You are on page 1of 1

El Filibusterismo

Isa sa mga dakilang akda ng kasaysayan ay ang El Filibusterismo kung saan ito ay isinulat ng ating
pambansang bayani na si Jose Rizal. Ito ay isang libro na nagpapa-alala sa atin tungkol sa mga nangyari sa
nakalipas na henerasyon.Naipakita rin dito ang mga kagitingang nagawa ng ating mga bayaning nagbuwis
ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating inang bayan.

Sa akdang ito naipakita ang mga iba't-ibang pagpapahalaga ng mga Pilipino tulad na lang ng pagmamahal
sa bayan o patriyotismo,pagpapahalaga sa pamilya at mahal sa buhay.Ito ay isang napakagandang
halimbawa ng libro upang magbalik-tanaw tayo sa nakaraan.Para sa akin nararapat lamang bigyang-
pansin ang isa sa mga gintong iniwang ng ating bayani na si Rizal.Tayong mga kabataan ang tanging susi
upang maisalba itong kayamanan ng nakaraan.

El Filibusterismo,marami sa atin ang nagsasabi na ito'y nakakabugnot basahin "boring" ani ng ilan.
Ngunit kung ito ay iyong bubuklatin ikaw ay mawiwili sa mga konseptong nakapaloob rito na tatak sa
iyong isipan at puso. Bubuksan nito ang iyong kaisipan ukol sa kahalagahan ng edukasyon. Aking
napansin na karamihan sa mga kabanata dito ay sinasalamin ang kahalagahan ng edukasyon sa ating
buhay. Halimbawa na lang ay ang buhay ni Basilio kung saan ay isinakripisyo niya ang lahat upang siya ay
makapagtapos ng kaniyang pag-aaral sa medisina.Nagsilbi siya bilang utusan sa pamilya ni Kapitan Tiyago
na sumuporta sa kaniyang edukasyon.Isang napakahuwarang kabataan ni Basilio na dapat nating tularan
at isabuhay ang kaniyang mga pagpapahalaga sa buhay. Sa mga kabanatang naroon si Basilio ay
nabuksan ang aking balintataw ukol sa kahalagahan ng edukasyon sa ating buhay.

Kaya naman tayong mga kabataan ay mag-sikap at huwag nating sayangin ang sakripisyo na inilaan ng
ating mga magulang upang tayo ay makapagtapos sa pag-aaral. Gamitin natin ang mga pagpapahalaga na
nakapaloob sa akdang ito at isapuso.Ang edukasyon ay ang tanging kayamanan na hindi mawawala sa
atin kaya naman tayo ay magsikap na makamit ito.Kabataan ng henerasyon Z tayo ang pag-asa ng inang
bayan!

He is Sir Reynaldo B. Pizarras Jr. a very good teacher of Filipino department in Tayug National High
School.Born on August 23,1984 in Tayug Pangasinan and he is already thirty-five years old.His mother is
Mrs.Marivic Pizarras and Reynaldo Pizarras Sr. his father.He graduated in Zaragoza college during his
elementary days.And in Luna College during his high school and college days.His hobbies are playing
guitar, singing and writing different stuffs like poetry.His inspiration in life is his family and of course our
almighty God.And believe in the verse Romans 8:28, "Put God in the center and everything will come
together."

You might also like