You are on page 1of 7

LINGGO 2

Filipino sa Piling Larangan: Akademik

21
Sa aking mag-aaral:
Ikaw ay magsisimula na para sa Ikalawang linggong aralin. Basahin at unawain ang mga aralin
sa ibaba, pagkatapos ay sagutan ang linguhang pagsusulit at aktibiti blg 2 sa ibaba pagkatapos ng
aralin.

Sa katapusan ng Linggo 2, ikaw ay inaasahang:


a. masasagutan nang wasto sa humigit 85% ang mga tanong sa lingguhang pasulit; at
b. nakabubuo ng isang lakbay-sanaysay.

ARALIN V: PAGSULAT SA LARANGAN NG HUMANIDADES

A. Humanidades: Pag-unawa sa Tao at sa Mundo

Ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito.
-J. Irwin Miller

Sana’y mapagtanto natin na ang edukasyon at ang humanidades ay dapat pahalagahan sa pagpapaunlad
ng ating mga isipan at ng lipunan sa kalahatan, at di lamang para magkaroon ng karera sa hinaharap.
- Newton Lee
-
“Hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging ta.” Ito ang pangunahing layunin ng
larangan ng Humanidades. Tao- ang kaniyang kaisipan, kalagayan, at kultura – ang binibigyang-tuon sa pag-aaral
ng larangang ito.

B. Reaksiyon sa Iskolastisismo
Ang larangan ng humanidades ay umusbong bilang reaksyon sa iskolastisismo sa panahon ng mga
Griyego at Romano kung saan inihahanda ng tao na maging doctor, abogado, at sa mga kursong praktikal,
propesyonal, at siyentipiko. Inilunsad ito upang bumuo ng mga mamamayanang mahusay sa pakikipag-ugnayan
sa kapwa at makabuluhan at aktibong miyembro ng lipunan.

Ang larangan ng Humanidades ay higit na nauna kaysa sa Agham Panlipunan. Batay sa pilosopikal na
posisyon ng humanism sa sinaunang Griyego at Romano noong ika-14 siglo nabuo ang larangan. Sa panahon ng
Renasimyento o Renaissance, dumami ang mga iskolastiko, iskolar, at alagad ng sining.

Ilan sa mga unang humanista sin Petrarch na binansagang “Ama ng Humanismo” at Erasmus na tinawag
na “Prinsipe ng Humanismo.” Mga miyembro rin ng simbahan ang nagging humanista gaya ni Pope Pius II.

C. Metodolohiya
Gumagamit ng lapit na analitikal, kritikal, at ispekulatibo ang Humanidades. Sa mga ito, nabibigyan ng
pagkakataong suriin ang isang teksto sa paraang sistematiko at organisado. Analitikal na lapit ang ginagamit sa
pag-organisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri, at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa
isa’t isa. Kritikal na lapit naman kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon, at pagbibigay ng
sariling opinion sa ideya. Gayundin, ispekulatibong laput naman ang pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o
pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip, at pagsulat.

D. Pagsulat sa Humanidades
May tatlong anyo ang pagsulat sa larangan ng Humanidades batay sa layunin (Quinn at Irvings 1991)
A. Impormasyonal – Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng sumusunod:
 Paktuwal na impormasyon bilang background gaya ng talambuha o maikling bionote tungkol sa may
akda o libro sa pabalat, artikulo tungkol sa kasaysayan ng mga bagay, at iba pa.
Halimbawa:
Maliban sa masusing pagsalaysay kung paanong nakakamit at napapanatili ng katutubong
Talaandig ang kulturang kapayapaan, nilalaman din ng aklat ang mga salaysay tungkol kay Agyu, ang
bida at bayani ng mga Manobo at Talaandig sa Mindanao, pitong modyul sa pagtuturo ng edukasyong

22
pangkapayapaan at kuwentong pambata ng Talaandig na huhubog ng isang kamalayang makatao ang
isinama sa aklat.
- Geraldine Villaruz, RSCJ, Nalandagan:
Kulturang Kapayapaan ng Inang
Malinandang ng Talaandig (2014)

