You are on page 1of 1

Wika, Wika, Wika

Kay dami sa atin ang batid kung ano ito


Ngunit tila ba’y di alam kung paano pahalagahan ito.

Isa, Dalawa, Tatlo


Metung, Adwa, Atlu
Maysa, Duwa, Tallo

Hanggang kailan pa ba tayo magbibilang?


Magbibilang ng mga katutubong wikang nawawala na para bang bula.
Natatabunan. Nakakalimutan. At minsa’y natatapakan.
Ilang wika pa ba ang ating ipagkakaila?
Wika na siya mismong kaluluwa ng ating bansa.
Hanggang kailan natin ito ipagsasawalang bahala?
Wika na siyang pagkakakilanlan.
Mahahalagang pamanang minsang humubog sa ating sangkatauhan.

Wala na. Malapit nang mawala.


Mga salitang nagsisilbing makina ng ating bansa.
Wika na minsa’y ating mga ninuno’y ipinaglaban.
Ngunit ngayo’y mas pinipili pang tanggihan at pabayaan ng mga taong itinuring na pag-
asa ng bayan.
Alam naman nating wika ang dahilan ng pagkakaintindihan.
Iba’t iba man tayo ng diyalekto, mapa-Tagalog, Kapampangan, Ilokano.
Ito’y WIKANG FILIPINO. Dahilan para maging iisa tayo. TATAK PILIPINO.
Ngunit nakakalungkot lang na may mga tao talagang mapangkutya at mapang abuso.
Kapwa nila’y tinatawanan sa kanilang kakaibang tono
At mas ginugusto pang makigaya at makiuso
Ang wikang ating kinagisnan ay di na batid, sa wikang banyaga pa nasasabik.

Wikang bumuhay sa ating lahi at pagkatao


Unti-unting pinapatay ng mismo nitong mga tao.
Dama ko na ang mga katutubong wika ngayo’y nalulumbay
Sapagkat mga Pilipino’y kinikitil ang kanyang buhay

Pakiusap ko ngayon, katutubong wika’y bigyan natin ng halaga


Tanging yaman na hindi dapat mawala.
Pagkakamali, ating itama.
Wikang Filipino tangkilikin, gamitin, mga katutubong wika’y muling palaganapin.

You might also like