You are on page 1of 3

A.

PAGSUSURI

1. Paano naapektuhan si Rizal ng paggarote sa tatlong paring martir.

Nag-iwan ang kanilang pagkamatay ng mapait na damdamin sa maraming mga Pilipino. Si Rizal ang
isa sa pinaka apektado sa pagkamatay ng tatlong pari. Dahil dito inalay nito ang kanyang ikalawang
nobelang El Filibusterismo upang maging alaala ito sa tatlong pari.

2. Ihambing ang kabataan ni Rizal noon sa mga kabataan ngayong panahon.

Mag-aral, maglaro, at magdasal diyan umiikot ang buhay ng kabataan ni Rizal. Pagpinta, pagpaguhit,
pagbabasa, at gawaing may kaugnayan sa pagpapalakas ng katawan ang kaniyang
pinagkakaabalahan. Sa murang edad sumibol sa kanyang isip at puso ang pagmamahal sa bayan pati
na rin sa kanyang mga kapwa pilipino. Pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang mga magulang at
kapatid ang nanguna at naging inspirasyon niya sa buhay. Subalit bagama’t ngayon sa ating
henerasyon kakaiba na ang mga kabataan. Kakaunti na lamang ang nahahawig ang karanasan kay
Jose Rizal. Ang kabataan ngayon ay di na gaanong nagbibigay galang at pinipilit ang sarili na maki-
uso at magbago. Nawawala ang pagiging marespeto ng ilang kabataan ngayon, gusto nil ana lagi
silang tama kahit minsay ay mali na. Nakakalimutan na rin ng mga kabataan ngayon ang paglalaro sa
labas tulad ng tagu-taguan at iba pa, ngayon mas gusto na lang nilang maglaro sa kompyuter.

3. Ipaliwanag ang kasabihang “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda”. Bakit
kailangan pagyamanin ang sariling wika?

"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda" - Gat. Jose P. Rizal
Kailangan nating mahalin at pangalagaan ang ating sariling wika dahil ito ang kayamanan ng ating
bansa. Ang wika ay ang pinaka importanteng uri sa isang bansa, dahil ito ay ginagamit upang tayo ay
makikipag usap sa ating kapwa pilipino at para maibahagi natin ang ating damdamin o opinyon.
habang tumatagal ang panahon, nakakalimutan na ng nga tao ang kahalagahan ng ating wika. Ang
pagkakaroon ng wika ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa
pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Gamit ang sariling wika, maipapahayag natin ang
ating damdamin at saloobin sa ibang tao.Ito rin ang isang dahilan kung bakit may kapayapaan at
pagkakaisa sa isang bansa. Ito ay kayamanan ng isang bansa, hindi ito matutumbasan ng ginto o
salapi. Hindi rin ito mananakaw dahil ito ay sariling atin, ang dapat lang natin gawin ay mahalin at
pahalagahan ito.

4. Bakit sinasabing si Jose Rizal ay buhat sa angkang Tsino, Kastila, Hapones at Filipino?

Dahil mayroon lahing Kastila at Hapones si José Rizal. Ang kanyang lolo at ama ni Teodora ay
kalahating Kastila at isang inhinyero na pinangalanang Lorenzo Alberto Alonzo. Ang kanyang lolo sa
talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua, inanak ng isang Hapones.
B. REPLEKSIYON

Sa kabataan ni Rizal, isa siyang inosenteng ngunit matalinong bata. Nagsikap siya sa
pagbabasa at pagsusulat, ang gagamitin niyang talento sa kinabukasan ng buhay niya. Sa
kanyang pag-aaral ng high school at kolehiyo ay saan natuklasan ni Rizal ang totoong
diskriminasyong ginagawa ng mga Kastilla sa mga Pilipino. Ang pagpatay ng GOMBURZA at
ang diskriminasyon sa kanyang pamilya ay mga pangyayaring nagdulat ng pagbabago sa
kaisipan ni Rizal. Ito ang isang dahilan kung bakit nagdesisyon siya na pumunta sa Europa,
para makaiwas sa diskriminasyon, at ipakita ito sa mga ibang bansa sa mundo. Mag-aral,
maglaro, at magdasal diyan umiikot ang buhay ng kabataan ni Rizal. Pagpinta, pagpaguhit,
pagbabasa, at gawaing may kaugnayan sa pagpapalakas ng katawan ang kaniyang
pinagkakaabalahan. Sa murang edad sumibol sa kanyang isip at puso ang pagmamahal sa
bayan pati na rin sa kanyang mga kapwa pilipino. Pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang
mga magulang at kapatid ang nanguna at naging inspirasyon niya sa buhay.
MAIKLING PAGSUSULIT BILANG 2 (Kabanata 2)
Course Code: GEC 6/9 Description: The Life and Works of Rizal
Time/Day: TF/9:00 – 10:30 Class No.: F22 I.D. No.: 2020-04642
Iskor: _______
Name: Sophia Loraine G. Romero Date: __________
College: COE Course: BSCE Block: A
Professor: Dr. Jocelyn T. Sorreda/CAS – Social Science Department

SAGUTANG PAPEL
1.
2.
3.
4.
5.

You might also like