You are on page 1of 10

MASUSING Paaralan Agnipa National High Baitang/Antas Ika-Anim na Baitang

BANGHAY ARALIN School


Guro Warren M. Malate Asignatura Filipino
Petsa/Oras Pebre 28, 1998/ 50 minuto Markahan Uang markahan

Format ng LP/Filipino

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at
Pangnilalaman napalalawak ang talasalitaan.
B. Pamantayang Nabubuo ng sariling diksyunaryo ng mga bagong salita mula sa mga binasa;
Pagganap naisasadula ang mga maaaring mangyari sa nabasang teksto.
C. Panatayan sa Pagkatuto Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan F6PB-Ia-1
II. NILALAMAN “Si Buwaya at si Matsing”
III. MGA KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa
gabay ng Guro
2. Mga pahina sa Sining sa Wika(Batayang Aklat) Textbook 6 pg. 52-53
Teksbuk ng mag-
aaral
3. Karagdagang Manila paper, mga larawan, at kopya ng Kwento
Kagamitan

B. Iba pang Kagamitang Laptop, TV


Panturo Huwag munang basta basta magtiwala sa taong kakikilala mo palang dahil
C. Integrasyon baka ito ang magdadala sa iyo sa kapahamakan
IV. PAMAMARAAN Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain 1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsisiyasat ng Liban
4. Pampasiglang Gawain
B. Panimulang Gawain
A. Pagbabalik-aral o At ngayon ay tutungo na
paglalahad ng bagong tayo sa ating bagong aralin ,pero
aralin bago iyon ay balikan muna natin an
gating tinalakay kahapon.
Anong paksa ang tinalakay
natin kahapon?
Ang tinalakay po natin
kahapon ay patungkol sa simuno at
panag-uri.
Mahusay! Ano ang simuno?

Ang simuno po ay ang pinag-


uusapan patungkol sa isang
pangungusap.
Magaling! Ano naman ang
panag-uri?

Ang panag-uri naman po ay


tawag sa bahaging nagsasabi
tungkol sa paksa.
At ngayon ay mayroon akong
ipapakitang mga pangungusap at
tukuyin ninyo kung saan ang simuno
at panag-uri.
Naunawaan ba?

Opo Sir.
Ang guro ay magpapabasa at
magtatanong sa mga mag-aaral kung
saan ang simuno at Panag-uri sa
pangungusap)
Panuto: Tukuyin ang simuno at
panag-uri sa mga sumusunod na
pangungusap.
1. Si Ana ay pumunta sa
palengke.
2. Ang mamamayan ay bahagi ng
pamahalaan.
3. Nagkakaunawaan ang
simbahan at ang estado.
4. Namuno sa barangay ang
kapitan ng barangay.
5. Ng-aasahan ang mga rehiyon
sa Pilipinas. MGA KASAGUTAN
1. Si Ana(S) ay pumunta sa
palengke.(P)

2. Ang mga mamamayan(S) ay


bahagi ng
pamahalaan.(P)

3. Nagkakaunawaan(S) ang
simbahan at ang estado.(P)

4. Namuno sa barangay(S) ang


kapitan ng
barangay.(P)

5. Nag-aasahan(S) ang mga


rehiyon(P) sa Pilipinas.

Mahusay! Kayo’y talagang


nakikig sa ating tinalakay kahapon.

B. Paghahabi ng Layunin Ngayon klas, ay mayroon


ng Bagong Aralin akong dalawang larawang ipapakita
sa inyo. Ang mga larawang ito ay
may kaugnayan sa ating tatalakayin
ngayong.
(Pagpapaskil ng guro ng mga
larawan sa pisara)

Unang Larawan

Pangalawang Larawan

C. Pag-uugnay ng mga Okey klas, anong hayop ang


Halimbawa sa bagong nasa unang larawan.
aralin Sir, ang nasa unang larawan
po ay isang Buwaya.
Magaling! Ano naman ang
nasa pangalawang larawan?
Ang nasa pangalawang
larawan po ay isang Unggoy.
Tama! isang Unggoy o Matsing

Ngayon klas ay ipapangkat ko


kayo sa dalawang pangkat. Ang
unang pangkat ay pumunta sa aking
kanan at ang pangalawang pangkat
naman ay pumunta sa aking kaliwa.
Ang inyong gagawin ay bibigyan ng
katangian nang unang pangkat ang
Buwaya at bibigyan naman ng mga
katangian ang Matsing ng
pangalawang pangkat.
Naunawaan ba?
Opo Sir.

Sasagutan niyo ito sa ibibigay


kong manila paper. Bibigyan ko
lamang kayo ng limang minute sa
pagsasagot.
Simulan na!

(Pagsasagot ng mga bata.)


