You are on page 1of 4

1 Katitikan ng Klase sa Kasaysayan 203

2 (Ang Pilipinas noong ika – 17 at ika -18 Dantaon)

3 Noong Marso 21, 20121

5 Inihanda ni: Edna Marcil M. Martinez

6 Petsa: Marso 28, 2012

7 Guro: Dr. Vic Villan

8 Mga Dumalo: Phillip Medina, Randy Madrid, Aaron Abel, Beng Boro-Magbanua,
9 Edelyndon Enriquez, Grace Concepcion, Alfredo Nathaniel Marte, Edna Marcil Martinez
10 at Dr. Vic Villan (guro)

11

12 Ayon sa mga kamag-aral ay nagsimula ng pormal ang klase sa ganap na 9:20 ng umaga.
13 Nagpasa ng papel sa attendance (nahuli sa pagdating ang inyong lingkod at inabutan ang
14 pag-umpisa ng pag-uulat ni Edelyn don L. Enriquez ukol sa kanyang sinasaliksik.) Ang
15 kanyang pananaliksik ay ukol sa mga batang Pilipino noong ika -17 at ika-18 Dantaon.
16 Gamit ang isang nakasulat ng balangkas ay pinaliwanag niya ang pakay ng kanyang
17 papel. Pagkatapos ng kangyang pag-uulat ay iminungkahi ni Dr. Villan na maari pang
18 suriin ang mga sipi nina Blair, Colin at nag Bazter Codex para mas mapalitaw ang mga
19 “historical data” ukol sa mga batang Pilipino noong ika-17 at ika-18 Dantaon. Ayon kay
20 Dr. Villan, isa itong magandang pag-aaral dahil wala pang masyadong nagtuon ng pansin
21 sa usaping ito na nagmula sa pananaw ng kasaysayan (historical perspective).

22 Minungkahi din ni Dr. Villan na marahil ay magandang umpisahan ang pag-aaral na ito
23 sa isang “linguistic analysis”. Patuloy niya, magandanang suriin ang mga diksiyonaryo at
24 tingnan kung ano ang iba’t ibang depenisyon ng salitang “bata” gayundin ay ang suriin
25 ang etimolohiya nito.

26 Mungkahi naman ni Aaron ay maari rin sigurong idagdag ang mga artikulo at datos ukol
27 sa “Juvenile Delinquency cases” ng ika-19 na siglo. Napag-usapan din ng klase ang
28 kahalagahan ng bata bilang sxentral na pigura sa lahat ng sosyal na pagbabago ano mang
29 siglo ang tunghayan dito.

30 Sumunod kay Edel ang pag-uulat ni Beng Boro-Magbanua na may pamagat na “ Ang
31 Pagbabanyuhay ng Aswang : Mula Baylan Patungong Aswang (Ika-16 hanggang ika-18
32 siglo). Pinahayag ni Beng ang rasyonal ng kanyang pananaliksik. Hindi layunin ng
33 kanyang pananaliksik na patunayan kung tootoo o hindi ang aswang. Bagkos ay nais

1 1
2
34 niyang tutkan ng pansin ang dahilan kung bakit may dominanteng paniniwala sa
35 kulturang Pilipino tungkol sa aswang. Kasama sa layunin ng kanyang papel ay: 1. Ang
36 makabuo ng salaysay tungkol sa pagbaligtad ng imahe mula Catalonan patungong
37 aswang, kasamama ang mga sanysay ukol sa pagbabanggan ng mga prayle at babaylan.

38 2. Ang maipaliwanang na may kaugnayan ang kasarian at kapangyarihansa paghubog ng


