You are on page 1of 7

Saint Joseph College of Sindangan, Incorporated

Sindangan, Zamboanga del Norte

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

MODYUL4: KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA (Unang

Bahagi)

ABOT-TANAW
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari /kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa.
 Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa wikang pambansa.

SANGGUNIAN:
Dayag, A. & del Rosario, M. (2016).Pinagyamang pluma: Komunikasyon at pananaliksik sa wika at
kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing Inc.
Talegon, V. (2016). Daloy ng wika: Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Quezon
Ave., Quezon City: Brilliant Creations Publishing, Inc.
https://www.thegreatcoursesdaily.com/origin-of-language-when-did-it-start-and-how-did-it-evolve/

Pagpapahalaga: Magkaroon ng kamalayan sa kasaysayan ng wikang pambansa at mapahalagahan ang

pagkakakilanlan.

: ika-7 linggo : 4 oras

Manalangin muna bago simulan ang modyul na ito.

Ama Namin
Ama Namin, sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo,
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Amen.

27
LUSONG-KAALAMAN

Mayroon ka bang ideya o alam kung saan nagmula ang wika? Isulat sa inilaang kahon ang iyong hinuha
kung paano at saan nagmula ang wika.

I.

GAOD-KAISIPAN

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Sa naunang pagtatalakay ay natutuhan moa ng iba’t ibang teoryang nagtangkang ipaliwanag ang pinagmulan
ng wika. Sa modyul naman na ito ay malalaman natin ang kasaysayan ng wikang pambansa.
Hindi naging madali ang pagtukoy sa magiging pambansang wika ng Pilipinas. Bago pa man itinalaga ang
pambansang wika, dumaan muna ito sa marami at masalimuot na proseso. Maraming taon din ang inilaan upang
mapag-aralan at masuri ng mabuti ang wikang magsisilbing pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
Ngayon ay ating alamin ang kasaysayan ng wikang pambansa batay sa mga panahon.

Panahon ng mga Katutubo

1. Teorya ng Pandarayuhan

Kilala din ang teoryang ito sa taguring Wave Migration Theory na pinasikat ni Dr. Henry Otley
Beyer, isang amerikanong antropologo noong 1916. Naniniwala si Beyer na may 3 pangkat ng taong
dumating sa Pilipinas : Negrito, Indones at Malay.

28
Taong 1962, nasira ang teorya ni Beyer nang natagpuan ang harap ng isang
bungo at isang buto ng panga sa yungib ng Tabon sa Palawan sa pangunguna ni Dr.
Robert B. Fox kasama ang mga pangkat ng arkeologo ng Pambansang Museo ng
Pilipinas. Napatunayan na mas unang dumating ang mga taong ito kaysa sa naunang
sinabi ni Beyer. Tinawag ang mga labing naiwan na Taong Tabon, tinatayang
naninirahan ang mga taong ito sa yungib ng Tabon may 50,000 taon na ang
nakararaan.

Pinatunayan din ni Landa Jocano sa

kanyang pag-aaral at pagsusuri ukol sa kasaysayan
ng Pilipinas, ang Taong Tabon ay nagmula sa
specie ng Taong Peking na kabilang sa Homo
Sapiens o modern man at ang Taong Java na
kabilang sa Homo Erectus.

2. Teorya ng Pandarayuhan Mula sa Rehiyong Austronesyano

Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing Austronesian. May
dalawang paniniwala ang teoryang ito kung saan nagmula ang mga Austronesian. Ayon kay Wilheim
Solheim II, Ama ng Arkeolohiya ng Timog-Silangang Asya, ang mga Austronesian ay nagmula sa mga Isla
ng Sulu at Celebes na tinawag na Nusantao. Sa pamamagitan ng kalakalan, migrasyon at pag-aasawa ay
kumalat ang Austronesian sa iba’t ibang panig ng rehiyon.
Ayon naman kay Peter Bellwood ng Australia National University, ang mga Austronesian ay
nagmula sa Timog Tsina at Taiwan na nagtungo sa Pilipinas noong 5000BC.
Anuman sa dalawang teoryang ito ang totoo, mula sa mga pag-aaral
napatunayan na ang mga Pilipino ay isa sa mga pinakaunang Austronesian.
Napatunayan din na marunong sumulat at bumasa ang mga sinaunang tao,
patunay na ang baybayin na matatagpuang nakasulat sa biyas ng kawayang
matatagpuan sa Museo ng Aklatang Pambansa. Ang baybayin ay binubuo
ng 17 titik: 3 patinig at 14 na katinig.
Binibigkas ang katinig na may kasamang tunog na patinig na /a/.
Kung ang patinig ay bibigkasin ng may kasamang patinig na /e/ o /i/ nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas,
samantalang tuldok sa ibaba naman kung ang nais isama ay /o/ o /u/. Ang baybayin ay gumagamit ng
dalawang pahilis (//) sa hulihan ng pangungusap.

