You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Pamantasang Bayan ng Mindanao


Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades
Departamento ng Filipino at Iba Pang Wika
Lungsod ng Marawi

LIT151-Ww
Sanaysay at Talumpati

SANAYSAY

Ipinasa ni:
Sohaila M. Kiram
Ipinasa kay:
Prof. Marjan M. Camama
Si Rizal at ang Edukasyon
Alfredo Crisol
1980

Ang pag-aaral ng buhay, ng mga kasipian ni rizal at ng mga pagtuturo niya ay hindi lamang dapat
isakatuparan bilang pangangailangan sa pagtatapos sa Unibersidad, kundi bilang Pilipinong Makabayan at
nagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay, kapayapaan at makikipag-unawan sa sandaigdigan.
Ang mga nilalaman ng mga sinulat ni Rizal ay hindi lamang nababagay o naaayon sa kalagayan
ng ating bnasa kundi sa buong sandaigdigan man.
Sa buong buhay ni Rizal, layunin niyang ilantad at hanapin ang katotohana, pandaigdigan ito at
hikayatin ang kanyang kababayan sa katotohanag ito. Ipinakita niya ang kahalagahan ng edukasyon
lamang ang makahahango at uhaw sa Kalayaan. Naniniwala siyang ito ang mag-aalis ng mga balakid
tungo sa pag-unlad. Mga balakid na mula sa kamangmangan tulad ng bulag na pananampalataya, labis na
mapamahiin, mga bisyo at higit sa lahat ang kakulangan sa pagkakaisa, isang layunin at
pagmamalakasakit sa bayan dahil sa kakulangan ng makabagong kaisipan.
Sa pag-aaral, ang isip ay nahahasa dahil maraming kaisipang nagtatalo sa diwa ng mga mapag-
aral na mag-aaral. Sa gayo’y nasasanay silang magtanaong at kalabanin ang mga makalumang kaisipan,
nagiging maunlad ang pag-iisip at mauuhaw sa karagdagang kaalaman.
Sa ganitong paraan, tumataas ang paningin ng mga tao mula sa sarili niya patungo sa kapwa tao
at sa bayan dahil sa mga mulat na kaisipan ng mga mamamayan.
Marahil nagunita ni Rizal ang kahalagahan ng edukasyon noong siya’y nag-aaral pa sa Ateneo sa
pamamahala ng mga paring Heswita. Napansin niyang ang pagtuturo ng mga Heswita’y naiiba,
binibigyang-daan at Kalayaan ang pagtatanong ng mga mag-aaral at walang diskriminasyon.
Makatarungan at progresibo ang kanilang pagtuturo.
Dahil sa mga aklat na nabasa ng mga mag-aaral noon na may sapat na kakayahan upang
makapag-aral sa ibang bansa, sinikap nilang ang kakulangan ng edukasyon dito sa Pilipinas ay mapunana
ng diwa ng mga tagapagturong taga ibang bansa, dumayo sila. Kasama si Rizal sa mga nagtungo sa ibang
bansa upang higit na mapalawak ang kanilang isipan.
Hindi naniniwala si Rizal na dapat parusahan ang mga mag-aaral kapag hindi nalaman ang
araling tinatalakay ngunit naniniwala siyang nararapat na magkaroon ng disiplinang pansarili ang mga
mag-aaral. Nananlig siya sa mabubuting paaralan, karapat-dapat na mga guro at makabagong
kasangkapang makatutulong sa pag-aaral.
Sinabi ni Rizal na ang edukasyon na makakapagtaas ng moralidad ay mahalaga sa pagkalugod ng
kalayan. Dahil kung wala nito, ang pang-aapi ay magbubunsod lamang ng mga maraming alipin ngayon
ay siyang magiging mang-aapi bukas.

Arenas, P. et al. (1977). Makabagong Pananaw sa Wika at Panitik. Quezon City: Rex Printing Company
Inc.
REPLEKSYONG PAPEL

Ang sanaysay ni Alfredo Crisol ay naglalaman ng mga mahahalagang ideya hinggil sa ugnayan ni
Rizal at ng edukasyon. Isa sa mga pangunahing punto na ibinigay niya ay ang di lamang pag-aaral ng mga
pangyayari sa buhay ni Rizal at ang kanyang mga gawa, kundi ang pagtanggap ng mga ito bilang bahagi
ng pagiging isang Pilipino na may pananagutan sa bayan at sa pandaigdigang komunidad. Sa
pamamagitan ng pagsusuri sa mga sulatin ni Rizal at sa kanyang pananaw sa edukasyon, ipinakita ni
Crisol ang kahalagahan ng pagiging mapanuri at mapanagutang mamamayan.

