You are on page 1of 4

Posisyong Papel sa Filipino

sa Piling Larang Akademik

REAKSYON SA CHED MEMORANDUM ORDER

NO. 20 SERIES OF 2013

(HUWAG MAGING BULAG AT MAGING SUNOD

SUNURAN)

Mortel, Aphol Joyce B.

ABM 12A
(+63) 0977-8171-136  taalseniorhs@gmail.com
Fueling Dreams, Empowering Learners
Ang hindi mag mahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang

isda. Kaya ating pagyamaning kusa gaya ng ilan sa atn ay nag pala. Ito ang tanyag

na kataga mula sa ating bayani na si Dr. Jose Rizal, patawad Rizal sapagkat ang

bansang iyong pinaglaban ay nilamon na ng sistemang dayuhan. Pati ang wikang

kinagisnan ay balak ng tanggalin sa bansang sinilangan.

Pag-unlad. Pagbabago. Bawat isa sa atin ay nag susumikap tungo sa pag

unlad at kaakibat ng pag-unlad na ito ay ang pagbabago. May mga pagkakataon ang

iniisip lang natin ay nang iniisip ay kung paano uunlad, nakaligtaan nating sa pag-

abot ng kaunlaranay may mga bagay na kailangang magbago o mabago. May mhga

pagkakataon na sa kagustuhan nating umunlad ay naisasakripisyo ang

mahahalagang bagay o ideya at sitwasyon tulad na lang ng sa paglimot ng sariling

wika at kultura upang makisabay sa globalisasyon.

Ito marahil ang ideolohiyang pinagmulan ng pagpapatupad ng K to 12

Curriculum. Inaasahamg na sa pagpapatupad ng ng nasabing programa na

magmomodipika sa sistema ng edukasyon sa kasalukuyan, makabubuo tayo ng

individual na kayang makipagsabayan sa mundo. Hindi naisip ng otoridad na nag

plano at bumuo ng patakarang ito na sa paghahangad nila g pag-unlad ay

maisasakripisyo ang isang napakahalagang bahagi ng ating pagkatao at

pagkakakilanlan. Para bang tinuruan tayong lumipad pero naka-piring ang iyong

mata.

Tinalakay ng nasabing memorandum ang pag pasok ng General

Education Courses sa Grade 11 at 12 kung saan kabilang dito ang Filipino. Sa

madaling sabi, hindi na daw kailangan ang Filipino sa Kolehiyo dahil ituturo na daw

ito sa Grade 11 at 12.

(+63) 0977-8171-136  taalseniorhs@gmail.com


Fueling Dreams, Empowering Learners
Ayon sa Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6, “Ang wikang

pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat pagyabungin

at pagyamananin pa salig sa umiiral na mga wika.” Maliwanag na naisaad ng

Saligang Batas na kailangang pagyabungin ang Wikang Filipino sapagkat ito ay

ating pambansang wika. Ito ay bahagi ng pagkakakilanlan natin bilang Pilipino. Ang

ating tinatamasang kalayaan ay bunga ng dugo at pawis sa pakikibaka ng ating mga

bayani. Ito ay bahagi ng ating kasaysayan at kultura.

Nakakalungkot isiping ang wikang Filipino na siyang pambansang wika ay

itinuturing ng ibang Pilipino na wika lang ng masa, wika ng ordinaryong

mamamayan. Upang maging kabilang sa alta-sosyodad, kailangang iwaksi ang

sariling wika kahit magkandabalu-baluktot ang dila sa pag sasalita ng wikang

banyaga para lang masabuhang maalam.

Nilinaw naman ni CHED executive director Atty. Julito Vitriolo n ahindi

umano tuluyang aalisin ang assignaturang Filipino sa edukasyon dahil inilipat

lamang ito sa Senior High School. Nilinaw din nya na hindi mawawalan ng trabaho

ang mga guro sa Filipino sa Senior High School upang ipagpatuloy ang pagpatuturo.

Ibig sabihin magiging mas mababa ang ang sweldo ng mga guro at tila

nakakababa naman ng moral ng mga propesor ng kolehiyo. Sila ay dumaan sa

napakaraming proseso bago naging propesor tapos biglang bababa sa hayskul, tila

itoy di makatarungan.

Bagamat maganda ang ayunin ng CHED na gawing “sienc-based” ang

edukasyon dapat isalang alang na hindi lamang matematika, agham at teknolohiya

ang nag papabilis ng pag unlad ng isang bansa. Wika an nag papatakbo sa bayan.

Kinakailangan na mag karoon muna ng malawak na kaalaman sa sariling wika

upang higit na makapagpahayag at makipagtalastasan gamit ang wikangg banyaga.

(+63) 0977-8171-136  taalseniorhs@gmail.com


Fueling Dreams, Empowering Learners
Sa kabuoan isa lang ang nais kong ipunto, huwag naman sanang umabot

na tuluyang mabulag ang kinauukulan sa mga dapat nating pahalagahan bilang

Pilpino, kasi ito ang ating identidad. Kung mawala ng sarili nating pagkakakilanlan,

sino tayo ngayon? Huwag naman sana tayong maging anino sa ibang lahi. Huwag

naman.

(+63) 0977-8171-136  taalseniorhs@gmail.com


Fueling Dreams, Empowering Learners

You might also like