Katangian ni Buwaya
1. Malakas
2. Malaki
3. Lumalangoy
4. Matakaw
5. Mabagal
Katangian ni Matsing
1. Tuso
2. Umaakyat sa puno
3. Maliksi
4. Maliit
5. Makulit
.
Tapos na ang limang minuto,
pumunta na sa harapan at simulan
ang presentasyon.
(Presentasyon ng lider ng
bawat pangkat)
Okey klas, batay sa aking
pinakitang larawan at pagsagot ninyo
sa aking pinagawang Gawain. Ano
ang tatalakayin natin sa araw na ito?
Ang tatalakayin natin sa araw
na ito ay tungkol kay Buwaya at
Matsing.
Tumpak! Ngayon ay
manunuod tayo sa malaking TV ng
Kwentong si Buwaya at si Matsing.

D. Pagtatalakay ng bagong Makinig at panuoring mabuti


konsepto at paglalahad bidyong ipapakita ko sa inyo.
ng bagong aralin # 1 Pagkatapos ng kwento ay marami
akong mga katanungang itatanong
sa inyo at ibabahaging mga aral
patungkol sa kwento.

(Ang guro ay sisimulan nang


ipapanood sa mga bata ang kwento
gamit ang malaking TV.)
Si Buwaya at Si Matsing
Nakapahingalay si Buwaya.
Naghihintay. Hinihintay niya si
Matsing. Hindi nagtagal at dumating
si Matsing.
“Kaibigan, kanina pa kita
hinihintay,” bati niya kay Matsing.
“Aba, bakit?” nagtatakang
tanong ni Matsing.
“Hindi moba alam? May piging
sa kabilang ibayo. Imbitado lahat ng
hayop sa kagubatan,” pagbabalita ni
Buwaya.
“Sayang, hindi naman ako
marunong lumangoy,” malungkot na
wika ni Matsing.
“Ikaw naman ! sakay na sa
likod ko ,dadalhin kita roon,” alok ni
Buwaya.
Tumalon agad si Matsing sa
likod ni Buwaya. Nang nasa
kalagitnaan nan g ilog ay sumigaw si
buwaya.
“Walang piging! Ikaw ang
aking pagpipistahan,” masayang
wika ni Buwaya.
Tila nawalan ng loob si
Matsing. Ngunit sandal lang iyon. Si
Matsing na kilala sa pagiging tuso ay
madaling nabuhayan ng loob.
“Alin ba Buwaya ang gusto mo
sa katawan ko?” tanong ni Matsing.
“Magtatanong kapa? Masarap
ang atay mo di ba? Tanong ni
Buwaya.
“Bakit mo hindi sinabi sa akin
kanina? Malaki ang aking atay, lagi
ko itong iniiwan sa amin. Sabagal
kasi. Masyadong mabigat ang atay
ko e,” paliwanag ni Matsing.
“Hala balikan natin, alok ni
Buwaya.
“Ikaw e, bumalik tayo. Bilisan
mo. Kanina ay maraming atay na
nakasabit sa puno, kunin natin.”
Masayang alok ni matsing.
Mabilis na lumangoy si
Buwaya pabalik sa pangpang.
“Sige, diyan ka muna,
Buwaya. Kukunin ko ang akin atay.”
Pagkasabi nito’y mabilis na
tumalon si Matsing. Nagmamadali
itong umakyat sa puno.
“Uwi na Buwaya , wala kang
pagpipistahan. Dala-dala ko ang
aking atay.”
Bumubula ang bibig na
lumangoy na pabalik si Buwaya.

Ngayon klas sabay-sabay


niyong basahin ang kwentong Si
Buwaya at si Matsing.
(Panonood ng mga bata.)

E. Pagtatalakay ng bagong Nagandahan ba kayo sa


konsepto at paglalahad kwento?
ng bagong aralin # 2 Opo sir.
Ngayon klas ay mayroon ako
ditong maliit na puno. Ito ay
tatawagin nating “Puno ng
Katanungan”. Ang punong ito ay
may mga nakabiting maliliit na
nakarolyong papel na naglalaman ng
mga katanungan patungkol sa inyong
pinanood na Kwento.
Ngayon ay mayroon naman
akong kahon dito na naglalaman ng
inyong mga pangalan. Kung sino ang
mabunot kong pangalan sa kahon ay
kukuha siya ng nakarolyong papel na
nakasabit sa Puno ng Katanungan at
sasagutin ang katanungan kung ano
man ang nakuhang tanong sa puno.
Ganun na ganun ang mangyayari
hangang sa maubos ang nakasabit
na tanong sa Puno ng Katanungan.
Maliwanag ba klas!
Opo sir!