Sinabi rin ni Crisol na sa pananaw ni Rizal, ang edukasyon ay hindi lamang para sa pag-aangat ng
sariling kalagayan kundi para sa kabutihan ng lipunan. Sa pamamagitan ng edukasyon, hindi lamang
natututo ang isang indibidwal, kundi nabubuksan din ang kanyang isipan at puso sa mga pangangailangan
ng iba. Binibigyang-diin ni Crisol na sa pamamagitan ng edukasyon, natututunan ng mga Pilipino ang
pagpapahalaga sa kalayaan, pagkakapantay-pantay, at pagkakaisa. Dagdag pa niya, ang pag-aaral ay
hindi dapat limitado sa pagtanggap ng impormasyon lamang, bagkus dapat itong maging proseso ng
pagbabago at pag-unlad. Sa pamamagitan ng pagtatanong, pagtatalo, at pagsubok sa mga umiiral na
kaisipan, ang mga mag-aaral ay nagiging handa na hindi lamang maging mahusay na indibidwal kundi
aktibong bahagi ng lipunan.

Sa huli, ipinakita ni Crisol na ang pananaw ni Rizal hinggil sa edukasyon ay patuloy na may bisa
hanggang sa kasalukuyan. Sa mga prinsipyong ito, ipinapakita ni Rizal na ang edukasyon ay hindi lamang
pangarap kundi katuparan ng kasarinlan at katarungan sa lipunan. Ang edukasyon at ang papel ni Rizal ay
mahalagang aspeto ng kasaysayan at kultura ng Pilipinas. Si Rizal ay hindi lamang isang bayani kundi
isang guro at inspirasyon sa mga Pilipino, na nagtuturo ng kahalagahan ng edukasyon sa pagpapalaya ng
isip at pag-angat ng bayan. Ang kanyang mga kada at panawa ay nagpapakita ng diwa ng pagnanais na
makamit ang kaalaman at kapayapaan.

Sa kasalukuyan, ang edukasyon ay nananatiling pangunahing sandata sap ag-unlad ng bansa at


pagtataguyod ng kabutihan sa lipunan. Ang mga aral ni Rizal hinggil sa edukasyon ay patuloy na may
bisa at inspirasyon sa mga Pilipino. Ang ugnayang ito sa pagitan ng edukasyon at kay Rizal ay
nagpapakita ng kahalagan ng pagpapalaganap ng kanyang mga aral at prinsipyo sa mga susunod na
henerasyon. Ang kanyang diwa at adbokasiya para sa edukasyon ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon at
patnubay sa mga Pilipino sa kanilang paghahanap ng kaalaman, kalayaan, at katarungan.
Kawit ang Palakol
Adelma Salvador
2023
Simula nang magkaroon ng pandemya, ang lahat ng buwan sa amin ay kawít-ang-
palakol—kaybigat ng buhay. Hindi naman iyong bigat na parang pinarurusahan. Nabibigatan
lang ako sa aspektong pinansiyal namin sa kasalukuyan. Sa ibang bagay naman, kami’y
nabibiyayaan. Dito sa San Miguel, Bulacan, na ang pangunahing ikinabubuhay ay pagsasaka,
Agosto ang sinasabing buwan ng kawítang palakol o panahon ng taghirap. Ito kasi ang buwan na
matagal nang tapos ang anihan. Ubos na ang nakaimbak na bigas ng mga kasamá. Nangungutang
na lang muna sila sa may-ari ng lupa para may pantawid-gutom hanggang sa susunod na anihan.
Kayâ hindi pa nila nakukuha ang kanilang parte, baón na sila sa utang. Sa susunod na lagayan
(taniman) ay ganoon na naman. Subalit kapag anihan, ang mga magsasaka ay mapupula ang
hasang. Ilang linggong sagana ang pagkain sa kanilang hapag-kainan. Kabi-kabila ang ponda¹ na
may tindang halo-halo, tinapay, at iba pang masarap na meryenda. Pagkabenta ng hunós², dito
tumatambay ang mga manggagapas matapos ang maghapong paggawa. Mas maganda ang
tindera, mas dinudumog ang pónda. Kung 180 minsan ay inaabot ng hatinggabi ang kanilang
kasiyahan. Siyempre pa, hindi mawawala ang ligawan. Kadalasan, sa pondahan nabubuo ang
pag-iibigan; ang iba naman ay sa taniman. Ito ang siklo ng mga senáryong nasaksihan ng isang
gaya kong anak ng magsasaka na ipinanganak noong dekada sitenta.

