You are on page 1of 5

JACOSALEM, John Paul M.

PI 100 - WFR 1
2013 - 14795 Dr. Nilo S. Ocampo

Panunuring Aklat : Etikang Tagalog: Ang Ikatlong Nobela ni Rizal

I. Alamin ang layunin ng may-akda at tagasalin at sabihin kung paano o hindi ito
natupad o naangkupan.
Ayon kay Rizal, kanyang isinulat ang akda sa pagnanais na pumaksa sa etika - sa
mga gawit ugali ng mga Pilipino. Hindi katulad ng kanyang dalawang higit na tanyag na
nobela, ang Noli at ang Fili, and pangatlong nobela ay hindi gaanong gagawing sentro
ang pulitika o relihiyon. Mithiin ni Rizal na maging masaya, mapanudyo at matalas ang
kanyang pangatlong nobela na siyang pupukaw sa emosyon ng mga Pilipino.
Ang palagay ng estudyante sa kung ano ang layunin ng may-akda at tagasalin ay
ang itaas ang kamalayang pansarili ng mga Pilipino. Sa kaso ni Rizal, ito ay ang
pagtalakay sa mga etika ng mga Pilipino gamit sana ang pambansang wika at sa kaso ng
tagasalin, ang paggamit ng sariling wika tungo sa paglimbag.
Dadalawa lamang ang karakter na Espanyol sa kwento at ito ay dahil ang gustong
bigyang pansin ng akda ay ang mga pag-uugali at pagkilos ng mga Pilipino sa kwento.
Ang akda ay isinulat para sa mga Pilipino sapagkat ngayon ay ang pakay ni Rizal ay
isang repormang pang-indibidwal - na makita ng mga Pilipino ang mga kapuna-punan sa
mga asal at pag-iisip nila at iwaksi ang mga ito; makita ang mga mabubuting gawi at
silay ipagpatuloy. Alinsunod sa sulat ni Rizal na Ang parang ng paglalabanan ay ang
Filipinas: doon tayo magtatatagpo., dinadala ni Rizal ang katungkulan ng pagbabago sa
bawat isa niyang kabayan.
Ang pagsalin naman sa wikang pambansa ay alinsunod sa mithiin ni Rizal na
mapalaganap ang paggamit at pagkabihasa ng wikang pambansa. Ayon sa puna ni Rizal,
ang mga Pilipino ay kusang loob na nagnanais na matuto ng mga wikang banyaga,
partikular na ang wikang Espanyol. Ani niya, kabaligtaran ito ng dapat na mangyari. Ang
paggamit ng sariling wika ay nagpapatibay at nagpapalago sa ating kaalaman at sa
kasarinlan natin bilang isang bansa. Si Rizal, na nakalibot na sa buong mundo, mismo ay
nagsabi na hindi na ako sanay magsulat sa Tagalog. Nagbanggit siya ng mga
halimbawa ng mga bansa tulad ng Russia o ng Alemanya na pinigil ang paggamit ng mga
wikang pambansa ng kanilang mga sinakop na bansa. Ang paggamit ng sariling wika ay
parte ng pagkakaroon ng tunay na kalayaan at ang pagsalin ng akdang ito sa Filipino ay
patunay ng kagustuhang paunlarin ito.
Ang paraan ni Rizal na paggamit ng mga metapora para sa pagsasalamin ng mga
pangyayaring kasalukuyan ay makikita sa akda subalit kung ito ba ay naging epektibo ay
hindi masasabing buong-buo. Bagamat naging maganda ang pagkakapuna ni Rizal sa
mga etika ng mga Pilipino, ito ay maaring hindi maging malinaw sa pangkariniwang
Pilipino na sila ang tinutukoy sa akda. Maaring maging mababaw ang suri sa akda at
hindi maaabot ang nais na kamalayang pansarili na minimithi ng manunulat at ng
tagasalin.
Maari rin naman na maging mulat ang mambabasa sa tinutukoy ng akda ngunit
itanggi na sila ay may mga hindi tamang gawi. Upang matupad ang layunin ng may-akda
at tagasalin, tama ang unang hakbang na paggamit ng wikang pambansa ngunit ito ay
kailangan sabayan ng angkop na gabay at pagkamulat ng isip upang matupad ang
repormang indibidwal na ninaais para sa bawat Pilipino.

II. Sabihin kung paano ito kaugnay o hindi sa ating kursong pinag-aaralan at sa
pagkasalukuyang sitwasyon.
Ang akda ay kaugnay ng ating kurso dahil makikita rito kung sino ba at ano ang
mga katangian ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Sa pagtutulungan ng
may-akda at ng tagasalin ay nakikita ang malasakit ni Rizal para sa Inang Bayan at ang
kanyang kamalayan sa kung ano ang kinakailangan upang maging tunay na malaya ang
mga Pilipino.
Binibigyang halaga ni Rizal na ang parang ng paglalabanan ay nasa Pilipinas, na
ang gamot ay dapat dinadala at inilalapit sa maysakit at nararapat lamang na tayo mismo
ay tumungo at maging parte ng laban para sa ikalalaya ng bansa at ng mga kababayan
natin.
Isa pang pinapaksa ng akda ay ay halaga ng paggamit at ng pagtangkilik sa ating
wikang pambansa. Ito ay lalong napapanahon sapagkat makikita natin kung paano
pinagkakaitan ng malasakit ang ating wikang pambansa ng ating mga pinuno at mga lider
mismo. Mga matalas na halimbawa ay ang pagnanais ng CHED na tanggalin ang mga
Filipino subjects sa kurikulum, ang implementasyon ng mga English Only na polisiya
sa mga paaralan. Kagaya ng mga Pilipino sa akda ni Rizal na napakataas magbigay
halaga sa mga gawain, asal at opinyon ng Kura ng Espanyol, gayon pa rin ang
nakakalungkot na sitwasyon sa ating lipunan ngayon. Makikita natin na ang pag-unlad ng
bayan natin ay nahahadlangan dahil mas tinatangis natin ang lahat ng bagay na banyaga.
Masyado nang nanuot sa ating mga buto ang kolonyal na pag-iisip at ito ang humaharang
sa tunay na paglaya natin bilang isang bayan.
Maging si Rizal ay hindi kaila dito, kagaya ng kanyang karanasan sa barko kung
saan malaya niyang nakakausap ang mga banyagang Aleman, Pranses, at Ingles ngunit
hindi magkaintindihan ng isang kakabayang bisaya. Ang pagkakaparehas ng lebel ng
tingin sa pambansang wika sa panahon ni Rizal, sa kanyang mga akda, at sa
pagkasalukuyang sitwasyon ay isang nakakalungkot na katotohanan na napakahalaga ng
kursong ito sa pag-angat sa ating pagkakakilanlan.

