You are on page 1of 71

lOMoARcPSD|12312658

GEED10123 Intelektuwalisasyon NG Wikang Filipino

Filipinolohiya (Polytechnic University of the Philippines)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)
lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
1

KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA
GEED 10123: INTELEKTUWALISASYON NG
WIKANG FILIPINO
Kagawaran ng Filipinolohiya
Tinipon ni
Marvin M. Lobos

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________

Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring kopyahin sa paraang elektroniko/ mekanikal
ng walang nakasulat na pahintulot mula sa nagsagawa ng publikasyon o nagtipon sa
pamamagitan ng mmlobos@pup.edu.ph. Ang pangalan ng/ ng mga dalubguro na makikita sa
pabalat ng kagamitang panturo ay tanging nagtipon lamang ng materyales mula sa iba’t ibang
awtor. Tinitiyak ng mga naghanda ng kagamitang panturo/ nagsagawa ng publikasyon na
tanging layuning akademiko ang ginawang pagsipi at hindi gagamitin bilang rekurso.

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Pamagat ng Kurso : Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino
Kowd ng Kurso : GEED 10123
Bílang ng Yunit : 3 yunit
Prerekwisit : Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran, Pagsasalin sa
Kontekstong Filipino
Deskripsiyon ng Kurso:
Ang Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino bilang isang kursong Filipino sa kolehiyo ay
nakatuon sa pagpapahalaga at pagsasapraktika ng paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang
larang na nagtataguyod ng makabayang oryentasyon tungo sa pambansa at pandaigdigang
kaunlaran (internasyunalismo) bilang kontribusyon ng Filipino sa daigdig ng karunungan.

Tutuon din ang kursong ito sa multi/interdisiplinaryong pag-aaral at paggamit ng Wikang


Filipino tungo sa pagiging intelektwalisado nito. Pangunahin sa kursong ito ang paglalapat ng
gabay na kaisipang Filipinolohiya sa Intelektwalisasyon ng Filipino bilang ambag ng wikang
Filipino sa pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng produksyon ng mga
sulatin/materyal/teksto na nakasulat sa Filipino.

Binubuo ang kursong ito ng tatlong bahagi. Una, ito ay tutuon sa pagtalakay sa
Intelektwalisasyon bilang isang tuloy-tuloy na proseso ng pagpapaunlad ng wikang Filipino na
ginagabayan ng konseptong Filipinolohiya na makatutulong sa pagpapahalaga sa makabansang
oryentasyon tungo sa pambansang kaunlaran. Tatanawin at kikilalanin din sa bahaging ito ang
mga simulain at kontribusyon ng mga indibidwal at institusyon hinggil sa kalagayan ng
Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsulyap sa mga
karanasan ng iba pang bansa sa proseso ng Intelektwalisasyon ng kani-kanilang wikang
pambansa. Pangalawa naman ay nakatuon sa paglikha ng mga artikulong pananaliksik hinggil
sa mga disiplinang kinabibilangan ng mga mag-aaral gamit ang wikang Filipino. Ang pangatlong
bahagi ng kursong ito ay ang produksyon at presentasyon ng mga artikulong pananaliksik hinggil
sa mga disiplinang kinabibilangan ng mga mag-aaral gamit ang wikang Filipino sa isang kolokyum
o seminar.

Bunga ng Pagkatutong Pangkurso


(Course Outcomes)
 Nauunawaan ang Intelektwalisasyon bilang isang tuloy-tuloy na proseso ng
pagpapaunlad ng wika.

 Nailalapat ang konseptong Filipinolohiya sa Intelektwalisasyon ng Filipino sa iba’t ibang


larang.

 Napapahalagahan ang Intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pagtalakay at


pagkilala sa mga naging simulain at kontribusyon ng mga indibidwal at institusyon
hinggil sa kalagayan nito.

 Napatitibay ang pagpapahalaga sa sarilin kultura, identidad, at Intelektwalisasyon ng


Filipino sa konteksto ng internasyunalismo sa pamamagitan ng pagtanaw sa karanasan

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
ng mga karatig bansa sa intelektwalisasyon ng kani-kanilang wikang pambansa tungo
sa pagkakaroon ng kontribusyon ng Filipino sa daigdig ng karunungan.

 Nakalilikha ng mga artikulong pananaliksik hinggil sa mga disiplinang kinabibilangan ng


mga mag-aaral gamit ang wikang Filipino.

 Naisusulong ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sa pamamagitan ng mga pag-


aaral, paglikha, at produksyon ng mga artikulong pananaliksik hinggil sa mga disiplinang
kinabibilangan ng mga mag-aaral gamit ang wikang Filipino at presentasyon ng mga ito
sa kolokyum at komperensya, sa pagtataguyod ng makabayang oryentasyon tungo sa
pambansa at pandaigdigang kaunlaran (internasyunalismo) bilang kontribusyon ng
Filipino sa daigdig ng karunungan.

Bílang ng oras: 3 oras bawat linggo sa loob ng 18 linggo o 54 oras sa isang semestre

Plano ng Kurso
Linggo Paksa Bunga ng Pagkatuto Sanggunian
(Week) (Topic) (Learning Outcomes) (Resources)
Oryentasyon sa VMGO
(Vision, Mission, Goals at
Objective) ng Naibibigay ang kahingian
Unibersidad. ng kurso at ang VMGO.
Pagbibigay ng mga Nailalahad ang magiging University Student Handbook
1 kahingian sa kurso, saklaw ng talakayan ng PUP Website
pagtatalakay sa kurso at sistema ng
kasaklawan ng mga paggagrado.
paksain sa klase at
sistema ng paggagrado
(grading system).
“Ang Wikang Filipino Tungo sa
Intelektuwalisasyon” Florentino H.
Hornedo na nasa:
Santos, Benilda S. (Ed.) “Likha” Lungsod
ng Quezon: Ateneo de Manila University
KABANATA 1: Office of Research and Publications,
2006.
Nauunawaan ang
Kahulugan, karanasan, kahulugan, kabuluhan, at
at proseso ng “Intelektuwalismo at Wika” ni Renato
proseso ng Constantino na nasa:
intelektuwalisasyon ng intelektuwalisasyon ng http://journals.upd.edu.ph/index.ph
Filipino wikang Filipino na p/djwf/article/viewFile/4939/4451
mahalaga sa pagsusulong
2-3 Aralin 1: ng kaalamang higit na Mga Binasang Papel sa Pambansang
Kahulugan at Kabuluhan maka-Filipino at ang Komperensya sa Wika ng KWF 2016:
ng Intelektwalisa-syon ng karanasan ng iba pang Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino:
Wika karatig bansa sa
Intelektuwalisasyon ng “Ilang Konsepto at Pananaw sa
Aralin 2: kani-kanilang Wikang Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino”
Galileo Zafra PhD
Proseso ng Pambansa.
Intelektwalisa-syon “Intelektuwalisasyon ng Filipino sa
Edukasyong Pangguro”
Ma. Cristina D. Padolina

“The Intellectualization of Filipino” ni


Bonifacio P. Sibayan na nasa:

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
http://ncca.gov.ph/subcommissions/
subcommission-on-cultural-
disseminationscd/language-and-
translation/the-intellectualization-of-
filipino/

KABANATA 2:

Ang Filipinolohiya at
Intelektwalisasyon ng
Filipino

Nailalapat ang Kaisipang Abadilla, Bayani. (2002) “Wisyo ng


Aralin 3: Filipinolohiya”. at “Epistemolohiyang
Filipinolohiya sa
Filipino sa Karunungang Pilipino” (2002)
4-5 Intelektwalisasyon ng
Ang “Wisyo ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.
Filipino
Filipinolohiya”:
Makabayan, Makamasa,
Siyentipikong Konsepto
sa Pagpapaunlad at
Paggamit ng Filipino

KABANATA 3: “Ang Wikang Filipino Bilang Wikang


Panlahat: Ang Kasaysayan ng Wikang
Sosyo-Historikal na Pambansa Tungo sa Pagpaplanong
Pagtalakay sa mga Pangwika 1935-2010.” Komisyon sa
Simulain, Kontribusyon Wikang Filipino
at Kalagayan ng
Intelektwalisasyon ng “CHED Memorandum no. 20: Lagay at
Filipino Tunguhin ng Filipino at Hamon sa
Filipinolohiya” (2015) Marvin G. Lai.
Aralin 4: Filipinolohiya: Journal sa Filipino ng
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Tagalog-Pilipino-Filipino: 2015.
Mga Probisyon at
Patakarang Pangwika Constantino, Renato. The Miseducation of
Bilang Simulain at the Filipino. Isinalin sa Filipino ni Luis
Rasyonale sa Maria Martinez na “Ang Lisyang
Pagpapalawig ng Wikang Edukasyon ng Pilipino” nasa
Pambansa Nasusuri ang mga naging https://fil40online.files.wordpress.
Simulain, Kontirbusyon at com/2012/06/lisyang-edukasyon-ng-
Aralin 5: Kalagayan ng pilipino.pdf
6-9
Intelektwalisasyon ng
Ang Edukasyon Filipino “KWF Statement on HB 5091:
Bilinggwal: Pagtanaw sa Unconstitutional, Misinformed,
Makabuluhang Hakbang Unneccesary” pp. 9-20
sa Edukasyon bilang “Revisiting the Bilingual Education Policy:
Makabuluhang Hakbang Why Is It Abandoned?” pp. 21-40 nasa
sa Intelektwalisasyon ng Delima, Purificacion G. (2017) Filipino:
Wikang Filipino The National Language of Education.
Komisyon sa Wikang Filipino. Watson
Aralin 6: Bldg, 1610 J.P. Laurel Street, 1005 Manila

Tungo sa Pambansang “Language Planning and


Industriyalisasyon: Intellectualisation” (2002) ni Gonzales, A.
Pagtalakay sa mga FSC sa Current Issues in Language
Kontribusyon at Planning vp. 3.1.5-27. Multilingual
Kalagayan ng Matters, Ltd.
Intelektwalisasyon ng
Filipino sa mga “The Intellectualization of Filipino” ni
sumusunod na Industriya Bonifacio P. Sibayan na nasa:

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Int’l. Soc. Language. 88 (1991), pp. 69-82

Tauro, Janet Hope. “Paano Nga Ba Dapat


Pamahalaan ang Wika? (2002) nasa
Daluyan: Journal ng Wikang Filipino,
Tomo XI, Bilang 1 2020

Mga Piling Sanaysay sa “Mula Tore,


Patungong Palengke: Neoliberal
Education in the Philippines” (2007):

“The Pedagogical Role of English in the


Reproduction of Labor.” ni Gonzalo
Campoamor II, pp. 199-210

“Neoliberalistang Pagpaplanong
Pangwika: Tungo sa Komodipikado at
Episyenteng Pagpapahayag.” ni Melania
L. Abad, pp. 211-216

“Science and Technology for Whom.” ni


Giovanni Tapang, pp. 257-268

Mga Nagwaging Sanaysay sa


Gantimpalang Collantes 1989-1991:

“Pagsasalin: Instrumento sa
Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino”
Teresita F. Fortunato, pp. 150-170

“Intelektwalisasyon at Istandardisasyon ng
Wikang Filipino sa Sikolohiya.” ni Rogelia
Pe-Pua, pp. 171-187

“Paglinang ng Filipino sa Larangan ng


Agham Panlipunan.” Ni Nilo S. Ocampo,
pp. 188-202

Mga Binasang Papel sa Pambansang


Komperensya sa Wika ng KWF 2016:
Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino:

“Introduksyon sa Calculus” (Pakitang


Turo)
John Gabriel P. Pelia

“Pagbuo ng Registri sa Larang ng


Ekonomiks: Isang Hakbang Tungo sa
Intelektuwalisasyon”
Tereso S. Tullao, Jr. PhD

“Reseta at Letra: Pagtawid ng Wikang


Filipino sa Larang ng Medisina at mga
Kaanib na Disiplina”
Luis P. Gatmaitan M.D.

KABANATA 4: Napapahalagan ang Gill, Saran Kaur. Language Policy in


10-11 karanasan ng Pilipinas at Malaysia: Reversing Direction (2005)

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Karanasan sa iba pang karatig bansa sa https://www.researchgate.net/publication/
Intelektuwalisasyon ng Intelektwalisasyon ng kani- 226303242_Language_Policy_in_Malaysi
Wika ng mga Piling kanilang wikang Pambansa a_Reversing_Direction
Bansa sa Silangan at
Kanluran Hassan, Abdullah. One Hundred Years of
Language Planning: Looking Forward
Aralin 7: Ahead to the Future (2004)
https://www.languageinindia.com/nov2004
/abdulla1.html
Intelektuwalisasyon ng
mga Wika sa Aprika Paauw, Scott. One Land, One Nation,
One Language: An Analysis of
Indonesia’s National Language Policy
Aralin 8: (2009)
www.sas.rochester.edu/cls/assets/pdf/wor
Intelektuwalisasyon ng king/Paauw.pdf
Wika sa Malaysia at
Indonesia Kaschula, Russell H. at Maseko, Pamela.
The Intellectualisation of African
Languages, Multilingualism and
Education: A Research-based Approach
(2014)
http://alternation.ukzn.ac.za/Files/docs/21
%20SpEd13/02%20Kaschula%20F.pdf

Alexander, Neville. The Role of African


Universities in the Intellectualisation of
African Languages (2007)
https://www.codesria.org/IMG/pdf/4-
Alexander-5-1-2007.pdf.
Pagbuo ng mga Artikulo Nakabubuo ng artikulong
na Nakatuon sa
pananaliksik na nakabatay
12-15 Intelektwalisasyon ng
sa disiplina ng mga mag-
Filipino sa Iba’t ibang
Industriya aaral
Rebisyon, Pagbasa sa
Kolokyum,
16-18 Kumperensya, at
Publikasyon ng mga
Artikulo

Paraan ng Pagsagot sa mga Gawain:

Ang lahat ng sagot sa mga gawain ay isusulat o titipahin sa magkakahiwalay na 8.5” x 11” na bond paper.
Arial, 11, 1.5 espasyo bawat pangunguasap at 2.0 espasyo bawat talata, at 1” na margin sa magkabilang gilid ang
pormat para sa mga magtitipa ng kanilang sagot sa mga gawain.

Paraan ng Pagmamarka:

Katayuan sa Klase 70%


Attendance
Recitation
Pagsusulit
Proyekto/ Ulat/ Takdang Aralin
Midterm/Finals 30%

Kabuuan 100%

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
KABANATA 1: Kahulugan at Kabuluhan ng Intelektuwalisasyon ng Wika

Panimula

Suriin ang mga larawan. Ano-anong disiplina at wika ang iyong nakikita?

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Language is a great asset of human society. With proper planning, clear perspective, and
imaginative action, a developing nation…having a rich variety of languages, can be exploit the
situation toward developing insight into human behavior, utilizing the multilingual advancement and
other benefits rather that being sentimental regarding one or another language and thus directing
people’s energies toward discord and rivalry.
-Lachman M. Khubchandani

Ang wikang Filipino, tulad ng iba pang wika sa buong daigdig, ay mayroon ding
masalimuot ngunit mayaman na kasaysayan ng pagkakatatag, at patuloy na pagbabago at pag-
unlad. Ang Filipino, bilang wikang Pambansa, ay naglalayon ding pagbuklurin ang mamamayan
ng Pilipinas na nanggagaling sa iba’t ibang etno-lingguwistikong pangkat, kultura, at paniniwala.
Ang Filipino, bilang wikang pambansa ay instrumento sa pagkakaroon ng pambansang
komunikasyon na may malakas na gampanin sa pagkakaisa ng ating bansa na multi-kultural at
multi-lingguwal.

Sa mahabang panahon, hindi maikakaila na ang Filipino ay patuloy na namumutawi sa


mga tahanan, paaralan, telebisyon, radio, pahayagan, social media, at mga transaksyon, pati na
sa panitikan at iba pang larangan. Nagkaroon na ng maraming pagbabago sa wikang Filipino,
dahilan upang lalo pa itong lumawak ang pagkatuto at ugnayan ng bawat mamamayan.

Ngunit sa kabila nito, hindi rin naman maitatanggi na ang Filipino ay hindi pa ganap na
ginagamit bilang wika ng mas mataas na anyo ng komunikasyon, o sa mga diskursong
tumatalakay sa mas matatayog pang kaisipan at paksaing esensyal sa pagpapalawak sa
kamulatan at kamalayan ng mga indibidwal at pagpapanday ng kaunlaran ng bansa.

Kung gayon dapat ding paglimian: Ganap na rin bang nagagamit ang Filipino, halimbawa,
sa batas at hudikatura, sa mga komersyo, sa edukasyon (i.e. mga asignatura), agham at
teknolohiya, humanidades at agham-panlipunan, maging sa mga espesyalisadong larangan tulad
ng pagtutuos (accounting), matematika, medisina, biolohiya, inhinheyira, arkitektura, pilosopiya,
ekonomiks, sikolohiya at sosyolohiya? Ganap na ba nating natatalakay ang mga kaugnay na
paksa sa mga ito gamit ang wikang Filipino?

Ang mga tanong na nabanggit ay may kinalaman sa tinatawag na Intelektuwalisasyon ng


Wika.

ARALIN 1: Kahulugan at Kabuluhan ng Intelektuwalisasyon ng Wika

Ang wika, tulad ng alinmang instrumento, ay nangangailangan ding paunlarin upang


matugunan ang mga pangangailangan ng mga gumagamit nito. Bagaman likas na dinamiko,
maaari ding planuhin at linangin ang wika upang para lalo pang mapayabong at mapayaman
nang sa gayo’y makasabay at makatugon sa mga pagbabago ng lipunan. Ang pagpaplanong
pangwika ay intensyunal at nakatuntong din sa mga usaping sosyo-ekonomiko-pulitiko-
administratibo (Fortunato, 1991).

Noong 1966, buong linaw na inilahad ni Elmar Haugen ang karanasang Norwegian sa
pagpaplanong pangwika. Inihatag niya ito sa isang modelo na may apatang dimensyon: (1)
seleksyon ng isang batayang wika, (2) kodipikasyon at istandardisasyon, (3) pagpapalaganap, at

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
(4) paglinang, kabilang na dito ang intelektuwalisasyon ng wika. Ginawan ito ni Haugen ng tabular
na anyo noong 1983:

ANYO GAMIT
(Pagpaplano ng mga Palisi) (Debelopment ng Wika)
1. seleksyon ng batayan 3. implementasyon
(pamamaraang pagpapasya) (pagpapalaganap ng
Lipunan (pagpaplano ng a. pagtukoy sa suliranin kaalaman)
istatus) b. pagsasaalang-alang a. pagwawasto
sa mga batayan b. ebalwasyon
2. kodipikasyon 4. elaborasyon
(pamamaraang (pagpapalawak ng
istandardisasyon) gamit/intelektuwalisasyon)
Wika (pagpaplano ng korpus) a. grapisasyon a. modenisasyong
b. gramatisasyon pangterminolohiya
c. leksikasyon b. debelopment ng
istaylistik

Makikita sa modelo ang isang malaking hating bertikal sa buhay ng wika. Ang unang hati
ay hinggil sa pagpaplano ng mga polisiya na tungkulin ng administratibong sektor. Ang pangalawa
naman ay hinggil sa usaping pangkalinangan o pagpapaunlad ng wika na tungkulin naman ng
publiko, sa kalakhan, at ng mga intelektuwal (i.e. mga guro at mga nagpapakadalubhasa sa mga
tiyak nalarangan), sa partikular. Subalit hindi naman hiwalay ang dalawang hati. Kapwa mahalaga
ang dalawang hating ito sa pagpapataas ng pagtanggap ng lipunang gagamit sa isang wikang
may modernong anyo at mayamang korpus panggramatika, panleksikon (bokabularyo) at panulat
na aakma sa lahat ng larangan na maaaring paggagamitan nito. Pansinin ang paglalapat ng
karanasan ng Wikang Pambansa sa Modelo ni Haugen:

Ang Modelo ni Haugen sa Konteksto ng Wikang Pambansa


ANYO GAMIT
(Pagpaplano ng mga Palisi) (Debelopment ng Wika)
1. seleksyon ng batayan 3. implementasyon
(pamamaraang pagpapasya) (pagpapalaganap ng
Lipunan (pagpaplano ng a. pagtukoy sa suliranin kaalaman)
istatus) b. pagsasaalang-alang a. pagwawasto
sa mga batayan b. ebalwasyon

Sa Konteksto ng Wikang Sa Konteksto ng Wikang


Pambansa Pambansa

Tagalog (1936) – Pilipino Itinuro sa ika-4 na taon sa


(1959) – Filipino (1987) Hayskul (1940)

Ginamit bilang wikang


panturo (1974)

Itinuro sa lahat ng antas


(1946)

10

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________

Itinuro sa mga unibersidad


(1978)

Lumaganap sa midya
2. kodipikasyon 4. elaborasyon
(pamamaraang (pagpapalawak ng
istandardisasyon) gamit/intelektuwalisasyon)
Wika (pagpaplano ng korpus) a. grapisasyon a. modenisasyong
b. gramatisasyon pangterminolohiya
c. leksikasyon b. debelopment ng
istaylistik
Sa Konteksto ng Wikang
Pambansa Sa Konteksto ng Wikang
Pambansa
Balarila (1939) aklat sa
gramatika ng wikang Tagalog Mga Panayam at
ni Lope K. Santos Publikasyon ng Surian ng
Wikang Pambansa simula
Bilingguwal at Multilingguwal 1938
na Glosaryo
Mga Tesis at Disertasyon
Bilinggual na Diksyunaryo
(1978) ni Vito Santos Mga Aklat mula sa iba’t ibang
disiplina at larangan na nasa
Mga Rebisyon ng Wikang Pambansa
Ortograpiya ng Wikang (Mula sa ahensya ng
Pambansa (1976, 1987, pamahalaan, mga
2001, 2013) pamantasan, at indibidwal)

ARALIN 2: Proseso ng Intelektuwalisasyon sa Konteksto ng Wikang Pambansa


May dalawang pangunahing proseso sa intelektuwalisasyon para sa Filipino, ang
prosesong lingguwistiko at ekstra-lingguwistiko (Zafra, 2016).
Kabilang sa prosesong lingguwistiko ang pagdedevelop ng estandardisadong wika,
pagbuo at pagpapaunlad ng mga korpora (talaan ng mga salita at terminolohiya) at mga teksto
sa iba’t ibang disiplina, pati na ang pagbuo ng rehistro ng wika (mga salita o terminolohiya para
sa partikular na disiplina at larangan).
Ayon pa kay Andrew Gonzales,
“One needs to create an entire register, or a special variety of the same language, for it is not
terms that will realise the register, but a whole style of presentation using the intellectualising
variety of the language.” (Gonzalez 2002, 18)
Kabilang naman sa prosesong ekstra-lingguwistiko ang pagbuo ng isang grupo ng
“significant others” o “creative minority” (Gonzales 2002, 20). Tumutukoy ito sa lupon ng mga
iskolar at nagpapakadalubhasa bawat disiplina at larangan na para kay Gonzales ay higit na
makakatugon sa pagsusulong ng intelektuwalisasyon ng Filipino sa iba’t ibang disiplina at
larangan dahil sila ang higit na may kaalaman at masteri sa mga ito. Halimbawa, pangkat ng mga

11

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
nagpapakadalubhasa sa bayolohiya, pilosopiya, pisika, agham-kompyuter, matematika, at iba pa.
kasama din sa prosesong ito ang paglikha ng mga patakarang pangwika.
Ganito rin ang sinasabi ni Paul Garvin ng Prague School of Linguistics sa kanyang
pagpapakahulugan sa intelektuwalisasyon. Ayon kay Garvin (sa Constantino) “Intellectualization
is a tendency towards increasing more definite and accurate expression... In the lexicon,
intellectualization manifest itself by increased terminological precision achieved by the
development of more clearly differential terms, as well as an increase in abstract and generic
terms.”

