You are on page 1of 2

Ang Panitikan sa isang Klaseng Pangwika

Slide 46- Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga
bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na
anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at
ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo
ng dula sa bansa.

Kakaunti lamang ang nakalap ng mga arkeologo sapagkat batay sa


kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa
bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.

Slide 47- Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo,
maghanap ng ginto, at upang lalong magpabantog sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng kanilang nasasakop.

Slide 48- Pasyon- isa sa patulang anyo na makarelihiyon.


Dula- halimbawa nito ay ang senakulo, Santa Cruzan, at tibag
Carillo- ito yari sa karton na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting
tela.
Moro-moro- ay pumapaksa sa tagumpay ng mga Kastila. Isinasadula rito
ang mga himagsikan sa pagitan ng mga sundalong Kastila at mga
Muslim sa Mindanao at sa wakas ng dula, palaging nagwawagi ang
Kastila at talunang niyayakap ng mga Muslim ang Kristiyanismo.

Slide 49- La Solidaridad- naglalayon itong “matamo ang pagbabagong kailangan ng


bansa bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya,
maisawalat ang malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng
pamamalakad ng mga kastila, at upang pairalin ang kalayaan at
demokrasya.

Slide 50- Noli Me Tangere at El Filibusterismo- ito ang unang nalimbag at nalathala
sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na
mag-aklas laban sa mga Kastila. Ito ay akda ni Dr. Jose Rizal

Sumulat din siya ng mga sanaysay gaya ng… (third and fourth bullet)

Slide 52- Samakatuwid, tungkulin ng isang guro ng wika na paglaanan ang mga mag-
aaral ng sapat na dami ng “comprehensive input” na magsisilbing mga
modelo sa paggamit ng wika tungo sa pagpapalawak at pagpapadalisay ng
kaalaman nila sa balarila, mabatid kung paano pinipili at pinag-aayaw-ayaw
ang mga salita upang makabuo ng isang kaisipan , at upang maunawaan
nang lubos ang wikang naririnig at binabasa para sa ganoon ay makalahok
sila sa mabisang pakikipagtalastasan.
Slide 53- ‘Di lang yun, nagagawa rin ng panitikan na maitaguyod ang kabuuang pag-
unlad ng isang mag-aaral sa mga aspektong sosyal, moral, intelektuwal,
estetiko, pagpapahalaga, at ang epektibong paggamit ng wika.

You might also like