 Paglalarawan – Nagbibigay ito ng detalye, mga imahe na dinedetalye sa isipan ng mambabasa,


sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan ay isinasagawa sa mga akdang pampanitikan gaya
ng kritisismo, tula, kwento, nobela, at iba pa.
Halimbawa:
Ni minsa, hindi pa ako nakapasok sa bahay ng mahirap. Bahay na pala ang tawag nila doon. Doon
sa masikip na kawayang sahig na siya ring kainan, kuwarto, sala, at kusina. Malawak ang paligid nila
ngunit hirap silang makakain ng tatlong beses isang araw.
- Joel Albulario “ Merli” Binhi, 1990
-
 Proseso – Binubuo ito ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano isinagawa, at ang nagging resulta na
kadalasa’y ginagawa sa sining at musika.
Halimbawa: Sumunod na naisipan nina Picasso at Braque ang paglalagay ng tunay na bagay sa
kanilang gawa: kapirasong diyaryo o, dili kaya, upuang yantok… Ngunit kahit na naipahiwatig ng
mga likhang ito ang damdamin at alaala ng isang pook o bagay, ang kabuuan ng mga bagay-bagay ay
nawala. Nagkawasak-wasak ang mga gitara’t nagkawatak-watak ang pagmumukha ng mga tao ni
Picasso.
Rodolfo Paras Perez, “Sining ng
Nagsisikip na Dingding” Binhi, (1990)

B. Imahinatibo – Binubuo ito ng mga malikhaing akda gaya ng piksiyon (nobela, dula, maikling kuwento)
sa larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri ditto.

Ang pagsusuri ng maikling akda (piksiyon) ay nagbibigay-tuon sa kung ano ang mensaheng
ipinapahayag at paano nila ito ipinahayag. Ang apela nito ay sa imahinasyon at emosyon ng nagbabasa o
nakikinig. Gayundin, sinusuri ito ayon sa estilo, epekto, at maging lohika ng akda.
Sa pagsusuri ng piksyon, kinakailangan ang analitika at kritikal na ebalwasyon at pagbasa na
katampukanng sumusunod na elemento:tauhan, aksiyon, tagpuan, banghay (plot) tema, wika, at
ebalwasyon ng akda kaugnay ng karanasan at buhay ng sangkatuhan.

Narito ang halimbawa ng pagsusuring imahinatibo:


1. Sa “Himagsik ni Emmanuel” masasabing napaka-Asyano ang pananaw ng awtor sa kasaysayan
ng tao. Ang pagbabalik, gaya ng nabanggit, ay sirkular – buhay at kamatayan, Alpa at Omega,
Yin at Yang… Hindi lamang saksi ang bundok kundi sagisag na ito ng walang katapusang
kasaysayan ng tao at ng kaniyang kamalayan. Sa bundok unang nagising ang kamalayan ni
Emmanuel sa pamamagitan ni Aurora at sa bundok din siya yayao. Ngunit sa bundok din siya
magbabalik habang nakaabang ang walang kapagurang si Apo Layo.
2. Si Hernando Ocampo; masasabing wala siyang natirang ispasyo. Mararamdaman lamang ang
kaniyang ispaso sa kilos ng kaniyang mga hugis na pumupuno sa buong likha.
Si Cesar Legaspi: puno rin ng mga tao o di kaya’y ng sari-saring hugis.
Si Carlos Francisco’y gayon din: punong-puno ng mga tao ang kaniyang mga gawa o dil kaya ng
iba pang mga bagay.

Mamamalas din ang damdaming ito sa mga gawa ng mga pintor na gaya nina Federicoo
Aguilar Alcuaz at Juvenal Santos. Ang mga naunang gawa ni Fernando Zobel noong siya’
naririto sa Pilipinas ay halos wala ring itinitirang ispasyo, halimbawa ang mga altar niya.