Ayon kay Lourdes Quisumbing, sa kontekstong Pilipino, ang intelektwalisasyon ay ang


mas mataas na repinadong gamit ng Filipino bilang wika ng pag-iisip, sining, at kultura. Bilang
wika, ang Filipino ay nararapat na magamit nang husto sa mas mataas na antas ng pag-iisip at
sa mga larangan gaya ng automation, informatics, at cybernetics.
Halos ganito rin ang tinuran ni Hornedo. Aniya, “Kung nais nating maging
intelektuwalisado and ating wika, kailangang ito ay iangat sa antas ng diwang malay.” Dapat
ginagamit sa “mga kaisipang bunga ng maingat at matimbang na pag-iisip o pagmumunimuni,”
Pati na “sa mga larangang intelektuwal tulad ng pagtuturo sa antas tersiyaryo at eskuwelahang
gradwado, sa pagsulat ng mga akda sa pilosopiya, agham at teknolohiya.”
Para kay Pamela Constantino “Gusto kong tingnan dito ang intelektuwalisasyon bilang
isang kondisyon o kalagayan na naipapakita na o nabibigyang pagkakataon ang wika na umunlad
at magamit sa iba’t ibang domain o mapaggagamitan nito, hindi lang sa pang-araw-araw na
komunikasyon. Kung gayon, hindi lang dapat na makikinabang dito ang mga nasa unibersidad
kundi pati ang karaniwang mamamayan.”
Napakahalaga naman para kay Bonifacio Sibayan ang pagsasalin ng mga “nakaimbak”
na karunungan na nasa iba’t ibang materyal na nasusulat sa Ingles at iba pang intelektwalisadong
wika, upang ang mga materyal tungkol sa agham at teknolohiya at mga asignaturang abstrak at
mismong “wika” ang pinag-aaralan ay makaabot sa higit na nakararaming mambabasang Pilipino.
Sa ganitong paraan napapayaman ang wikang Filipino at nabubuo ang kultura sa agham at mga
abstrak, sa tulong ng behikulo at pagsasalin mula sa iba pang wikang intelektwalisado, na isang
mahusay na interkultural na gawain. Ito ang hinihinging kasanayan upang maipakilala ang mga
konseptong sa mga kailangang karunungan at bigyang kahulugan ito sa wikang Filipino.
Samakatuwid, ang intelektuwalisasyon ay hindi lamang pagpapaunlad at pagpapalawak
sa gamit ng wika bilang instrumento sa pagdidiskurso sa mga paksain at paglikha ng talino sa
iba’t ibang laranga. May gampanin din ang intelektuwalisasyon ng wika na gawin ding
intelektuwalisado ang mamamayan. Ang gawain ng intelektuwalisasyon ng wika ay gawain din
sa intelektuwalisasyon ng mamamayan nang sa gayon ay buong talino at husay ito sa
pagsisikhay sa paghubog, pagpapatatag, at pagpapaunlad ng bansa.

Gawain 1:
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
1. Intelektuwalisasyon
2. Lingguwistikong Proseso ng Intelektuwalisasyon
3. Ekstra-Lingguswitikong Proseso ng Intelektuwalisasyon
4. “Significant Others” o “Creative Minority”
5. “Domain”

12

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Sagutin:
1. Liban sa asignaturang Filipino, naranasan mo na bang makinig sa mga talakayan may
kinalaman sa asignaturang Matematika, Agham (Biolohiya, Kemistri, o Pisika), Ingles, at
iba pa gamit ang wikang Filipino? Ano ang iyong naging impresyon at bakit? Ipaliwanag.
2. Ipaliwanag ang modelo ni Haugen sa pagpaplanong pangwika.
3. Batay sa mga naibigay na pakahulugan sa Intelektuwalisasyon, ano ang pinakatumatak
sa iyo at bakit?
4. Paano mo bibigyan ng sariling pakahulugan ang Intelektuwalisasyon?
5. Balikan ang mga larawan sa sa itaas. Masasabi mo bang intelektuwalisado na ang mga
wika sa itaas? Ipaliwanag.

Pagpapalalim ng Pagtalakay

The Intellectualization of Filipino ni Bonifacio P. Sibayan


http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-cultural-disseminationscd/language-and-
translation/the-intellectualization-of-filipino/

Language has domains, ones that have human populations and support institutions,
structures, and services. There are three classes of language domains, namely: non-controlling
domains (NCDs) those of the home and the lingua franca; semi-controlling domains (SCDs) which
include religion, politics, and entertainment; controlling domains (CDs) chief of which are (1)
government with sub-domains of executive, judiciary, and legislature, (2) education with sub-
domains of elementary, secondary, vocational-technical, and higher education; (3) the
professions such as law, medicine, accountancy, etc.; (4) science and technology; (5) business,
commerce and industry; (6) information technology which includes mass media, (7) literature and
(8) international relations (Sibayan 1991, 1994a).
The language(s) and language varieties used in the NCDs, SCDs, and CDs differ in many
significant respects. In the NCDs of the home and the lingua franca, there is no restriction on what
language or language variety that may be spoken or written although reading and writing are
optional. Any language, for example, English, Filipino, Ilocano or any mixture may be used in the
NCDs. The lingua franca of the Philippines before 1940 was English. Today it is Filipino or a “mix-
mix”, what is technically called code-switching variety popularly called Taglish. The rules of
acceptability and correctness are very liberal. A ‘fractured’ variety may be acceptable. One does
not need to go to school to learn the language of the home and the lingua franca.
The language(s) and language varieties used and the rules that apply in the SCDs of religion,
entertainment, and politics are stricter than those in the NCDs of the home and the lingua franca.
The population in religion, for example, consists of various categories of persons and different
levels of education such as the well-educated priests, nuns and ministers who have to learn an
intellectualized language required in their denomination for their education. On the other hand,
many of the participants in religious services may be passive as to the language used. Many
participants may not be able to read and write.
The main language used in the CDs of language is always an intellectualized language. An
intellectualized language is that language that can be used for giving and obtaining a complete
education in any field of knowledge from kindergarten to the university and beyond. An
intellectualized language is written, thus making reading and writing necessary skills. Knowledge
and information on any subject are stored in and retrieved from various written sources and
information storage such as books and CD-ROMs and most recently, with some languages, the
internet. New knowledge and information as a result of research are reported in an intellectualized

13

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
language. By this definition, English, Russian, German, French, Japanese, to name just five, are
intellectualized languages. By the same definition, Filipino is not (yet) an intellectualized
language. The only CD of language where Filipino is intellectualized is literature. There is a
respectable body of literature in Filipino, there are substantial writers in Filipino literature and there
are support organizations and publications for the development of Filipino literature. However,
one cannot acquire a college or university degree with the use of Filipino only; the needed subjects
to fulfill the requirements of a B. S. in Filipino such as math and social science subjects are not
available in Filipino.

Process of Intellectualization
The process of intellectualizing a language, say Filipino, so that it may be used as the
language in the CDs of language involves, among other processes, the building up of (1) various
populations who possess different knowledge and skills in Filipino, who have a good command
of the registers needed in the domain and sub-domain, for example, agricultural scientists,
medical doctors, lawyers, accountants, etc. The language used in medicine differs from the
language of law, that is, the two differ in registers so that even if both use English, the medical
doctor may not understand the register of law and vice versa. This is what is crucial in the
development of an intellectualized language: each domain, sub-domains and sub-sub-domains
(fields of specialization) have specific registers. The registers for practically all areas of knowledge
are available in intellectualized languages, but not in Filipino. The task of developing the registers
of the various areas of knowledge in Filipino and educating the populations who can command
and use these registers are formidable tasks in the intellectualization of Filipino.
A second task is the building of (2) support institutions and various structures such as
colleges and universities, hospitals; learned organizations that publish journals in Filipino; service
agencies such as publishing houses and other structures. The population of a CD, say the sub-
domain of medicine, consists of physicians, nurses, technicians, nurse aids, and others who
speak and write the language required in medicine, in the Philippine case, English, an
intellectualized language. One cannot learn medicine in the Philippines with the use of Filipino.
The principal support institutions in medicine are Colleges of Medicine, hospitals, pharmaceutical
labs, etc. The computer programs for CT scans, hospital records are in English. The
intellectualization of Filipino as the language of medicine and the medical profession and other
CDs of language is a giant undertaking. Medical doctors say that it is impractical and impossible.
Consider the other CDs of language such as the sub- and sub-sub domains of science and
technology, e.g. mathematics, physics, chemistry, the agricultural sciences, and other areas of
knowledge. The task of building the populations, support institutions and services using Filipino
to replace English is a task of the greatest magnitude.

Source Language(s) for Intellectualization


A developing language needs a source language for intellectualization (SLI). The source
languages in the intellectualization of English were Greek, Latin, Old French, Arabic, among
others (see etymological entries in large dictionaries of English). The SLI of Tagalog during the
16th to the 19th centuries was Spanish (Hispanismos 1972; Gonzalez 1985). The SLI of Filipino
in the 20th century and beyond is mainly English. One can’t read modern and intellectualized
Filipino (nee Tagalog) without encountering borrowings from English. Those who have a good
command of written and spoken English and other intellectualized languages may fully contribute
to the intellectualization of Filipino; monolingual speakers of Filipino can hardly do so.

14

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Language Replacement and Language Shift
The replacement of English and the shift to Filipino as the national lingua franca was easy
because the variety of language, a mixture of Filipino, English, and the local language, known as
Taglish did/does not require schooling nor reading and writing; the rules of acceptability are loose.
On the other land, the replacement of English by Filipino in the CDs of language require a high
level of education, a mastery of the register or registers in the domains and sub-domains (areas
of specialization). The rules of acceptability in reading and writing and mastery of both subject
matter and register are strict; there are various “gatekeeping agencies” and requirements for entry
into the domains, e.g. College entrance examinations, the Professional Regulation Commission,
Civil Service examinations, etc. In addition, there is the matter of attitude by the people on the
replacement of English with Filipino. At present, English is the perceived language for socio-
economic advancement and is the language of aspiration in the CDs of language.
In order that Filipino may be intellectualized it must be used in the CDs of language which
means it must replace English. But for Filipino to replace English, it should be intellectualized.
Therein lies the dilemma in the intellectualization of Filipino.

Gawain 2:
1. Magbigay ng sampung (10) susing-salita mula sa artikulo at bigyan ng sariling
pagpapaliwanag.
2. Ano-ano ang pinagkaiba ng “Non-controlling Domains,” Semi-Controlling Domains,” at
Controlling Domains sa isa’t isa?”
3. Ayon kay Sibayan, “… English, Russian, German, French, Japanese, to name just five,
are intellectualized languages. By the same definition, Filipino is not (yet) an
intellectualized language.” Sangayon ka ba dito? Bakit? Bakit hindi?
4. Sa pagtatapos ng artikulo, sinabi ni Sibayan “At present, English is the perceived language
for socio-economic advancement and is the language of aspiration in the CDs of language.
In order that Filipino may be intellectualized it must be used in the CDs of language which
means it must replace English. But for Filipino to replace English, it should be
intellectualized. Therein lies the dilemma in the intellectualization of Filipino.” Sangayon
ka ba dito? Bakit? Bakit hindi?
5. Ano ang masasabi mo sa kalagayan ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sa kursong
iyong kinukuha?
6. Sa kabuuan, ano ang iyong reaksyon sa artikulo?

Intelektuwalismo at Wika ni Renato Constantino


(Inilathala sa Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan na inedit nina Pamela C. Constantino at
Monico M. Atienza, Lunsod Quezon: University of the Philippines Press, 1996.)

Ang tradisyon ng intelektuwalismo, kagaya ng sa mga bansang Kanluranin, ay umiiral sa


ating kapwa bansang Asyano tulad ng India, Indonesia, Vietnam at iba pa.
Tulad natin, karamihan sa kanila ay nakaranas ng kolonyalismo, ngunit sa larangan ng
sining at kultura, malayo tayo sa kanila. Ang dahilan nito ay ang pagkakaiba ng sistema ng
kolonyalismong inilatag sa atin, at ang kawalan natin ng matatag na sibilisasyon noong tayo’y
sinakop ng unang kolonisador.
Ang mga bansang nabanggit ko’y matataas na ang antas ng sibilisasyon nang sila’y
nasakop at ang kanilang mananakop ay nagtatag ng indirect colonialism na hinayaang manatili

15

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
ang mga institusyon at wika ng taumbayan. Sa Pilipinas, naging ganap ang pananakop sa lahat
ng larangan ng ating buhay—sa relihiyon, sa edukasyon, sa istruktura ng lipunan, sa ekonomya,
sa kultura at pati na sa wika. Dahil dito, ang tatak ng ating mananakop, lalo na yaong sa mga
Amerikano, ay malalim na nakaukit sa ating mga institusyon, sa ating isip at pananaw sa daigdig.
Ang pagkakaiba ng ating karanasang kolonyal ang lumikha ng pagkakaiba ng ating
pambansang katangian at ng pagsulong ng kasaysayan.
Samantalang palagi tayong inuudyok, lalo na sa karamihan sa ating mga eskuwela, na
pag-aralan ang kaisipang Kanluranin, kulang sa diin at interes ang ating pag-aaral ng
kasaysayan, kultura at mga ideya ng mga karatig-bansang Asyano. Ang lalong masama, tila hindi
masyadong importante para sa atin—maliban lang siguro sa iilang klase ng mga gurong
makabayan—na magalugad, madiskubre, at lubusang maunawaan ang mga sinulat ng ating mga
kababayan, samantalang sa ibang bansa, ang pag-aaral ay batay sa mga akda ng sarili nilang
mga pantas. Sa atin, ang laging tinutukoy ay ang mga akda ng mga dayuhan. Hindi natin pinag-
aaralan nang malalim ang mga kaisipan ng ating mga pantas sa pilosopiya at agham panlipunan.
Marami-rami na rin sa ating mga kababayan ang nakapag-ambag ng mahahalagang
kontribusyon sa daigdig ng kaisipan. Subalit, kadalasa’y hindi natin ito binibigyan ng gaanong
importansya. Ito’y isang dahilan ng kawalan ng tradisyong intelektuwal. Di katulad sa ibang
bansa, wala tayong matutukoy na iba’t ibang daloy ng pag-iisip na pinayayabong at pinasusulong
ng mga grupong intelektuwal mula sa isang henerasyon tungo sa susunod. Wala tayong
tinatawag na intellectual tradition.
Sa kabilang dako naman, dapat nating aminin na hindi nakatutulong sa pagbubuo at
pagsusulong ng masaklaw na pag-iisip ang kasalukuyang edukasyon at ang pangkalahatang
katayuan ng kultura.
Hindi rin natin maitatatwa na kadalasan, ang mga nilikha ng ilan sa ating mga pantas ay
pira-pirasong pag-aaral na hindi sumasaklaw sa kabuuan ng problema. Ito’y resulta ng sistema
ng edukasyon na hanggang ngayon ay nababalutan ng kolonyal na pananaw. Ang impluwensya
ng dating kolonisador ay malakas pa at ang mga institusyong itinatag nito ay malalaking balakid
sa pagsusuri at pagtuklas ng tunay na Pilipino batay sa kongkretong kalagayan nito.
Ipinagmamalaki natin bilang isang bansa ang ating mataas na antas ng literacy, ngunit
lumilikha tayo ng mga mamamayang walang karanasang intelektuwal tungkol sa kahulugan at
layunin ng ating bayan. Ito sana ang magbibigay sa kanila ng batayan upang suriin ang
kalagayang pambansa at pandaigdig. Marami sa atin ang walang alam o kaya ay walang
pagpapahalaga sa ating minana sa kasaysayan. Wala tayong kakayahan makakuha ng
inspirasyon o maging kritikal man sa minanang ito.
Hindi binibigyang-kakayahan ng ating sistemang pang-edukasyon ang ating mga
estudyante na makita ang pagkakaiba ng malalim at mababaw na kaisipan. Mas gusto nila ang
mga pelikula o palabas sa telebisyon na simpleng mga pormula ang ginagamit sa paglutas ng
mga problemang personal. Ang mga problemang panlipunan ay di pansin o tinatratong di
importante. Tatanda sila nang hindi man lang nakikilala ang ating mga likhang intelektuwal o ang
kabuuang daigdig ng karunungan. Walang hamon para sa kanila ang misteryo at abentura ng
intelektwalisasyon sapagkat mas naaakit sila ng mga kaalwanang materyal at aliwang hungkag.
Ang ganito ay bunga ng artipisyal na kultura na epektibong kinakalat mula sa Kanluran.
Ang kababawan at kawalang-kakayahan sa gawaing pang-intelektuwal ay isang
malubhang problema ng lipunan. Kakaunti ang mga Pilipinong maaaring masabing tunay na mga
intelektuwal na nagsusuri, nagtataya, at nakauunawa sa lipunan bilang isang kabuuang ugnay-
ugnay. Sa kanila, anumang nangyayari sa daigdig ay maaaring bigyan ng kahulugan at

16

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
komprehensibong interpretasyon mula sa isang tiyak na pananaw. Bukod sa pagiging mapanlikha
at mapagpuna, nakapagbibigay sila ng bagong mga haka-haka at obserbasyon nang walang
takot at limitasyon. Natatanaw nila ang hugis ng kinabukasan, at ang direksyon ng pagbabago.
Kaya’t marami sa kanila ang tinataguriang radikal, sapagkat pasulong ang kanilang pag-iisip at
ang kanilang mga akda ay instrumento ng pagluluwal ng bagong kamalayan at kaayusan mula
sa luma.
Marami sa ating kababayan ang nagmamalaki na sila ay kabilang sa intelihenteng sektor
ng bansa. Ipinagmamalaki pa ng ilan sa kanila ang pagka-intelektuwal. Sa katunayan, ang
marami sa kanila ay mga semi-intelektuwal lamang, at ang iba ay mga mental technicians.
Lumilitaw sa ating pagsusuri ng posisyon at katangian ng mga mental technicians sa ating
bansa na sila ay biktima at daluyan ng kolonyal na kamalayan; sila ay tagatanggap ng
miseducation at sa gayon ay nagiging miseducators ng lipunan.
Sapagkat ang edukasyon sa bansang ito kadalasan ay negosyong pinatutubuan, mahal
ang pagtatamo ng mataas na kaalaman. Kaya’t marami sa nakatatanggap ng tinatawag na
edukasyon ay mga galing sa mga grupong katamtaman o malaki ang kita. Ang ganitong mga
grupo ay may tendensiyang paboran ang kasalukuyang sistemang panlipunan kasama na ang
namamayaning kamalayan sapagkat sila ang nakikinabang dito. Bukod pa rito, ang pagtanaw ng
maraming pamilya sa edukasyon ay isang instrumento lamang ng pagtatamo ng personal na
ambisyon sa buhay.
Ang pangkaraniwang layunin ay mataas na kita at katayuan sa lipunan. Di nakapagtataka
na ang edukasyon, sa ganitong konteksto, ay nagiging pagkuha na lamang ng mga kasanayang
maipagbibili nang mahal at makagagarantiya ng trabahong may prestihiyo. Karaniwan, ang
nagbibigay ng ganitong trabaho ay ang elite, dayuhan man o Pilipino. Kaya’t sinumang gustong
magtagumpay sa daigdig ng mga elite ay kailangang may malinis na rekord. Di sila maaaring
magpanukala ng mga radikal na ideya. Hindi sila maaaring makihalubilo sa mga grupong may
masamang tatak sa establisimiyento. Hindi sila maaaring lumahok sa anumang protesta.
Nakabilanggo sila sa isang linya ng kaisipan na pabor at nangangalaga sa status quo.
Ang pag-iwas sa anumang uri ng pakikisangkot ay siguradong pipigil sa anumang
tendensiya tungo sa malalim na pag-iisip at tunay na intelektwalisasyon. Ang tagumpay sa anyo
ng kariwasaan sa buhay at pagbili ng maraming mga status symbol ay lalo pang makababawas
sa anumang interes na pag-aralan at baguhin ang kabuuang lipunan para sa interes ng
karamihan. Mas masahol pa rito, nagsisilbing intelektuwal ng naghaharing uri ang mga
nagtatagumpay na ito. Sila ang nagiging aktibong tagapagtanggol ng kasalukuyang kalagayan.
Hindi naman nila nararamdaman ang nawala sa kanila sapagkat abala sila sa pagpapayaman at
sa mabababaw na pang-aliw.
Ilang dekada nang patuloy na pinarurupok o pinahihina ng ating pagtanggap at
pagkaalipin sa wikang banyaga ang kalidad ng intelektwalisasyon dito sa bansa.
Ang laging binibigyang-halaga ay ang wikang dayuhan, tradisyon at kapangyarihan sa
kasalukuyan. Hindi nakapagtataka na ang ating pag-iisip ay hinuhubog ng itinuturong maka-
dayuhan at ng mismong reyalidad. Ang ating mga pasiya ay laging nababatay sa ating
pakikitungo sa ibang mga bansa at sa mga dayuhang institusyong namamayani sa pambansang
kabuhayan natin. Sa ganitong konteksto, Ingles ang binibigyang prayoridad sa edukasyon at
negosyo. Pinalilitaw na isang pangangailangan sa mga Pilipino ang masanay sa wikang banyaga
upang magtagumpay sa daigdig ng produksiyon at kalakalan. Alam natin na ito ay pinabulaanan
na ng karanasan ng Hapon at maging ng ating mga kahanggang tulad ng Taiwan at South Korea
na umunlad nang husto gayong sariling wika ang pangunahing gamit.