Panahon ng mga Espanyol

Maraming pagbabago ang naganap sa panahon ng Kastila at isa na rito ang sistema ng ating pagsulat.
Dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas noong 1521. Ang layunin nila’y hindi lamang pananakop bagkus
mapalaganap ang Kristiyanismo sa mga unang Pilipino. Ito ang dahilan kung bakit kasama ng mga conquistador ang
mga prayleng misyonerong dumating sa Pilipinas. Ang mga paring ito’y nag-aral ng mga wikain sa Pilipinas na
naging daan ng mabilis na pagsakop sa puso’t isipan ng mga Pilipino. Ginamit ng mga Espanyol sa panulat ang
alpabetong Romano bilang kapalit ng baybayin. Nagdulot ito ng mabilis na pagkatuto ng mga katutubo na bumasa’t
sumulat sa mga wikain ng Pilipinas at sa Espanyol dahil na rin sa pagkakatatag ng ilang paaralang Katoliko sa
Maynila, sa Visayas, at sa Luzon.
Nang ilagay sa ilalim ng koronang Kastila ang kapuluan, si Villalobos ang nagpasiya
ng ngalang “Felipinas” bilang parangal sa Haring Felipe II nang panahong yaon.
Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang barbariko, di sibilisado at pagano ang mga
katutubo noon. Itinuro ng mga Kastila ang Kristiyanismo sa mga katutubo upang maging
sibilisado diumano ang mga ito.
Nagsagawa ng mga pananaliksik o pag-aaral ang ilang misyonerong iskolar. Tinipon King Philip II of Spain
nila at binuo muli ang matatandang panitikang pasalita at pasulat, saka pinasukan ng mga
29
diwang Katolisismo. Malaking pagbabago ang nangyari sa panitikan ng Pilipinas. Ito’y nagkaroon ng tuwiran at di
tuwirang pagbabago sa paksa: Tuwiran, halimbawa sa mga aklat na nalimbag gaya ng katesismo. Sa di tuwiran
naman, ang mga talambuhay hinggil sa santo o nobena, mahabang salaysay, at mahahabang kuwentong may paksang
kabanalan at panrelihiyon. Ipinaloob sa panitikan ang etika at moralildad.
Ang pamayanan ay pinaghati-hati sa apat na ordeng misyonerong Espanyol na pagkaraa’y naging lima. Ang
mga ordeng ito ay Agustino, Pransiskano, Dominiko, Heswita, at Rekolekto upang pangasiwaan ang pagpapalaganap
ng Kristiyanismo. Ang mga misyonerong paring Dominiko naman ay nagdala ng limbagan at ginamit nila ito sa
paglilimbag ng mga aklat at polyeto tungkol sa wika at sa relihiyon. Noong 1550, mayroon nang dekring inilabas na
nagsaad na dapat magtatag ng mga paaralan para sa pagtuturo ng Espanyol sa mga Pilipino bagaman hindi ito
natupad.
Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga misyonerong Espanyol mismo
ang nag-aral ng mga wikang katutubo dahil mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa sa ituro sa
lahat ang wikang Espanyol. Nabatid nilang sa pagpapalaganap ng kanilang relihiyon, mas magiging kapani- paniwala
at mas mabisa kung ang mismong banyaga ang nagsasalita ng wikang katutubo. Dahil dito, ang mga prayle ay
nagsulat ng mga diksiyonaryo at aklat-panggramatika, katekismo, at mga kumpensyonal para mas mapabilis ang
pagkatuto nila ng katutubong wika.
Sa mga panahong yaon, naniniwala ang mga Espanyol na mas mabisa ang paggamit ng katutubong wika.
Naging usapin kalaunan ang wikang panturong gagamitin ng mga Pilipino. Iniutos ng Hari na gamitin ang wikang
katutubo sa pagtuturo ngunit hindi naman ito nasunod. Sina Carlos I at Felipe II ay naniniwala namang
kinakailangang maging bilingguwal ng mga Pilipino.
Muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng katutubo
noong ika-2 ng Marso 1634. Nabigo ang nabanggit na kautusan kaya si Carlos II ay lumagda ng isang dekrito na
inuulit ang probisyon ng nabanggit na kautusan,
Noong Disyembre 29, 1972, si Carlos IV ay lumagda sa isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin ang wikang
Espanyol sa lahat ng paaralang itatatag sa pamayanang Indio.

