You are on page 1of 2

“Ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay pagtalikod sa ating pagkakilanlan bilang isang

Pilipino. Baka nga katulad na tayo ni Donya Victorina na itinatago ang mukha sa makapal na kolorete
upang maging isang banyaga.”

– Bb. GFF

“ANG HINDI MAGMAHAL SA SARILING WIKA AY HIGIT SA HAYOP AT MALANSANG ISDA; KAYA ATING
PAGYAMANING KUSA, GAYA NG INANG SA ATIN AY NAGPALA.”-GAT. JOSE RIZAL

Isang kasabihan na sa paglaon ng panahon ay patuloy na nakatatak sa bawat isipan at kahibuturan ng


ating mga puso bilang katunayan ng pagkakaroon ng dugong Pilipino. Tunay na walang makakatumbas
na anumang kayamanan sa ating pagiging Pilipino, katunayan ay maipagmamalaki natin ang marami
nating kababayan sa iba’t-ibang larangan. Subalit hindi lamang dito nagtatapos ang tunay na
pagkakakilanlan natin, ang lahi at buong sangkatauhang Pilipino ay tiyak na wala kung wala rin ang
ipinagmamalaki nitong wika, ang wikang Filipino. Ito ang nagsilbing pundasyon ng ating lahi lalong-lalo
na sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng ating bayan.

Isang maikling pagtalakay sa pinagmulan ng Wikang Filipino:

Iniaatas ni Manuel Quezon ang Filipino bilang Wikang Pambansa

Naririto ang kaniyang talumpati ukol dito:

Hindi lingid sa atin kung ano ang kasalukuyang estado ng ating wika, mababasa natin sa iba’t ibang mga
posts sa social media ang sari-saring saloobin ng isang indibidwal ukol sa pagtatanggal ng CHED
(Commission on Higher Education) sa asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Naririto ang ilan sa mga larawan na nagpagpapakita ng pagtutol ng karamihan sa mga hakbang na
isinagawa ng CHED:

Ikinakatwiran ng CHED na hindi na magagamit ang panitikan at asignaturang Filipino sa ilang mga
pangunahing kurso sa kolehiyo subalit aking nahihinuha na ang mga katagang binitawan nilang ito upang
suportahan ang mga hakbang na ginawa nila ay hindi konkreto at walang maayos na basehan.

Naririto’t ilalahad namin ang mga dahilan kung bakit nararapat na panatilihin pa ang asignaturang
Filipino at panitikan sa kolehiyo:

Unang-una na riyan ang pagkawala ng hanapbuhay ng napakaraming mga guro sa asignaturang ito na
maaaring maging dahilan pa ng mas mataas na porsiyento ng kahirapan sa bansa dahil maaari silang
magdusa at magdanas pa ng malalang kahirapan.

Pangalawa, hindi pa ganoon kalawak ang nalalaman natin ukol sa pormal na wika at pananalita na siyang
nararapat ngunit napalitan ng mga balbal at kolokyal na termino dahil sa paglaon ng panahon.
Pangatlo, nagdudulot pa rin ng pagkalito ang paggamit sa ilang mga kataga ng ating sariling wika tulad
ng pagkakaiba ng “ng” sa “nang” maging “rito” o “dito”.

Pang-apat, kung sinasabi ng CHED na ang layunin nila ay mas mapagaan ang pag-aaral ng mga kolehiyo,
hindi ito sapat na dahilan, ang wika ay pagkakakilanlan ng ating bansa, ipinaglaban ng mga nagtanggol
na bayani sa bansa ang kalayaan ng Inang Bayan kaya’t kahit sa pagtutuklas pa ng ating karunungan at
pagpapayabong ng ating kakayahan ay hindi natin dapat kalimutan ang tunay na kinagisnan natin. Wala
tayo sa kinatatayuan natin ngayon kung wala ang wika na siyang ating naging sandigan. Mas
magbubunsod pa ito sa tao na siya’y magmalaki at mawala sa kaniya ang pagpapakumbaba sa kaniyang
bayang sinilangan. Ano ba naman ang pagtitiis ng 4 na taon sa pag-aaral nito kaysa sa paglaban ng mga
bayani sa banyaga makamit lang ang kalayaan na umabot pa ng daang-daang taon.

Maganda rin naman ang ipinapakitang layunin ng CHED upang mas mapadali ang buhay ng bawat
indibidwal sa ating bansa subalit sa aking palagay ay mas marami pang ibang isyu na mas nararapat na
pagtuunan ng pansin para sa lalong ikabubuti at ikauunlad ng ating Inang Bayan.

Akin namang minumungkahi na bagkus ay tanggalin ay nararapat na madagdagan pa ang kaalaman ng


bawat isa sa katutubong wika upang magising ang kamalayan natin na wala ang natatamasa natin
ngayon kung walang naging pundasyon ang ating bayan at nagtatangi ng ating pagkakakilanlan.

You might also like