17

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Sa ating karanasan, ang mahabang kasaysayan ng paggamit ng Ingles ay di nagbunga
ng kaunlaran, maliban sa mga nagtatrabaho sa mga dayuhang kompanya o sa ibang mga bansa.
Bagkos, ang Ingles ay nakapigil sa pag-unlad ng karamihan sa mga Pilipino na di lubos na
nakauunawa rito ngunit napilitang mag-aral nito at sa pamamagitan nito. Nauntol ang pag-unlad
ng wikang pambansa bilang wikang panturo, wikang opisyal, at wika ng negosyo. Naging limitado
ang kaalaman at kakayahan ng maraming Pilipino na itinali sa Ingles gayong hindi nila magamit
ito sa malalim at maunlad na paraan.
Ang paggamit ng wikang banyaga bilang wikang panturo ay sagabal sa pag-iisip dahil
dapat munang masanay ang mag-aaral sa bagong mga tunog, tono, at balangkas ng
pangungusap. Nahihirapan siyang ipahayag ang kanyang mga saloobin at ito’y pumipigil sa
kanyang pag-iisip. Kaya, makikita natin na marami sa ating mga kababayan ang hindi sanay mag-
isip nang malalim. Hindi nila ganap na nauunawaan ang mga aklat at peryodikong nakasulat sa
Ingles. Hirap na hirap ang marami sa atin na mag-usap sa wikang Ingles pero hindi rin sila
makapag-usap nang mahusay sa sarili nating wika dahil ito ang napabayaan.
Ang wika ay instrumento ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng wika ay umuunlad ang
kaisipan. Sa pag-unlad naman ng kaisipan ay umuunlad ang wika. Ngunit kapag ang wika ay
naging sagabal sa pag-iisip, ang pag-iisip ay nababansot o nababaog at magbubunga naman ng
kulturang bansot. Ang malikhain, mapanuri at mapagbuod na kaisipan ay hindi uunlad sapagkat
ang mga mag-aaral ay nahirati sa pagsasaulo sa dayuhang wika.
Dahil sa mekanikal na paraan ng pag-aaral, pangkalahatang ideya lamang ang
natututuhan ng mga mag-aaral; hindi nagkakaroon ng masusing pagsusuri at malalim na pag-
unawa. Kaya naging ugali na ng maraming estudyante ang mag-aral lamang para makasagot
nang tama at pumasa sa pagsusulit para makatapos ng kurso. Napipigil ang malayang pag-iisip
sapagkat ang wikang panturo ay iba sa wikang ginagamit sa labas ng klase. Ang isang mag-aaral
ay nasisiyahan na lamang sa pangangalap ng impormasyon. Ngunit bihira niyang magamit ang
impormasyong ito para mapalalim ang kanyang pang-unawa sa mga suliranin ng kanyang
lipunan.
Sa kabila ng mga humahadlang sa pag-unlad ng wikang pambansa, nakikita natin ang
pagyabong ng lengguwahe na yumaman sa paghiram sa iba’t ibang diyalekto at sa salitang
Ingles, Kastila’t iba pa. Dumarami na ang akda sa ating wika dahil sa lumalaki ang publiko nito.
Ang wika ay mas mabilis na uunlad kung ito’y ginagamit sa seryosong pag-iisip at hindi lamang
pambahay, panlansangan o pang-aliw. Ang wikang katutubo na yumayabong ay nakatutulong sa
katutubong pag-iisip.
Ang pelikulang Pilipino, ang mga popular na programa sa telebisyon, ang nakararaming
nakikinig sa radyo at malaking sirkulasyon ng mga pahayagang Pilipino ay mga hudyat ng
pamamayani ng wikang pambansa.
Tinatanggap ko ang kakulangan ng aking henerasyon sa pagsakatuparan ng ganitong
hangarin at hinahangaan at dinadakila ko ang kabataan ngayon na kumikilala at buong dangal
na nagbigay buhay sa ating wika.
Ang wikang Filipino ay wikang mapagpalaya. Ito ang magiging wika ng tunay na Pilipino.
Ang edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong naniniwala na sila, bilang indibiduwal
o kolektibo, ay pantay sa ibang mga sambayanan. Ang paggamit ng sariling wika bilang
instrumentong mapagpalaya at nagbibigay-kapangyarihan ay isang mahalagang hakbang tungo
sa layuning makabansa.

18

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Gawain 3:
1. Magbigay ng tatlong (3) punto ni Constantino hinggil sa kawalan natin ng “intellectual
tradition”
2. Ano ang relasyon ng kolonyalismo sa kawalan nating “intellectual tradisyon?”
3. Sa iyong palagay, may kaugnayan ba ito sa suliranin sa intelektuwalisasyon ng wikang
Filipino? Ipaliwanag.
4. “Ang wikang Filipino ay wikang mapagpalaya. Ito ang magiging wika ng tunay na
Pilipino.” Sangayon ka ba sa sinabing ito ni Constantino? Bakit? Bakit hindi?
5. Ano ang iyong realisasyon matapos mabasa ang artikulo?

19

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________

KABANATA 2: Ang Filipinolohiya at Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino

Panimula
Basahin ang sumusunod na tula:

ANG WIKA AY WIKA NG PAGKAKAISA...


ni Arlan Camba

i sa kultura‘t politika
Kung ang wika Filipino
ay wika ng pagkakaisa, wika itong sa ekonomiya‘t agrikultura
magbubuklod sa organikong masa, Filipino
wika itong humihinga, sa larangan ng medisina
wika itong kaluluwa, Filipino
ng kung sino at ano ka, ang karunungang bayan
sa diwa‘t pagkabansa. Filipino
ang pambansang kamalayan
ii Filipinolohiya
Kung ang wika ang sining at siyensya
ay wika ng pagkakaisa; wika itong ng pambansang kaunlaran!
inuusal binibigkas sinisigaw
sa bukid at kaparangan, iv
sa tayog ng kabundukan,
sa lalim ng karagatan, Kung ang wika
sa lawak ng kalawakan. ay wika ng pagkakaisa
wika itong maririnig bakit ito tinitiwalag sa masa?
wika itong isang tinig lantarang pinapatay
ng kolektibong damdamin tahasang sinusupil
kolektibong hangarin buong puwersang sinisikil;
kolektibong layunin ng komisyon at institusyong
isang sipat at pagtingin walang sintido-komon,
sa pangarap at hinaharap katwirang mga pulpol
wikang mag-uugnay isipang mapupurol;
sa maaliwalas na bukas. higit pa sa kamatayan ang ibinabang hatol
ng C.M.O no. 20!
iii Ito‘y lubid na pambigti sa wikang sarili;
Kung ang wika pamitpit ng dila
ay wika ng pagkakaisa, pambansot ng utak
wika itong umaayon pampunggok ng rason;
sa kumpas ng pag-unlad, kautusang ikinumpas
wika itong sumusulong ng kung sinong gunggong;
hindi umuurong, na ang dunong ay oryentasyong
wika itong umuusad tagahimod-tumbong ng dayong kaisipan!
hindi dila‘t kaisipang mapangwasak; anong uri ito ng kalapastanganan
wika itong mapagbuo bansang malayang naturingan;
pagkat wika ng dunong at talino wika‘y pupulutin sa kangkungan!
wikang intelektuwal at moderno
Filipino v
sa agham at teknolohiya Kung ang wika
Filipino ay wika ng pagkakaisa,

20

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
wika itong nagbabadya ng mga pagtutol pagkat wika ay wika rin ng protesta
wika itong hindi puro tango, pinag-iisa
minsa‘y umiiling; nagkakaisa
sa di tamang gawi hindi kanya-kanya
at di pantay na pagtingin; isang tinig, isang tindig
wika itong kumikiling ang yabag ng mga paa
sa wasto at nararapat iisang panawagan
wika itong tumitindig sa parliamento ng kalsada
sa kung ano ang dapat, huwag matakot!
wika itong sa isang sambit makibaka!
ay magpapakilos, kumilos!
at lahi tayong lumaban!
hindi dapat binubusabos; pingkian ng mga tunggalian
wika itong nagdudugtong-dugtong kiskisan ng mga katwiran
nagkakabit-kabit Filipino ay wika ng pagkakaisa
nagdidikit-dikit Pilipino ay magkakaisa
nagkakawit-bisig para sa inaasam na paglaya
sa di matibag na barikada

Gawain 4:
1. Magbigay ng tatlong (3) tungkulin ng wika na iginiit sa tula.
2. Pansinin ang ikatlong saknong (iii), sa iyong palagay ba ay may kaugnayan ang pagsulong
ng Filipino sa iba’t ibang larangan sa pambansang kaunlaran? Bakit? Bakit wala?
3. Ano ang Filipinolohiya?
4. Ano ang konteksto sa pagkakasulat ng akda?
5. Para sa iyo, may gampanin ba ang wikang Filipino sa pakikibaka, pagkakaisa, at paglaya?

ARALIN 3: Ang “Wisyo ng Filipinolohiya:” Makabayan, Makamasa, Siyentipikong


Konsepto sa Pagpapaunlad, Paggamit at Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino
Natalakay na sa unang aralin ang mahahalagang konsepto hinggil sa intelektuwalisasyon,
bilang tunguhin ng isang wikang pinauunlad bilang instrumento sa mas mataas na pagdidiskurso
sa mga paksain at kaisipang may kaugnayan sa mga tinatatawag ni Sibayan na mga domains.
Ang gawain sa intelektuwalisasyon ay mahigpit ding nakakapit sa prinsipyo ng masikhay na
paggamit at pagpapalawak ng wika sa mga larangan na sa kasalukuyan ay hindi maitatangging
nakasulat at higit na dinidiskurso sa wikang Ingles, na manipestasyon ng kawalan natin ng
“intellectual tradition” at bunga rin kolonisasyon.
Sa bahaging ito, tatalakayin naman natin ang Konseptong Filipinolohiya (Abadilla, 2002) at
ang kaugnayan nito sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.
Mga Hiyas ng Konseptong Filipinolohiya
(Piling Sipi sa Wisyo ng Filipinolohiya at Epistemolohiyang Filipino sa Karunungang Pilipino
(Abadilla, 2002)

“Ang ideya, konsepto, teorya, modelo o paradigm, prinsipyo o pilosopiya na pawang resaresa
(intricacies) ng karunungan—na likha ng epistemolohiyang Filipino—at ginagamit ng sambayanang
Pilipino sa pamumuhay ay tiyak na maghahatid sa Pilipinas ng kaunlaran at kagandahan sa
kalooban ng mga Pilipino. Tanging wikang Filipino ang saligan ng Epistemolohiyang Filipino—ng
batis (source) ng antas-antas na pag-unlad ng talinong Pilipino.”
--Bayani S. Abadilla

21

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Ayon kay Abadilla (2002), ang edukasyon ay sistema ng paglinang sa talino. At malaki
ang gampanin ng paaralan at akademya sa paglinang ng talino, sining, at agham sa pamamagitan
ng pedagohiya. Kognitib, apektib, at sayko-motor ang pinagtutuunan ng pedagohiya. Ang mga
simulain, layunin, at gawain sa edukasyon sa lipunang Pilipino ay dapat na nakatutugon sa
adhikain ng lipunan, mithiin ng mamamayan at hangarin ng bayan sa matiwasay at maunlad na
pamumuhay.

Sa kanyang pagsusuri sa kasalukuyang sistema ng edukasyon na bunga ng malapyudal


at malakolonyal na sistema sa ekonomya at politika, ang mga nagiging propesyunal na produkto
nito ay marunong dahil sa mga kaalaman sa isip ngunit mangmang naman sa realidad ng buhay.
Kaipala, makasarili ang mga propesyunal na ginagamit lamang ang karunungang pagmamay-ari
ng lipunan para sa kanyang sarili at mga ekstensyon ng kanyang sarili imbes na para sa
pagpapahalagang pantao, panlipunan, at pambansa.

Dagdag pa ni Abadilla (2002) “aktibong mawawasak ang pagkamakasarili sa kolektibong


sarili ng mga uri ng pagkatao sa lipunan sa pamamagitan lamang ng karunungang Pilipino, na
mula sa mga karanasan ng sambayanang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanaw—sinisinop ng
akademya—para sa kaunlaran ng bansa at kabutihan ng sambayanang Pilipino. Wikang Filipino,
na bigkis ng iba-ibang wikang lalawiganin o bernakular, ang tanging makalilinang sa talino ng
sambayanan na makatao, makalipunan, makabayan at may pandaigdigang pananaw.”

Sa ganitong pagpapahalaga sa wikang Filipino nabuo ang Konsepto ng Filipinolohiya:


pilosopiyang Pilipino, lohikang Pilipino at paninindigang Pilipino.

Dagdag pa ni Abadilla, totoo, mabuti at maganda sa pambansang praxis (aksiyon at


repleksyon) na sinisihop sa agham at sining na sasalamin sa kabutihan ng lipunan ang tungkulin
ng akademya na Filipinolohiya ang oryentasyon.

Ngunit hindi lamang natatapos sa pagkamit ng karunungan at pag-unawa ang


Filipinolohiya. Binigyang diinan ni Abadilla na kailangang isabuhay ang Konseptong
Filipinolohiya; kailangang ilapat sa tunay na pagkilos tungo sa pambansang kaunlaran ang
karunungan. Tinatawag itong praxis o repleksyon at aksyon.

Sa madaling salita, ang Filipinlohiya ay ang pilosopiyang Pilipino, lohikang Pilipino at


paninindigang Pilipino tungo sa pagkamit ng buhay na maganda, makatao, makabayan, at dalisay
na lipunang Pilipino.

Mahigpit ang pagtuturol ni Abadilla sa halagahin ng Filipinolohiya sa sistema ng


edukasyon ng Pilipinas. Sabi ni Abadilla

“sa katuturang akademiko, ang Filipinolohiya ay ukol sa mga kursong dapat bukal ng mga
katalinuhang panlipunan na inter-aktibong pinagsisikhayan ng guro at estudyante sa sitwasyong
pedagohikal.” (Abadilla 2002)

Malaki ang gampanin ng guro bilang tagapagpadaloy ng karunungan at dagdag pa ni


Abadilla,

“mababago nila ang reyalidad kung babaguhin muna ng kaguruan ang angking talinong hinubog
ng pormal na maling edukasyon. Inuuk-ok ng mapaminsalang talino ang bait/katinuan ng
kaguruan sa partikular at sa pangkalahatan ang diwang makabayan at progresibo na maghahatid
sa lipunan sa kaluwalhatian.” (Abadilla 2002)

22

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Hindi lamang guro ang mga guro. Gayundin, hindi lamang mag-aaral ang mga mag-aaral.
Kapwa sila kabilang sa lipunan; kapwa sila mamamayan nitong bansa. Sa mahabang panahon,
inihiwalay sa realidad ng lipunan ang edukasyon—artipisyal lamang ang pagtalakay sa mga aralin
ng mga gurong hinubog na tagatanggap at tagapagpatupad lamang ng ganitong uri ng
edukasyon, kung kaya’t hindi mailapit sa sikmura at kaluluwa ng mga mag-aaral. Kung kaya’t sa
paglalapat ng Filipinolohiya sa sistema ng edukasyon na nangangahulugan din ng paglapat ng
mga leksyon at aralin mula sa iba’t ibang kurso—humanidades man o agham, pangkalikasan o
panlipunan—sa realidad ng lipunan, binibigyang diin ni Abadilla ang pagkaroon ng
“kooperatibong pagkakatuto” sa pagitan ng guro at mag-aaral. Kapwa sila bahagi ng lipunan at
kapwa nila nararanasan ang kondisyon nito. Hindi lamang tangan ng guro ang katalinuhan
sapagkat hindi lamang siya ang dumadanas sa lipunan kundi ang mga mag-aaral din. Kung
gayon, kapwa sila may talino at kakayahang ma-articulate ang mga ito. Ang “kooperatibong
pagkatuto” ay magiging bukal ng kritikal na pagpapalitan ng diskurso ng mga guro at mag-aaral
hinggil sa mga aralin at realidad ng mga ito sa lipunang malapyudal at malakolonyal na
pinamamayanihan ng pang-aapi. Tinatawag itong “problem posting” na metodo ng kritikal na
pedagohiya ng pagtuturo. Kapwa nai-involve sa talakayan ang guro at mag-aaral sapagkat kapwa
sila “subject” sa mga realidad nito. At dahil inilalatag din sa mga aralin ang mga suliraning
panlipunan na magtatuwang na tinatalakay ng guro at mag-aaral, para kay Abadilla, kapwa din
nila dapat binubuo ang mga solusyon hinggil sa mga ito—at magkatuwang ding maisulong sa
direksyon ng pambasang kaunlaran. Ito ang esensya ng praxis.

Masusuma natin ang katuturan ng Filipinolohiya sa ganitong paradimo:

Ang prosesong ito ang magtutulak sa pagkakaroon ng Epistemolohiyang (produksyon ng


karunungan) Filipino.
Paliwanag ni Abadilla,
Ang ideya, konsepto, teorya, modelo o paradigm, prinsipyo o pilosopiya na pawang
resaresa (intricacies) ng karunungan—na likha ng epistemolohiyang Filipino—at ginagamit ng
sambayanang Pilipino sa pamumuhay ay tiyak na maghahatid sa Pilipinas ng kaunlaran at
kagandahan sa kalooban ng mga Pilipino. Tanging wikang Filipino ang saligan ng
Epistemolohiyang Filipino—ng batis (source) ng antas-antas na pag-unlad ng talinong Pilipino.
Ang wikang Filipino ay hindi midyum lamang ng pagtuturo. Sinasalamin ng wikang Filipino
ang pagkatao, pagkabayan, pagkamamamayan at pagkalahi ng mga Pilipino. Ang wika ay mukha
at isip na magkakaiba sa sangkatauhan.
Hindi antipatiko ang epistemolohiyang Filipino sa daloy ng pandaigdigang karunungan. Sa
halip yaong makatotohanang mga karanasan ng ibang lahi sa daigdig ay masinop na kinilatis ng
edukasyong Pilipino para sa pambansang kapakanan at kabutihang pambayan.

Dagdag pa niya,
Sa dimensiyong teknolohikal, ang talino ng bayan sa simbuyo ng kalayaan ay tutugon sa
pambansang industriyalisasyon at modernisasyon ng agrikultura. Ang praxis (sabayanang
paggana ng talino at lakas paggawa) ay mabiyayang ipakikita sa taunan progresibong GDP
(groseng domestikong produksiyon) na iniluluwal o nalilikha ng ekonomikong disiplinado ang pag-
unlad at umaayon sa takbo ng pandaigdigang kalagayang pangkabuhayan. Samantala sa GNP
23

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
(groseng pambansang produksyon) kasali o kabilang sa kalahatan ng produksyon yaong
eksperimentasyon sa larangan ng agham at mga pananaliksik sa mga piling karunungan na kapaki-
pakinabang para sa bayan at sa bansa.
Hindi balakid o problema ang wikang Ingles sa paglinang sa karunungan ng bayan—
bagaman higit na mahusay at mabuti ang wikang Filipino—pandayin ng sistema ng edukasyon ang
katalinuhang sosyal. Ang talino ng bayan sa diwang Filipinolohiya sa pandaigdigang talamitan-
diwa (salimuhaan ng karunungan sa daigdig) ay kikilala at gagalang sa kalinangan ng ibang bayan
sa larangan ng heopulitika (relasyong bansa-sa-bansa) na kinasasangkutan ng pandaigdigang
kalakalan at diplomasya.

Bukod sa pagbibigay-diin ni Abadilla sa pagbungkal at aplikasyon ng mga katalinuhang-


bayan na maitatanghal nang ganap sa wikang Filipino, ang Filipinolohiya, bilang isang disiplina
at oryentasyon, ay kumikilala rin sa mga karunungang bumubukal sa iba’t ibang nasyon. Para
kay Abadilla, ang mga karunungang ito, nasusulat man sa Ingles o ano mang wika, ay sinasalok
ng Filipinolohiya upang magamit sa konteksto ng bansa tungo sa pagpapanday ng kaunlaran
nito. Sa madaling salita, bukod sa makabayan, ang Filipinolohiya ay nagtataglay din ng diwa ng
internasyonalismo. Gayunpaman, mahigpit ang kanyang tagubilin: tanging makatotohanang mga
karanasan ng ibang lahi sa daigdig ay dapat masinop na makilatis sa edukasyong Pilipino para
sa pambansang kapakanan at kabutihang pambayan.”

Halimbawa, hindi balakid o problema kung nakasulat man sa wikang Ingles, o galing sa
ibang bansa tulad ng Aleman, o Hapon, maging ng Timog Korea ang mga talino tungkol sa
transpostasyon, makinasyon, maging ang paglalapat ng nito sa agrikultura sapagkat ang mga
karunungang maaari nating masalok mula dito ay maaari nating maisabuhay sa ating bayan—na
isang agrikultural na bansa. Gayundin, sa pangkalahatan, ang mahahalagang karunungan mula
sa mga larangan at mga teknolohiyang esensyal sa pagtatamo ng tinatawag na pambansang
industriyalisasyon, mula man ito sa ibang bansa na industriyalisado.

Mula dito, masusuma ang Filipinolohiya bilang:

Disiplina ng karunungan na nakasalig sa maka-agham na pag-aaral sa pinagmulan, kalikasan at


ugnayan ng wika, panitikan, kultura, lipunan, kasaysayan, komunikasyon at iba pang batis ng
karunungang Pilipino, gayundin ay nililinang nito ang mga karunungang ambag ng mga Pilipino sa
daigdig ng mga karunungan... Nakatuon ito sa pagpapakadalubhasa sa pagtuturo at pagkatuto ng
wikang Filipino gayundin sa holistikong pag-uugnay nito sa iba pang batis ng karunungang Pilipino
na bumubukal sa panitikan, kultura, kasaysayan, antropolohiya, agham sikolohiya, pilosopiya at
iba pang disiplina na nangangahulugan ng pagtataglay nito ng interdisiplinaryong paraan ng pag-
aaral.(Gandhi Cardenas sa Apigo, 2001)

Modelo ng Filipinolohiya bilang holistikong tagapag-ugnay ng mga disiplina tungo sa interdisiplinaryong


paraan ng pag-aaral

24

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Kung pakalilimiin, ang interdisiplinaryong paraan ng pag-aaral na ito ng Filipinolohiya ay
mahigpit ding nakakawing sa pagpapasigla at pagpapayabong ng wikang Filipino bilang wika ng
karunungan: ang Filipinolohiyang pagsisikhay sa pagdukal at aplikasyon ng mga karunungang
Pilipino at ng iba pang nasyon upang matamo ang pambansang kaunlaran ay pagsusulong din
ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.
Sa esensya, kambal na magkapatid ang Filipinolohiya at Intelektuwalisasyon ng Wikang
Filipino: ang Filipinolohiya bilang makabayan, makamasa, at siyentipikong pedagohiya at
disiplina; ang Intelektuwalisasyon ng Filipino bilang katuwang-susi sa pagsasa-Filipino ng mga
disiplinang inaaral sa edukasyon. At ang kambal-tambalang ito, higit sa anuman, ay naglalayong
matamo ng sambayanang Pilipino ang inaasam-asam nitong Pambansang Kaunlaran.
Gawain 5:
1. Magbigay ng sampung (10) susing-salita mula sa binasa at bigyang-pakahulugan.
2. Bakit “dapat na nakatutugon sa adhikain ng lipunan, mithiin ng mamamayan at hangarin
ng bayan sa matiwasay at maunlad na pamumuhay” ang ating edukasyon?
3. Bakit nasabi ni Abadilla na mangmang sa realidad ng edukasyon at makasarili lamang
ang mga propesyunal na nagtatapos sa sistema ng ating edukasyon?
4. Sa kasalukuyan, masasabi mo bang ang lahat ng iyong napag-aralan ay lumalapat sa
realidad ng lipunan? Bakit? Bakit hindi?
5. Para sa iyo, dapat bang maging magkatuwang ang mga guro at mag-aaral sa edukasyon?
6. Anong bahagi ng sipi ang pinakatumatak sa iyo? Bakit?
7. “Ang talino ng bayan sa diwang Filipinolohiya sa pandaigdigang talamitan-diwa
(salimuhaan ng karunungan sa daigdig) ay kikilala at gagalang sa kalinangan ng ibang
bayan sa larangan ng heopulitika (relasyong bansa-sa-bansa) na kinasasangkutan ng
pandaigdigang kalakalan at diplomasya.” Mabuti ba ito para sa atin? Bakit? Bakit hindi?
8. Ipaliwanag sa sariling paraan ang paradimo ng Filipinolohiya.

