You are on page 1of 3

Filipino Muna

Perlas ka sa dulong bahagi ng silangan


Natatangi mong likas yaman kinamkam ng mga dayuhan
Kastilang sumakop, kinitil iyong pagkakakilanlan
Niyurakan ka't binaboy o, mahal na bayan

Relihiyon ay ginawang instrumento


Nang madaling masakop uhuging mga Pilipino
Nilapastangan bayang nagsusumamo
Inalipin, binusalan ang karapatang pantao

Kastila'y ginawang mangmang ang mga Pilipino


Ating wikang Filipino'y binaboy at inatado
Wika ng mga supot, wikang baldado
Wikang Filipino, wika ng mga hampaslupang Indio

Sa pagsikdo ng damdaming makabayan


Mga Katipunero'y buong giting na lumaban
Nang mapalaya ka sa pagkaalipin Inang Bayan
Mula sa mga hayop na Kastilang haragan

Subalit pagkaalipin mo'y 'di tumigil


Mga Amerikano ikaw ay ginawang inutil
Wikang Ingles sa'yong dila ay dinildil
Sintang bayan, sariling mong wika'y kinitil

Hanggang saan hanggang kailan


Ang pagkaalipin mo sa mga dayuhan

Panahon ng Hapon, ikaw ay ginawang parausan


Bayang lugso, ikaw ay dapat kaawaan

Pagpapalit ng peryodo ay lalong mabilis


Bayan mo'y lumaya't nagbagong bihis
Sariling wika'y binuhay at nilinis
Wikang Filipino'y naging kanais-nais

Salamat na lamang kay Pangulong Quezon


Sariling wika, iyong pansin ay itinuon
Nang sa burak ng pagkaalipin ikaw ay makaahon
Wikang magbubuklod sa iyong mga kanayon

Post-modernong panahon sa kapuluan ay sumambulat


Neo-kolonyal na mga utak ay nagkalat
Wikang banyaga'y lalong sinamba't isiniwalat
Wikang Ingles, sukatan daw ng talino't pagsipat

Upang makipagsabayan sa karatig nasyon


Paggamit ng wikang banyaga marapat at naayon
Nang sa global na kompetisyon
Bansa mo sa kamangmangan ay umahon

Ngunit sariling wika pa ba ay nagagamit


Sa kalakaran at kaunlarang nasambit
Tanging wikang Ingles lamang talaga ang iginigiit
Wikang sarili ay pilit na iwinaglit

Kaya para saan at kanino ang kaunlaran


Sa'yo mahal na Inang Bayan

O, sa iilang haragang mga dayuhan


Na nagpasasa sa'yong likas na kayamanan

Wika ng Pambansang kaunlaran


Ay hindi wika ng mamayan
Kundi wika ng kung iilan sa bayan
Mga wikang sumasakop, lumalaban sa kaawa-awang lipunan

Kung kaunlaran ang pag-uusapan


Wikang Filipino siyang dapat panambitan
Wikang ginagamit at nauunawaan
Ng mga Pilipinong mamamayan

Pagkat ang unawaan ng wika sa bayan


Ay sama-samang pagkilos at paglaban
Mula sa mga dayuhan, hanggang sa kaunlaran
Nang sa gayon, tunay na kaunlaran ay ating makakamtan

You might also like