Tumatak sa akin ang kawítang palakol. Hindi pa man ito dumarating ay


pinapaalalahanan na kami ng aming mga magulang na maghigpit ng sinturon. Mag-unti-unti sa
ulam. Huwag ubos-biyaya. Hindi naman namin naranasang sumala sa pagkain. Namamasada ng
traysikel si Tatay kapag walang lagáy (tanim) sa bukid. Bumibili siya ng kilo-kilong bigas bago
gumarahe. Wala man kaming nakaimbak na kaban-kaban, hindi kami nawawalan nang
naisasaing, kahit kawítang palakol. Ang madalas na uwing ulam ni Tatay noon ay iyong pancit
miki, na kapag binili sa palengke ay may kasama nang kapirasong bola-bola, kintsay, at repolyo.
Sa amoy pa lang nito, nauumay na ako. Masuwerte na kung karne norte ang uwing ulam ni
Tatay. Nang minsang umuwi siya mula sa pamamasada, may nakitang isang kilong bigas si
Tatay sa upuan ng traysikel. Hindi na niya matunton kung sino sa kaniyang mga pasahero ang
nakaiwan niyon para maisauli. Nalaglag ang balikat ng aking ama. “Ano na lang ang isasaing
nila?”

May mga panahon na nagkikisà kami ng mais sa sinaing. May panahon na tingi-tinging coco jam
ang inuulam namin. Kung minsan ay nagbabahog lang kami ng tubig sa mainit na kanin at saka
bubudburan ng asin. Gatas ng tigre daw iyon. Pag sinusuwerte, tunay na gatas ang binabahog namin sa
kanin—ang sariwang gatas ng kalabaw. Mainit-init pa kung ilakò, bagay na bagay sa inihaw na tuyô. Sa
pagkain lang namin nararamdaman ang pagbabago ng kalagayan ng buhay noon dahil iyon lamang ang
pangunahing pinagkakagastusan. Walang kuryente at tubig na kailangang bayaran buwan-buwan. Hindi
kami nakakikita ng doktor o 181 dentista noon.

Parati kong naririnig sa matatanda noon ang kawítang palakol


subalit ngayon ko lamang naintindihan kung bakit ganoon ang tawag sa panahon ng taghirap. Sa
mga lugar na bulubundukin daw kasi ay “kawítang-palakol” pag panahon ng tag-ulan. Ito ang
mga panahong hindi makaakyat ng bundok ang mga tao para magkaingin, manguha ng kahoy na
panggatong, o mag-uling. Kayâ ikinakawit na lamang muna nila ang palakol habang hindi pa ito
ginagamit. Dito sa kapatagan, nakagawian nang tawaging kawítang palakol ang panahon ng
taghirap. Bagaman hindi palakol, kundi lílik o lingkáw ang ikinakáwit ng magsasaka pagkatapos
ng anihan.

Sa paglipas ng panahon, umunlad ang teknolohiya. Ang hampasan na ginagamit sa paggigiik ng


palay ay naging tilyadora o tresher. Ang tresher ay naging harvester. At ang harvester ay
binansagang “halimaw” dahil ito ang pumapatay sa hanapbuhay ng mga manggagapas. Kapag
dinaanan kasi ng halimaw ang palay, nakasako na ito kapag kaniyang iniwan. Samantala,
nakapag-aral ang mga anak ng magsasaka. Nagkaroon na ng iba’t ibang hanapbuhay. Ang iba ay
namamasukan; ang iba naman ay nagnenegosyo. Gayunman, sumasapit pa rin ang petsa de
peligro—ang kawítang palakol.
Iba’t iba na nga lamang ang mukha ng kahirapan ngayon.
Kabilang kaming mag-asawa sa mga pinalad na nakapag-aral. Maaga akong tumigil sa
pagtatrabaho, samantalang ang asawa ko ay nagtatrabaho sa gobyerno hanggang sa kasalukuyan.
May sasakyan kaming ipinaaarkila sa isang kompanya. Subalit nang magkaroon ng pandemya,
hindi na na-renew ang aming kontrata. Kung kailan nabawasan ang kita, noon naman
nagkasunod-sunod ang aming gastusin.

