You are on page 1of 1

Bayang magiliw perlas ng silanganan

Sambit ng bibig ng bawat sambayanan

Pilipinas ang bansa, Filipino ang wika

Umuusbong, umuunlad at patuloy na nanariwa

Ipinagmamalaki ang bayang kinagisnan

Ako ay Pilipino, aking ipagsisigawan

Kultura ay sagana, hindi maikakaila

bayang sinilangan mahal ko talaga

Sagana sa mga kultura

Pamayanan ay nagkakaisa

Kababayan ko'y nagbabayanihan

Namayani ang pagtutulungan

May kwentong bayan na iyong kakaaliwan

May karunungan bayan na marami kang malalaman

Mga minana sa ninuno na sadyang di mawawala

Bagkos ito ay iningatan at binigyan ng halaga

Maraming bayani, dito ang namayani

Ipinagtangol ang inang-bayan, kaysa sa sarili

Sa mapagsamantalang tao, sila ang lalaban

Pinairal ang katapangan at pagiging makabayan

Pusong bayan ay palaging isinasaisip

Sa kalapit-bayan ay handang sumagip

Hindi hahayaang sila ay malubog at mahirapan

Sa problema ay kadamay ang inyong kababayan.

You might also like