You are on page 1of 4

Sandaan at Tatlumpu

Maiba muna tayo

Wag muna puro pagibig sa kasintahan,

Paano nalan ang pag-ibig sa wika at bayan,

Alam nyo kasi minsan,

Mas mahalaga pa ang pagiging makabayan,

Kaysa sa relasyon nyong puno lang naman ng kasinungalingan.

Sa lahat ng Pilipinong makakarinig nito,

Sa mga kabataan, binibini , ginang at ginoo

Maalam kaba sa wikang katutubo?

Sa wikang nakalakhan mo,

At sa wikang bumubuo sayo bilang Pilipino

Hindi lang wikang Filipino

Kundi Wikang katutubo

Bisaya, kapampangan, waray, ilokano,

Panggalatok, ilonggo, tagalog, bicolano

Sa higit isang daan at tatlumpong dialekto

Matatawag ngang yaman ng Pilipinas ang mga ito.


Hindi man gaanong kayaman ng Pinas,
Subalit mayaman maman ito sa kulturang wagas
Sa ating mga katutubong wika,
Na puno ng kwento, tradisyon at hiwaga

Sa pabahon ngayon laganap ang pagbabago,


Wikang koreano bumabagabag sa mga Pilipino.
Pilit ina-aral nang makasabay sa uso,
Ngayon ang binabati sa ibang Tao.
Annyeong haseyo imbis kumusta kayo!

May ohayou gozaimasu pang nalalaman,


Chin chung chin chung pa sa kaibigan,
Pero ‘di ko sinisiran linguwahe ng ibang bayan,
Pinapaalala ko lang FILIPINO dapat ginagamit sa’ting lipunan.
At katutubong wika sana’y atin ring pahalagahan.

Nakakatuwang pakinggan,
Inaaway niyo na mga katabi niyong tinatamaan.
Ako din naman tagos sa lalamunan,
Binigkas ko mga wikang aking nalalaman
Hindi sa kinakahiya ko ating bayan,
Nakakatuwa lang kasing matuto ng ibang yaman
Mahal ko parin ating wika at bayan,
Ipinaglalaban ko ito sa pamamagitan ng tulaan
Ang mga kabataa'y alam Na Ito,
Na halos ginagamit ingles Na at Di Filipino,
Na kahit pangalawang lenguwahe natin Ito,
Minsan pay hinahaloan
katutubong wika ng wikang dayuhan,
May taglish, tagbis, taglishbis?
Di niyo ba naiisip?
Nilamon Na tayo!

Oh no you’re super gwapo talaga oppa!

Nilamon na tayo!

Yamette Senpai! Yamette kudasai!

Nilamon ng mga Amerikano,


Nilamon ng mga Koreano,
Nilamon ng mga Hapon,
Lalo Na ang mga Tsino,

Ang nais ko lang iparating sa bayan natin,


Na sariling wika ang ating tangkilikin,
Katutubong wika ay pahalagahan,
Sapagkat ito’y kayamanan ng ating bayan,
Bisaya ako at ikaw ay Ilocano
Sya ay tagalog at kayo’y Ilonggo
Gamitin ang pagkakaiba
Upang tayo’y magkaisa. Sa iisang tungohin Na
bayan nati’y palaguin.

Wala ma tayong makabagong armas, Wala


ring maraming sandatahang lakas Ang atin
lang ay sandaang hiyas Na nagpapatunay na tayo’y malakas
Na sa kabila nag lahat tayo’y magiging matatag
Lumabas tayo’t ating ilantad Marahil nga’y may pagbabago
Ngunit sabay parin sa uso ‘Sandaan at tatlumpo
Ating wikang katutubo

You might also like