You are on page 1of 4

MANILA, Philippines — Itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang "Alert

Level 3" para sa mga Filipino sa Gaza Strip, ito sa gitna ng panibagong digmaan sa
pagitan ng mga Israeli at Palestinian.

Nangangahulugan ito ng voluntary repatriation, bagay na maaaring i-avail ng nasa 137


Pinoy na nasa loob ng bansa ng mga Palestino.

Meron nang 70 Pilipino ang gustong umuwi ng bansa kasunod ng bakbakan, ayon sa
panayam ng Philstar.com kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega
ngayong Huwebes.

Oras na umabot ito ng Alert Level 4, mangangahulugan na ito ng mandatory


evacuation.

Una nang sinabi ng DFA na umabot na sa dalawang Pinoy ang namatay kaugnay ng
panibagong pagputok ng Israeli-Palestinian conflict.
Umabot na sa 1,200 katao ang namamatay sa Gaza Strip, ayon sa Palestinian Ministry
of Health ngayong araw. Nasa 1,200 din ang sinasabing namatay sa panig ng mga
Israeli.

"The number of martyrs has risen to around 1,200, and the number of wounded to
around 5,600," wika ng tagapagsalita ng health ministry ng Gaza sa ulat ng AFP.

Kaugnay ito ng tinaguriang "Operation al-Aqsa Storm" ng ilang Palestino, na produkto


diumano ng pag-atakeng sinimulan ng Jewish settlers at bakbakan sa Jenin at Al-Aqsa
mosque na ikinamatay ng higit 200 Palestino. Bukod pa ito sa deka-dekadang illegal
Israeli occupation.

Ang pag-atake ay hindi lang gawa ng Hamas, ngunit suportado rin Democratic Front for the
Liberation of Palestine, Popular Front for the Liberation of Palestine, Lion's Den, Hezbollah,
Palestinian at Islamic Jihad. Ang pag-atake ay hindi lang gawa ng Hamas, ngunit suportado rin
Democratic Front for the Liberation of Palestine, Popular Front for the Liberation of Palestine,
Lion's Den, Hezbollah, Palestinian at Islamic Jihad.
MANILA, Philippines — Namatay sa "natural causes" ang isang Grade 5 student mula
Antipolo City bagay na idinulot daw ng isang kakaibang kondisyon sa kalusugan,
pagbabahagi ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules.

Kaugnay pa rin ito ng pakamatay ni Francis Jay Gumikib nitong Oktubre, bagay na una
nang iniugnay sa pananampal ng isang guro matapos diumano mag-ingay ng
estudyante.
Ayon sa hepe ng Antipolo City police na si Lt. Col. Ryan Manongdo, lumabas
sa autopsy report na "cerebral edema secondary to intracerebral hemorrhage,
consistent with a ruptured artery with arteriovenous malformation" ang ikinamatay ng
14-anyos.
Lumabas aniya sa medico-legal report na ipinanganak si Gumukib na may kakaibang
kondisyon sa kalusugan, bagay na nagdala raw ng mga komplikasyon.

Tumutukoy ang cerebral edema sa pamamaga ng utak habang klase ng stroke na


nangyayari kapag napupunit maliliit na ugat. Nakalista naman bilang rare disease ang
"arteriovenous malformation" sa National Organization for Rare Diseases.

Dati nang nagkaroon ng tuberculosis si Gumikib ngunit tinanggal ito sa mga posibleng
dahilan ng kanyang pagkamatay dahil hindi raw ito nakaabot sa utak. Subalit totoong
nasampal daw talaga ang bata, gaya na rin ng sinabi ng kanyang mga kaklase.

"We proved that he was slapped. No question. Sufficient evidence and testimonies were
provided to us, and these are all corroborated," dagdag pa ni Manongdo, kahit wala raw
itong kinalaman sa pagkamatay.

Maghahain ang Antipolo City police ng paglabag diumano sa Republic Act 7610 o
Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Pinatawan na ng 90-araw na suspensyon ng Department of Education (DepEd) ang


naturang guro dahil sa nangyaring pananakit.
Bagama't sinabi ng nanay ni Gumikib na nagkarooon ng brain hemorrhage ang bata
matapos ang pananampal, una nang sinabi ni forensic pathologist Raquel Fortun na
'wag agad isiping ang pananampal ang nagsanhi nito dahil kulang-kulang pa mga
detalye sa death certificate.

Ipinagbabawal ng DepEd Order 40 series of 2012 ang pang-aabuso, karahasan,


diskriminasyon at bullying ng mga estudyante
Sa PVL opening
MANILA, Philippines — Kasado na ang lahat para sa pagbabalik-aksyon ng Premier
Volleyball League (PVL) tampok ang ikalawang edisyon ng All-Filipino Conference sa
Oktubre 15 sa Smart Araneta Coliseum.

May 12 teams ang maglalaban-laban — ang pinakamalaking kumperensiya ng liga


kung partisipasyon ng teams ang pag-uusapan sapul nang maging professional league
ito.

“We are incredibly proud to present the biggest PVL tournament yet, featuring 12
teams,” ani PVL at Sports Vision president Ricky Palou.

Masaya si Palou na ibalita ang patuloy na paglaki ng liga sa tulong na rin ng suporta ng
mga fans sa iba’t ibang panig ng bansa.

“This season’s All-Filipino Conference is a testament to the league’s continuous growth


and the unwavering support of our fans. We are dedicated to providing the highest level
of volleyball competition in the country and this tournament will undoubtedly deliver on
that promise,” ani Palou.

Tatlong laro ang agad na masisilayan sa opening day.

Unang sasalang ang Gerflor kontra sa Nxled sa alas-3 ng hapon na susundan ng


duwelo ng PLDT Home Fibr at Cignal HD sa alas-5 ng hapon.

Inaabangan na rin ang pagtutuos ng Creamline Cool Smashers at Choco Mucho Flying
Titans sa alas-7 ng gabi.

Maglalaro ang Cool Smashers na wala si ace playmaker Jia Morado na kasalukuyang
nasa Japan para doon maglaro sa commercial league.

“With the new teams and the veteran PVL teams, we’re very much excited for this
conference to see what we can improve as a team,” ani Cool Smashers team captain
Alyssa Valdez.
MANILA, Philippines — Ang lala ngayon ng eskandalo sa scam na in some way or
another ay naikokonek sa showbiz.

At different types of scam.

Pero pinaka-common ang investment funds.

Pagkatapos nitong pagkakakulong ng actor na si Ricardo Cepeda dahil sa diumano’y


syndicated estafa at bouncing check na pinagdidiinan ng actor na ‘wrongfully accused’
siya, ang latest ay ang former dancer / toy collector na si Yexel Sebastian dahil sa
diumano’y investment scam na halos P200 million.

May investor na lumapit kay Sen. Raffy Tulfo upang humingi ng saklolo dahil nga
diumano na-scam ang kanyang pera ni Yexel at partner nito.

Pero sinabi na ng Bureau of Immigration na nakaalis na ito ng bansa at nasa Japan na


dahil wala naman daw itong hold departure order.

At may isa pang scam na identified diumano sa showbiz.

Ito raw ay tungkol sa high profile personal shopper ng mga sikat na showbiz personality
na pino-promote pa nila.

Nakademanda raw ito sa kasalukuyan dahil sa almost three million worth na item na
hindi niya nai-deliver sa isa niyang client ayon sa narinig kong usap-usapan.

Siguro nga kasi lahat ay gustong kumita agad nang malakihan dahil sa pag-iiba ng
lifestyle kaya may mga ganitong pangyayari.

You might also like