noo’y nagwika Si Gat Jose Rizal noo’y nagwika
Siya ay nagpangaral sa ating bansa Siya ay nagpangaral sa ating bansa
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
ay higit pa ang amoy sa mabahong isda ay higit pa ang amoy sa mabahong isda

Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa, Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa,
Pinoy na isinilang sa ating bansa. Pinoy na isinilang sa ating bansa.
Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga. Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga.
Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika.

Wikang pambansa ang gamit kong salita Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan, Bayan kong sinilangan,
hangad kong lagi ang kalayaan hangad kong lagi ang kalayaan

Opo.
Mga bata base sa ating kinanta may napapansin ba
kayo?
Pagiging pinoy po sa ating bansa.
Anu ang iyong napansin jonalyn sa ating kinanta?

Mahusay!
Titser tungkol po pagiging bayani po ni Dr. Jose
Anu pa mga bata? rizal.

Magaling!

Alam niyo na ba ang ating pag aaralan ngayon? Titser si Dr. Jose Rizal.

Tama! Magaling!

Ang pag aaralan natin ngayon ay patungkol kay Dr.


Jose Rizal.

B. Paglinang ng Gawain
 Paglalahad
Mga bata Maari niyo bang basahin ang nakasulat:

Dr. Jose Rizal


Hindi Matanggap ni Rizal ang mga katiwalian ng
pamahalaang Espanyol sa Pilipinas kaya sumulat
siya upang magising ang damdamin ng kanyang
mg kababayan. Sinulat niya ang “Noli Me
Tangere” at “El Filibusterismo” . ang Noli Me
Tangere ay nobelang nagpapahayag ng
pagmamalabis, pagmamalupit at pagkaganid ng
mga pinuno at prayleng Espanyol sa mga
katutubong Pilipino. Pinuna niya ang mga
masasama at maling gawain ng mga Espanyol
pati na rin ang paniniwala ng mga Pilipino sa
mga pamahiin at kawalan ng pagsisikap.

El Filibusterismo ay inilahad ang nalalapit na


rebolusyon sa bansa. Nakalahad din dito ang hindi
pagsang-ayon ni Rizal sa paggamit ng dahas upang
makamit ang mga repormang hinihiling para
mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

Ang pagbabasa ng dalawang nobela ni Rizal ay


mahigpit na ipinagbabawal ng mga Espanyol.
Palihim itong binasa ng maraming at nakagising
nsa kanilang damdaming makabayan.

Mga bata base sa inyong binasa anu ang dalawang


nobela na naisulat ni Dr. Jose Rizal?
Noli Me Tangere at El Filibusterismo po.

Mahusay! Talagang naunawaan niyo ang inyong


binasa.

Ang La Liga Filipina

Itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892 ang La Liga


Filipina sa Ilaya upang maging daaan sa
pagkakaisa ng mga Pilipino.

Ang sawikain o motto ng Liga ay “Unus instar


omnium” o “tulad ng lahat.” Ang lahat ng
Pilipinong may malasakit at pagmamahal sa bayan
ay maaring kasapi sa kilusang ito.

Mga bata maari niyo bang basahin ang mga layunin


ng La LIga Filipina.

 Pagbubuklod ng buong kapuluan ng


pilipinas upang magkaroon ng
pagkakaisa
 Proteksiyon para sa lahat kung
kinakailangan
Nang manghinala ang mga Espanyol na ang Liga  Pagtatanggol laban sa mga kalupitan at
ay isang kilusang pang rebolusyon, dinakip nila si kawalan ng katarungan
rizal at ikinulong sa Fort Santiago. Ipinatapon siya
sa dapitan noong 1892.  Pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura
at komersiya
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Rizal ng mga
Espanyol sa Bagumbayan ( Luneta). Ito ay lalong
nagpasiklab sa damdaming makabayan ng mga
Pilipino. Ang pakikipaglaban ay ipinagpatuloy ng
mga katipunero dahil naniwala silang magkakaroon
lamang ng reporma sa pamamagitan na tahasang
paghihimagsik.

 Paglalahat

Bakit isinulat ni Dr. Jose rizal ang Noli Me


Tangere at El Filibusterismo?