Masasabing ang damdamin ukol sa ispasyo ng nabanggit na mga pintor ay di sinasadya o


di binalak. Maaari. Lalong mabuti. Sa gayo’y matitiyak na ang damdamin ay likas. Samakatuwid
maaaring gamitin ang damdaming ito bilang isa sa mga pantangi sa sining-Pilipino. Isang

23
namumukod na diwang-sining na magagamit na panukat sa pagbubukod sa damdaming taal at
damdaming-aral.
Rod Paras Perez, Sining ng Nagsisikip na Dingding, Binhi, 1990

C. Pangungumbinse- Pangganyak ito upang mapaniwala o di-mapapaniwala ang bumabasa, nakikinig at


nanonood sa teksto ng akda. Subhetibo ito kaya’t mahalagang ang opinion ay kaakibat ng ebidensiya at
katuwiran o argumento. Makikita ang ganitong anyo ng pagsulat sa mga kritisismo o rebuy ng librro,
pelikula, dula, sining, musika, at iba pa.

Narito ang ilang halimbawa:


May potensiyal sana ang naratibo ng pelikula para mapayaman ang diskurso tungkol sa
kababaihan at maghain ng bagong sinasabi. Kasabay ng mga pagbabago sa politika at ekonomiya ang
pagbabago ng papel ng babae at lalaki sa sinaunang lipunan dahil walang kinikilalang kasarian ang
gawaing pamproduksiyon. Ang lupa at iba pang hanguan ng kabuhayan ay pag-aari ng lahat, kaya ang
paglinang ditto ay tungkulin din ng buong komunidad. Sa katunayan, pinaniniwalaan pa ngang may
pribilehiyong posisyon ang babae bilang babaylan na naggagamot at nag-iingat ng kaalamang bayan. (Ito
kaya ang dahilan kung bakit ipinapakitang nakapagpagaling ng mga hayop si Ana?) Sa pagdating ng mga
kastila, nabawasn kundi man naglaho ang kapangyarihan ng mga babaylan. Ang lupa na dati’y pag-aaring
kumon ay nagging pribadong ari-arian, at napagtibay ang piyudal na sistema ng produksiyon. Sumunod
na napairal ang piyudal na relasyon sa pamilya na nagdulot ng sapin-saping kaapihan sa kababaihan

Malaki rin sana ang potensiyal ng iba’t ibang manipulasyon ng panahon na kinasangkapan ng
pelikula – gunita sa pagyao ng ina ni Ana, imahen ng pista ng San Isidro, eksena ng pakikipag-usap ni
Ana sa kaniyang ina. Ang mga anakronismong ito, kung nagamit lang sana nang mabuti, ay
makapagpapalinaw sa mas masalimuot na pagpapakahulugan. Ngunit tila hindi ito nalinaw at napag-
ugnay ng bisyon ng pelikula.

Sa kabuuan, hindi lamang ang pangunahing karakter ang ginawang pipi. Napipi rin ang mga
marami pang aspekto ng pelikula.
Galileo Zafra, “Sidhi:
Piping Piping Pelikula

Ang larangan ng Humanidades ay nagbibigay ng kasanayan sa masining na paggamit ng wika, ng


karanasan sa pagtatasa ng opinion ng ibang tao, ng kakayahang suriin hindi lamang ang mensahe ng akda
kundi ang nakapailalim nitong kahulugan, at hindi lang kung ano ang sinasabi kundi bakit ito sinasabi.

Tunay na ang larangan ng Humanidades ay isang karunungang mag-aambag sa ikayayaman ng


kaisipan at kasanayan anuman ang iyong piniling karera.

Tandaan:
 Analitikal na lapit ang ginagamit sa pag-organisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri,
at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa’t isa.
 Kritikal na lapit naman kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon, at pagbibigay ng sariling
opinion sa ideya. Gayundin, ispekulatibong laput naman ang pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o
pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip, at pagsulat.

Sanggunian:
Constantino, et. al., 2016, Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex Bookstore, INC856 Nicanor
Reyes, Sr. St., Sampaloc,Manila.