III. Hanapin/tuklasin sa nobela ang mga sumusunod


A. Jose Miguel Espiritu/Mark Darius Mendoza - mga estudyante ng musika
Dominique Joan Bautista/Jonel Mico Bautista - baptismo, isang sakramento ng
simbahan na maaring ibigay o hindi ng isang pari sa mga lumalapit sa kaniya; ito
ay simbolismo ng kanilang kapangyarihan gaya na lang ni Padre Agaton

B. Katangian ng wikang pambansa (aktwal at desiderata)


Si Rizal ay ipinakita na ang wikang pambansa ay dapat na sinasalita at ginagamit.
Ang kanyang nais ay ang isulat ang akda sa wikang pambansa (desiderata) ngunit
dahil hindi na siya dalubhasa rito, siya na lamang ay nagsulat sa wikang Espanyol
(aktwa). Ito ay nagpapakita ng isang katangian ng wika na dapat itong ginagamit
kung hindi ay mawawala ang pagkadalubhasa rito at hindi mabubuhay ang wika.

C. Ibat ibang anyo o antas ng pananamit


- Kapitana Barang: Ang kanyang suot ay halos puti at napapalamutian ng mga
pinong burda at makikinang na alahas.
- Kapitan Panchong: Siya ay nakapantalon, nakapulupot ang kurbata sa kuwelyo ng
kamisa, nakasuot ng frac, may baston at panyong sedang napakarikit sa
pagkaburda, nakapantalon, nakapulupot ang kurbata sa kuwelyo ng kamisa.
- Anday: Kapansin-pansin ang sulsi at tagpi ng kanyang kasuotan.
- Cecilia: Siya ay nakapanluksa, may talukbong na panyuwelong tulle na
bahagyang nakatatakip sa kanyang mukha at isang itim na rosaryong nakapulupot
sa kamay ang tanging suott na alahas
- Manang Sebya: Siya ay may 3-4 na eskapularyo sa kuwelyo at halu-halong sintas
at kuwintas at kapansin-pansin ang mga sulsi at tagpi ng kanyang kasuotan.

D. Formula sa pagkakautang ni Anday


Si Anday ay may utang na PHP 70.00 at ang kanyang sweldo kada taon ay
PHP 3.88:
P hp 70.00 na utang
P hp 3.88 na sweldo kada taon
= 18 taon ng paninilbihan

Kung ang utang ay naging PHP 74.50 at ang kanyang sweldo kada taon ay
PHP 3.88 pa rin:
P hp 74.50 na utang
P hp 3.88 na sweldo kada taon
= 19.20 taon ng paninilbihan

E. Sino ang kumanta nito at bakit: Oh Cecilia, binibiyak mo ang puso ko...
Niyuyogyog mo kumpyansa ko araw-araw... Oh Cecilia.... Nakaluhod na ako,
nagmamakaawa...
Sa tingin ng estudyante, ang kumanta ng Cecilia ay si Isagani ang
kumakanta nito sapagkat siya ay mapagtatantong mayroong pagtingin kay Cecilia
ngunit hindi sila magkakatuluyan ni Cecilia sa huli. Ani ni Don Fermin, iba ang
pipitas ng prutas at ito ay patungkol sa kawalan ng pag-asa ni Isagana kay
Cecilia. Malamang sa malamang, kay Padre Agaton mapupunta si Cecilia dahil
ito ay napakamakapangyarihan at maimpluwensiya, dahilan para mabiyak ang
puso ni Isagani.

F. Subuking laruin ang tuktukan, o ibang pang larong sangkot ang itlog.
Parang experiment, ibahagi ang haypotesis, proses at result.
Haypotesis - Ang itlog sa ilalim ang mabibiyak sapagkat ang mga laman nito,
kung ito ay hindi palsipikadong itlog, ay mapupunta sa ilalim na bahagi ng itlog at
ang maiiwan sa taas ay tanging ang balat. Ang itlog naman sa taas ay nasa ilalim
na bahagi napupunta ang laman. Ibig sabihin kapag itinuktok sa itlog sa ilalim, ito
ay mas malakas dahil ang tumutuktok ay hindi lamang balat kung hindi ay balat at
ang bigat ng laman ng itlog.

Proseso - Kumuha ng dalawang itlog na hindi palsipikado at kilatisin na parehong


silang magkasingtibay. Ituktok ang dalawang itlog ayon sa paraan sa akda at
tignan kung aling itlog ang mababasag.

Resulta - Ang itlog na nasa ilalim ang nabasag.

You might also like