You are on page 1of 1

BANSA AT WIKA Ni: Leny Alqueza Bansa: Bansang may sariling kulturat kalikasan Tinatawag na perlas ng silangan Animoy

ginto sa pandinig ng karamihan Ating ipinagmamalaki sa mga dayuhan. Ngunit sa panahon ngayon at kasalukuyan Mga taong mapanira at walang pakialam Parang inabusot inapakan inang kalikasan Animoy mga dayuhan sa sariling bayan. Wika: Bansang mayaman sa wika hindi lang kalikasan Wika kung tawagin daan ng karunungan Wikang kabigkis ng ating buhay at hininga Sumisimbolo sa katauhan ng bawat isa. Ngunit wikang nakagisnan, hindi napahalagahan Ganyan ba ngayon ang karamihan Wikang Filipino unti-unting nalimutan Nasaan ang pagmamahal at pagpapahalaga? Bansa at Wika: Iisa ang ating bansa, iisa rin ang wika Sapagkat tayoy mga Pilipino Muli natin bigyang pagpapahalaga Ang wika na ating minana. Wikang sumisimbolo sating katauhan Taglay nito baguhin ang baluktot na daan Kaya tayoy magkaisa at magtulungan Upang wikang Filipino ating mapayaman. Sa pagpapalakas n gating wika Sumisimbolo ito ng isang matatag na bansa Para sa landas ng pagbabago Tayong lahat ang gagawa nito.

You might also like