9. Ipakita sa pamamagitan ng Venn Diagram ang mga ideyang pinagkakaisahan ng


Filipinolohiya at Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino para sa pagkakaroon ng
Epistemolohiyang Filipino at/o Pambansang Kaunlaran. Magbigay ng hindi bababa sa (5)
ideya sa parehong konsepto. Maaaring magsipi mula sa mga natalakay.

Intelektuwalisasyon
Filipinolohiya
ng Filipino
1.
1.
2.
2.
3.
3.
4.
5.
4.
5.

25

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________

KABANATA 3: Sosyo-Historikal na Pagtalakay sa mga Simulain,


Kontribusyon at Kalagayan ng Intelektwalisasyon ng Filipino
Aralin 4: Tagalog-Pilipino-Filipino: Mga Probisyon at Patakarang Pangwika Bilang
Simulain at Rasyonale sa Pagpapalawig ng Wikang Pambansa

Produkto ng lipunang Pilipino ang wikang pambansa.


-BIenvenido Lumbera
Pambansang Alagad ng Sining

Wikang Filipino, na bigkis ng iba-ibang wikang lalawiganin o bernakular, ang tanging makalilinang
sa talino ng sambayanan na makatao, makalipunan, makabayan at may pandaigdigang pananaw.
-Bayani Abadilla
Manunulat at Progresibong Edukador

The advice based on investigations and experience of literacy experts is that the best way to teach
a second language is by enabling the students to master the first language to the point of critical
thunking; these skills can be then transferred to the second language. In spite of this evidence,
Philippine decision makers and parents continue to insist on English as early as possible, even
though that hinders children’s ability to think critically in the mother tongue or at least in the national
language which is structurally similar to the mother tongue.
-Bro. Andrew Gonzales, F. S. C.
Dating Kalihim ng Edukasyon

Pagsulyap sa Kasaysayan, Ekonomiya at Politika ng Pag-unlad Wikang Pambansa

Bago pa man sakupin ng Kastila ang Pilipinas ay mayroon nang sistema ng pamamahala
ang bawat balangay sa buong arkipelago. Patunay na mayroon nang wikang ginagamit ang mga
Pilipino sa pamumuhay at pakikipag-ugnayan sa loob at labas ng kani-kanilang komunidad. Sa
kabila ng pagkakaiba-iba ay nagagawa ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang balangay na makipag-
ugnayan sa iba pa lalo na sa pakikipagkalakalan. Katunayan, sa pag-aaral ni Ernesto
Constantino, ang mga wika at wikain sa Pilipinas ay nagtataglay ng pagkakatulad sa tunog, salita,
ayos ng pangungusap, at pakahulugan na tinawag niyang “unibersal na nukleyus” (Paz, 2005).

Dahil may wikang nagbibigkis sa lunggati ng sambayanang api, hindi kataka-taka kung
bakit sa buong kasaysayan ng kolonyalismong Kastila ay mahigit 200 ding digma sa buong
kapuluan ang naitala laban sa mga Kastila (Guerrero, 2009). At ang pinakamaningning at
pinakamatagumpay ay ang pagputok ng Himagsikang 1896 sa pamumuno ni Gat Andres
Bonifacio na ginamit ang wikang Tagalog, bilang wikang opisyal ng Katipunan, upang mapalawig
ang birtud ng pagkamabayan at kabayanihan at ipayakap ang diwa at mahigpit na
pangangailangan ng Paghihimagsik laban sa Kastila.

Dahil sa higit tatlong siglong pagsakop ng Kastila, at halos isang siglo nang pagsakop ng
Estados Unidos sa soberanya ng bansa, dumaan ang mga Pilipino sa masalimoot na karanasan
ng kahirapan, at lisyang-edukasyon na lalo pang umiigting magpahanggang ngayon kahit pa
sinasabing isa na tayo sa mga binansagang “papaunlad na bansa” sa katergoryang pinangalan
sa atin ng globalisasyon at neoliberalismo. At sa malalagim na panahon ng pagsakop sa bansa,

26

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
praktikal na sabihing tanging sa wikang Kastila at Ingles lamang nakamit ng Pilipino (karaniwan
pa ay mayayaman) ang mahahalagang katalinuhan (Sibayan 1991).

Ngunit ang pangangailangan ng isang “wikang panlahat” na mula sa isang katutubong


wika ay sumulpot noon lamang 1935 matapos ipatupad ang Batas Tydings-Mcduffie o ang “Batas
sa Kasarinlan ng Pilipinas na pinagtibay ni Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos (Sibayan,
1991; Vega, 2010).

Kung bubuurin sa pinakamababaw na paraan, maaaring sabihin na lamang nang ganito


ang kasaysayan ng Wikang Pambansa at hatiin sa tatlong panahon ng pagtalunton dito: 1. 1935-
1972 Ang Wikang Tagalog Bilang Batayan ng Wikang Pambansa; 2. 1973-1986 Pilipino Bilang
Wikang Pambansa at; 3. 1987-kasalukuyan, Filipino (Vega, 2010). Sa kabila nito, nanatili ang
mga wika ng mananakop bilang wikang opisyal sa bansa.

Ngunit hindi lamang ganito kababaw ang kasaysayan ng Wikang Pambansa, lalo na sa
paggamit nito bilang wikang panturo.

Gawain 6:

1. Batay sa teoryang “unibersal na nukleyus” ni Ernesto Constantino, magbigay ng sampung


(10) salita mula sa tatlong (3) magkakaibang katutubong wika sa bansa na pareho o halos
pareho sa ispeling, bigkas, at kahulugan. (Halimbawa: Kain=Tagalog, Kaon=Bisaya,
Kaon=Waray)
2. Sinasabing nasa higit 200 paghihimagsik laban sa mga Kastila ang naitala sa buong
kapuluan, ano ang nagsilbing tungkulin ng wika upang mangyari ang mga iyon?
3. Sa iyong palagay, nananatili pa rin ba ng wika ng mananakop (i.e. Ingles) bilang wikang
opisyal sa bansa? Patunayan sa pamamagitan ng halimbawa.

Ang Wikang Pambansa sa Edukasyon ng Pilipinas

Ayon kay Constantino (1966), ang pinakamalaking problemang rumirindi sa sistema ng


edukasyon ng Pilipinas ay ang usapin ng wika. Sa panahon ngayon ng globalisasyon kung saan
kinokonteksto ang edukasyon ng Pilipinas sa pangangailangan ng mga tagapagtaguyod ng
neoliberalismo, ang mga aralin at maging ang wikang panturo ay inilalapat sa dayuhang interes
(San Juan, 2016). Dagdag pa ni Constantino, masyadong malalim ang pagkagumon natin sa
kolonyal na edukasyon na hindi mapagkasunduan ang paggamit ng ating sariling wika na mas
maraming Pilipino ang tutol kaysa pabor na gamitin ito. Tulad ng pangkabuhayang pananaw na
hindi mabubuhay ang mga Pilipino kung wala ang Estados Unidos, gayundin ang pananaw sa
edukasyon na hindi ito maaaring maging tunay na edukasyon kung hindi ito nakabatay sa
kahusayan sa paggamit ng Ingles (Constantino, 1966).

Ayon kay Remollino (2007), ang mga repormang pang-ekonomiyang ipinatupad ng mga
rehimen magmula kay Diosdado Macapagal, hanggang Macapagal-Arroyo na dikta ng World
Bank-International Monetary Fund-World Trade Organization (WB-IMF-WB) ay tumatagos sa
mga reporma sa edukasyon ng mga rehimen. Dagdag pa ni Remollino (2007), higit na binibigyang
importansya ang mga aralin at mga kurso sa technical-vocational (tech-voc) at pagwawalang-
bahala sa mga araling panlipunan, humanidades, (Lumbera, 2007) at Filipino, gaya ng K-12 at
bagong GEC mula sa CMO no. 20 s. 2013 (San Juan 2014, Lai 2015).

27

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Tila isang premonisyon naman ang tinuran ni Rizal sa pamamagitan ni Simon hinggil sa
kalunos-lunos na bunga ng ganitong uri ng edukasyon:

Hinihingi ninyo ang pantay na karapatang mapa-Kastila, ang inyong mga kaugalian, at
hindi ninyo nakikita na ang inyong ipinaninikluhod ay isang pagpapatiwakal, isang pagdurog sa
inyong kabansaan, ang pagpuksa sa inyong Inang Bayan, ang pagdakila sa paniniil! Ano ang
kahihinatnan ninyo sa araw ng bukas? Isang bansang walang kakanyahan, isang bayang walang
kalayaan—lahat ng taglay ninyo’y pawang hiram lamang, pati na ang inyong mga kapintasan!...
Anong paggagamitan ninyo sa wikang Kastila, kayong iilan na nakapagsasalita nito? Maglalaho
ang sarili ninyong pagkatao, paaalipin kayo sa utak ng iba, at sa halip na palayain ang inyong sarili
ay masasadlak kayo sa ganap na pagkaalipin! Siyam sa bawat sampu sa inyo na nagkukunwaring
mulat ay mga taksil sa inyong bayan! Siya na nagsasalita sa wikang iyon ay malilimutan ang
kanyang sariling wika hanggang sa hindi na niya alam kung paano ito gagamitin sa pagsulat at
hindi na niya ito nauunawaan, at ilan na ang nakikita kong nagkukunwaring hindi nila alam kahit
isang kataga man lamang nito! (Mula sa Constantino 1966, p. 10).

Sa kasalukuyan, ang edukasyon ng Pilipinas ay ibinabatay pa rin magpahanggang


ngayon sa pangangailangan ng mga dayuhan. Halimbawa sa K-12 program, kung saan mas
maraming paaralan ay nag-ooffer ng iba’t ibang kurso Technical-Vocational Track, at sa mga
kursong pinag-aaralan sa Technical Education School Development Authority (TESDA).

Dagdag pa ni San Juan, sa iskemang ng labor-export policy, kinakasangkapan ang K-12


program upang maging tagahubog ng mga manggagawang dahil wala namang digri sa kolehiyo
ay makararanas ng baratilyong pasuweldo. (San Juan 2014).

Dahil sa patuloy na pagpapatatag at pagsusulputan ng mga kursong pang-Information


Communication Technology at iba pang may kinalaman sa tech-voc sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng kurikulum sa edukasyon gaya ng K-12 at General Education Curriculum ng
CMO no. 20 s. 2013, pag-iisantabi sa liberal arts, agham panlipunan at kasaysayan bilang mga
akademikong larangan, lalong nailalagay ang wikang Ingles bilang wika oportunidad at prestihiyo.
Naiisantabi at binabasura ang Filipino, bilang wika at asignatura, dahilan upang maantala ang
kaalaman at intelektwalisasyong Pilipino (at intelektwalisasyon ng wikang Filipino) at
pamamayagpag ng limitado o makitid na nasyunalismo sa mga diskurso sa akademya, lalo na sa
mataas na edukasyon. (Abad, 2007) Bunga ito pagsasawalang bahala sa pagkakaroon ng
industriyalisasyon sa bansa dahil sa labis na pagkasandig ng ekonomiya sa pangangailangan ng
mauunlad nang bansa, dahil para sa mga namumuno, mas mainam na gumamit ng Ingles na
pang-merkado kaysa palawigin ang pambansang wika na produkto ng deka-dekadang pagkilos
(Campoamor 2007 sa Lumbera 2007).

Gawain 7:

1. Ayon kay Constantino (1966), “masyadong malalim ang pagkagumon natin sa kolonyal
na edukasyon na hindi mapagkasunduan ang paggamit ng ating sariling wika na mas
maraming Pilipino ang tutol kaysa pabor na gamitin ito. Tulad ng pangkabuhayang
pananaw na hindi mabubuhay ang mga Pilipino kung wala ang Estados Unidos, gayundin
ang pananaw sa edukasyon na hindi ito maaaring maging tunay na edukasyon kung hindi
ito nakabatay sa kahusayan sa paggamit ng Ingles.” Litaw na litaw pa rin ba ang ganitong
pagtingin sa wikang pambansa at wikang Ingles? Ipaliwanag.

2. Para sa iyo, bakit higit na binibigyang importansya ang mga aralin at mga kurso sa
technical-vocational (tech-voc) at pagwawalang-bahala sa mga araling panlipunan,
humanidades, at Filipino?

28

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________

3. Ano ang “labor-export policy?” Ipaliwanag ang kaugnayan nito pagkakaroon ng higit na
importansya sa mga aralin at kurso sa technical-vocational (tech-voc) at pagwawalang-
bahala sa mga araling panlipunan, humanidades, at Filipino.

4. Bilang mag-aaral napapansin mo bang “lalong nailalagay ang wikang Ingles bilang wika
oportunidad at prestihiyo, naiisantabi at binabasura ang Filipino, bilang wika at asignatura,
dahilan upang maantala ang kaalaman at intelektwalisasyong Pilipino (at
intelektwalisasyon ng wikang Filipino) at pamamayagpag ng limitado o makitid na
nasyunalismo sa mga diskurso sa akademya, lalo na sa mataas na edukasyon?”
Magbigay ng halimbawa.

5. Naaapektuhan ba ng kalagayang pang-ekonomiya ang kalagayan ng wika? Ipaliwanag


ang iyong sagot.

Paggigiit ng Espasyo

Gaya ng nabanggit na, na sinakop tayo ng Kastila at Estados Unidos, isang kolonyal na
uri ng edukasyon ang namayagpag sa kaisipan ng Pilipino. Ginamit ang kani-kanilang wika bilang
wikang panturo (Kastila at Ingles) dahilan upang makolonisa ang kaisipan ng Pilipino. At kahit
tinadhana na noon ang Konstitusyong 1935 ang Tagalog bilang wikang panlahat (1936), nanatili
pa rin ang wikang Ingles at Kastila bilang opisyal na wika at panturo.

Noong 1924, ang iskolar sa wikang Malayo-Polynesia na si Najib Saleeby ay nagsulat


tungkol sa wika ng edukasyon sa Pilipinas. Ikinalungkot niya ang paggigiit sa Ingles bilang wikang
panturo. Sabi ni Saleeby:

Kung ibabatay sa gamit, hindi angkop na wikang panturo sa Pilipinas ang Ingles man o
Kastila. Alinman sa mga wikang ito ay tila hindi pupuwedeng maging wika ng buong kapuluan. Sa
kabila ng tatlong daang taong paghahari at paghahasik ng edukasyong Kastila ay hindi napigil ang
paggamit ng katutubong wika. Noong 1898 ilang Pilipino lamang ang nakapagsasalita ng Kastila
at ang nakararami ay hindi maalam magsalita sa wikang ito ni naiintindihan kaya ang wikang ito.
Wala ring gaanong nagawa ang dalawampu’t limang taong pagsisikhay ng edukasyong Amerikano.
Bagaman mas marami ngayon ang nakapagsasalita ng Ingles kaysa Kastila, mas marami pa rin
ang nangungusap sa katutubong wika. Kahit paano’y masasabing gayon ang sistema ng
edukasyong Kastila tulak ng mga kolonyal at pinansyal na pangangailangan nito, ngunit hindi
madaling maikakatwiran ang mga dahilang ito sa Amerikanong sistema ng edukasyon. Dapat
kusang ipinatanggap sa masa ang edukasyong ito, o kaya naman ay dapat ipinakita ng mga tunay
na pangyayari at magagandang resulta ang kabuluhan nito. Hanggang ngayon ay hindi magkaroon
ang masa ng pagkakataong magpahayag ng kanilang pasiya, kaya dapat husgahan ang
kasalukuyang sistema ng edukasyon batay sa mga katangian nito at mga talagang nagawa
nito…Ngunit isang usapin ang pagtuturo ng wikang Ingles sa pamamagitan ng radyo at ang
pagpapatupad nito bilang opisyal na wika. Lalo nang naiibang usapin ang paggamit nito bilang
batayan ng edukasyon at bilang tanging wikang panturo. Ang usaping ito ay hindi ganap na
mauunawaan nang walang malalim na pag-unawa at karanasan sa kolonyal na edukasyon at
palakad. Masyadong matayog at ambisyoso ang patakarang ito. May isang bagay na gusto itong
patunayan na kailanman ay hindi pa nangyayari sa kasaysayan ng sangkatauhan. Gusto nitong
maisakatuparan ang mga hindi nagawa ng lumang Persia at Roma, ni Alexander the Great at ni
Napoleon. Hangad nitong pawiin ang pagkakaiba-iba ng mga tribo ng mga Pilipino, ihalili ang
Ingles sa wikang katutubo at palaganapin sa buong kapuluan bilang wikang pambansa
(Constantino, 1966).

29

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________

Ang ulat ni Saleeby ay naisulat noong puspusan ang pagpapalawig sa Ingles bilang wika
ng edukasyon sa Pilipinas at hindi pa namamayagpag sa masmidya ang Tagalog.

Sinabi naman ng mag-asawang Austin at Josephine Craig na mula pa 1922, ang polisiya
at pamamalakad sa Kawanihan ng Edukasyon na kinokontrol ng Amerikano ay ganap na—sa
primarya kung saan ang kabataang Pilipino ay marami ang bilang at higit na madaling
impluwensyahan—inantala at nakapagpababa sa pagtingin sa mga kaisipan, bayani, at
kasaysayan ng Pilipinas (Lumbera, 2007).

Noon namang 1942, nilagom ni Joseph R. Hayden sa kanyang aklat na “The Philippines:
A Study of National Development” at buong pagmamalaking sinabing “Tanging sa Ingles at sa
pagsusumikap na matamo ito ng mga Pilipino ang nagdala sa kanila patungo sa kung anong
ideya ng pagpapahalaga pa ang maaari nilang maidagdag sa kanilang kultura mula sa kanilang
ugnayan sa Estados Unidos... Ang paggamit ng Ingles ang naglapit sa mga Pilipino sa mga
Amerikano at sa kanilang kultura; ang pagpapagamit naman sa kanilang katutubong wika ay
maaaring makapagbaligtad nang husto sa prosesong ito.” (Lumbera, 2007).

Sa ulat na ito ni Hayden, mahihinuhang naging ganap ang pagpapalawig ng wikang Ingles
at pagkokolonisa sa kaisipan ng Pilipino.

Sa panahong din iyan, matapos ideklara ang Tagalog bilang wikang pambansa noong
1939, noon lamang 1940 itinuro ang wikang pambansa sa ikaapat na taon sa hayskul at sa mga
kurso sa pagtuturo sa kolehiyo. Taong 1946 naman nang ituro ito bilang asignatura sa lahat ng
paaralan (Sibayan, 1991).

Makikita natin na mula sa unang bahagi ng ika-20 siglo, at 1936 kung kelan itinadhana na
ang Tagalog ay ang pambansang wika, nanatili ang wikang Ingles bilang wikang panturo at
asignatura sa lahat ng antas at noong dekada 40 lamang tinuro bilang asignatura ang
pambansang wika na maliit lamang na bahagi sa kabuuang pag-aaral sa ilalim ng edukasyong
kontrolado ng Estados Unidos.

Matapang ang kritika ni Renato Constantino (1966) sa nakakalungkot na sitwasyon ng


wika ng edukasyon at wikang pambansa sa mga panahong iyon. Sinulat ni Constantino:

Sabihin mang ang nagtulak sa mga Amerikano na ipagamit ang Ingles bilang wikang
panturo ay ang dalisay na hangaring bigkisin ang bansa sa pamamagitan ng isang wika, ang anim
na dekada ng edukasyong Amerikano ay sapat na para mapagtanto ng mga guro ang mga
masamang epekto ng dayuhang wika na talaga namang nakasasagabal sa pagkatuto. Kahit na
noong matatag ang Surian ng Wikang Pambansa noong 1935 ay wala rin halos mga
pagtatangkang iwaksi ang Ingles bilang wikang panturo. Mandi’y iniiwasan ng mga guro ang
usapin ng wika sa kabila ng katotohanang karamihan sa produkto ng kasalukuyang sistema ng
edukasyon ay wala halos natutuhan. Ito’y nangahulugan ng pagkakait ng edukasyon sa
napakaraming bata na humihinto ng pag-aaral pagkatapos ng mababang paaralan. Sa kabila ng
katotohanang ang wikang pambansa ay nauunawaan na ngayon sa buong kapuluan walang
nagkalakas ng loob na igiit ang paggamit nito bilang wikang panturo. Palagi na lang ikinakatuwiran
na ang pagpapatupad nito ay mangangahulugan ng mga bagong gastos at ng paggawa ng mga
bagong aklat-aralin. May mga nagsasabi pang kapos at mabuway ang pambansang wika. Ngunit
mababaw ang mga argumentong ito ng ating mga pinuno sa edukasyon para mapagtakpan ang
talagang pagtutol nila sa katutubong wika. Kaya, maliban lamang sa iilan, ang mga produkto ng
sistema ng edukasyon ng Pilipinas ay mga Pilipinong bantilawan kapwa sa Ingles sapagka’t ito’y

30

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
banyagang wika at sa katutubong wika dahil sa sadyang pagsupil dito ng mga nangangasiwa ng
pag-aaral ng mga mamamayan (Constantino, 1966).