Dumalas ang pagbisita sa dentista dahil kinailangang operahan ang magkabilang bagáng
ng dalawang bata—ang Kuya at ang Diko. Hindi kasi lumabas ang mga ngipin. Nakapahalang
kayâ kailangang bunutin. Sumasakit na at nakagagambala na sa kanilang pang-araw-araw na
buhay. Nasa lahi raw namin ang impacted tooth. Pinasabay ko na rin ang preventive maintenance
ng kanilang ngipin, kabilang na ang root canal, filling, at cleaning. Nagpabakuna kaming
maganak ng pangontra sa flu at pneumonia. May bitamina kaming iniinom, pampalakas ng
immune system at resistensiya. Dapat ipriyoridad ang mga ito para maiwasan ang problemang
pangkalusugan at mas malaking gastos sa hinaharap.

Wala nang extra income ang aking asawa mula nang nag-lockdown. Umuwi na kasi sa
Tsina ang binabantayan niyang foreign investor. Ayaw na rin naman niyang mag-security ng
VIP. Nagsawa na. Gusto nang mamahinga. Mahigit na siyang dalawampung taóng naglilingkod
sa gobyerno. Mas gusto na lang niyang pumasok sa opisina at doon na lang daw siya
maghihintay ng 182 pagreretiro.
Unti-unting naubos ang ipon namin sa bangko. Kaybigat ng buhay. Ang mga simpleng
planong lakad, hindi matupad. Ang wish na aklat, add to cart. Iyong malusog na katawan,
tumatamlay. Kayhirap bumangon pag iniisip mong matagal pa ang katapusan. Iyong sunod-
sunod na pagdating ng bill ng tubig, kuryente, at internet ay nakapapraning. Subalit, gaano man
kahirap ang buhay ngayon, hindi ko naranasang bumili ng kilo-kilong bigas o magkisà ng mais.
Hindi na ako kumakain ng pancit miki. Mas magaan pa rin ang buhay ngayon kaysa noong
dekada sitenta. Idagdag pa ang mga bagong teknolohiya na lalong nakapagpagaan ng buhay at
pamumuhay ng tao.⁸
Kahapon ay Araw ng mga Puso. Hindi naman ako umaasa ng regalo o ‘yong kakain pa sa labas.
Baka sabihin ko na lang, ibili na lang niya ng bigas. Kapag matagal nang mag-asawa, nagiging praktikal
na. Kawítang palakol man, ang buhay ay gumagaan basta’t magkatuwang. Ang mga problema, pinag-
uusapan. Hindi katulad ng gobyerno na hindi ka puwedeng kumibo. Bawal magreklamo, baka mapag-
initan. Baka pagbintangan, baka taniman. Baka gawan ng kaso, mameligro pa ang retirement benefits ng
asawa ko.
Kailan kayâ matatapos ang kawítang palakol? Pagkatapos ng pandemya? Kapag ang lahat ay
nabakunahan na? Hindi natin masabi. Walang nakaaalam. Nagbibilang ako ng buwan. Sabi nila, sa 2022,
baka nabakunahan na ang lahat ng Filipino. Maibabalik na ang normal na pamumuhay. Hayiskul na noon
ang bunso ko. Bakâ mayroon na kami noong bagong negosyo. Makatutulong na ako noon sa asawa ko.
Mag-aabot na ang dulo’t dulo. Mabibili ko na siguro ang gustong aklat. Babalik na sa Maynila ang
pangalawa, na sa ngayon ay huminto na muna sa pag-aaral dahil hindi makayanan ang online class. Wala
raw siyang natututuhan. Ang 183 mga guro niya’y parang hindi rin ginaganahan. Aba, eleksiyon na rin
noon. Mayroong mananatiling politiko, mayroon din namang mapapalitan. Pero ang sigurado, iba na noon
ang ating pangulo. Retirado na rin noon ang asawa ko. Pagkatanggap na pagkatanggap niya ng mga
benepisyo, puwede nang banatan ang gobyerno.

Sa kabila ng pagmumuni-muni, bigla akong mapipitlag. Hindi ba’t ang sabi ko, ang
makaraos lang sa pandemyang ito ang goal ko? Malulusog kaming lahat. Produktibo sa likhang-
sining ang tatlo kong anak.

Pinagkakakitaan na ng panganay ang kaniyang talento. Medyo mabungang manunulat


din naman ako dahil napipilitang magpása pag may nang-iimbita. Samantala, patag na ang aking
asawa sa destino niya, bagaman hinuhugot sa sariling bulsa ang badyet nila sa opisina. Dahil
kabilang siya sa Quick Response Team (QRT), parati sila sa labas—naninita ng hindi nakasuot
ng face mask, nagpapatupad ng social distancing, nagbibigay ng leaflet para sa COVID
awareness, at sila ang sumasaklolo kung may emergency.