Okey! Simulan na natin ang


pagputas ng tanong sa Puno.

(Bubunot ang guro ng pangalan sa


kahon at siya ang sasagot nang
unang katanungan.)

Sino ang dalawang hayop sa


kwento?
Ang dalawang hayop sa
kwento ay si Buwaya at si Matsing.

Magaling! Silang dalawa lang


ang hayop na nabanggit sa kwento.
Bakit naman sumama si
Matsing kay Buwaya? Dahil akala po ni Matsing ay
mayroong Piging sa kabilang Isla.

Tama! Bakit dinala ni Buwaya


si Matsing sa gitna ng ilog. Para po pagpistahan si
Matsing at kainin ang kanyang atay.

Tumpak! Nakain ba ng
Buwaya si Matsing? Hindi po sir.

Bakit hindi siya nakain? Dahil sinabi ni Matsing na ang


kanyang atay ay hindi niya nadala at
naniwala naman po si Buwaya.

Opo sir.
Mahusay! Nakabalik ba nang
buhay si Matsing?

F. Paglinang ng
kabihasnan Ngayon naman klas ay
magkakaroon tayo ng pangkatang
Gawain.
Magaling hanggang tatlo
(Pagbibilang ng mga mag-
aaral)
Okey magsama-sama ang
bawat pangkat at pumili ng lider sa
inyong pangkat.

Ang inyong gagawin ay


isasadula ninyo ang mga nakaatang
sa iyong tungkulin na nakasulat sa
ibibigay kong malaking sobre.
(Pagbibigay ng malaking
sobre.)

Bibigyan ko lamang kayo ng


limang minuto para magsanay.
Naunawaan ba? Opo sir.

Simulan na ang pagsasanay!


(Pagsasanay ng bawat
pangkat)

Unang grupo
- Pagiging matapat sa
kapwa
Pangalawang grupo
- Huwag manloko ng kapwa
Pangatlong pangkat
- Maghanap ng pagkain sa
sariling pawis

PAMANTAYAN
Pagkakabuo--------------------------40%
Pagkakaisa---------------------------40%
Paglalahad----------------------------20%
KABUUAN---------------------------100%

Tapos na ang limang minuto,


simulan na ang presentasyon.
(Presentasyon ng bawat
pangkat)
(Pagbigay ng puna at papuri
ng guro.)

G. Paglalapat ng Aralin Ngayon klas ay


magtatananong naman ako sa inyo
patungkol sa mga dapat nating
matutunan sa pang araw araw na
buhay batay sa ating tinalakay sa
araw na ito.

Mayroon akong inihandang


laro. Ito ay tatawagin nating Lunting
Ilaw! Pulang Ilaw. Kapag sinabi kong
Lunting Ilaw lahat ay tatayo, kapag
sinabi ko namang Pulang Ilaw,
kayong lahat ay uupo. Ngunit kapag
may nahuli o naunang umopo o
tumayo ay siyang sasagot nang
aking mga katanungan. Maliwanag
ba?
Opo sir.

Unang tanong. Bakit kailangan


maging tapat tayo sa ating kapwa?
Para po tayo ay kanyang
pagkatiwalaan.

Magaling! Masama ba ang


manloko ng kapwa, gaya ng ginawa
kay buwaya at kay matsing?
Opo, dahil ito po ay isang
kasalanan sa ating Panginoon.
Mahusay! Dapat ba tayong
magtulungan at magkasundo?

Opo
Bakit?
Para po hindi mag away-away
at mag bigayan po para hindi
magutom ang isa’t-isa.
Mahusay ang iyong kasagutan,
at sanay nadala ninyo ang inyong
natutunan sa inyong pang araw-araw
na buhay.

H. Paglalahat ng Aralin Batay sa ating tinalakay sa


araw na ito ay akin kayong susubukin
kung talagang nakinig kayo sa ating
tinalakay sa araw na ito. Kaya
maghanda sa aking mga
katanungan.
Ano ang tinalakay natin sa
araw na ito?
Ang tinalakay po natin ma’am
ay ang kwentong Si Buwaya at si
Matsing.
Magaling! Ano ang katangian
ni matsing?
Si Matsing po ay tuso, maliksi,
matalino, at mahiligbumakyat sa
puno.
Tama! Ano naman ang
katangian ni Buwaya?

Si Buwaya po ay malakas,
mapanlinlang at lumalangoy sa ilog.

Mahusay! Ano naman ang aral


sa kwentong inyong nabasa’t
napakinggan? Ang aral po ma’am sa kwento
ay huwag po tayong manloko ng
kapwa upang pagpalain tayo ng
Diyos sa araw-araw nating
pamumuhay.

