You are on page 1of 2

Pangalan: Nickie Jane Gardose

Kurso: Bsed Filipino III


Petsa: 9 Abril 2023
Gawaing Bilang: IV

Ipaliwanag ang kahulugan ng Antolohiya ayon sa sumusunod ( sariling


pangungusap )

1. Genre - Palaman sa isang panitikan sa anumang uri ng akda. Isa itong


balangkas kung anong uri o genre ang isang panitikan maaring ito ay
isang alamat, mito, pabula, parabula,kwentong bayan, anekdota at marami
pang iba.
2. Paksa - Isang punong ideya ng manunulat na nagbibigay tulong sa
susulatin upang makabuo ng katawan sa isang pahayag. Maaaring ang
paksa ay tungkol sa kababaihan, kalalakihan, mga bata o paksa ng
pampulitika at marami pang iba.
3. Manunulat - Tumutukoy sa taong nakakalikha ng isang akda na
nagbibigay ng kakintalan, pagpapahayag ng saloobin, panghihikayat sa
mga mambabasa, pagbibigay aliw, bigay impormasyon at pagbabahagi ng
iniisip na hango sa imahinasyon at pagiging malikhain sa pagsulat ng
isang akda.
4. Pansarili- Isang pagpapahayag kung ano ang nasa sikluban at pinaka
loob looban ng isang tao. Laman nito ang pagpapahayag ng sariling
kaisipan, napagdaanan, nalaman at sariling palaisipan. Maaring
maghandog ng panibagong kakintalan sa mga mambabasa.

Paano nagkakaiba ang tema /paksa ng mga panitikan sa panahon ng


Katutubo, Kastila at Amerikano?

Nagkakaroon ng kaibahan sa tema o paksa ang panitikan sa bawat panahon


tulad ng panahon ng katutubo, Kastila at Amerikano. Sa panahon ng katutubo,
mayroon na silang uri ng panitikan na nakatuon sa mga ritwal at mga paniniwala
sa anito o bathala. Kaya bakas sa mga obra nila ay may kaugnayan sa nasabing
tema o paksa. Sa panahon na ito walang alintana ang mga katutubo na
sumamba, magdiwang sa lahat ng okasyon na mayroon sila at umiikot lamang
sa pamumuhay at kultura na mayroon sila na masasalamin sa panitikan na
nakaangkla sa panahon na ito. Samantala, nang dumating ang mga kastila mas
naging sentro nito ang pananampalataya at pag inog ng paniniwalang
kristiyanismo. Hango sa bibliya at mabuting kaugalian ang tema sa panahon na
ito na maging ang pagbinyag, kasal ay nagmula sa panahon na ito. Sa panahon
ng amerikano, mas malaki ang pinagbago at inunlad ng panitikan dahil ang
paksa sa panahon rito ay nasyonalismo, politika at kapangyarihan. Ang obra
maestra nila ah sumasalamin sa kalagayan ng pilipino, naranasan nila sa kamay
ng mga kastila dahil sa panahon din nito nagkaroon ng kalayaan ang mga
manunulat na magbuo ng isang akda.Mapusok ang pagpapahayag ng dadamin
dahil sa unti unting nararamdaman kalayaan. Kaya nagkaroon ng kaparusahan
ang manunulat ng panahong iyon. Nagbihis ang dula sa panahon na ito at
nagbago ang konteksto na nagkaroon ng normal na edukasyon upang mabago
ang mga teksto, pamagat at nadagdagan ng salitang hiram na naging resulta sa
liberal na mga tagpo at pagka impluwensya na rin ng mga kanluranin.

You might also like