Magaling!

Sa tingin niyo mga bata bakit siya tinawag na


bayani si Dr. Jose Rizal?
Upang magising po ang damdamin ng mga
Pilipino laban sa Espanyol.

Mahusay !
dahil ipinaglaban po niya ang kalayaan para
sa mga Pilipino. Ipinahayag niya ang
Bilang mag aaral mga bata paano natin kanyang pagmamahal para sa mga Pilipino
maipapakita ang pagmamahal sa mga Pilipino? sa pamamagitan ng kanyang mga nobela,
sanaysay, artikulo at tula.

Magaling!
Bilang mag aaral po titser maipapakita kop o ang
Mga bata dahil alam niyo na ang pinag-aralan pagmamahal sa mga Pilipino ay ang paggalang
natin……………. po sa mga nakakatanda at pagiging nasyonalismo
po.
C. Pangkatang Gawain
May hinanda akong pangkatang Gawain.
Magbubuo ang guro ng dalawang grupo. Ito ay
matatapos lamang ng 5-10 minuto.

Sa mga pangkatang Gawain, ano-ano na ulit ang


dapat ninyong isa-alang-alang?

Pamantayan:
Presentasyon: 10%
Kooperasyon: 10%
Kabuuan: 20%

Unang grupo:
Sumulat ng sanaysay sa pagmamahal sa ating
bayani.

Ating bayani na si Dr. Jose Rizal taos pusong


nagpapasalamat ang mga Pilipino sa kanya dahil
siya ang nagmulat sa kaisipan ng mga Pilipino
laban sa mga espanyol. Kaya nagsulat siya
nobela ng Noli Me tangere at El filibusterismo
para maipahayag ang pagmamalabis,
pagmamalupit at pagkaganid ng mga pinuno at
Pamantayan: prayleng Espanyol
Presentasyon: 10% Sa mga katutubong Pilipino.
Kalinisan: 5%
Kooperasyon: 5%
Kabuuan: 20%

Pangalawang grupo:
Gumuhit ng poster na may kinalaman sa
pagmamahal sa ating bayani.

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat
pangungusap. Isulat ang tama sa patlang kung
sinasaad ay tama at isulat ang mali kung ang Panuto: Basahin at unawain ang bawat
isinsaad nito ay mali. pangungusap. Isulat ang tama sa patlang kung
sinasaad ay tama at isulat ang mali kung ang
______1. Ang dalawang nobela ay ang Noli Me isinsaad nito ay mali.
Tangere at Ibong Adarna.
______2. “El Filibusterismo” . ang Noli Me Mali 1. Ang dalawang nobela ay ang Noli Me
Tangere ay nobelang nagpapahayag ng Tangere at Ibong Adarna.
pagmamalabis, pagmamalupit at pagkaganid ng Tama_2. “El Filibusterismo” . ang Noli Me
mga pinuno Tangere ay nobelang nagpapahayag ng
______3. Ang pagbabasa ng dalawang nobela ni pagmamalabis, pagmamalupit at pagkaganid ng
Rizal ay mahigpit na hindi ipinagbabawal ng mga mga pinuno
Espanyol. Mali_3. Ang pagbabasa ng dalawang nobela ni
______4. sumulat siya upang magising ang Rizal ay mahigpit na hindi ipinagbabawal ng
damdamin ng kanyang mga kababayan. mga Espanyol.
______5. Ang sawikain o motto ng Liga ay “Unus Tama__4. sumulat siya upang magising ang
instar omnium” o “tulad ng lahat.” damdamin ng kanyang mga kababayan.
Tama_5. Ang sawikain o motto ng Liga ay
V. Takdang-Aralin “Unus instar omnium” o “tulad ng lahat.”

Sa inyong kwaderno, Sagutin ang mga sumusunod:

 Ano ang KKK?


 Sino si Andres Bonifacio at Emilio
Jacinto?
 Anu ang mga lihim na nagpupulong at
pagtatatag ng KKK?

Inihanda by:
Samraida M. Mamucao
2BEED-B
Inihanda kay:
Atty Mario Bello

You might also like