You are on page 1of 8

Ang Debate at Talumpati

Guess the Word- Magandang gabi po sa inyong lahat. Bago tayo dumako sa huling
tatlong aralin sa pagtuturo ng panitikan, magkakaroon muna tayo
ng maikling laro kung saan aalalahanin natin ang mga aralin noong
nakaraan lingo, kung nakinig kayo, sigurado akong masasagot niyo
ito kaya hinihingi ko yung mga partisipasyon at kooperasyon ninyo.
May babasahin lang kami na kahulugan at mayroon pang larawan
na nakasama rito at pagkatapos nun ay huhulaan niyo na ang
tinutukoy namin.

Slide 112- So pakikipagtalastasan, mula palang sa salitang iyon ay makakaroon ka na


talaga ng ideya tungkol sa debate. Ang pakikipag-talastasan ay isang
klase ng komunikasyon kung saan ang dalawang nag-uusap na panig ay
nagpapalitan ng kuro-kuro habang tinatalakay ang iba’t-ibang uri ng mga
isyu.

Ang debate ay isang diskarte sa komunikasyon na binubuo ng paghaharap


ng iba't ibang mga ideya o opinyon sa isang tiyak na paksa na ninanais na
talakayin o kaya nama’y labanan. Nakakasiguro ako na nakaranas na yung
iba sa inyo ng mga debate sa ibang mga asignatura noong High School. O
kaya nama’y nakasabak na yung iba sa inyo sa mga kompetisyon
patungkol sa debate.

Slide 113- So, ang debate ay isang talakayan sapagkat mayroon tayong tinatalakay
rito na paksa o argumento na nais patunayan at dahil nga argumento
iyon, lagi itong may kaakibat na kontrobersya.

Ang debate ay isang pangangatwiran kung saan ang pangunahing layunin


nito ay magpatunay ng katotohanan at pinaniniwalaan, at nais nitong
ipatanggap ang katotohanan na iyon sa nakikinig o mambabasa. Sa
madaling salita, ang debate ay isang paraan kung saan pwede mong
maimpuwensiyahan ang mga opinion at posisyon ng mga tagapakinig o
mambabasa ukol sa isang paksa. Isa sa maraming mga halimbawa ng
debate ay yung tungkol sa Academic Freeze noong bago-bago pa lamang
yung pagkalat ng COVID-19. Nagkaroon ng krisis kung saan naghahanap
ang DepEd ng alternatibo para maipagpatuloy ang edukasyon ng mga
mag-aaral kahit na mayroong pandemya. Ang iba’y sang ayon na
ipagpatuloy ang edukasyon habang ang iba nama’y sinisigaw ang
Academic Freeze. Sa debate, laging mayroong dalawang panig na
pinaglalaban na parehong may layunin na ipaalam ang kanilang mga
argumento.

Slide 115- Tulad nga ng sabi ko kanina, sa debate, mayroong dalawang panig at
binubuo ito ng proposisyon at oposisyon. Ang paksang pinagdedebatihan
yung tinawawag na proposisyon. Ito yung pangungusap na nilalayong
patunayan ang panig ng sang-ayon sa pamamagitan ng mga argumento.
Habang ang kabaliktaran naman nito ay ang oposisyon. Ito yung ‘di sang
ayon at sila ay taliwas sa proposisyon.

Paano nga ba nila napagdedesisyunan kung sino ang proposisyon at kung


sino ang oposisyon? Sa mga pakompetisyon ng debate, ito ay maaaring
gawin sa pamamagitan ng toss coin o bunutan. Ito ay para maging patas.
Sa madaling salita, kung ikaw man ay mapunta sa proposisyon o
oposisyon dapat ay handa ka na ipangtanggol kung ano ang mapunta
sayo... Sang-ayon ka man o hindi... Sa pagiging handa ay maipakikita mo
ang kahusayan mo sa pakikipag debate. Hindi ikaw ang dapat
magdesisyon kung saang pangkat ka dapat mapunta dahil ang kahandaan
mo ang magpapatunay na sapat ang iyong kaalaman sa isyu o
proposisyon na pinagtatalunan.