Tumpak na kasagutan!
Talagang mayroon na kayong
kakayahan sa pakikinig at pag-iintindi
ng mga bagay-bagay sa inyong
napapakinggan at natatalakay.

I. Pagtataya ng Aralin Kumuha ng isang-kapat na papel at


basahing mabuti ang panuto.

Panuto: Basahing mabuti at


unawain ang mga sumusunod na
katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot.

1. Sino ang gustong kumain ng


atay sa kwento?
A. Matsing
B. Buwaya
C. Matsing at Buwaya
D. Isda
2. Anong sinabi ni Buwaya nang
magsinungaling siya kay
matsing na kumbinsihin itong
sumama sa kanya?
A. Matsing sumama ka sa
akin lalangoy tayo
B. Matsing sumama ka sa
akin bibigyan kita ng
pagkain
C. Matsing sumama ka sa
akin mayroong fiesta sa
kabilang isla
D. Matsing sumama ka sa
akin, kakainin ko ang atay
mo
3. Paano nakapunta sa gitna ng
ilog si matsing?
A. Sumakay siya sa likod ni
Buwaya
B. Lumangoy siya gamit ang
kanyang kamay at paa
C. Sumakay siya sa isda
D. Gumamit siya ng Bangka
4. Paano nakatakas si matsing
kay buwaya?
A. Lumangoy sa pabalik ng
lupa
B. Tinulungan siya ng isda
na makatakas
C. Pinatay niya ang buwaya
D. Ginamit niya ang kanyang
isip upang linlangin si
buwaya
5. Ano ang aral sa kwentong
nabasa’t napakinggan?
A. Maging mapagbigay sa
kapwa
B. Huwag munang
magtiwala sa iyong
nakilala sa paligid at baka
ika’y mapahamak.
C. Maging palakaibigan
D. Wala sa nabanggit.
6. Tama ba na magsinungaling
si Buwaya kay Matsing para
makuha lamang ang kanyang
nais?
A. Oo, dahil ito ay
nakakabuti para kay
Buwaya.
B. Oo, dahil iyon ang
pinakamabisang paraan
para makumbinsi si
Matsing.
C. Hindi, dahil ito ay
masamang pag-uugali
para makuha lamang ang
loob ng isang tao o hayop.
D. Wala sa nabanggit.
7. Kung ikaw si Matsing,
sasama kaba kay Buwaya
kahit na kakikilala mo palang
sa kanya?
A. Hindi, dahil mahirap
magtiwala sa taong
kakikilala mo palang.
B. Oo, sasama ako sa kay
Buwaya kung mayroon
namang magandang
mangyayari kung asama
ako sa kanya.
C. Oo, dahil mukhang
mapagkakatiwalaan
naman si Buwaya.
D. Oo, dahil mahilig akong
sumama kahit kanino.
8. Sino ang unang naging tuso,
si Buwaya ba o si matsing?
A. Si Matsing ang unang
nakatuso dahil nakatakas
siya sa bitag ni Buwaya.
B. Si Buwaya dahil sa
pinaniwala niyang may
piging sa kabilang isla
ngunit ang pakay niya ay
ang atay ni matsing.
C. Parehong Mabait ang
dalawa.
D. Wala sa nabanggit.
9. Sino ang pinakamagaling
mambola sa kanilang dalawa,
si Matsing o si Buwaya?
A. Mas magaling mambola si
Buwaya dahil nakumbisi
nitong sumama sa kanya
si Matsing upang makuha
ang atay ni Matsing.
B. Mas magaling mambola si
Matsing dahil alam nitong
may pagkain sa kabilang
Isal.
C. Mas magaling si Buwaya
dahil nakain niya ang atay
ni Matsing.
D. Mas magaling si Matsing
dahil nauto niya si
Buwaya na naiwan niya
ang kanyang atay upang
makatas kay Buwaya.
10. Paano nagkatagpo si Buwaya
at si Matsing?
A. Nagkataon lamang.
B. Pinuntahan ni Matsing si
Buwaya.
C. Hinihintay ni Buwaya si
Matsing na dumaan.
D. Sinigawan ni Buwaya si
Matsing upang tawagin.
Mga kasagutan
1. B
2. C
3. A
4. D
5. B
6. C
7. A
8. B
9. D
10. C
IV. MGA TALA
At para sa inyong karagdagang
gawain, kumuha naman ng
kalahating papel at sasagutin niyo
ang aking mga katanungan sa
pamamagitan ng pagsasalaysay.
Tanong:
Mahalaga ba ang pakikipag-
kapwa? Bakit at paano?

Inihanda ni:

________________________
WARREN M. MALEYT
(BSED II /Filipino)

Iniwasto ni:

_____________________________
WARREN M. MALATE
Lectyuter

You might also like