39 imahe ng aswang. Nilahad ni Ben gang tala ukol sa paniniwalang ito at gawain ng mga
40 Pintados sa Panay (1583-1584) at ang tala ni Juan Plasencia sa kanyang Costumbres de
41 los Tagalog (1588-1591), gayundin ang mga tala ni Antonio Pigafetta at ni Pedro
42 Chirino. Kagyat na inisa-isa ni Beng ang mga pagbabago sa anyo ng ng babaylan na
43 ipinakalat ng ika-16 na siglo, hanggang sa ang imahe ay sumama ang at siya na ngang
44 tinawag na “mukha” ng aswang. Ito ay ang pagbabago sa: 1. Wika,2. Pagkain at pnag-
45 amoy, 3. Pagtaliwas asa katutubong kahalagahan, 4.pagtaliwas sa kaugalian at Gawain, 5.
46 Ang pagiging “abnormal” 6. Ang pinasamang pisikal na kaanyuan. Matapos ay
47 minungkahi ni Dr. Villan na siguro daw ay maiging ang titulo ng kanyang papel ai-
48 modify, sa halip ay gawing “Mula Baylan Patungong Aswang, Ang Pagbanyuhay ng
49 Aswang sa Kasaysayan”.

50 Matpos ang ulat ni Beng ay sumunod naman si Grace Concepcion sa pag-uulat uko; sa
51 kanyang pananaliksik. Ito aniya ay pinamagatan niyang “Ang Papel ng Pilipinong
52 Sistemang pangiedukasyon ng mga Heswita at Pransiskano (1578-1740). Pangunahing
53 layunin niya ay amg mabatid ang umusbong na papel ng mga Pilipino sa loob (?) at sa
54 pamamagitan ng sistema ng edukasyon ng mga Heswita at Pransiskano, mula lamang sa
55 panahong (1578-1780). Tinukoy niya ang Heswita’t Pransiskano dahil sila ang dalawang
56 sangay ng ecclesiatica na nagbuhos ng edukasyon para sa mga bata. Naglahad si Grace
57 ng mga nakalap ng datos ukol sa sistema ng pag-aaral at pagtuturo sa mga bata bago ang
58 Hispanisasyon. Halimbawa ay: A. na walang pormal na edukasyonbago dumating ang
59 mga Español, B. na ang pangunahing layunin ng edukasyon ay ang paghasa sa
60 kalinanangnupang magampanan ang iba’t ibang papel sa lipunang kagagalawan ng mga
61 bata, C.na ang mga guro noong unang panahaon ay nag mga magulang, nakatatanda, ang
62 datu, bagani, panday at babaylan at D. na pinag-aral din ng mga magulang ang mga anak
63 sa katutubong Bothoan. Doon sila natututo ng pagbasa, pagsulat at relihiyon. Pagdating
64 ng mga Espanyol ay kapwa nilayon ng mga Heswita at Pransiskanong mgalatag ng isang
65 sistema ng edukasyon. Taong 1606 ng ang mga Pransiskano ay nagpadala ng mga
66 misyonerong magtuturo sa mga batang Pilipino lalo na sa larangan ng musika, sa
67 pagtugtog at paglinang ng mga instrument. 400 bata ang naturuan sa prosesong ito.
68 Kapwa nagtatag ng mga seminary ang Hewsita’t Pransiskano sa iba’t ibang lugar gaya ng
69 Iloilo, Ormoc’ Loboc, Dulag, na siyang unang seminary ng mga batang lalaki. Dito
70 dinala ang mga anak ng mga datu at iba pang nakatataas sa lipunan upang turuan sa
71 sistemang Kolonyal. Sa seminary naman ng Loboc, ang pangalawang “boarding school”
72 ay dito natala ang unang gurong Pilipino na si Juan Maranga mula sa Palo, Leyte.

3 2
4
73 Inilahad din ni Grace ang mga “bagong papel” ng mga katutubong Pilipino sa umusbong
74 sa estrukturang pang-edukasyon. Ang mga bata ay naging mga katekista (higit ang mga
75 Donado), Interprete,Sakristan, mang-aawit sa Koro at Escribente. Dagdag ni Dr. Villan
76 ang impormasyon sa ang Baybayin sa katotohanan ay isang sagradong teksto. Ito naman
77 ang ginamit ng mga Prayle para mapabilis ang transpormasyon ng mga Pilipino na hindi
78 basta maiwaksi ang baybayin sa kanilang kaisipan. Isanama ng mg aprayle mula taong
79 1698 ang pigur ng krus sa baybayin upang maipasok sa sistema ng pagsusulat at
80 pagsasalita ang kaisipang kolonyal.