Mahalaga ang moderator sapagkat siya ay may kritikal na papel sa


pagtukoy ng pagiging epektibo ng debate. Ang tungkulin niya ay kumilos
bilang isang walang kinikilingan o pinapanigan na kalahok sa isang
talakayan, hinahandle niya ang mga kalahok sa mga limitasyon at
pinipigilan silang mawala sa paksa ng mga katanungang itinaas sa debate.

Slide 116- Sa mga pangkompetisyon na debate, ang hurado ay ang mga taong
responsable sa pagpapasya kung sino ang mananalo at matatalo sa isang
debate. Nagtatalaga rin ang hukom ng mga puntos sa mga kalahok.
Matapos ang debate, sinasabi rin ng mga hurado sa mga debater kung
paano sila bumoto at kung bakit sila bumoto sa ganoong paraan.

Slide 117- Sa debate ay bibigyan ang dalawang panig ng sapat na oras upang
maihanay at mailatag ang kanilang mga salita at punto. Binibigyan din sila
ng oras para banggain ang mga salitang sasabihin ng kanilang katunggali.
Mahigpit na susundin ng mga timekeeper ang oras. Gumagamit sila ng
"mga time card" upang ipahiwatig sa mga kalahok ang natitirang oras.

Slide 119- Ito ang mga katotohanang gagamitin sa pagmamatuwid at kinukuha ang
mga ito sa napapanahong aklat, sanggunian, magasin, at pahayagan. Sa
madaling salita, nagreresearch ka ng mga data na kakailanganin mo para
patunayan ang inyong argumento.

Kung ang paksa ay naransan mo na mismo sa iyong buhay, maaaring


maging datos ang mga ito para maging dagdag ebidensiya sa iyong
posisyon sa isyu.

Maituturing na awtoridad ang isang tao kung siya ay dalubhasa o kilala sa


kanyang larangan. Ibig sabihin, nangangailangan na ang datos na iyong
hahanapin ay makatotohanan at credible o kapani-paniwala.

Slide 120- Mahalaga ang balangkas para maiwasan ang pagka-gahol-gahol,


paghaba, at pagkawala ng direksyon sa mga sasabihin sa argumento.
Matutulungan pa ng balangkas kung paano ilimita ang paksa at paghati-
hati ng mga pangunahing kaisipan.

Sa simula ay inihahayag ang paksang pagtatalunan at ang kahalagahan


nito sa kasalukuyan. Ginagawa rin dito ang pagbibigay katuturan sa mga
termino at pagpapahayag sa isyu.

Sa katawan naman inilalahad ang mga isyung dapat na sagutin kung saan
bawat isyu ay binubuo ng mga patunay, mga katibayan o mga katwirang
magpapatotoo sa panig na ipinagtatanggol.

At ang wakas naman ay ang buod ng isyung binigyang-patunay.

Slide 121- Bahagi ng debate ang pagtatanong, kung nakaranas na kayo or


nakapanood nito, makikita niyo na habang nagdedebate ay may mga
pasulpot sulpot na mga tanong galing sa bawat panig.

Ito ay sa kadahilanang maaaksaya ang iyong oras ng pagtatanong dahil


sila rin may nakalaang oras para tanungin kayo pabalik.

Gaya nga ng nasabi ko kanina, mahalaga ang moderator sapagkat siya ay


may kritikal na papel sa pagtukoy ng pagiging epektibo ng debate. Siya
ang bahala sa paghawak ng mga kalahok sa mga limitasyon at pinipigilan
silang mawala sa paksa ng mga katanungang itinaas sa debate.

Slide 122- So, may panunuligsa o rebuttal din sa debate. Ito’y nangangahulugang
pag-uusig.

