You are on page 1of 2

ang lahi at buong sangkatauhang Pilipino ay tiyak na wala kung wala rin ang

ipinagmamalaki nitong wika, ang wikang Filipino. Ito ang nagsilbing


pundasyon ng ating lahi lalong-lalo na sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng
ating bayan. Hindi lingid sa atin kung ano ang kasalukuyang estado ng ating
wika, mababasa natin sa iba’t ibang mga posts sa social media ang sari-saring
saloobin ng isang indibidwal ukol sa pagtatanggal ng CHED (Commission on
Higher Education) sa asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ikinakatwiran ng
CHED na hindi na magagamit ang panitikan at asignaturang Filipino sa ilang
mga pangunahing kurso sa kolehiyo subalit aking nahihinuha na ang mga
katagang binitawan nilang ito upang suportahan ang mga hakbang na ginawa
nila ay hindi konkreto at walang maayos na basehan.

Unang-una na riyan ang pagkawala ng hanapbuhay ng napakaraming mga guro


sa asignaturang ito na maaaring maging dahilan pa ng mas mataas na porsiyento
ng kahirapan sa bansa dahil maaari silang magdusa at magdanas pa ng malalang
kahirapan.

Pangalawa, hindi pa ganoon kalawak ang nalalaman natin ukol sa pormal na


wika at pananalita na siyang nararapat ngunit napalitan ng mga balbal at
kolokyal na termino dahil sa paglaon ng panahon.

Pangatlo, nagdudulot pa rin ng pagkalito ang paggamit sa ilang mga kataga ng


ating sariling wika tulad ng pagkakaiba ng “ng” sa “nang” maging “rito” o
“dito”.

Pang-apat, kung sinasabi ng CHED na ang layunin nila ay mas mapagaan ang
pag-aaral ng mga kolehiyo, hindi ito sapat na dahilan, ang wika ay
pagkakakilanlan ng ating bansa, ipinaglaban ng mga nagtanggol na bayani sa
bansa ang kalayaan ng Inang Bayan kaya’t kahit sa pagtutuklas pa ng ating
karunungan at pagpapayabong ng ating kakayahan ay hindi natin dapat
kalimutan ang tunay na kinagisnan natin. Wala tayo sa kinatatayuan natin
ngayon kung wala ang wika na siyang ating naging sandigan. Mas
magbubunsod pa ito sa tao na siya’y magmalaki at mawala sa kaniya ang
pagpapakumbaba sa kaniyang bayang sinilangan. Ano ba naman ang pagtitiis ng
4 na taon sa pag-aaral nito kaysa sa paglaban ng mga bayani sa banyaga
makamit lang ang kalayaan na umabot pa ng daang-daang taon.

Maganda rin naman ang ipinapakitang layunin ng CHED upang mas mapadali
ang buhay ng bawat indibidwal sa ating bansa subalit sa aking palagay ay mas
marami pang ibang isyu na mas nararapat na pagtuunan ng pansin para sa lalong
ikabubuti at ikauunlad ng ating Inang Bayan.

Akin namang minumungkahi na bagkus ay tanggalin ay nararapat na


madagdagan pa ang kaalaman ng bawat isa sa katutubong wika upang magising
ang kamalayan natin na wala ang natatamasa natin ngayon kung walang naging
pundasyon ang ating bayan at nagtatangi ng ating pagkakakilanlan.

You might also like