81 Si Phillip Medina ang sumunod na nag-ulat. Gamit ang kanyang malikhaing powerpoin
82 presentation ay pinakilala niya ang laman ng kanyang pananaliksik ukol sa “EREHIYA,
83 RETABLO AT MGA BANAL SA HIYAS: MGA YAMNG BAYAN SA PAGDATING
84 NGA MGA HESWITA TAONG 1599 AT SA PAGLISAN NILA NOONG 1768 SA
85 BAYAN NG SILANG”

86 Ipinaliwanag ang buod ng kanyang saliksik. Ang Erehiya (Heresy) at mga pamahiin ay
87 mga banal sa yamang prekolonyal: isang “intangible resource” bago ang 1599. Ang
88 kanyang pananaliksik ay isang paglalatag ng makasysayang datons mula sa unang
89 paglalahad ni Rosella Moya-Torrecampo. Ang erehiya ang sinasabing batis ng buhay,
90 karunungan, kaginhawaan at kabutihan na natural na gumagalaw sa kalikasan at
91 matandang lipunan ng Silang. Sa kanyang saliksik ay tutkuyin din niya ang mga retablo
92 halwa sa akda ni Rene B. Javellana, SJ. Sa retablo ng Silang ay kapuna-puna ang mga
93 paglalarawan ng local na pananaw sa diesnyo at mga mga inspirasyong local na
94 pinaghalawan ng mga pigurang naroon. Sa ulat ni Phillip ay pinalitaw niya ang imahe ng
95 Sto. Niño de Ternate na idinagdag lamang sa tuktok ng retablo noong 1663 kung kalian
96 natatag ang baying Ternate sa Kavite. Sa huling bahagi ng kanyang papel ay ang pag-
97 aaral sa iba pang yaman ng simbahan bago ito lisanin ng mga Heswita. Ito ay hango sa
98 dokumentong “Temporalidades at Unabia”. Ang mga yaman na naturan hay hindi
99 matukoya kung saan napunta hanggang sa ngayon. Napalitan nga ban g erehiya ang mga
100 yamang bayan na nawala sa Silang?

101 Huling nag-ulat ay ang inyong lingkod. Pinamagatang ANG KALINANGNAN AT


102 TRADISYON SA MUSIKANG BUMABALOT SA KAUGALIAN NG MGA
103 PILIPINO BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA – ANG SAPILITANG
104 PAGPAPALAHO NITO DAHIL SA HISPANISAYON , aking inulat ang mga
105 maksaysayang tala na nagbabanggit ng mga uri ng musika, mga instrumento, at ang
106 mayaman nating kalinangan sa musika sa prekolonyal na Pilipinas. Layun ng aking papel
107 na itatag ang katotohanan na mayroon tayong mataas na antas sa literatura, musika, at
108 sining na may diki na kaugnayan sa pamumuhay ng prekolonyal na mga Pilipino. Sa
109 pagpapakita ng isang imbentaryo ni Arsenio Manuel ng mga taal na instrumento
110 gayundin ang mga gamit nito sa araw-araw na pamumuhay ng mga prekolonyal na

5 3
6
111 Pilipino, ay layunin kong tukuyin ang naging resulta ng Hispanisasyon sa sapilitang
112 pagpapalaho ng mga tradisyong ito sa buhay ng mag Pilipino mula ika -17 hanggang ika-
113 18 siglo. Ano ang mga paraang ginamit ng mga Kolonyalista upang ang mga sumunod na
114 salin-lahing Pilipino ay tila nawalan ng koneksiyon sa ating mayaman na kalinangan at sa
115 kalauna’y madamay pati ang paglaho ng ibang magandang kaugalian at pananaw ng mga
116 Pilipino.

117 Matapos ang maikling talakayan para sa maidadagdag pa sa mga saliksik, at dahil sa
118 “overtime” ay nagtapos ang klase sa pasasalamat ng lahat sa isa’t isa sa kaban ng yaman
119 ng kaalaman na natamo ng lahat sa isang semester ng pag-aaral. Binago ni Dr. Villa nag
120 takdang araw sa pagsumite ng mga requirements. Mula Marso 30, ito ay nilipat sa Abril
121 2, 2012.

122 Nagtappos ang klase sa ganap na 12:25 ng tanghali

123

124

125

126

127

7 4
8

You might also like