Ang panunuligsa ay may malaking tulong sa iyo na lumikha ng isang


mapanghimok na argumento sapagkat sa isang debate, ang isang rebuttal
ay ang bahagi kung saan mo ipinapaliwanag kung ano ang may depekto
tungkol sa pagtatalo ng kabilang panig. Ibig sabihin, mas makukuha mo
ang atensyon ng mga tagapakinig pati na rin ang mga hurado. Mas
malalaman nilang inaral mo talaga ang paksa at kasabay nito ay
maipapakita mo ang mga kamalian sa kalaban. Bilang konklusyon,
nahihikayat mo ang mga tao na maniwala sa panig mo.

Slide 123- Ang isang nangangatwiran ay nararapat lamang na magtaglay ng sapat


na kaalaman tungkol sa paksang pinangangatwiranan sapagkat kung ‘di
niya ganun kahustong alam kung ano yung posisyon niya o argumento,
hindi niya ito maipagtatanggol nang maayos.

Dapat sa debate, maayos ang pagkakaorganisa ng mga kaisipan upang


mas malinaw na maipadala sa mga tagapakinig ang iyong punto. Dapat
na payak ito at maiwasan ang pagka-gahol-gahol at pagkawala ng
direksyon.

Kailangan ang katwiran ay nakabatay sa katotohanan upang ito ay


makahikayat at makaakit nang hindi namimilit dahil kung hindi kapani-
paniwala ang iyong argumento o kaya nama’y wala itong mga nakasaaad
na ebidensiya, impossible na may maniwala sa iyong punto. Baka isipin
nila na sabi-sabi mo lang yung mga argumento mo.

So, gaya lang sa ikatlong bullet, dapat ang mga ebidensiya na ating
hahanapin ay konektado sa mismong paksang tinatalakay. Dapat hindi ito
malayo sa mismong isyu o posisyon na iyong inilalahad.

Dapat pawang katotohanan lamang ang iprepresenta. Nararapat lang na


hindi ka biased. Tulad ng nabanggit ko kanina, sa mga pangkompetisyon
na debate, ‘di ikaw ang pumipili ng posisyon mo, maaaring mapunta ka sa
proposisyon o kaya naman ay sa oposisyon sa pamamagitan ng toss coin
o bunutan. Kahit na hindi mo gusto ang napadpad sayo, dapat bukas ang
iyong isipan upang ipagtanggol iyon sapagkat yun ang tunay na
kahalagahan ng debate. Ipagtanggol ang argumentong naibigay sayo.

Slide 125- Layon nitong magbigay ng kaalaman o impormasyon, tumugon,


humikayat, mangatwiran, at maglahad ng isang paniniwala. Isa rin itong
uri ng komunikasyong pampubliko kung saan ang isang paksa ay
ipinapaliwanag at binibigkas sa harapan ng mga tagapakinig.
So, ginagawa ito sa harap ng publiko o grupo ng tao sapagkat ang isang
talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay
hindi mabibigkas sa harap ng madla.

Slide 126- May anim (6) na uri ng talumpati o pananalumpati ayon sa layunin at
kabilang dito ay ang talumpating pampalibang, nagpapakilala,
pangkabatiran, nagbibigay-galang, nagpaparangal, at pampasigla.

Slide 127- Ito ay uri ng talumpati na naglalayong magbigay ng saya o ngiti sa mga
labi ng kanyang mga tagapakinig. Dito, may sense of humor ang
mananalumpati.

Slide 128- Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang kanilang
atensyon sa husay ng kanilang magiging tagapagsalita. So dito
ipinapakilala ng mananalumpati ang kaniyang sarili sa madla kabilang na
rito ang mga basic na impormasyon ukol sakanya na maaaring
makaimpluwensiya sa panghikayat niya sa mga tagapakinig.

