You are on page 1of 3

Sino ang dapat sisihin sa tila pagkapipi natin?

Tila ba isang ibong naputulan ng pakpak,

Isang plumang naubusan ng tintang panulat,

Tulad ng isang ilog na tumigil na sa pag-agos,

Tila tayo'y isang bayang nawalan ng kaluluwa,

nahihirapa't naghihikahos na.

Sabi nila tayo'y malaya na,

tumatayo bilang isang bansa,

tumitindig nang may tapang at dangal

Tayo nga ba'y dekolonisado nang talaga?

tunay nga bang tayo'y may dalisay nang pamumuhay

o tayo pari'y mga alipin sa sarili nating bayan.

Maraming taon na ang nakakaraan,

tayo ay nagapi at nasiil ng mga kanluraning dayuhan,

tila binura at inalisan tayo ng ating pagkakakilanlan,

itinuro kanilang wika at kultura dito sa ating bayan.

Ngunit may mga Pilipino na sadyang minamahal ang ating Inang Bayan

at ipinagtanggol ang ating kasarinlan,

nagbuwis ng mga buhay mamulat lamang ang ating mga kababayan

at makitang sakdal sa laya ang lupaing minamahal.

At nang magtagumpay ngang mapaalis ang mga dayuhan ay bumuo tayo ng sarili nating tatak,

sariling pamahalaaan, pinag-isa ang buong kapuluan,

sa paglaon ng panahon ay hindi parin natin maikukubli ang impluwensyang iniwan ng mga dayuhan,

sa kabila ng ating pagpapaunlad sa ating sariling pagkakakilanlan,

sapat nga ba ang ating pagkilala sa ating bansa?


Paano ba natin itinatangi ang Pilipinas?

Gaano ba natin dapat pahalagahan ang ating pagka-Pilipino?

Kung ako ang tatanungin ay simpleng sagot lamang ang aking maibibigay,

upang mapaunlad ang bayan, kailangang mapagyaman natin ang ating wika at kultura.

Ngayon, ang Buwan ng Wika ngunit hindi lang dapat tuwing Agosto tayo nagmamahal sa ating
Pambansang Wika,

para saan pa at araw-araw ito ang ating sinasalita?

Bagaman atin itong bukambibig ng madalas,

pagpapahalaga natin dito'y tama nga ba at sapat?

Mga wikang banyaga'y mas binibigyan ng halaga,

Ingles, Hapon, Koreano, at iba pa

Maging ibang kultura'y binibigyan lalo ng pansin,

ayan tuloy, kahit sariling mga diyos sa Mitolohiya'y hindi mo kayang isa-isahin,

ngunit kung sabagay ito nama'y sobrang dami,

sina Bathala, Sidapa, Dumakulem, at ang iba pa.

At napag-uusapan narin lamang ang sobrang dami ay alam mo bang ang ating bansa ay mayroong higit
isandaang mga wika?

Tagalog, Cebuano, Ibanag, at Ilokano

Ilonggo, Aklanon, Ivatan, at Bicolano

Hiligaynon, Capiznon, Surigaonon, Manobo, at sobrang dami pang iba

na sa sobrang dami'y alam mo rin bang may apat nang nawala?

O baka hindi lang apat, baka marami na rin sapagkat hindi natin ito sinasaliksik, hindi bininigyan ng
halaga

Huwag nating hayaan o hintayin na mayroon na namang isa o dalawang wika ang mawala,

dahil sa pagmamahal natin sa ibang bansa.

Hindi naman ako tutol sa pagmamahal mo sa iba,


ngunit bago mo sana ibigin ang iba'y itangi mo muna ang kung anong mayroon ka.

Minsa'y mayroon pang mga kabataang pinagtatawanan ang ating Wikang Pambansa

samantalang hangang-hanga sa wikang Hapon, sa wikang Koreano sa mga drama.

Hindi naman iyan masama, ngunit tuwid kabang mag-Filipino?

O baka naman sa bawat salita mo'y may Ingles?

Baka naman ang alam mong kultura'y sa Hapon o sa Tsino?

Mga kababayan nais ko lamang ipaala-ala sa inyo,

May dahilan kung bakit tayo Filipino,

May dahilan kung bakit may sarili tayong pananalita, sistema, at bansa.

Mahalin natin ang ating Wika, Bayan, at Kultura.

You might also like