Para kaya Constantino, kahit pa natatag ang Surian sa Wikang Pambansa bilang
pangunahing ahensya ng pamahalaan na magtataguyod ng pambansang wika, hindi naman nito
nagawang tuluyang alisin ang Ingles bilang wikang panturo, na labis na nakakaantala (base sa
ulat ng mag-asawang Craig) sa pagpapalawig ng wikang pambansa at mga kaisipan, kultura, at
kasaysayan ng bansa. Matapang din ang pagsusuri si Constantino na may politikal ang motibo
sa likod nito. Kung tatanggalin nga naman bilang opisyal na wika ang Kastila at Ingles na wika ng
kapangyarihan at prestihiyo na kinagisnan ng mga namumuno mula sa mayayamang uri sa
lipunan, ano pa ang magiging kaibahan nila sa ordinaryong Pilipino?

Sa katunayan, mula dekada 50, nakasulat din sa Ingles ang mga dyornal at pananaliksik,
at noong lamang dekada 70 lamang nagsimulang manaka-nakang magsisulputan ang dyornal at
pananaliksik na nakasulat sa Pilipino (matatandaan na noong 1959, sa utos ng Kagawaran ng
Edukasyon, ay pinalitan ang Tagalog at ginawang Pilipino ang ngalan ng pambansang wika
bilang simbolo ng pambansang identidad) (Ocampo, 1991). Ito ay matapos ipatupad ng
Kagawaran ng Edukasyon, at Kultura ang Bilingual-Education program kung saan idineklara na
ang Pilipino at Ingles ay pantay na gagamitin bilang wikang panturo sa mga asignatura sa agham
at matematika sa lahat ng paaralan at pamantasan (Sibayan, 1991).

Ngunit sa kabila ng mababang pagtangkilik sa wikang pambansa bunsod ng kolonyal na


katangian ng edukasyon, noon ding dekada 70 umusbong ang pag-aaral sa iba’t ibang sangay
sa agham panlipunan at pilosopiya gamit ang Filipino.

Malaking paktor sa pag-abante ng wikang pambansa sa edukasyon at agham panlipunan


ay ang mainit na tawag ng pagkamakabayan (Pe-Pua, 1991). Sa mga panahong din ng dekada
70 ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon ang programang edukasyong-bilinggwal na
nagsasabing ang Pilipino at Ingles ay pantay na gagamitin sa bilang wikang panturo sa mga
asignatura sa agham at matematika sa lahat ng paaralan at pamantasan.

At noong itinadhana na ng batas na Filipino (mula sa Pilipino) ang bilang wikang


pambansa, umigting pa ang pag-abante ng Filipino bilang wika ng edukasyon at pananaliksik.
Nakasaad sa Arikulo XIV ng Konstitusyon ng 1987 Seksiyon 6-9:

Sek.6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang
panturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sek. 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga opisyal na wika ng Pilipinas
ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong na mga wikang panturo doon.
Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabik.
Sek. 8 Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabik, at Kastila.
Sek.9 Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili.

31

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Kaugnay nito, naglabas ang Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports ng DECS Order
No. 54, s.1987 o “Implementing Guidelines for the 1987 Policy on Bilingual Education) na may
layunin para sa modernisasyon, kultibasyon, at intelektuwalisasyon ng Filipino, at DECS Order
54, s. 1987 na nagsasabing pananatilihin ang Ingles bilang di-eksklusibong wika ng siyensiya at
teknolohiya.

Sa karanasan ng Pilipinas, matatandaang itinatag ang Linangan sa Wikang Pambansa


noong 1935 na mangunguna sa pag-aaral sa paghahanap ng katutubong wika na magiging
batayan ng wikang pambansa at noong 1936 ay itinadha ang Tagalog mula sa mga pinagpiliang
pangunahing wika at dayalekto sa Pilinas bilang batayan wikang pambansa kahit pa higit na
marami ang nagsasalita ng Bisaya, na nagdulot naman matinding pakiramdam ng pagwawalang
bahala sa mga katutubong nagsasalita nito at noong 1939 ay idineklara na bilang pambansang
wika. Noong dekada 40 ay umusbong ang mga diksyunaryo sa Tagalog at itinuro bilang
asignatura at ipinagpatuloy ang istandardisasyon sa Tagalog sa pamamagitan ng publikasyon
mga bilinggwal at multilinggwal na talasalitaan sa tulong ng pagpapalawig ng Balarila ni Lope K.
Santos. 1959 naman ay ginawang Pilipino upang matuldukan ang rehiyunal na hidwaan at bigyan
ng pambansang identidad ang wika. Ginamit lamang ito bilang wikang panturo at bilang wika sa
mangilan-ngilang sulating iskolar noong dekada 70 at naipatupad na ang Edukasyong-Bilinggwal
ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura noong 1974. Naging Filipino sa bisa ng Konstitusyon ng
1987 na pinagamit na bilang opisyal na wika sa edukasyon, komunikasyon, at burukrasya ngunit
nahaharap pa rin sa matitinding suliraning pangwika gaya ng mga naturan na sa itaas.

Gawain 8:

Sa pamamagitan ng tabyula, ilatag ang mga suliranin at pagsulong na pinagdaan ng


wikang pambansa. Sundin ang tabyula sa baba:

KASAYSAYAN, EKONOMIYA AT POLITIKA NG PAG-UNLAD WIKANG PAMBANSA


Mga Suliranin Mga Pagsulong

Pagpaplanong Wika at Intelektuwalisasyon ng Filipino

Giit ni Sibayan (1991), ang wika ay maaaring moderno o modernisado ngunit hindi
intelektwalisado. Ang Filipino na ginagamit pang-aliw gaya sa mga programa sa telebisyon ay
modernisado ngunit hindi intelektwalisado. Ang ekolek na Filipino na ginagamit sa mga tahanan
ay modernisado ngunit hindi naman akmang gamitin sa edukasyon, lalo na sa mas mataas na
edukasyon. Ang Filipino na ginagamit sa tabloid at iba pang publikasyon na kinukunsumo ng
karamihan ay modernisado ngunit hindi intelektwalisado gaya ng mga nasa dyornal o
akademikong pananaliksik. Para kay Sibayan, ang modernisadong Filipino na ito na ginagamit
sa mga nabanggit ay tinatawag niyang “popularly modernized” (PM) na wika. Matatawag namang
“intelectually modernized” (IM) na wika na ang Filipino kung ito ay nagagamit na sa mga
mahahalagang larangan na maaari lamang matutuhan sa mga paaaralan at pamantasan
(Sibayan, 1991).

32

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________

Ang IM na wika ay wikang may kakayahang maisalin sa iba pang IM sa iba’t ibang paksa
at anyo ng diskurso. Halimbawa, hindi malinaw na maipapaliwanag gamit ng wikang ginagamit
ng mga host sa isang pantahaling palabas ang ilang paksa Sikolohiyang Pilipino o mismong
Intelektwalisasyon na pinag-uusapan sa papel na ito.

Dagdag pa ni Sibayan, nanggagaling sa popular na modernisasyon ang intelektwal na


modernisasyon. Kaipala, ang IM ay nakadepende sa isang basehang masa para lumaki ito. Ang
basehang ito ay ang PM. Mas marami ang gumagamit ng PM dahil nga masa ito. Mas malaking
komunidad ng mga gumagamit ng PM, mas malaking hanguan para sa IM dahil magkakaroon ng
mas maraming tao ang maaaring magnais na gumamit ng IM.

Ngunit kung ang isang wika na IM ay hawak lamang ng iilang elitista mula sa taas na
walang basehang masa na gumagamit ng PM na bersyon nito kung saan hahango ang mga
gagamit ng IM sa hinaharap, maaari itong mamatay. Gaya ng nangyari sa wikang Latin. Ito rin
ang nangyari sa wikang Kastila sa Pilipinas. Matatandaan na ang wikang Kastila ay ipinagkait
gamitin sa mga Indio nang sa gayon ay manatiling nasa 3 porsyento lamang may hawak ng
wikang Kastila hanggang sa pagbagsak ng Kolonyalismong Kastila noong 1898. Maliit na pangkat
ng elitista lamang ang may hawak ng IM na wikang Kastila at ginagamit sa limang dominyo sa
wika, ang pamahalaan, batas, hukuman, mas mataas na edukasyon, at mga propesyon. Walang
basehang PM ang Kastila. Sa kabaligtaran, isang PM na wikang Ingles naman ang mabilis na
lumaganap sa karaniwang tao. At sa patuloy na pagdami ng mga gumagamit ng IM na wikang
Ingles, unti-unti naman namatay ang intelektwalisadong Kastila. Pakaisiping inabot ng 90 taon
ang Ingles at Filipino (1898-1988) na mapalitan ang Kastila sa dominyo ng mas mataas na
edukasyon. May mahalagang implikasyon ang pangyayaring ito sa pagpalit ng Filipino sa Ingles
(1991).

Ayon kay Fortunato (1991), may dalawang bagay ang binibigyang diin ng
intelektwalisasyon: (1) ang pagpapayaman ng katangiang panglinggwistika ng wika na
magagamit sa mga usaping intelektwal, at (2) ang sikolohikal na apekto ng lipunan. Ang tinutukoy
ng ikalawa ay ang saloobin ng tao kaugnay ng paggamit ng wika sa mahahalagang larangan
(controlling domains).

Ibig sabihin, maaaring totoo ang tinuran ni Sibayan hinggil sa relasyon ng PM at IM na


wika; nakasalalay sa PM baseng masa ang katanggapan at kinabukasan ng IM na hango rin sa
PM na wika.

Halimbawa na lamang ang Ortograpiyang Filipino. Dumaan sa maraming rebisyon ang


Ortograpiyang Filipino gawa ng nagbabagong panahon at lipunan at katanggapan ng mga
publiko. Bawat edisyon ng Ortograpiya (1987, 2001, 2009, at 2013) ay may kani-kaniyang
panuntunan pagdating sa pagbaybay at nakatanggap ng iba’t ibang tugon mula sa mga
pamantasan, propesor at mag-aaral sa Filipino, at sa publiko.

Mahalaga ang punto ni Sibayan hinggil sa PM at IM, na tanging IM lamang ang may
kakayahang makapag-diskurso sa mga paksang dinidiskurso din ng iba pang IM na wika kaya
hindi dapat kara-karakang naipasok agad ang Filipino sa mga “problematikong” larangan tulad
ng agham at teknolohiya, batas, hukuman, komersyo at industriya, edukasyong tersyarya at ilang
propesyon.

At kailan masasabing ganap nang intelektwalisado ang wikang Filipino? May gabay
tanong si Sibayan na kailangang patotohanan: 1. Maaari bang makapagtamo ng lahat o ng

33

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
kumpletong edukasyon mula elementarya hanggang uniberdad (pati ang mga paaralang
gradwado) ang isang indibidwal sa pamamagitan ng wikang ito? 2. Ang wikang Filipino na ba ang
pangunahing wika na ginagamit sa mga mahahalagang larangan (controlling domains)? 3. Lahat
na ba ng mga Pilipino ay nais na matuto ang kanilang mga anak sa pamamagitan higit ng wikang
Filipino? Ang tatlong katanungang ito ay napatotohanan sa IM na wika gaya ng Ingles, Pranses,
Aleman, Kastila, Hapon, at iba pa. Ang wikang Filipino kaya?
Kung sisipatin maigi ang mga katanungang ito ni Sibayan, masasabing may
napakahalagang gampanin ang edukasyon (lalo na ang mas mataas na edukasyon) sa
pagsusulong ng intelektwalisasyon ng Filipino. May mahalagang gampanin naman ang estado
sa pagpapatupad ng isang uri ng edukasyon upang makaagapay sa pag-unlad ng wika. Para pa
kay Sibayan, sa intelektwalisasyon ng wika, nagiging intelektwalisado ang sambayan at sa
intelektwalisasyon ng sambayan, nagiging intelektwalisado ang wika. Ganito ang relasyon ng
wika at sambayan sa isa’t isa (Sibayan, 1991). Dahil ang wikang Filipino na bigkis ng iba-ibang
wikang lalawiganin o bernakular, ang tanging makalilinang sa talino ng sambayanan na makatao,
makalipunan, makabayan at may pandaigdigang pananaw (Abadilla, 2002). Sa katunayan, ang
Edukasyong-Bilinggwal na ipinatupad noon ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, at Isport ay
tinuturing ang intelektwalisasyon ng Filipino bilang isa sa mga layunin nito (Gonzalez, 1992).

Gawain 9:

1. Tukuyin ang pinagkaiba ng “popularly modernized” at “intellectually modernized” na


wika.
2. Bakit mahalaga ang papel ng “popularly modernized” na wika sa intelektuwalisasyon ng
wika?
3. Sa iyong palagay:
a. Maaari bang makapagtamo ng lahat o ng kumpletong edukasyon mula elementarya
hanggang uniberdad (pati ang mga paaralang gradwado) ang isang indibidwal sa
pamamagitan ng wikang ito?
b. 2. Ang wikang Filipino na ba ang pangunahing wika na ginagamit sa mga
mahahalagang larangan (controlling domains)?
c. Lahat na ba ng mga Pilipino ay nais na matuto ang kanilang mga anak sa
pamamagitan higit ng wikang Filipino?
4. Sa iyong palagay, bakit nasabi ni Sibayan na “sa intelektwalisasyon ng wika, nagiging
intelektwalisado ang sambayan at sa intelektwalisasyon ng sambayan, nagiging
intelektwalisado ang wika.”

Pagpapalalim ng Pagtalakay

Mga piling sipi sa Neoliberalistang Pagpapaplanong Pangwika: Tungo sa Komodipikado at


Episyenteng Pagpapahayag (2007) ni Melania L. Abad.
(Lumbera, Bienvinido et. al. Mula Tore patungong Palengke: Neoliberal Education in the
Philippines, IBON Foundation Inc. 2007)

Ang Marketisasyon ng Edukasyon

Ang marketisasyon ng edukasyon ay bahagi ng pagsasalansan ng mga sistema o


istrukturang kultural tungo sa paglikha ng kulturang negosyo at / o enterprise. Dalawang
mahalagang tampok na gawain ang isinasagawa sa pagbubuo ng kulturang negosyo / enterprise:

34

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
pagsasapamilihan o pagtatransporma tungo sa isang institusyon o istrukturang pangnegosyo ng
mga aparatong kultural gaya ng paaralan at masmidya. Ikalawang tampok sa paghahanda sa
pagbubuo ng kulturang negosyo ay ang pagnuniyutralisa at pagpapatahimik o pagsasademonyo
sa lahat ng grupo, entidad, proyekto at kilusan na tutol sa ganap na komodipikasyon ng produkto,
serbisyo, at kaalaman at kasanayan.

Ang edukasyon bilang sistema ay lantarang nag-aangkin (at di lamang nagpupustura) ng


mga katangiang negosyo at ang mga gawain nito mula sa pananaliksik at pagtuturo ay
nagsisilbing mga kursong nakapakete at/o mga produktong inilalako.

Bahagi ng tinatawag ding akademikong kapitalismo, ang mga usaping-akademiko tulad


ng efficiency, accountability at quality ay nasa pamantayang pangmerkado. Sa layuning cost-
efficiency ay dahan-dahang hinihigop ang pambansang alokasyon sa may subsidyong
edukasyon, inaalis ang papel ng fakulti sa pamamagitan ng mga paketeng modyul sa ICT at
patuloy na istandardisasyon ng mga eksaminasyon. Ang ugnayang guro at mag-aaral ay
pinamamagitanan ng pagkonsumo at paglikha ng tiyak na programa o istandard na
programa/kurikulum. Ang kaalaman ay nagsisilbing produktong dapat ikonsumo ng mag-aaral.

Sa huli, ang mga paaralan at unibersidad ay nagsisilbing gatekeeper ng lakas-paggawa,


merkado o palengke ng mga nakapaketeng kaalaman at kurikulum at nagrereprodyus ng mga
mamamayang hypnotized/mulat na tagapamandila ng kapitalismo at intelektwalisadong
konsyumerista.

Sa pandaigdigang karanasan, ang mga sumusunod ay mga naidokumentong istratehiya


sa marketisasyon ng edukasyon sa tersaryong antas: mga repormang programa ng World Bank
tungo sa self-financing ng mga kolehiyo/unibersidad, mga unibersidad bilang global vendors ng
mga instruksyunal na komoditi, pakikipag-tie-up o pag-aampon ng mga pangkorporasyong
entidad/agenda sa prenteng progresong teknolohikal at hindi bahagi ng pakanang
pleksibilisasyon ng paggawa, pagiging palaasa sa ayudang pinansyal tungo sa akademikong
pangongontrol, pangangalandakan ng Information and Communication Technology.

Masikhay na ipinopopropaganda ng kilusang kabataan ang katangiang kolonyal,


komersyalisado at represibo ng sistema ng edukasyon. Ang ganitong uri ng edukasyon ay kakabit
ang kulturang kolonyal, pyudal, burgis at konsumerista. Sa pagitan ng mga katangiang ito ay
maihahanay ang mga istratehiyang marketisasyon ng edukasyon sa Pilipinas:

• ang mga proyekto ng World Bank sa sistema ng edukasyon;


• patuloy na pagbagsak ng subsidyo ng pambansang pamahalaan sa tersaryong edukasyon at
pag-alis ng ceiling sa tuition increase;
• pagpapatatag at pagsusulputan ng mga kursong pang-Information, Communication Technology;
• pag-aangkat ng kurikulum at oryentasyong panluwas ng mga kursong nursing at caregiving;
• kolaboratibong proyekto at/o negosyo/training centers sa mga/ loob ng mga SUCs gaya ng call
centers, training laboratory/ apprenticeship, at science and technology parks;
• wikang Ingles bilang means at end; • pagmamaliit sa mga kaalaman at intelektwalisasyong
Pilipino;
• pagpapalaganap ng mga pilosopiya, lapit at teorya ng postmodernismo;
• pagpapababa ng badyet sa serbisyong panlipunan kasama ang edukasyon sa balangkas ng
Structural Adjustment Programs ng IMF-WB; • pagbabago ng mga kurikulum at General
Education Program (GEP) ng mga State Colleges and Universities (SUCs);

35

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
• pagtataguyod ng Higher Education Modernization Act (HEMA). • reorganisasyon at
konsolidasyon ng SCUs at paglikha ng Centers of Excellence; • pagsasantabi ng liberal arts,
social science at kasaysayan bilang mga akademikong larangan;
• pagpapatingkad ng limitado o makitid na nasyunalismo sa mga diskurso;
• istandardisasyon ng mga libro at materyales na pang-edukasyon;
• pagbabago ng mga charter ng mga SUCs at pagpapanatili ng pamamahalang elitista na
nakasentro lamang sa iilang tao;
• pagkakaroon ng mga bagong anyo ng miscellaneous fees at patuloy na pagtaas ng tuition;
• kumbersyon ng mga serbisyong pan mag-aaral tungo sa negosyong gawain/aktibidad
• paghahabol ng antas ng tuition sa pagitan ng pribado at pampublikong paaralan;
• pilosopiyang pang-edukasyon: perenyalismo, aksyolohiya, at ideyalismo;
• programang pangsuporta sa pribadong mga paaralan; at • panggigipit at paninira sa mga
gawaing panggrupo/pangkolektibo/ pang-oganisasyon/pangkilusang kritikal sa mga patakaran at
naninindigan sa edukasyon bilang karapatan.

Mga Istratehiyang Pangwika

Ang malawak na pagtanaw sa pagsusuri at pag-aaral sa wika ay binibigyangpansin sa


balangkas ng pagpaplanong pangwika. Sa aspektong ito ay sinusuri ang gamit at/o
pagpapalawak ng gamit o function ng wika (istatus), ang mga pagbabago sa wika (korpus) at
pagtuturo at pagpapalakas sa pamamagitan ng pagtuturo at pagpaparami ng gumagamit
(akwisisyon) ng partikular na wika (Cooper 1989). Sa napakaraming pagpapakahulugan sa
pagpaplanong pangwika ay madalas na ito’y ikinakabit sa patakarang pangwika at tungo sa
pagkakamit ng mga layuning labas sa usaping pangwika at mahigpit na kakabit ng mga
konseptong kapangyarihan at dominasyon.

Malinaw sa balangkas ng globalisasyon at marketisasyon ng edukasyon ay hindi


maaaaring itanggi na hindi lamang simpleng benepisyaryo ang wikang Ingles. Ang Ingles ay
nagsisilbing means at isa na ring end o produkto/komoditing ipinangangalandakan. Sa
kontemporaryong panahon, masasalamin ang marketisasyon sa wika at pagsisilbi sa
gatekeeping ng kultura at lakas-paggawang gawain ng unibersidad/at o paaralan sa
pamamagitan ng 2001 Revised Basic Education Curriculum (RBEC) na nagbabawas ng time on
task sa asignaturang Filipino. Kakabit ang pagpapatuloy ng baylinggwal na palisi sa wika at
paggamit sa Ingles sa agham at matematika, wika at paketeng electronic information ng mga
kursong ICT at distance education, pakikipag-tie-up ng mga unibersidad sa call centers. Masusuri
rin ang pagpapalawig ng mga kursong Ingles kumpara sa Filipino para sa General Education
Program sa antas-kolehiyo, pagtataguyod ng Executive Order 210 at serye ng bulabog ng Gullas
Bills. Nariyan din ang pagpapahina sa mga kursong pangkasaysayan tungo sa kritikal na
pagsusuri at paglinang ng lokal na yaman at lakas na kadalasang gumagamit ng pambansang
wika.

Paglabag sa Konstitusyong 1987 at Di Patas na Batas/Patakaran

Bunga ng hipnotismo ng EDSA 1 ay isinilang ang Konstitusyong 1987, makalipas ang


madugong balitaktakan sa Kumbensyong Konstitusyonal mula 1986 hanggang 1987, ay naitulak
ang ilang probisyong kumikiling sa wikang Filipino at malinaw na naitakda bilang wikang
pambansa:

Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Habang ito’y nabubuo, patuloy itong
pauunlarin at payayamanin batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika…
Alinsunod sa mga probisyon ng batas at kung mamarapatin ng Kongreso, gagawa ng hakbang

36

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
ang Gobyerno upang simulan at itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang wika ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon… Para sa komunikasyon at
pagtuturo, ang mga opisyal na wika ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatakda
ang batas, Ingles. (Artikulo XIV, Seksyon 6-7).

Dalawang dekada na ang nakakaraan, batay sa probisyon sa itaas, mula nang bigyan ng
tungkulin ang Kongreso na magbuo ng batas na siyang magbibigay ng ganap na pangil sa wikang
Filipino bilang wika ng opisyal na transaksyon at wika ng pagkatuto. Subalit sa mga karanasan,
lalo na sa panahon ni Gng. Macapagal-Arroyo, ay kitang-kita ang garapalang pagtatangka na
lusawin ang isinasaad ng nasabing probisyon sa pamamagitan ng Executive Order 210 at
pagpapatuloy ng serye ng Gullas Bills mula pa sa panahon ng napatalsik na Pangulong Estrada.

