You are on page 1of 2

Kriztel Claire Regpala Output II-A

Grade 10 SSC Peridot

Layunin: Nabibigyang opinyon ang isang paksa o napapanahong isyu at naibabahagi ito sa klase.

“Tunay na Pilipino”

Aming natatanging guro, Ginoong Inay, at kapuwa ko mag-aaral, kayo ay aking binabati ng
isang maganda at makabuluhang umaga.

Ako, ikaw, siya, tayo ay Pilipino. Ngunit nais ko kayong tanungin, matatawag nga ba tayong
isang tunay na Pilipino? Marahil ang sagot ninyo ay “oo” dahil tayo'y nagmula sa ating bayang
Pilipinas at ang ating pagkatao ay pinagyayaman ng ating purong dugong Pilipino. Siguro nga, baka,
maaari.

Marami nang bayani ang nagbuwis ng kanilang buhay upang makamit natin ang ating
kasarinlan at magkaroon ng sariling pagkakakilanlan. At ang ating pambansang wika ang pundasyon ng
ating bansa at pagkatao, nagpapatunay na ito'y sariling atin. Ito ang siyang nagiging tulay upang tayo'y
magkaisa at magkaunawaan, upang ating makamit ang isang maunlad na kinabukasan. At ito ang
nagpapahiwatig na ito'y tanging atin at kailanma'y hindi tayo magiging dayuhan at maliligaw dito.
Ngunit sa paglaon ng panahon, unti-unting natatabunan ang kahalagahan ng wikang Filipino sa atin.

Kamakailan lamang ng ang lahat ay hindi magkumahog at nabahala nang umugong ang isang
balita sa ating sambayanan. Ika nga ng mga kabataan, “Jose Rizal is shaking”. Nakakat'wang isipin
ngunit, maaari nga. Maaari ngang nangangatal si Jose Rizal nang dahil sa kahangalan kung tawagin ng
ilan na ating ginawa.

Pinandigan na ng Korte Suprema ang tuluyang pag-alis sa Panitikan at asignaturang Filipino


bilang mga kailangang kuning asignatura sa kolehiyo. Ayon sa desisyon ng Korte Suprema, layunin
nilang masigurado na ang kukuhaning asignatura ng mga estudyante sa kolehiyo ay mailalaan sa iba
pang larangan na konektado sa kanilang kursong kinuha. Ito rin ay siyang magbibigay lunas upang
hindi na maulit ang mga paksang naituro sa unang baitang hanggang Senior High School.

Bilang isang kabataang Pilipino, ako po ay hindi panig sa ginawang desisyon ng Korte ukol sa
isyung ito. Ang pag-aaral ng asignaturang Filipino ay likas sa atin bagamat ito rin ang pag-aaral ng
pagiging Pilipino. Sa pagtanggal ng asignaturang ito, tinatayang sampung libong guro ang
maaapektuhan. At maaaring tataas na naman ang bilang ng walang trabaho sa populasyon ng bansa na
siyang maaaring maging dahilan ng pagbaba ng posibilidad natin sa kaunlaran. Iyan ang isa sa patunay
na sa kagustuhan nilang mas maging maayos ang kurikulum sa kolehiyo ay siyang maghahatid satin sa
putikan.

Sa tingin ninyo, ano kaya ang maaaring maging reaksiyon ng mga bayaning ipinaglaban ang
ating bansa at sambayanang Pilipino? Gugustuhin kaya nila ang kinalabasan ng kanilang sakripisyo?
Na ang mismong kapuwa nila Pilipino ang sisira sa pagkamabuluhan ng bansa at panitikang kanilang
pinag-alayan ng pawis at dugo. Matutuwa kaya sila kung makikita nila ang kinahinatnatan natin, na sa
panahong ito ay tila wala ng saysay ang wika at panitikang Filipino?

Nakayanang tanggalin ng Korte ang asignaturang Filipino ngunit ang mga banyagang
asignatura ay nariyan parin. Naipatupad nilang tanggalin ang asignaturang Filipino at panitikan ngunit
ang pag-aaral ng wikang Korean ay naisama na sa kurikulum at itinuturo na sa ilang paaralan. Mga
hiram na lenguwahe ay pinaglalaban ngunit sariling atin ay kanilang binabalewala. Siguro nga'y hindi
na tayo nararapat tawaging makabansa dahil mas inuuna pa nating tangkilikin ang kultura ng iba. Paano
natin masasabing globally competitive tayo kung hindi naman natin kayang gamitin ng maayos ang
ating wikang pambansa? Maraming bayani ang nagbuwis ng buhay upang makamit natin ang
minimithing kalayaan ngunit bakit tila tayo na mismo ang boluntaryong nagpapasakop sa ibang bansa?

Ngayon, ang mga kabataan ay hindi na magamit ng tama ang wikang pambansa. Sa kanilang
pananalita ng Tagalog ay may halo ng lenguwaheng banyaga. “Sana all”, “share ko lang”, “share mo
lang”, ilan lamang iyan sa mga “millenial term” kung tawagin. Maging ang kakayahan sa pagsasalita
ng wikang Ingles ay nagiging batayan na ng kakayahan ng isang tao. Wika'y hindi magamit ng wasto
ngunit kanila paring tinanggal ang asignaturang Filipino.

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”, iyan
ang isa sa mga pinakatanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani, si Jose Rizal. Ngayon,
tatanungin muli kita. Ako, ikaw, siya, tayo ay matatawag pa nga bang tunay na Pilipino? O mas
nararapat yatang tayo'y mabansagan na ng “Mamamayang higit pa sa hayop at malansang isda”?

Kapatid, hindi naman mahirap ang aking gustong mangyari. Kung hindi man natin kayang
ibigay ang ating buhay para sa wikang satin, respeto na lamang ang aking hinihiling. Respeto para sa
mga taong ipinaglaban ang bansa at tayong mga mamamayan maging sa kanilang huling hininga.
Respeto para sa ating bansang sinilangan. At, respeto sa ating mga sarili na naturingang nagtataglay ng
dugo at kaluluwang “Pilipino”. Kung tuluyang mawawala ang asignaturang Filipino, parang isinuko
narin natin ang pagiging isang Pilipino.

Huwag na sana nating hintayin ang panahong tuluyan na tayong nilamon ng sistema at
makalimutan ang ating sariling pagkakilanlan. Huwag nating hayaang mapaisip ang mga bayaning
nagdaan kung tama ba ang kanilang desisyon na ipaglaban tayo. Bagkus, sana'y patuloy nating
pagyamanin ang sariling atin, isa na rito ang ating wikang pambansa. Pagkat ang tunay na
pagmamalasakit sa bansa ay hindi makikita o magmumula sa iba kung hindi sa ating mga sarili. Kung
kaya't ating itaas ang ating bandila at taas noong ipagmamalaki sa mundo ang pagiging Pilipino
sapagkat ito ang tanging paraan na magpapatunay na ako, ikaw, siya, tayo ay tunay na Pilipino.

You might also like