Panahon ng Rebolusyong Pilipino

Matapos ang 300 taong pananahimik ng mga katutubong Pilipino, nanaig ang damdaming nasyonalismo sa
mga Pilipino. Nagkaroon ng mga kilusan at naitatag ang Katipunan ni Andres Bonifacio. Ang wikang Tagalog ang
ginamit sa kanilang kautusan at pahayagan.
Muling sumibol ang kaisipang “isang bansa, isang diwa” laban sa mga Espanyol. Tagalog ang ginagamit na
wika sa anumang akda sa panahong yaon.
Masasabing simula nang pagtibayin ang Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899,
naging opisyal na wika ang Tagalog bagama’t hindi isinasaad dito na magiging wikang
pambansa ito ng Republika.
Nang itinatag ang Unang Republika sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo, isinaad sa
Konstitusyon na ang paggamit ng wikang Tagalog ay opsiyonal. Doon lamang sa mga gawaing
nangangailangan ng paggamit ng wikang Tagalog ito gagamitin.

30
II.

SALOK-DUNONG
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

_______________1. Teoryang pinangunahan ni Dr. Henry Otley Beyer?

_______________2. Arkeologo na nagpabulaan sa teorya ni Beyer ukol sa pinakaunang pangkat ng
tao na dumating sa Pilipinas.
_______________3. Pinagmulang specie ng mga Taong Tabon.
_______________4. Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing
Austronesian.
_______________5. Ayon sa kanya ang mga Austronesian ay nagmula sa mga Isla ng Sulu at Celebes
na tinawag na Nusantao.
_______________6. Sinaunang alpabeto ng mga Pilipino sa panahon ng katutubo.
_______________7. Alpabetong ginamit ng mga Espanyol bilang pamalit sa alpabeto ng mga
katutubo.
_______________8. Wikang ginamit sa panahon ng Espanyol alinsunod sa utos ng Hari ng Espanya.
_______________9. Wikang ginamit sa mga paaralang itinatag sa mga pamayanang Indio.
_______________10. Opisyal na wika sa panahon ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato.

LAYAG-DIWA

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sa paanong paraan napatunayan na marunong makipagtalastasan ang mga katutubong Pilipino?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Gaano katagal ang hinintay upang mamulat ang mga mamamayan sa pang-aaping dinanas sa mga kamay ng
mga Espanyol?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Ano ang pangunahing layunin ng mga Espanyol sa kanilang pagsakop sa Pilipinas?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

4. Sa iyong palagay, bakit sumibol ang kaisipang “isang bansa, isang diwa” sa mga manghihimagsik sa
panahon ng rebolusyonaryo?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

31
DAONG-KAMALAYAN

Panuto: Bilang isang responsableng mamamayan, sa iyong palagay totoo kayang ang wika ay may malaking bahagi
na ginagampanan sa pagbubuklod ng mamamayan sa isang bansa o komunidad? Ipaliwanag.

PAGLALAGOM NG KONSEPTO

Panuto: Kumpletuhin ang graphic organizer sa ibaba upang maipakita kung ano ang iyong natutunan at
naunawaan tungkol sa mga paksang tinalakay.

Ano ang aking

natutuhan?

Ano ang nais kong

itanong?

Inihanda ni: Iniwasto at Ipinagtibay ni:

Reziel Mae B. Yosores J. Kim O. Batula

Guro sa Filipino Senior High School Principal

32
SAINT JOSEPH COLLEGE of SINDANGAN INCORPORATED
Sindangan, Zamboanga del Norte, Philippines
Telefax No. (065) 224-2710/ +639121561506
SENIOR HIGH SCHOOL

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Pangalan : ________________________________Baitang/Seksyon: Petsa:_______

GAWAIN. 4

Panuto: Isulat sa inilaang linya ang mga mahahalagang kaganapan o pangyayari sa bawat panahon na may
kaugnayan sa proseso ng pagkakaroon ng pambansang wika.

A. Panahon ng katutubo
______________________________________________________________________________

B. Panahon ng Espanyol

C. Panahon ng Espanyol
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Inihanda ni: Iniwasto at Ipinagtibay ni:

Reziel Mae B. Yosores J. Kim O. Batula

Guro sa Filipino Senior High School Principal

33

You might also like