Ang Executive Order Bilang 210

Sa unang masid ay waring walang dapat ipangamba sa Executive Order No. 210 na
nilagdaan ni Gng. Arroyo noong Mayo 17, 2003 na may titulong “Establishing the Policy to
Strengthen the Use of English in the Educational System.” Pansinin ang mga sumusunod na
probisyon:

Section 1. Declaration of Policy. The policy is hereby established that English shall be taught as a
second language at all levels of the educational system, starting with the First Grade. As provided
for in the Revised Basic Education Curriculum, English should be used as the medium of instruction
for English, Math and Science from at least the Third Grade. The English language shall be used
as a primary medium of instruction in all public institutions of learning at the secondary level. As a
primary medium of instruction, the percentrage of time allotment for learning areas conducted in
the language in high school is expected to be not less than seventy percent (70%) of the total
allotment for all learning areas. This policy has the objective of developing the aptitude,
competence and proficiency of all students in the use of English to make them better prepared for
the job opportunities emerging in the new, technology-driven sectors of the economy...

Section 6. Use of the Filipino Language. Pursuant to the Constitutionally-mandated policy of the
Government to ensure and promote the evolution, development and further enrichment of Filipino…
the Filipino language shall continue to be the medium of instruction in the learning areas of Filipino
and Araling Panlipunan…

Section 8. Repealing Clause. All executive issuances, rules and regulations or part thereof, which
are inconsistent with this Executive Order, are hereby repealed, amended or modified
accordingly…

Sa pamamagitan ng patakarang ito ay higit na sinusuhayan ang wikang Ingles lalo na sa


antas ng sekundaryong edukasyon. Ginawang 70% ang kabuuang bahagi ng Ingles sa pag-aaral
mula sa dating 45% lamang. Maisasagawa ito sa pagbabawas ng oras sa paggamit sa Filipino o
pagtuturo ng Ingles sa ilang komponent ng araling Makabayan (na binubuo ng araling panlipunan,
teknolohiya, musika, sining, edukasyong pangkalusugan, edukasyon sa pagpapahalaga).

Lalong mapagtitibay ng order na ito na ang Ingles ang daluyan ng purong kaalaman mula
sa matematika at agham habang isinasakripisyo nito ang epektibidad ng paglilinang ng
kasanayan at pagkatuto ng mag-aaral dahil sa paglayo sa araw-araw na kinamulatang wika.
Titingkad din ang dayong kultura na bitbit ng dayong wika at lulusaw sa ilang aspekto ng
pagkakakilanlan ng mga mag-aaral sa kanilang komunidad at bansa.

37

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Ang CHED Memo Bilang 59 (Serye ng 1996) at Memo Bilang 4 (Serye ng 1997)

Halos isang dekada na mula nang ilabas ang CHED Memo Bilang 59 o CHED GEP
Curriculum A na sa unang sipat ay makikita ang patas na bilang ng tig-siyam na yunit bilang
rekisito sa mga asignaturang Filipino at Ingles para sa tersaryong edukasyon. Subalit kung muling
sisipating mabuti ang mga Alternatibo at batay sa mayamang karanasan, ay aabot sa 18 yunit
ang mga asignaturang Ingles habang siyam na yunit lamang para sa asignaturang Filipino. May
karagdagang English Plus ang mga hindi papasa sa eksameng ibibigay para sa asignaturang
Ingles at karagdagang dalawang asignatura o anim na yunit rin ang pagtuturo ng Panitikan sa
Pilipinas at Panitikang Pandaigdig.

Para sa CHED Memo Bilang 4 (Serye ng 1997) o GEP Curriculum B naman, ay ibinaba
mula sa siyam na yunit tungo sa anim na yunit ang minimum na itinakda para kapwa sa mga
asignaturang Filipino at Ingles. Muli, bukod sa posibleng English Plus at anim na yunit para sa
mga asignatura sa panitikan ay patuloy na mangingibabaw ang wikang Ingles. Kaya itinatakda
ang anim na yunit sa Filipino at anim hanggang 15 yunit naman para sa wikang Ingles. Hindi pa
pinag-uusapan kung anong klase ng panitikan o akda ang maaaring matututuhan ng mga mag-
aaral bilang mga seleksyon sa kanilang teksbuk. Ipinapakita rin sa pagkiling sa paggamit ng
wikang Ingles sa panitikan ng Pilipinas at sa pandaigdigang larangan na hindi pa naiaangat ang
pagkilala sa mga lokal na manunulat at mga iskolar.

Ang Gullas Bills

Noong 2000 ay mayroong Gullas Bill o House Bill 8460 na nagtatakda na ang Ingles ang
tanging wikang gagamitin sa mga eksaminasyon ng pamahalaan. Samantala, ang House Bill
5814 naman na may titulong “An Act Providing for the Use of English as a Medium of Instruction
in Philippine Schools” ay nagbigay ng legal na batayan para sa Executive Order 210. Mapapansin
din sa ibaba na wari’y isang bagahe na gamitin ang wikang pambansa dahil sabay itong pinag-
aaralan ng wikang Ingles. Sinisisi ang paggamit ng Filipino sa kahinaan sa wikang Ingles tungo
sa kawalan ng kakayanan sa larangan ng matematika at agham:

Explanatory Note… As a result of this policy (The Bilingual Policy), learning of the English language
suffered a setback. One of the reasons for this setback according to linguists is language
interference. Targeting the learning of two languages (English and Filipino) is too much for Filipino
learners, especially those in the lower grades. If a child happens to be a non-Tagalog speaker, he/
she must learn two “foreign” languages at the same time--truly a difficult, even impossible task…
Another reason is that the use of Filipino… as a medium of instruction… limits the exposure of the
learner to English… Books in almost all disciplines especially in mathematics and science are in
English. Without adequate mastery of the English language, our young people will lag behind in
mathematics and science which are fundamental disciplines to develop our global
competitiveness…

Dagdag pa ng panukalang batas, ang pakunsuwelong paglalagay ng 10% sa Filipino ng


mga tanong para sa mga eksaminasyon:

Section 4: Examinations for purposes of admission to, accreditation and promotion in Philippine
schools shall use English as the language of assessment, provided that questions in Filipino may
be included but the credit given such questions shall not exceed ten percent (10%) of the total
points in the examination…

Sa dalawang nakaraang Kongreso ay makailang-ulit ang pagtatangkang ipasa ang mga


nasabing panukala. Patuloy ang pagtatangkang labagin ang isinasaad ng Konstitusyon sa mga

38

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
nasabing panukalang batas. Ang lubha pang nakaririmarim ay ang naunang ipinatupad na
Executive Order 210 na walang legal na batayan at lantarang nagpapakita ng isang impeachable
case laban kay Gng. Macapagal-Arroyo.

Intelektwalisadong Wika at ang Baylinggwal Edukasyon

Ayon na rin sa aking naipahayag:

Kung babalikan ang kasaysayan ng patakarang bilinggwal sa sistema ng edukasyon, mapapansing


nahahati ito sa dalawang yugto: ang pagtuturo ng magkahiwalay na wika sa bawat asignatura at
ang paggamit ng wikang Ingles at Filipino bilang kabuuang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas.
Nagsimula ang hiwalay na pagtuturo ng mga tiyak na asignatura sa pamamagitan ng patakarang
bilinggwal noong 1974. Hinati ang patakaran sa apat na yugto mula 1974 hanggang 1982.
Napagtibay ang paggamit ng Filipino at Ingles sa larangan ng edukasyon sa pamamagitan ng
Artikulo 14 at Seksyon 7 ng Saligang Batas noong 1987 (Abad 2001: 26-27)

Dagdag ni Galileo S. Zafra, kasalukuyang direktor ng Sentro ng Wikang Filipino ng


Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, sa kanyang artikulo sa Philippine Journal for Language
Teaching:

Simula 1974, sa pamamagitan ng ipinalabas na Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, 1974 na may
pamagat na “Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education,” ipinatupad ang
patakarang bilingguwal sa mga paaralan… Filipino ang wikang panturo sa araling panlipunan,
character education, at work education, mga araling kaugnay ng kulturang Filipino. Ingles naman
ang ginamit sa pagtuturo ng matematika, agham at teknolohiya. Layunin ng patakarang bilingguwal
na hubugin ang mga mag-aaral na maging competent kapwa sa Ingles at Filipino (Pilipino noon).
Ngunit dahil sa Ingles itinuro ang mahahalagang aralin gaya ng agham at matematika, natanim sa
isip ng marami na Ingles ang pangunahing midyum ng pagtuturo... sa maraming taon ng
implementasyon ng patakarang bilingguwal, pinatutunayan ng mga pag-aaral na sa halip na
humusay, ay humina ang mga estudyante sa parehong Ingles at Filipino. Ayon sa mga dalubhasa
sa pagtuturo ng wika, nagkaroon ng subtractive bilingualism sa halip na additive bilingualism. Sa
halip na matamo ang kahusayan sa dalawang wika, naging malasado ang pagkatuto ng mga mag-
aaral sa alinmang wika. (2001: 25)

Ang mga nasabing pahayag ay di rin miminsang nabanggit sa mga pag-aaral sa loob at
labas ng bansa. Ang pagkatuto ay mabilis at epektibo kung direktang gumigising ito sa maraming
pandama at sensibilidad ng mag-aaral at wala nang iba pang wikang kakatawan dito kung hindi
ang wika niya sa araw-araw at wikang magbibigay sa kanya ng higit na tiwala at pagkakakilanlan
bilang kolektibong mamamayan sa pamamagitan ng wikang pambansa.
Ang Paglikha ng mga Pananaliksik at Tesis

Nanatiling dominado ng mga dayuhang iskolar at / o foreign serials ang mga koleksyong
pang-aklatan sa mga paaralan at unibersidad. Sa katunayan, may pagmamalaking binanggit pa
ito sa Explanatory Note ng House Bill 5814 ni Kongresman Jose R. Gullas.

Nito lamang dekada 1980, higit naging mabunga ang pagpupursiging lumikha ng
kaalaman ng mga iskolar na Pilipino lalo na sa balangkas ng Pilipinolohiya. Bagamat kinikilala
ang pag-usbong ng ganitong hanay ng mga iskolar mula sa pagdiskubre ng Pagkataong Pilipino
hanggang Perspektibang Pangkasaysayan na pangkatutubo, dapat na mailinaw ang
patutunguhan ng mga sariwang perspektiba. Imbes na pagmulan ng lakas ang pagkakakilanlan
ay nagiging balakid pa sa progresibong kamalayan dahil na rin sa pagkiling sa mga metapisikal
na interpretasyon sa mga kontemporaryong kaganapan at / o higit na pagkagapos sa romansa

39

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
ng kahirapan at pagkaapi. Pinalalakas ang pagkilala sa mga indibidwalistang pagpapahalaga
kaysa sa sama-samang pagkilos at paggigiit.

Ang mga larangang Filipino, Araling Pilipino at Kasaysayan ang mga maaasahang
daluyan ng wikang pambansa sa mga usapin ng pananaliksik at mga tesis/disertasyon. Sa
kabilang banda, sa balangkas ng Long-Term Higher Education Plan at sa karanasan ng State
Universities and Colleges ay lantarang ipinapahayag ang pakikipag-tie-up sa mga pribadong
pangkorporasyong interes, pagpapakete ng kunwa’y Science and Technology Parks bilang
pinabangong komersyalisasyon ng mga ari-ariang nararapat lamang sa pang-akademikong
gawain at serbisyo. Isinasaad din ang pagbubukas ng ugnayan sa balangkas ng Intellectual
Property Rights sa pagitan ng mga unibersidad at kakontratang mga negosyo sa mga
popondohang pananaliksik.

Ang ICT at Distance Education: Tungo sa Indibidwalismo at Kontraktwalisasyon ng Eksperto

Binabanggit na higit na pinalalakas ng mga kurso at programang Information,


Communication and Technology o ICT ang indibidwalista at pleksibleng pagkakatuto. Nakatuon
ang pagkatuto sa mga nabuong modyul at ito na lamang sa proseso ang mag-uugnay sa guro at
mag-aaral. Kapag ganap na istandardisado na at napiga na ang kaalaman ng mga eksperto sa
mga nakapaketeng modyul ay maaari na itong maging part-time, checker, kontraktwal, maging
tutor o tuluyan nang paalisin at ang iilang administratibong personel na lamang ang mag-
aadminister ng mga nasabing pakete ng programa. Sa pagpapatingkad din ng mga nakapaketeng
kurso ay pinapatingkad din ang istandardisasyon. Ang kaganapan ng pagkatuto at kahusayan ay
batay sa pagmememorya ng ihinandang modyul. Magiging higit na mahusay ang mga mag-aaral
sa pag-unawa ng mga elektronikong impormasyon kaysa lumikha ng mga simpleng pahayag o
maiikling diskurso. Sa pagpapalakas ng mga ICT courses ay naisasantabi ang mga kursong na
magtuturo ng kritikal na pag-iisip na itinataguyod ng sosyal sayans at epektibo at siyentipikong
pagpapahayag at pagsusuri ng humanidades.

Sa pamamagitan ng Distance Education, higit ang ganansya ng mga pang-akademikong


institusyon, bukod sa tunguhin ng kontraktwalisasyon ng fakulti, higit na malaki ang ratio ng mga
mag-aaral sa mga fakulti. Kumpara sa residensyal na pagkatuto, di hamak na mas malalaki at
patuloy sa paglaki ang bilang ng mga mag-aaral tungo sa papataas na tantos ng paglaki ng kita.

Bahagi rin ang pag-import ng mga nakapaketeng kurso sa larangan ng ICT.


Nangangahulugan ito ng paglalapat ng ibang sikolohiya, antas ng teknolohiya at kabawasan ng
dolyar sa pagbabayad ng patents o karapatang itinatakda ng intellectual property rights law.
Mga Kagyat na Konsern sa Adbokasing Pangwika

Sa gitna ng mga pagpupunyagi ng mga pang-akademikong institusyon ay lubhang


nakapanggigising ng dugo ang mga pahayag at mga legal na hakbang ng kasalukuyang
Administrasyong Macapagal-Arroyo kaugnay ng wikang Filipino. Nariyan ang serye ng Gullas Bill
at Executive Order 210.

Binabawi ang tagumpay ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo, bilang


mahalagang wika sa pagbibigay gabay sa mga eksamen at pagbaba sa porsyento ng nilalaman
ng mga eksamen sa pamahalaan, at pagpapahina sa wikang Filipino sa pamamagitan ng
pagbabawas ng mga oportunidad sa trabaho.

Ang mga nasabing hakbangin ay pangunahing taliwas sa itinatakda ng Konstitusyon,


Artikulo IV Seksiyon 6 kung saan: (1) Itinatakdang malinaw ang papel na gagampanan ng

40

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Kongreso hinggil sa pagpapalakas ng paggamit ng wikang pambansa sa mga pang-akademikong
institusyon na kabaligtaran sa aksyon ni Gng. Arroyo; (2) Batay sa interpretasyong pinalalakas
ng Konstitusyon ang wikang pambansa, ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng higit na
demokrasya sa loob ng mga paaralan. Ang CHED Memo 59 at bilinggwal na patakaran ay dapat
maglalayong palakasin ang demokrasya sa loob ng mga paaralan.

Ang Filipino bilang midyum ng pagtuturo ay dapat na sumasalamin sa pagkatao at


pagpapalakas ng pagkakakilanlan ng mga mag-aaral sa kanilang mga sarili bilang mga
responsable, matalino at makabayang mamamayan at maaari ring sukatan sa balangkas ng
siyentipikong edukasyon.

Ayon sa prinsipyong ito, ang pagkatuto at pagpapatingkad ng respeto sa sarili ay mas


mabilis at matingkad dahil nagiging tunay na lunan ng pagpapahayag at pag-aaral ng lipunan ang
mga klasrum. Ito ay napatunayan sa eksperimento sa Iloilo noong dekada 1960 at ipinahayag din
ng EDCOM Report (1988). Ang dalawang unang paninindigang nabanggit ay magsisilang ng
pagbabago ng direksyon ng intelektwalisasyon tungo sa maka-mamamayang balangkas ng
kaalaman at teknolohiya na angkop sa kakayanang pangkapaligiran sa bansa na hindi na
nakasandig sa dayuhang pakete at mapagsamantalang development paradigms.

Mga Piling Sipi sa KWF Statement on HB 5091: Unconstitutional, Misinformed, Unnecessary


ni Purificacion Delima
(Filipino: The National Language of Education (2017). Komisyon sa Wikang Filipino. Maynila)

The Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), the sole government agency tasked with the
propagagtion and development of Filipino, the national and official language, and the other vative
languages of the Philippines, takes a firm exception to the proposed legislation, House Bill (HB)
5091 “An Act to Enhance the Use of English as the Medium of Instruction in the Educational
System” introduced by Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Uncostitutional

Based on the language provisions of the Constitution (Article XIV Section 6), HB 5091 is
patently unconstitutional, anti-Filipino, and against pedagogical principles established by
UNESCO (the importance and indispensability of the Mother Tongue in cognitive formation0,
proposing among other thing that:

 English shall be used as medium of instruction in 70% of scholl subjects and institutions,
including experimental/laboratory schools and non-formal and vocational or technical
education institution;
 The use of Filipino is limited to 10% of standardized test;
 Focus will be on the evaluation of proficiency in the English language

By nature and purpose, the HB 5091 is a direct assault on the indigenous Philippine languages
as well as Filipino, operational national and official language and lingua franca whichm precisely
because of the country’s multilingual culture is recognized as a unifying agent for the diverse
regional cultures and languages. The existing National Language is also for various reasons an
empowering element for the overwhelming number of Filipino people, especially the
underpriviledged, who are in many ways excluded from both education and development because
English has proven to be an obstacle to learning and thinking.

41

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Erroneous, Misinformed Assumptions

HB 5091 also states, as one of its guiding pronciples in the Explanatory Note, that the
bilingual policy introduced by the former DECS in 1974 resulted in “the learning of the English
language suffer(ing) a setback. One reason is what linguist call language interference. Targeting
the learning of two languages (English and Pilipino sic) is too much for the Filipino learners,
especially in the lower grades. And if the child happens to be a non-Tagalog speaker, this task
actually means learning two foreign languages at the same, an almost impossible task.”

Firstly, the bilingual policy has been supplanted by MTB-MLE (Mother Tongue Based-
Multilinggual Education), by virtue of Deparment of Education Order #74, Series of 2009, and
within the new K-12 Curriculum Programme, by the virtue of RA 10533, and Enhanced Basic
Education Act of 2013. This the proponents of HB 5091 shoud know thoroughly. Among the
principles of this UNESCO researched and recommended educational policy is that children,
especially those in the lower grades, learn the most basic language skills better, among which
are cognitive skills and idea-formation, in their mother-tongue, and not in a foreign language.

Secondly, Tagalog (the basis for the National Language) is not a foreign language, as the
proponents confusedly state. English is the foreign language. By the basic linguistic principle of
language families, Tagalog, Bisaya, Bicol, Ilocano, Kapangoangan and other Philippine
languages, belong to the huge Austronesian language family that is spoken in the Pacific region
from Madagascar to New Zealand. This is our language family, not English, which belongs to the
West Germanic and Anglo-Frisian families from halfway around the world. In terms of grammar,
usage, and language similarities, it is more natural for a child to learn a second native language
that a foreign language.

Contrariwise, if the learning of English indeed suffered a setback, it is still, as everyone


knows, the language preferred in business and government and by our college-educated middle
class, and is very much dominant language and the language of power in our society, as a result
of which it has certainly spawned profotable business-processing and IT industry. That cannot
result from a “setback,” but has, in fact, excluded the masses who have difficulty learning English
and through English. We have witnessed and continue to witness disenfranchisement of the
Filipino masses in the national development mainly because the country’s power domains are
indifferently to the fundamental linguistic right of the people.

On the other hand, staring us from the other side of the issue ia another fallacy that must
be closely considered: HB 5091 states that English proficiency is closely linked to the quality
education and global competitiveness. If that is so, then why our Asian neighbors, such as China,
South Korea, Malaysia, and Japan, of course, economically and otherwise grow by leads nad
bounds, while using their own native tongue?

The Puzzle of legislating for English

With these developments hand-in-hand with a burgeoning call center, business


processing, and back-office servise industries, it is certainly a puzzle why our legistators are so
scared of “losing English.” Our American colonizers and our present power structure make sure
that we cannot give up English that easy. What we should be afraid of, on the other hand, is losing
our own native and regional languages, and our national language. As the American expert on
socio-linguistics, language planning and bilingual education, Joshua Fishman, said:

42

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
The most important relationship between language and culturethat gets to the heart of whar is lost
is when you lose a language is that most of the culture is in the language and is expressed in the
language. Take it away from the culture, and you take away its greetings, its curses, its praises, its
laws, its literature, its songs, its riddles, its proverbs, its cures, its wisdom, its prayers. The culture
could not be expressed and handed on in any other way. What would be left? Whent you are talking
about language, mst of what you are talking about is the culture. That is, you are lising all those
things that essentially are the way of life, the way of thought, the way of valuing, and the human
reality that you are talking about.

How to communicate with the nation at large then? Or how does the nation communicate
itself with its diversity of languages and cultures? There is laways the preffered English of
government, business, and the middle class. But there is also the modernizing Filipino that
enables our youth to grasp or form clearer ideas, teach the, critical or analytical thinking in a more
familiar language, and more importantly, make them stronger and more capable citizens,
consumers, and functioning participants in the economy. In other words, a familiar language more
effectively prepares them to participate in the global arena.

How a nation communicates with itsel can only be addressed by a language understood
by everybody, even in a multilingual and multicultural context. As KWF has always insisted, it can
only fulfill its mandate by keeping in sight the unifying value of Filipino national language. At the
same time, our sense of nation must acknowledge, as well as enrich and enhance, our diverse
linguistic heritage. We must celebrate diversity but we must not use it as an excuse for disunity.

Again, this complicated task cannot be attained, nor its accompanying issues resolved, by
a proposed bill that insists on “strengthening and enhancing: a foreign language like English as
the medium of instruction while being based on unconstitutional, fallacious, and unscientific
grounds.

As it is, not only is HB 5091 unconstitutional and founded on erroneous assumptions, but
looking at the implementation and progress of MTB-MLE, made operational by Department of
Education Order #74, Series of 2009, and within the new K-12 Curriculum Programme, under RA
10533, and the Enhanced Basic Education Act of 2013, the proposed bill is entirely superfluous
and unnecessary.

Gawain 10:

1. Ano ibig sabihin ang Marketisasyon ng Edukasyon?


2. Ano ang EO 210, Gullas Bills, at HB 5091? Ano ang pinakaesensya ng mga ito? May
kaugnayan pa rin ba ang mga ito sa marketisasyon ng edukasyon?
3. Sangayon ka ba sa mga panukalang batas? Bakit? Bakit hindi?
4. Paano naapektuhan ng mga ito ang wikang pambansa at sa intelektuwalisasyon nito?
5. Sa iyong palagay, namamayagpag pa rin ba ito (ang marketisasyon ng edukasyon at mga
nabanggit na panukalang batas sa kasalukuyan? Patunayan sa pamamagitan ng
pagbibigay halimbawa.
6. Ano ang pinakatumatak na sipi sa iyo? Bakit iyon?
7. Ano ang kabuuang repleksyon mo hinggil sa kalagayan ng ating edukasyon at wikang
pambansa matapos mong basahin ito?