24
Ave Maria College
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
School ID No. 402686 Gov’t Permit No. 0059 s. 2015

Lingguhang Pasulit blg. 2

Pangalan:_________________________________ Petsa:_______
Taon/Trak/Istrand:________________________ Iskor:_______

I. Panuto: Basahin nang maigi ang mga sumusunod na katanungan. Ibigay ang hinihinging sagot at
isulat ito sa hinandang patlang bago ang bilang. (20 pts)

__________________ 1. Nagbibigay ito ng detaye, mga imahe na dinedetalye sa isipan ng


mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan ay
isinasagawa sa mga akdang pampanitikan.
__________________ 2. Tinatawag na “Prinsipe ng Humanismo”.
__________________ 3. Binubuo ito ng mga malikhaing akda gaya ng piksiyon sa larangan ng panitikan,
gayundin ang pagsusuri ditto.
__________________ 4. Lapit kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon, at pagbibigay
ng sariling opinion sa ideya.
__________________ 5. Ang larangan na ito ay umusbong bilang reaksyon sa iskolastisismo sa panahon
ng mga Griyego at Romano kung saan inihahanda ng tao na maging doctor,
abogado, at sa mga kursong praktikal, propesyonal, at siyentipiko
__________________ 6. Binansagang “Ama ng Humanismo”.
__________________ 7. Sa anong panahon dumami ang mga iskolastiko, iskolar, att alagad ng sining.
__________________ 8. Lapit na ginagamit sa pag-organisa ng mga impormasyon sa mga kategorya,
bahagi, grupo, uri, at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa’t isa.
__________________ 9. Binubuo ito ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano isinagawa, a rang nagging
resulta na kadalasa’y ginagawa sa sining at musika.
__________________ 10. Ang lapit kung kinikilala ang mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan ng
pagsusuri, pag-iisip, at pagsulat.

II. SANAYSAY
1. Ano ang metodolohiya at estratehiya ang sa tingin mo ay pinakamadaling gamiting lapit sa
pagsulat sa larangan ng humanidades? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Kung papipiliin ka sa tatlong anyo, batay sa layunin (impormasyonal, imahinatibo,


pangungumbinsi), ano ang pipiliin mo sa iyong pagsulat sa larangan ng Humanidades? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

25
Ave Maria College
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
School ID No. 402686 Gov’t Permit No. 0059 s. 2015

Aktibiti blg. 2
Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Panuto: Sumulat ng dalawa hanggang tatlong pahinang Lakbay-Sanaysay na nagdodokumento sa


isang karanasan sa paglalakbay sa lugar na napuntahan. Tatahasin ang gawain gamit ang rubriks sa
ibaba.

Mga dapat itampok sa lakbay-sanaysay:



 Lugar  tradisyon  uri ng mga tao
 Kultura  pamumuhay

Pamantayan Sobrang Lumampas pa Natugunan Hindi buong Hindi


natugunan nang kaunti natugunan natugunan
sa Inaasahan
5 4 3 2 1
Nilalaman Malinaw May pokus May ugnayan Hindi Limitado sa
May pokus May mga ang mga ideya malinaw. datos, walang
Nakatutulong detalye Maraming tema.
ang mga May ilang dapat sagutin.
detalye detalye
Organisasyon Malakas ang May malakas Maayos at Di malinaw at Magulo ang
smula, gitna, na simula, malinaw walang pokus. pagkasulat
wakas. gitna, wakas Walang mga
Malinaw ang transisyon
pokus at may
mga transisyon
Bokabularyo Mabisa at Makabuluhan Nakakukuha ng Di-konsistent Di-angkop
angkop ang ang ginamit na atensiyon ang sa gamit ng ang ginamit
mga salitang mga salita mga salitang salita na mga salita
ginamit ginamit
Pananaw o Mahusay ang Malinaw ang Maliinaw ang Di-malinaw Di-malinaw
punto de-pista pagkasulat pakikipag- pinatutungkulan kung sino ang ang punto de
kung kaya’t komunikasyon g mambabasa pinatutugkulan pista
nakakaugnay sa mambabasa ng akda
sa mambabasa Para kanino?
Kumbensiyon Tama ang Tama ang May ilan lang May mga Maraming
baybay, baybay at mali. maling baybay maling baybay
angkop at gamit ng mga May ugnayan at bahagi ng at bahagi ng
malikhain ang bahagi ng ang mga bahagi pananalita. pananalita
pagkasulat pananalita ng pananalita Walang pag-
uugnay-ugnay
ang mga
bahagi ng
pananalita

26
Paalala:

Itago ang linguhang pagsusulit at aktibiti blg. 2 sa iyong portfolio at isumite ito sa iyong course
fasiliteytor bago magpatuloy sa ikatlong linggo.

Great Job!

Wakas ng Linggo 2

27

You might also like