Slide 129- Ang talumpating pangkabatiran ay isang talumpating nagbibigay ng


kabatiran at impormasyon sa mga nakikinig. Kadalasan ito ay ginagamit
tuwing may mga conventions. Gumagamit dito ng mga kagamitang
makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang
tinatalakay.

Slide 130- Tumutukoy ito sa pagpuri sa pormal na pamamaraan sa mga


mahahalagang panauhin sa isang event. Pagbibigay galang, so,
nagpapakita ka ng respeto sa paraang pagbati, pagtugon, at pagtanggap.

Slide 131- So, nagpaparangal. Sa madaling salita nagbibigay ka ng papuri. Ginagamit


ito sa mga okasyon tulad ng paggawad ng karangalan sa mga
nagsipagwagi sa patimpalak at paligsahan, paglipat sa katungkulan ng
isang kasapi, pamamaalam sa isang yumao, at parangal sa natatanging
ambag ng isang tao o grupo.

Pampasigla, so parang dito, nagbibigay ng motibasyon ang


mananalumpati kung saan kalimitang binibigkas ito ng isang coach sa
kanyang pangkat ng mga manlalaro, isang Lider ng samahan sa mga
manggagawa o myembro, at isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga
kawani
Slide 132- O ayon sa kung paano ito binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Mayroong tatlong (3) uri ng talumpati ayon sa pamamaraan. Ito ay ang
Dagli, Maluwag, at Pinaghandaan.

Slide 133- Ang talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda.
Kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita. Ang susi ng
katagumpayan nito ay nakasalalay sa mahalagang impormasyong
kailangang maibahagi sa tagapakinig. Isang halimbawa ng dagli ay ang q
and a sa mga pageants.

Dito, hindi isinusulat nang buo at hindi isinasaulo ang mga sasabihin. Sa
talumpating ito, nagbibigay lamang ng ilang minuto para sa pagbuo ng
ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag. Kaya
madalas na outline lamang ang isinusulat ng mananalumpating
gumagamit nito na magsisilbing gabay sa estruktura ng mga sasabihin.

Madalas napagbabaliktad ang Dagli at Maluwag na Talumpati, so, sa


madaling salita, ang pinagkaiba nila ay ang oras bago nila ito binibigkas sa
harap ng madla. Ang Dagli ay agad agad or on the spot mismo
samantalang ang Maluwag naman ay mga mga iilang minutong ginugugol
sa paghahanda.

Slide 134- Pinaghandaan- Mula pa lamang sa salitang iyon ay malalaman mo na


kaagad kung anong uri ng talumpati yun ayon sa pamamaraan. Dito,
handang handa talaga ang mananalumpati sapagkat mahabang oras ang
ibinigay sa kanya, nakakalap pa siya ng datos, nairevise pa niya ang
kaniyan talumpati bago niya ito isaulo o babasahin.

Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensyon, seminar, o


programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na
nakasulat. Dito, ang nagsasalita ay nakadarama ng pagtitiwala sa sarili
sapagkat naisasaayos niya nang mabuti ang kanyang sasabihin at
binabasa pa niya ito. Kailangan ang matagal na panahon sa paghahanda
ng ganitong uri ng talumpati sapagkat ito ay itinatala. Pero, ang ‘di
maganda rito ay limitado rin ang oportunidad ng tagapagsalitang
maiangkop ang kanyang sarili sa okasyon. Karaniwan din ay nawawala
ang pakikipag-ugnayan ng tagapagsalita sa kanyang tagapakinig dahil sa
pagbabasa ng manuskritong ginawa. Hindi siya gaanong nakakapag
interact sa mga manonood niya.
Gaya rin ng manuskrito, ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang
maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig and pinagkaiba lang,
dito, wala kang binabasa, minemorize mo na yung mismong talumpati
kaya may opurtunidad na magkaroon ng pakikipag ugnayan sa
tagapakinig. Pero, ang isang kahinaan ng ganitong talumpati ay
pagkalimot sa nilalaman ng talumpati. Kapag ikaw ay kinabahan, wala
kang titignan na script kaya kailangan talaga rito, sobrang tandang tanda
mo na ang bawat salitang iyong ginawa.