ARALIN 5: Ang Edukasyon Bilinggwal: Pagtanaw sa Makabuluhang Hakbang sa


Edukasyon bilang Makabuluhang Hakbang sa Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino

43

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
(Piling sipi mula sa Revisiting the Bilingual Education Policy: Why Is It Abandoned? (2017) ni
Purificacion D. Delima, PhD., at Ang Wikang Filipino Bilang Wikang Panlahat: Ang Kasaysayan
ng Wikang Pambansa Tungo sa Pagpaplanong Pangwika 1935-2010 (2010) ni Sheilee Boras-
Vega. Parehong inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino)

Edukasyong Bilingguwal (1974-2008)

Ang Edukasyong Bilingguwal ay polisiyang nirekomenda ng National Board of Education


sa NBE Resolution No. 73-7, s. 1973 bilang tugon sa lumalaki pang sentimyento para sa
"nasyunalistang edukasyon mula sa sektor ng mga mag-aaral at aktibista sa pamamamagitan ng
paglalagay sa wikang Pilipino bilang wikang panturo sa sistema ng paaralan. Naglabas ng
depinidong hakbang ang Kagawaran ng Edukasyon sa paglalabs ng Department Order No. 25,
s. 1974 na pinamagatang "Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education na sa
kabuuan ay nag-utos na ialan ang 80% ng mga subject sa Pilipino bilang wikang panturo at ang
natitirang 20% ay sa Ingles.

Ang implementasyon nito ay binuo ng apat-na-taong transisyon (1974-1978) na


uumpisahan sa paggamit ng Pilipino bilang midyum sa mga asignaturang tulad ng Araling
Panlipunan (Social Studies), Agham Panlipunan (Social Science), Edukasyong Panggawain,
Edukasyon sa Wastong Pag-uugali (Values Education), Edukasyong Pangkalusugan (Health
Education), at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan (Physical Education). Ingles naman ang
gagamitin sa mga asignaturang tulad ng Agham at Matematika, at malaon ay magiging mandatory
na ang paggamit ng Pilipino sa darating na apat na taon. Ang implementasyon ng paggamit ng
Pilipino sa primary at sekundaryang edukasyon ay makikita sa isekedyul sa baba:

Primarya 1978-79
Intermedya 1979-80
Sekundarya
-Una at Ikalawang Taon 1980-81
-Ikatlo at Ikaapat 1981-82

Taong 1975 naman nang ipalabas ang mga karagdagang panuntunan ng patakarang ito
sa antas tersyarya matapos ang mga serye ng seminar para dito sa iba’t ibang dako ng bansa.
Batay sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 50, s. 1975, inuutos ang sumusunod:

Ang mga kurso sa Ingles at Pilipino ay dapat ihain sa mga institusyong tersyarya bilang bahagi ng
mga angkop na kurikulum bilang tugon sa patakaran ng edukasyong bilingual; higit pa rito, sa
taong-aralang 1984, ang lahat ng mga magsisipagtapos sa mga institusyong tersyarya ay dapat
makapasa sa mga pagsusulit sa Ingles at/o Pilipino para sa praktika ng kanilang propesyon.

Dahil dito, simula taong aralang 1979-1980, isinama na sa lahat ng kurikulum ng mga
institusyong tersyarya ang anim (6) na yunit ng Pilipino. Labindawala (12) na yunit naman para
mga institusyon para sa edukasyong pangguro. Tumuon ito sa Panitikan ng Pilipinas at pag-aaral
ng apat na makrong kasanayang pangwika.

Simula taong panuruan 1982-1983 naman ipinag-utos ang paggamit sa Pilipino bilang
wikang panturo sa lahat ng mga institusyon sa mga sumusunod na aisgnatura: Philippine History
and Government, Rizal’s Life and Works, Sociology, Economics with Taxation and Current Land
Reform, Cooperative and Consumer Education, Current Issues, Health Education, Population
Education (kabilang ang Family Planning), Practical Arts, General Psychology, Ethics, at iba pang
angkop na asignatura.

44

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Ebalwasyon sa Edukasyong Bilingguwal 1974

Isang komprehensibong pag-aaral tungkol sa Edukasyong Bilingguwal ng 1974 ang


isinagawa noong 1985-1986 na binubuo ng pangkat nina Bonifacio Sibayan, Andrew Gonzales,
Fe Otanes, Jose Arong, at Luke Moorgat. Ang proyektong ito bilang Bilinggual Education Policy
Evaluation (BEPE).

Napatunayan sa ginawang ebalwasyon na ang tagal ng pagpapatupad sa patakarang


Edukasyong Bilingguwal ay kakaunti lamang ang epekto sa naging resulta ng achievement test
ng mga mag-aaral maging sa Pilipino at Araling Panlipunan. Ang pinakamahusay na predictor
para sa pangkalahatang kaalaman ng mga mag-aaral ay ang sosyo-ekonomikong kalagayan.
Mas pinapaboran ng Edukasyong Bilingguwal ang mga mag-aaral na nasa Metro Manila at
Tagalog na lugar. Maging ang uri ng komunidad na kinalalagyan ng mga mag-aaral ay
nakaapekto rin sa kanilang pangkalahatang kaalaman at kasanayan sa mga asignaturang
kinukuha sa mga paaralan. Mas may bentahe ang mga mag-aaral na nakatira sa mga komunidad
na tinatawag na “melting pot” kung saan iba’t ibang tao mula sa iba’t ibang pangkat-wika ang
nakatira at gumagamit ng Pilipino o Ingles bilang wika ng komunikasyon. Sa madaling salita, ang
edukasyong bilingguwal ay epektibo sa mga lugar na ang wikang ginagamit ay mayroon nang
mataas na istatus, tulad ng Metro Manila at iba pang Tagalog na lugar.

Ang pananaw ng mga magulang, guro, estudyante, at mga opisyal ng pamahalaan,


lumalabas din sa ebalwasyon, ang isang tao ay maaaring maging nasyonalistiko kahit na nag-
aaral sa Ingles, at sa mga di-tagalog, hindi kailangan ang pagpapakadalubhasa sa Pilipino upang
maging isa kang tunay na Pilipino. Kaya para sa karamihan ng Pilipino ang nasyonalismo ay hindi
kaugnay ng wika.

Sa ginawang pag-aaral, lumalabas din na ang pagtuturo at gamit ng Pilipino ay hindi


prayoridad sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa. Sa mga unibersidad at kolehiyo na
nagpapatupad ng patakaran na binubuo lamang ng ikatlong bahagi ng mga ginagamit sa pag-
aaral, ang implementasyon ay bilang pagsunod lamang ngunit walang interes o talagang
intensiyon na ipagpatuloy ito.

Para sa mga tauhan ng ibang ahensya ng pamahalaan, ang Ministri ng Edukasyon (dating
pangalang ng DepEd) lamang ang may responsibilidad sa pagpapatupad ng patakaran sa wika.
Sa dahilang ito kaya masasabing isang bahagi ng kahinaan ng implementasyon ay ang kawalan
ng koordinasyon sa mga ahensiya ng gobyerno sa pagpapatupad ng patakaran.

Ang mga pangunahing rekomendasyon ng pag-aaral ay: pagpapatuloy ng kasalukuyang


patakaran sa Edukasyong Bilingguwal sa primary; mas maluwag at flexible sna implementasyon
sa antas sekundarya lalo na sa mga lugar na di-Tagalog; ang debelopment ng Pilipino bilang wika
ng klasrum at iskolarling gawain sa unibersidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo sa
mga propesor na gamitin ang Pilipino sa kanilang pagtuturo, pananaliksik, at pagsusulat upang
makabuo ng mga reperensiya sa Pilipino na magagamit sa mga paaaralang elementarya at
sekundarya.

Inirekomenda rin na sa pagsasanay ng mga guro na pre-service at in-service, kailangang


bigyang-diin ang pagkakaroon ng kaalaman nila sa nilalaman ng mga asignaturang itinuturo
upang maging epektibo ang pagtuturo.

Nakita rin sa ebalwasyon na isinagawa, ang kawalan ng pag-uugnay ng mga ahensiya ng


pamahalaan at ng Ministri ng Edukasyon sa pagpapatupad ng patakaran. Iminungkahi ng

45

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
nagsagawa ng pag-aaral na ang mga mamamayan ay dapat bigyan ng kaalaman o impormasyon
tungkol sa patakaran sa wika ng edukasyon at ito ay maipatutupad sa pamamagitan ng
pamahalaan.

Ang mga rekomendasyong ito ay naging daan sa pagsasagawa ng mga serye ng


worksyap ng Ministri ng Edukasyon para sa mga administrador at tagapagbalangkas ng
patakaran para sa muling pagsusuri ng patakaran sa edukasyon.

Ang Edukasyong Bilingguwal ng 1987

Malinaw na nakasaaad sa DECS Order no. 52, Sec. 2.b (2-4) na layunin ng Edukasyong
Bilingguwal ng 1987 para sa wikang Filipino ang:

2.b (2) pagpapalawig ng Filipino bilang wika ng literasi


(3) pagpapaunlad sa Filipino bilang lingguwistikong simbolo ng pambansang
pagkakaisa at pagkakakilanlan
(3) kultibasyon at elaborasyon ng Filipino bilang isang wika ng iskolarling diskurso,
na nanganghulugan ng patuloy nitong intelektuwalisasyon.

Gayundin, tiniyak ng polisya sa 2.b (5) “ang pananatili ng Ingles bilang isang wikang
internasyunal para sa Pilipinas at bilang isang di-eksklusibong wika ng siyensya at agham.

Sa huling pagsusuri sa karanasan ng bansa sa pagpapatupad ng patakaran, ayon kay


Gonzales, ang Edukasyong Bilingguwal ng 1987 ay maaaring mauwi sa “pagbubukas ng pinto sa
hinaharap na paggamit sa Filipino hindi lamang para sa mga agham panlipunan kundi pati na rin
sa matematika at mga agham pangkalikasan… at iatang ang tungkulin ng intelektuwalisasyon at
kultibasyon sa mga unibersidad sa pamamagitan ng paghikayat sa kanilang magkaroon ng
malikhaing mga programa para sa ganitong layunin.” Nakasaad din sa nasabing DECS Order:

g. Dapat manguna ang mga institusyon sa tersyaryang antas sa pagpapaigting ng


intelektuwalisasyon ng Filipino. Gayunpaman, ang programa sa intelektuwalisasyon ay dapat
maisakatuparan din sa elementarya at sekundarya.

Nagbigay ng detalyadong direksyon ang DECS Order 54 para sa isang ganap na


makabayang edukasyon, kasama na ang mga panuntunan para sa pagtuturo ng nilalaman ng
mga asignatura, paghahanda ng mga materyales at mga silabus, pagsasanay sa mga guro,
kooperasyon at koordinasyon ng mga institusyon, mga insentibo, at iba pang suporta. Nakasaad
sa Order na “Upang maituro ang lahat ng asignatura sa Filipino, kailangang pondohan ang
pagpapaunlad sa mga materyales para sa pagtuturo at sanggunian pati na ang mga pagsasanay
sa mga guro.

Upang masubaybayn ang lahat ng mga kahingiang ito, tinyak ng Orde ang pagbuo ng
isang Komite para sa Edukasyong Bilingguwal na binubuo ng mga instistusyon at mga opisyal
tulad ng:

Mga Direktor (Elementarya, Sekundarya, Tersyarya)


Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino
Mga Kinatawan mula sa Sektor ng Edukasyong Pangwika at mga Samahang Pangwika

Inatasan ang Komite na magpalaganap ang mga impormasyon hinggil sa polisiyang pangwika
na ito sa iba’t ibang sektor, regular na magsumite ng taunang ulat, pagsama-samahin ang mga
datos na hinggil sa mga natatamo ng polisiya, at magsagawa ng mga pananaliksik at ebalwasyon

46

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
sa implementasyon nito para sa mga rebisyon, kung kinakailangan. Batay ito sa ibinigay na
tungkulin sa Komite na magsagawa ng isang pangkalahatang ebalwasyon pagkatapos ng
sampung taon implementasyon (1987-1997) ng naturang polisiya, na sa paglipas pa lamang ng
halos dalawang dekada maisasagawa mula 1987, at bago ang isa na namang polisiyang
pangwika—ang Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE)—na naipatupad noong
2009.

Kung titignan ang mga abanteng katangian ng Edukasyong Bilingual 1987 at ang mga
panuntunan nito, at kahit ng bersyon ng polisiyang ito noong 1974, maaaring sabihin na ito’y
patungo sa Filipinisasyon ng sistema ng edukasyon—isang layuning nakasandig sa mga layunin
para sa pambansang kaunlaran ng pamahalaan at ng National Board of Education No. 73-7.
Sabihin pa, maaari sana nitong maisakatuparan ang aspirasyon ng bansa na magkaroon ang
mamamayan nito ng mga kahusayang nasa Filipino na makatutulong sa kanilang tuparin ang
kanilang tungkulin bilang mamamayang Pilipino, at sa Ingles upang matugunan ang
pangangailangan ng bansa sa komunindad ng mga nasyon.

Subalit tila hanggang tanaw na lamang ang makabayang tunguhin na ito.

Kahit halos limang dekada na ang polisiyang ito, ang sistema ng edukasyon ng bansa ay
patuloy pa rin pagkakalat ng “lisyang edukasyon” sa kabataang Pilipino. Tulad ng mga
natukalasan na problema sa implementasyon ng Edukasyong Bilingguwal noong 1974,
nakaranasan din ng mga balakid at suliranin ang implementasyon ng Edukasyong Bilingguwal
1987. Bukod sa sistematikong kahinaan ng hindi naisakatuparang mga suporta, tulad ng
malalamyang mga pagsasanay para sa guro, hindi maayos na plano sa pagrerebisa ng kurikulum,
kakulangan sa paghahanda ng mga estratehiya at materales sa pagtuturo, tila nawawala kung
saan ang Komite sa Edukasyong Bilingguwal, na dapat sana’y kumikilos upang pamahalaan ang
implementasyon ng polisiya, gayundin ang mga institusyong tersyarya at iba pang ahensya ng
pamahalaan na naatasang direktang ipatupad ang pagpapaunlad at intelektuwalisasyon ng
wikang Filipino na dapat sana’y higit na nagsisikap para makamit ito.

Nakalulungkot man isipin, ang pinakamatagal na polisiyang pangwika ng Pilipinas—ang


Edukasyong Bilingguwal (1974-2008), na kitang-kitang buong-talino na inihain, buong-husay na
binuo at kinonseptuwalisa, ay nabigo na sa simula pa lamang—dahil sa pagsasantabi,
pagsasawalang bahala, hindi maayos na mga pagkilos, at/o ganap na mahina at malabong
pamamahala sa buong sistema ng edukasyon.

Gawain 11:

1. Ano ang Edukasyong Bilingguwal at ano ang pangunahing layunin nito?


2. Ano-ano ang mga naging balakid o hadlang sa pagpapatupad ng Edukasyong Bilinguwal?
3. Bakit ang edukasyong bilingguwal ay epektibo sa mga lugar na ang wikang ginagamit ay
mayroon nang mataas na istatus, tulad ng Metro Manila at iba pang Tagalog na lugar?
4. Batay sa naging resulta ng ebalwasyon sa Edukasyong Bilingguwal ng 1974, “para sa
karamihan ng Pilipino ang nasyonalismo ay hindi kaugnay ng wika.” Ano ang iyong
pagtingin dito?
5. Paano naging gampanin ng Edukasyong Bilingguwal 1987 sa “kultibasyon at elaborasyon
ng Filipino bilang isang wika ng iskolarling diskurso, na nanganghulugan ng patuloy nitong
intelektuwalisasyon?”
6. “Nakalulungkot man isipin, ang pinakamatagal na polisiyang pangwika ng Pilipinas—ang
Edukasyong Bilingguwal (1974-2008), na kitang-kitang buong-talino na inihain, buong-
husay na binuo at kinonseptuwalisa, ay nabigo na sa simula pa lamang—dahil sa

47

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
pagsasantabi, pagsasawalang bahala, hindi maayos na mga pagkilos, at/o ganap na
mahina at malabong pamamahala sa buong sistema ng edukasyon.” Ano ang impresyon
mo dito?
7. Sa kabuuan, maganda ba ang mga hangarin ng Edukasyong Bilingguwal 1974 at 1987?

ARALIN 6: Tungo sa Pambansang Industriyalisasyon: Mga Kontribusyon at Kalagayan ng


Intelektwalisasyon ng Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Intellectualization must be an essential Philippine process.


-Robert De Beaugrande
Lingguwista

Ayon kay Delima (2017), ito ang mithiin ng KWF sa pagpapatibay at pagpapalakas sa
mga dating kakulangan sa implementasyon ng mga probisyong pangwika sa Konstitusyon at
implementasyon sa mandato nito. Mainam na ginamit ng KWF ang limitado nitong sanggunian at
materyales sa pagsasagawa ng pagpaplanong wika. Puspusan ang paglalabas ng KWF ng mga
intelektwal, teknikal, at pampanitikang materyales sa Filipino sa pamamagitan ng paglalathala at
pagsasalin, at pag-oorganisa ng mga pambansang kampanya na maingatan ang paggamit at
nararapat na posisyon ng Filipino bilang Wikang Pambansa at wikang panturo sa pampublikong
edukasyon.
Mula 2013, nagpatuloy ang KWF sa malawakang kampanya para sa istandardisasyon at
pagsasapambansa (nationalization), at modernisasyon at intelektwalisasyon ng wika.
Nakapaglathala na ang KWF ng iba’t ibang sanggunian at manwal hinggil sa wika, panitikan, at
agham panlipunan sa Filipino sa ilalim ng programang Aklat ng Bayan. Ang pagsasalin sa mga
panitikan ng daigdig at Pilipinas na nakasulat sa Ingles o iba pang rehiyunal na wika, kasama ang
mga teknikal na aklat sa iba’t ibang sangay ng agham, ay isang tuloy-tuloy na gawaing
kinabibilangan ng mahuhusay na manunulat sa Pilipinas na nagsasagawa ng mga pagsasalin.
Kasama din sa mga inilalathala ng KWF ang Ortograpiyang Pambansa at ang katuwang
na bolyum nitong KWF Manual sa Masinop na Pagsulat, na sinusuplmentuhan ng
Korespondensya Opisyal at Mga Pangalan ng mga Tanggapan ng Pamahalaan. Ito ang mga
teknikal na manwal na ginagamit ng KWF sa serye ng kanilang seminar-workshop hinggil sa
wikang Filipino at sa gamit nito. Ang programang ito ay tinatawag na Uswag: Dangal ng Filipino
na para sa mga guro sa Filipino, at Seminar sa Korespondensya Opisyal na para naman sa mga
empleyado ng pamahalaan. Umani ang mga programa ng positibong tugon mula sa iba’t ibang
ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino sa pagbibigay at
pagsasagawa ng mga kampanya sa pamamahala, serbisyo, impormasyon publiko. Pinaigting ng
KWF ang serbisyo nito interagency translation, sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga
mahahalagang lehislasyon, mga manwal ng ahensya, brosyur, artikula, ang iba pang opisyal na
sanggunian, pati na ang pinakabago nitong koleksyon ng leksikon ng mga terminolohiya sa
meteorolohiya na pinamagatang Gabay sa Weder Forkasting na inilimbag sa pakikipagtulungan
ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa pagsusulong ng programa sa intelektwalisasyon at modernisasyon ng Wikang
Pambansa, nag-oorganisa ang KWF ng mga taunang pambansang kumperensya sa wika, hinggil
sa mga pakasa gaya ng kapayapaan sa Mindanao (na ginanap sa Bukidnon), pagsasalin (sa
Iloilo), pagpaplanong wika (Pangasinan), pangkalikasang kaligtasan (Legazpi), at Filipino bilang
wika ng karunungan (Baguio City), kung saan ipinakita ng mga praktisyuner ng wika ang gamit

48

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
ng Filipino sa pagtuturo ng mga agham gaya ng matematika, ekonomiks, pagbabangko,
inhinyero, at pisika (Delima, 2017).
Sa kasalukuyan, ang mga institusyon sa mas mataas na edukasyon ay nagpapatuloy sa
pagpapalawig ng intelektwalisasyon sa pamamagitan ng paglalathala ng mga dyornal hinggil sa
iba’t ibang larang sa Filipino at serye ng mga manwal ng mga agham gaya ng matematika,
bayolohiya, kompyuter at iba pa sa Filipino. Gaya ng Unibersidad ng Pilipinas na may Daluyan
na dyornal sa wikang Filipino, at Aklat Paraluman na proyekto ng Surian sa Wikang Pambansa
ng UP na naglalathala ng iba’t ibang manwal sa Filipino hinggil sa mga agham (Zafra, 2016), ang
Pamantasang De La Salle na may Malay journal at may asignaturang Filipino sa Iba’t Ibang
Disiplina (Filipi 2) na pinag-aaralang gamitin ang Filipino sa iba’t ibang disiplina batay sa kolehiyo
(halimbawa Filipi 2 sa kolehiyo ng Inhinyero; Filipino sa Disiplinang Inhinyero) (Tauro, 2002), ang
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Kagawaran ng Filipinolohiya, may
Filipinolohiya, ang opisyal na dyornal sa Filipino ng PUP, at Lusong, ang opisyal na dyornal ng
mga mag-aaral ng Batsilyer ng Sining sa Filipinolohiya.
Puspusan din ang mga lokal at pambansang kumperensya at seminar workshop na
inoorganisa ng TANGGOL WIKA katuwang ang iba’t ibang pamantasan at Alliance of Concerned
Teachers laban sa mga neoliberal na atake sa edukasyon at wikang Filipino at pagbuo ng mga
bagong silabus ng mga asignatura sa Filipino, pati na ang iba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo
ng mga ito bilang bahagi ng gampanin ng TANGGOL WIKA sa pagsusulong ng edukasyong
makamasa, mabayan, at siyentipiko. At noong ika 26 hanggang 28 ng Oktubre 2017 ay ginanap
ang Malayang Kamalayan, Edukasyong Makabayan: Pambansang Seminar-Workshop sa
Pagbuo ng SIlabus sa Batayang Edukasyon at Pangkalahatang Asignatura sa Kolehiyo na
inorganisa ng Kilusan sa Makabayang Edukasyon (KMEd), Surian sa Wikang Pambansa-UP,
CONTEND-UP, Alliance of Concerned Teacher-NCR Union, at All-UP Academic Employees
Union na dinaluhan ng mga pamantasan at institusyon mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at
kabahagi ng TANGGOL WIKA. Pinresenta ng mga delegado ang kani-kanilang mga nalikhang
silabus, kabilang na ang PUP Kagawaran ng Filipinolohiya na ipinresenta at ibinahagi sa sesyon
ang karanasan sa pagbuo ng unang draft ng tatlong (3) asignaturang Filipino sa kolehiyo bilang
tugon sa CHEd Memorandum Order no. 57 series of 2017 na tagumpay ng hanay ng mga guro,
mag-aaral, at iskolar sa Filipino na pinaglaban ang pagbabalik ng Filipino sa kolehiyo at
pagpapaigting ng Intelektuwalisasyon.