Noong nakaraang buwan, nagbibisikleta kaming mag-asawa sa gitna ng kaparangan


nang matanggap niya ang tawag mula sa Red Cross. Huminto kami sa isang kubo. Ang resulta:
negative siya sa RT-PCR test. Nakadadalawang swab test na siya na pareho ang resulta. Niyakap
ko siya’t hinalikan pagkatapos kong marinig ang magandang balita. Nagpiktyurpiktyur kami at
pagkaraa’y pumadyak uli ng kilo-kilometro pauwi. Maningmani.

Ito na ang “date” sa panahong ito. Stay at home daw pero nakalalabas kami nang hindi nakahahalubilo ng
ibang tao. Nakabibiyahe, nakabisikleta man, nakamotor o nakakotse. Oo, kawítang palakol pero kung
makikita mo kaming mag-asawa, sasabihin mong “Sanaol.”

Salvador, A. (2023). Kawit na Palakol. Retrieved from https://journals.upd.edu.ph


REPLEKSYONG PAPEL

Sa sanaysay na "Kawít-ang-Palakol" ni Adelma Salvador, malinaw na ipinapakita ang mga salik


ng kahirapan at kawalang-katiyakan sa buhay, lalo na sa panahon ng pandemya. Ang mga magsasaka sa
San Miguel, Bulacan ay nahaharap sa matinding hamon bawat Agosto, ang tinatawag na buwan ng
kawítang palakol. Sa ganitong panahon, ang mga ito ay napipilitang mangutang para lamang may
maipamahagi sa kanilang hapag-kainan hanggang sa susunod na anihan.

Sa gitna ng kahirapan, ipinakikita rin ng sanaysay ang pagiging praktikal ng mga tao sa
paghahanap ng paraan upang maipagpatuloy ang kanilang buhay. Sa pagtitiyaga at pagkakaisa ng bawat
pamilya, nailalabas nila ang kanilang kakayahan na magtagumpay sa kabila ng mga hamon. Sa
pamamagitan ng pagtutulungan at pag-uunawaan, natututunan ng mga tao na malampasan ang anumang
kawalan at pagsubok na dumating. Napapansin din sa sanaysay ang mga pagbabago sa lipunan at
teknolohiya na nakakaapekto sa kalagayan ng mga magsasaka. Bagaman may mga modernisasyon at pag-
unlad, hindi pa rin maikakaila ang patuloy na pagharap sa mga problema at kahirapan, lalo na sa panahon
ng pandemya.

Sa huli, ang sanaysay ay nagtatapos sa positibong pagninilay-nilay, kung saan ipinapakita ang
kahalagahan ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pagsulong sa kabila ng mga pagsubok. Sa gitna ng
kawítang palakol, mahalaga ang pagtitiwala at pag-asa na sa pamamagitan ng pagkakaisa at
determinasyon, maaaring malampasan ang anumang hamon ng buhay. Isa itong makabuluhang
paglalahad ng mga karanasan at pagsubok ng mga magsasaka sa gitna ng kahirapan at pandemya.
Napakahalaga ng mensahe ng sanaysay dahil pinapakita nito ang katotohan ng buhay ng mga ordinaryong
Pilipino, lalo na sa mga komunidad na umaasa sa pagsasaka bilang pangunahing tauhan. Napakaganda ng
pagkakalahad ng mga karanasan ng awtor at kung paano niya naipakita ang mga epekto ng kahirapan sa
pang-araw-araw na buhay ng kanyang pamilya. Ang mga konkretong halimbawa at detalye ay
nagpapakita ng masuisng obserbasyon at pag-unawa sa kalagayan ng mga magsasaka. Ito’y nagbibigay
diin sa kahalagahan ng pagtituwala, pagtutulungan, at pagmamahalan sa panahon ng kawalan at
pagsubok. Sa kabila ng mga hamon na hinaharap ng mga karakter sa sanaysay, ipinapakita na mayriing
oag-asa at lakas ang bawat pamilya na malampasan ang anumang pagsubok.
Ang sanaysay na ito ay isang inspirasyon at paaala sa atin na sa gitna ng kahirapan at pandemya,
pagtutulungan at pagmamahalan ng pamilya ay mahalaga upang malampasan ang anumang hamon sa
buhay.

You might also like