You are on page 1of 1

“Ang wika ay parang tubig.

Ang hugis ng tubig ay kung ano ang hugis ng


sisidlan. Ang sisidlan ng wika ay bayan-taumbayan”

Wika, ano nga ba ang wika? Sa simpleng pag papakahulugahan ang wika ay
ginagamit ng mga tao sa pang araw-araw na pamumuhay sa paraan ng pakiki-
pagtalastasan, upang magkaroon ng pagkaka-unawaan ang bawat isa. Sa paraang ito
merong pagkaka-isa ang bawat tao sa isang lipunan. Mapapansin natin na ang bawat
lugar na pinupuntahan natin ay may iba’t ibang lenggwahe na ginagamit. Subalit tayong
mga Pilipino ay mayroong pangunahing wika na ginagamit upang tayo’y magkaunawan,
at ito ang Filipino.

Kung gayon bakit nga ba sinasabi na ang wika ay parang isang tubig na kung
ano ang hugis ng sisidlan nito ay siya ring hugis ng tubig at tayong mga tao ng bayan
ang siyang sisidlan ng wika. Ang sinasabing sisidlan ay ito iyong lalagyan ng anumang
bagay. Maipapaliwanag na kung bakit ang wika ay maihahalintulad sa tubig sa
kadahilanang, ang wika ay dumedepende sa bawat kulutura ng isang lugar. Ito ay
nahuhulma ng bawat tao sa lipunan sa bawat taon na lumilipas. Na kung paano ito
hubugin sa sariling sisidlan meron ang isang lugar ito ay nag reresulta ng hugis o anyo
ng wikang meron ang bawat lugar.

Bawat lugar ay naghuhulma ng iba’t ibang anyo ng hugis ng wika, nakasalalay sa


kanilang pag gamit, pag aaral at kinagisnan o kultura ang kanilang wikang ginagamit.
Upang sila ay magkaroon ng pagkaka-unawaan. Tayong mga tao ng sambayanan ang
nagbibigay hugis ng anyo ng ating wikang kinagisnan. Nararapat lamang nating
pahalahagan ang wikang meron tayo, sapaghkat bawat paglipas ng taon ang wikang
meron tayo ay nagbabago sa kamalayang di natin napapansin.

Mahalin, protektahan, bigyang pansin halaga at respetuhin ang bawat wikang


meron tayo, ito ay pamana ng ating lipunan sa bawat henerasyong nag daan.

You might also like