Slide 135- Gaya ng masasarap na putahe, mayroon ding mga sangkap ang isang
maganda at epektibong talumpati. Kabilang na rito ang Kaalaman,
Kahandaan, at Kasanayan.

Slide 136- Dapat batid mo ang mga datos ukol sa paksa ng talumpati sapagkat kung
hindi, magiging kahiya-hiya ang isang mananalumpati lalo na kung kulang
talaga ang kaalamang ipinahahayag.

So, tiwala sa sarili ang pagiging handa sa kadahilanang kapag may tiwala
ka sa sarili mo, hindi ka sobrang kakabahan. Hindi ka pangungunahan ng
takot sapagkat alam mo sa sarili mo na prepared ka sa talumpati na iyon.
Madalas na bunga ng walang kahandaan sa pananalumpati ang mawala
sa kalagitnaan ng pagsasalita, matagal na pagtigil, o kaya nama’y
pangangapa ng mga salita.

Kapag sanay ka na sa isang larangan, kaakibat nito ang paglabas ng iyong


kahusayan, kaalaman, at kahandaan. Sa pagtatalumpati, nararapat
lamang na magsanay na magsalitang malakas at maliwanag sa paraang
parang nakikipag-usap. Maaari ring magpractice sa harapan ng salamin
para makita natin an gating ekspresyon ng mukha ayon sa damdaming
nais ipahayag.

Slide 137- Gaya ng sanaysay, mayroon ding tatlong bahagi ang talumpati. Ito ang
simula, katawan, at wakas.

Slide 138- Simula, alam naman nating lahat na dito sa bahaging ito yung
introduksyon ng paksang ating tatalakayin. Inilalahad dito ang layunin ng
topic at dito pa lang ay dapat nakuha na ang atensyon ng mga
tagapakinig.
Sa gitna o katawan natin malalaman ang mga detalyeng sumusuporta sa
pinag-uusapan sa talumpati. Nararapat lamang na ito ay may
makatotohanang datos.

Sa katapusan o wakas, sinusummarize natin yung buong talumpati.


Nakalahad dito ang pinakamalakas na katibayan, katwiran, at paniniwala
para makahikayat ng pagkilos mula sa mga tagapakinig ayon sa paksa ng
talumpati.

Slide 139- Narito ang ilang mga payo sa paggawa ng talumpati.

Slide 140- Nararapat lamang na angkop ang paksa sa mismong okasyon kung saan
ka magtatalumpati. Dapat naaayon din ito sa mga tagapakinig.

Ikalawa ay ang paghahanap ng mga datos na kakailanganin sa talumpati.


Pwedeng mga dating kaalaman o karanasan o kaya ay mga babasahin na
may kaugnayan sa paksang gagamitin.

Kailangan natin ng outline nito para mas madaling makapag-isip ng flow o


estruktura ng speech. Makatutulong din ito para maorganisa ang iyong
mga ideya.

Kung maaari ay iwasan na pag-usapan lamang ang tungkol sa sarili at


pansariling kapakinabangan. Dapat may kamalayan tayo kung nawawala
na ba tayo sa paksa, dapat hindi tayo malayo sa ating tinatalakay.

Kung maari ay magkaroon tayo ng “sense of humor” sa pagdedeliber ng


talumpati at laging isipin ang iyong tagapakinig, pero dapat tignan pa rin
natin ang okasyon kung saan ka magbibigay ng talumpati, kung pormal
ito, nararapat lamang na pormal ka, hindi naman pwedeng magpatawa sa
araw kung saan lahat ay nalulugmok, gaya nalang sa mga okasyon na
may patay.

You might also like