Mga halimbawa ng mga publikasyong nagsusulong ng Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino sa Iba’t


Ibang Disiplina

49

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________

50

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________

51

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Gawain 12:
1. Ano ang iyong impresyon sa mga larawan?
2. Para sa iyo, ang mga aralin sa iyong kurso ba ay kaya ring matalakay gamit ang Filipino?
Bakit? Bakit hindi?
3. Pumili ng batayang konsepto (basic concept) mula sa inyong kurso/major at talakayin sa
hindi bababa 500. Maaaring sumangguni sa inyong batayang aklat o babasahin.

“Reseta at Letra: Pagtawid ng Wikang Filipino sa Larang ng Medisina at mga Kaanib na


Disiplina”
(Papel na binasa sa Pambansang Kongreso sa Wikang Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino
noong Agosto 2016 at may temang “Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino.”)

Luis P. Gatmaitan M.D.

Ibinahagi ni Gatmaitan ang kanyang karanasan bilang doktor sa medisina na nasa


larangan din ng pagsusulat sa wikang Filipino ng mga kolum sa Liwayway, Balita at Balita sa
Hapon, ng mga kuwentong pambata na may paksang pangkalusugan at medical, pati na ang
pagiging konsultant at workshop facilitator sa mga segment writer ng Sineskuwela at pagiging
host ng programang medikal at pangkalusugan sa radyo. Nagturo din siya at sinikap na magamit
ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng mga aktibidad ng mga mag-aaral.

Nagbahagi si Gatmaitan ng ilang hakbang na sa palagay niya ay makatutulong sa mga


guro at clinical instructors na gusting subukang magturo ng kaalamang pangmedisina at kaanib
na disiplina:
1. Himaying maigi ang isang konseptong medikal. Magpokus lámang dito para hindi
makagulo ang ibá pang konseptong posibleng lumabas hábang nagpapaliwanag. Gawing
paisa-isa ang konseptong bubusisiin.
2. Subukang gumamit ng analogy o paghahambing sa pagpapaliwanag. Mas madalî itong
matatandaan ng mga estudyante. Sakâ mas nagiging interesante ang learning process.
3. Hayaan munang malunok ng mga estudyante ang mga naituro sa araw na iyon para hindi
magkaroon ng indigestion.
4. Anyayahan ang bawat estudyante na ipahayag ang sarili sa mga small group discussion
gamit ang wikang Filipino. Kung sa Ingles man ginawa ang lektura, may puwang ang
wikang Filipino sa mga magaganap na pagbabahaginan (sharing) matapos ang lektura.
5. Gawing isa sa mga requirement para makapasá ng kurso ang mag-oral report sa Filipino.
O kaya ay hilinging magsumite ng isang papel pangkalusugan ang bawat estudyante sa
Filipino. Madalas, kapag nakikihalubilo táyo sa ating mga pasyente, wikang Filipino ang
ginagamit natin. Kahit sa mga lektura natin at mothers’ classes sa labas ng ospital, sa
wikang Filipino rin natin ginagawa. Bakit hindi natin gawing bahagi ng ating klase ang
regular na talakayan sa wikang Filipino?
6. Magdaos ng malayàng talakayan/forum patungkol sa isang sakít sa wikang Filipino
(halimbawa, tatalakayin ang kalagayan ng HIV/AIDS sa Filipinas o pag-uusapan kung
bakit higit na may benepisyo ang praktis ng breastfeeding sa mga sanggol).
Ang mga sinulat na kuwentong pambata na may paksang medikal at pangkalusugan gaya
ng pinakauna niya, May Giyera sa Katawan ni Mark na nagpaliwanag ng tungkulin ng anti-bodies
at bakuna sa katawan at iba pa na ginawang serye bilang Mga Kuwento Ni Tito Dok na madaling
maunawaan ng mga bata ay napansin ng Kagawaran ng Edukasyon at ginagamit na bilang
supplementary reading materials sa pagtuturo ng kalusugan sa mga bata.
52

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Para kay Gatmaitan, “ang bansang malusog ay binubuo ng mga mamamayang malusog.
At malaki ang papel dito ng pagyabong ng wikang Filipino. Hindi makararatíng sa mga pasyente
ang mga kaalamang ito kung hindi maayos ang daluyang wika ng mga impormasyong kailangan
niláng malaman. Kapag lubos nating nauunawaan kung ano ang nangyayari sa ating katawan,
dahil nakalahad ito sa wikang pamilyar táyong lahat, doon táyo napapanatag. Nae-empower táyo.
Doon natin mas napapahalagahan ang ating katawan.” Dagdag pa ni Gatmaitan, “ano, kung
gayon, ang reseta ng gaya kong doktor-manunulat para sa ating lahat? Gamítin ang wikang
Filipino sa ating paglusong—at pagbababad—sa daigdig ng medisina at sa mga kaanib na
disiplina.”

“Pagbuo ng Registri sa Larang ng Ekonomiks: Isang Hakbang Tungo sa


Intelektuwalisasyon”
(Papel na binasa sa Pambansang Kongreso sa Wikang Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino
noong Agosto 2016 at may temang “Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino.”)

Dr. Tereso S. Tullao, Jr. PhD

Tinalakay ni Dr. Tereso S. Tullao, Jr. PhD sa kanyang papel na Pagbuo ng Registri sa
Larang ng Ekonomiks: Isang Hakbang Tungo sa Intelektuwalisasyon ang makabuluhang dahilan
tungo sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino lalo na sa pananaw ekonomiko. Binalangkas ni
Tullao ang mga pamamaraan na ginamit sa pagbuo ng rehistro ng mga termino sa larang ng
ekonomiks. Inilahad din ni Tullao ng mga hakbang na kanyang isinagawa matapos ang pagbuo
ng rehistro at ang mga hamong hinaharap ng pagsulong ng wikang Filipino sa larang ng
ekonomiks at sa huli ay nagbigay si Tullao ng ilang panukala sa patuloy na intelektuwalisasyon
ng wikang Filipino.
Ang mga sumusunod ang naging direksyon ng mga pamamaraan sa pagbuo ni Tullao ng
diksyunaryo (2009):
1. Episyenteng pagbaybay ng salitang Ingles sa Filipino
Sa harap ng pangingibabaw wikang Ingles sa larangan ng negosyo, komersiyo at
ekonomiya, maraming salitang Ingles ang tinatanggap at nauunawaan ng mga ordinaryong
Filipino bunga ng paggamit ng mga ito sa iba’t ibang midya ng komunikasyon sa kasalukuyan.
Tunog lamang ang magkakahawig sa pagitan ng orihinal at salin na termino ngunit nagkakaiba
ang baybay. Episyente ito dahil madaling isalin bunga na rin ng malawak na paggamit ng Ingles
sa ating lipunan sa kasalukuyan. Halimbawa, ang interes reyt ay katanggap tanggap na salin para
sa interest rate. Samantala, ang supply ay nagiging suplay at demand ay nanatiling demand.
Marami pang salitang Ingles ang ginamit ngunit ipinaliwanag sa wikang Filipino.
2. Paggamit ng salitang Español
Sa mahigit na 300 taong pananakop ng Espanya sa ating bansa, maraming salitang
Español ang nakapaloob na talasalitaang Filipino. Dahil dito, maraming salitang ekonomiko na
isinalin sa wikang Español ay ginamit sa diksiyonaryo. Halimbawa, ang globalization ay naging
globalisasyon, samantala, ang unemployment ay desempleo, at ang industrialisation ay isinalin
na industriyalisasyon. Ganyan din ang nangyayari sa ibang salita tulad ng inflation na ginamit ang
salitang Español na implasyon; commerce ay komersiyo, production ay naging produksiyon,
distribution ay naging distribusyon at ang transaction ay isinaling transaksiyon. Madali itong
maunawaan dahil ang tunog Espanyol ay tinatanggap bilang tunog Filipino.
3. Paggamit ng maugnaying pamamaraan
53

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Maraming salita at terminong ginagamit sa ekonomiks na kathang isip na sumasalamin
sa mga konsepto at diwang patunggol sa paglikha at paggamit ng yaman. Ginaya ko ang
malikhaing pamamaraan ni del Rosario (1969) dahil ang mga salitang Ingles na isinalin ay
malikhain ding binuo ng mga dayuhang ekonomista. Halimbawa, ang input ay naging kabuo,
samantalang ang output ay nabuo. Maraming salitang ekonomiko ang ginagamit ang panlaping
iso na nangangahulugan ng konsepto ng kapantayan. Halimbawa, ang isoquant ay naging pantay
dami, samantalang ang iso utility ay isinalin bilang pantay kasiyahan, isoprofit ay pantay tubo at
ang isocost ay naging pantay gastos.
4. Angkop na salitang Filipino
Kung may angkop na salitang Tagalog na katapat ng mga salitang ekonomiko, ito ay
ginagamit bilang salin. Halimbawa, ang sabwatan ay ginamit bilang salin sa collusion, yaman
para sa wealth, kita sa income, karalitaan para sa poverty. Mayaman ang wikang Filipino sa mga
salitang ginagamit sa mga ordinaryong transaksiyon. Halimbawa, ginamit ko ang salitang utang
patungkol sa loan o credit, sangla naman para sa mortgage at pag-iimpok sa savings. Marami
sa angkop na salitang Tagalog ay ginamit din sa talasalitaan ni Del Rosario (1969) tulad ng
katatagan (stability), kagalingan (welfare), buwis, (tax) halaga (value), gugulin (expenditure) at
marami pang iba.
5. Ang konsepto at hindi ang salita ang isinasalin.
Sa pamamaraan ng pagsasalin, hindi ang salita ang isinasalin bagkus ay ang konsepto.
Nagpapahiwatig ito na ang dapat magsalin ay hindi mga eksperto ng wika ngunit ang mga
eksperto sa disiplina. Ito ay akma sa pananaw ni Gonzalez (1998) na ang mga Filipinong
intelektuwal sa disiplina ang pagpapaunlad ng wikang Filipino. Kailangan ang kaalaman ng isang
eksperto ng disiplina upang malaman ang kahulugan ng mga salita.
Ang paggamit ng konsepto ay kinakailangan upang iwasan ang ang katawa-tawang salin
tulad halimbawa ng liquid asset bilang tumutulong ari. Ngunit ang angkop na salin ay malasaping
yaman. Dahil dito ang indifference curve ay isinalin bilang kurba ng pantay kasiyahan. Ang
marginal cost ay karagdagang gastos at hindi laylayang gastos. Maraming termino ang isinalin
ayon sa kahulugan ng konsepto tulad ng sweldong handang tanggapin para sa reservation wage;
hangganan sa produksiyon bilang salin ng production possibilities frontier, pamimili ng panagot
para sa open market operation, balanse ng mga bayaring internasyonal para sa balance of
payments, produktibong sangkap para sa factor inputs, pangangapital para sa investment at hilaw
na sangkap para sa intermediate inputs.
Ginamit ni Tullao sa mga sulatin, pananaliksik, sanaysay, panayam, at pagtuturo ang mga
salitang bahagi ng nabuong diksyunaryo. Para kay Tullao, marami pa ring dapat palakasin
diksyunaryo sa pamamagitan ng paggamit at pagwawasto na siyang nakakatulong sa
intelektwalisasyon ng wikang Filipino. Hinihikayat ni Tullao ang mga guro at iskolar sa iba’t ibang
disiplina na magsulat sa Filipino at makibahagi sa puspusang intelektwalisasyon ng wikang
Filipino, at isang hakbang ang pabuo ng isang diksyunaryo ng mga termino/rehistro sa kani-
kanilang disiplina tungo sa pagpapaunlad na ito ng wika.

Intelektwalisasyon at Istandardisasyon ng Wikang Filipino sa Sikolohiya (1991)


(Pangalawang Gantimpala sa Gantipalang Collantes sa Sanaysayan, 1991)
Rogelia Pe-Pua

Tinalakay Rogelia Pe-Pua (1991) ang mga nauna nang hakbang sa Intelektwalisasyon ng
wikang Filipino sa larangan ng Sikolohiya. Ayon kay Pe-Pua, makikita sa dami ng mga aklat at
54

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
papel ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa larangan ng sikolohiya at sa iba’t iba pang
maliliit na larangan nito. Ang paglawak ng literatura sa larangan ng Sikolohiya ay bunga ng
puspusang paggamit ng Filipino sa nabanggit na larangan. Na bunga rin ng mahabang
kasaysayan nito ng mga pagsusuring mula sa perspektibong katutubo, bukod sa pagsasalin ng
mga literature mula sa kanluran.
Para kay Pe-pua, ang isa sa pinakamalaking ambag ng ng oryentasyong sikolohiyang
Pilipino ay ang paglilnang ng mga katutubong pamamaraan ng pananaliksik na magagamit hindi
lamang sa sikolohiya kundi maging sa iba pang agham panlipunan gaya ng mga konseptong
katulad ng antas ng pagtutunguhan ng mananaliksik at tagapagbatid, pakap-kapa; at mga mga
medotong katulad ng pagtatanung-tanong, pakikipagkuwentuhan, pakikisama, pakikipanuluyan,
ginabayang talakayan, at iba pa.
Nagtalakay si Pe-Pua hinggil sa mga sumusunod na proseso at karanasan ng
intelektwalisasyon at istandardisasyon ng wikang Filipino:
1. Pagsasalin sa Sikolohiya

May pitong paraan ng pagsasalin ng terminolohiya ang sinunod sa sikolohiya batay sa mga
paraang itinala ni Virgilio Enriquez (1977)

a. Saling-Angkat o Tahasang Panghihiram


Ayon kay Enriquez, “Ang ‘saling-angkat’ ay tumutukoy sa “mga idea at salitang hiram mula sa ibang
wika at kultura na ginagamit ayon sa orihinal na kahulugan at anyong pasulat nito. Ito ay isang pag-
angkat sapagkat hindi maikakailang ang banyagang pinagmulan nito, isa rin itong pagsasalin
sapagkat nabago na ang kontekstong sikolohial at kultural ng salitang inaangkat. Ngunit sa kabila
ng lahat ng ito, ang pagbabago sa konteksto-kahulugan ang napananatili sa saling-angkat. Ito ay
sapagkat ang orihinal na gamit ay karaniwang higit na malawak kaysa sa partikular na gamit na
siyang hinihira.”
Halimbawa:
neurosis (Ingles)
chronic psychotic condition (Ingles)
nadir (Arabic)
Gestalt (Gestalt)
libido (Pranses)
client-centered/non-directive theraphy (Ingles)
encounter group (Ingles)
moron (Griyego)
amae (Hapon)
mahay (Cebuano)
nakem (Ilocano)
kakugi (Ilonggo)
patugsiling (Ilonggo)
dagyao (Ilonggo)
maratabat (Maranao)

b. Saling Paimbabaw o Paimbabaw na Pag-aangkin ng Bigkas at Baybay


Ito ay pag-angkin o paghiram ngunit binabago ang tunog at baybay batay sa wikang Filipino
Halimbawa:
reimporsment (reinforcement)
Amnesia (amnesia)
Placebo (placebo)
Iskima (schema)

55

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
sosyal inter-aksyon (social interaction)
histerikal (hysterical)
repleks (reflex)
saykayatris (psychiatrist)
kognisyon (cognition)

c. Saling Panggramatika o Pagsunod sa Sintaktikang Filipino


Binabago ang ponolohiya subalit ang kahulugan ay tulad din ng pakahuligang orihinal.
Halimbawa:
inter-aksyong sosyal (social interaction)
agresyon (aggression)
abnormal (abnormal)
reaksyon (reaction)
depresyon (depression)
emosyonal (emotional)
persesyon (perception)

d. Saling-Tapat o pagtugaygay sa Orihinal o Panghihiramang Wika at Kultura


Ang layunin nito ay palaganapin ang ideang galling sa labas sa pamamagitan ng paghahanap ng
saling “tapat” sa ideanf ipinahihiwatig sa orihinal.
Halimbawa:
pagtutunguhan (social interaction)
paniniwala (belief)
pagpapahalaga (value)
pag-unlad (development)
hustong gulang (maturity)
kaganapan na gulang (adulthood)
pagpapalaki ng bata (child rearing)

Ngunit tanong ni Pe-Pua, higit na mahalaga baa ng maging tapat sa orihinal kaysa ang
makatuklas ng mga konseptong mahalaga sa lipunang Pilipino?
e. Saling-Angkop o Pagdukal sa Wikang Pagsasalinan
Ito ay ang paghahanap ng katumbas sa pinagsasalinang wika na mas makabuluhan kaysa
tahasang pagsasalin na tapat sa orihinal.
Halimbawa:
pakikipagkapwa sa halip na inter-aksyong sosyal (social interaction)
tulay (contact person, go-between)
pakikipagpalagayang-loob (rapport)
nakikiugaling pagmamasid (participant job observation)
isip-bata (emotionally immature)
pagkukulasisi, pamamangka sa dalawang ilog (extra-marital relations)

f. Saling-Hiram o Pagsasalin ng Hiram na Salita


Ayon kay Enriquez, madalas ay hindi kasiya-siya ang unang salin kaya kailangang maghanap ng
ibang salin, lumikha o manghiram muna hangga’t wala pang naiisip na katumbas para dito.
Halimbawa:
paghuhugas-isip (mula sa brainwashing at paghuhugas-utak)
pagbabagyo ng isip (mula sa brainstorming at pagbabagyo ng utak)
alon ng utak (brainwaves)
pakikidigmang sikolohikal (psychological warfae)
mekanismong pananggalang (defense mechanism)

56

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
pamamaraang proyektibo (projective method)
n-ach (mula sa n-ach, nedd achievement at pangangailangang makagawa)
kaalamang nasa-dulo-ng-dila (tip-of-the-tongue phenomenon)

g. Saling-Likha o Paglikha at Pagbuo ng Bagong Salita


Hindi kilala ang sikolohiya sa PIlipinas sa paggamit ng mga “imbento” o likhang salita. Gayon pa
man, may mga salitang likha na ginagamit minsan bagamat nagiging tapunan ng biro at panunukso
dala marahil ng kahulugan ng salitang nalilikha.
Halimbawa:
sarigawa (masturbation)
pagtatalik /pagtatalik na sekswal (sexual intercourse)

2. Batayan ng Pagpili ng mga Termino


Ayon kay Pe-Pua, dahil sa patuloy na pagyabong ng literature sa sikolohiyang Pilipino, nabuo at
kinalala ang ilang tiyak na batayang maaaringf gamitin sa pagpili ng mga terminolohiyang teknikal.
Inilahad ni Enriquez (1977) ang anim na batayan sa pagpili ng mga termino:

a. Ang pagkabihasa sa isang taguri – madalas gamitin ang salita, at sanay na ang mga tao sa
salitang ito.
Hal. Pakikibagay vs. pakikitungo (social adaptation)

b. Ang pagkakaroon ng maunlad na literature sa alin mang wika na maaalala at magagamit


kaugnay ng isang taguri
Hal. Pagbubuo ng konsepto vs. pagkakaroon ng idea (concept formation)

c. Ang maugnayin at teoritikal na kayaman ng konsepto – May kaugnayan ito sa teorya o sa


Sistema ng mga magkakaugnay na konsepto at iba pang nauugnay na mga salitang makikita
sa wika.
Hal. Saloobin vs. atityud, opinion, at palagay (attitude) – kaugnay ng “loob” na makahulugan din sa
iba’t ibang wika ng Pilipinas.

d. Ang kalinangan at etika – May kani-kaniyang pamantayan sa pagkilos at panlasa ang bawat
kultura na nagtatakda ng salitang pipiliin.
Hal. Kalahok vs. sabjek, katulong, kawaksi (subject)

e. Ang kulturang pinagmulan ng isang konsepto- Kapa gang isang konsepto ay binuo,
nagkaanyo, at napaunlad sa ibang kultura at kapag madaling makita na ito ay mahigpit na
nakaugnay sa kulturang iyon, ang hiniram na salita ay maaaring asimilahin o angkatin sa anyo
nitong hindi na babaguhin, halimbawam prejudice vc. Paghamak, pagmamalaki, pang-iisnab,
rehiyonalismo (prejunismo)

f. Mga pahiwatig at konotasyon ng mga salita para sa konsepto-mga nauugnay kahulugan,


namamalayan, man o hindi. Ito ang pinakamahirap na harapin at isaalang-alang sapagkat ang
isang salita ay maaaring magkaroon ng maraming pahiwatig sa iba’t ibang wika sa Pilipinas.

Hal. Opinyon vs. palagay (masama ang konotasyon sa Cebuano); sikolohista at antropolohista vs. sikologo
at antropologo (katunog ng “kulugo”)

Ayon kay Pe-Pua, isa rin sa proseso ng pagsasakatutubo ang pagsasalin. Mayroon itong
dalawang ito: pagsasakatutubo mula sa loob o ang pagtuklas at pagsasakatutubo mula sa pabas
o pangkulturang pagpapatibay. Ang ilang paaran ng pagsasalin na tinalakay ay makikita sa
pagsasakatutubo mula sa labas—ang materyal na isinasalin ay galing sa banyagang kultura at

57

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
inaangkat o binabago ang anyo, ngunit ang teoritikal na batayan o kahulugan ay hindi binabago.
Halimbawa, mga saling-angkat, saling-paimbabaw, saling-tapat. Ang ilang paraan naman ay
maituturing na pagsasakatutubo mula sa loob—ang materyal ay nahango sa katutubong kultura,
bagama’t minsan ang estimulo upang mapag-isipan ang konseptong ito ay isang banyagang
konsepto, halimbawa, saling-angkop.

Introduksyon sa Calculus
(Pakitang-turo sa Pambansang Kongreso sa Wikang Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino
noong Agosto 2016 at may temang “Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino.”)
John Gabriel P. Pelia

Gawain 13
1. Mayroong programang pangkalusugan tulad ng “Salamat, Dok” at “Pinoy MD,” paano
ginamit sa nabanggit na programa ang wikang Filipino?
2. Ano ang gampanin ng pagsasalin sa mga intelektuwalisasyon ng Filipino sa mga
natalakay na disiplina? Ano ang impresyon mo sa pamamaraang ito?
3. Magbigay ng halimbawang mga pabatid/patalastas/polyeto hinggil sa tamang
pangangalaga ng kalusugan ngayong panahon ng pandemya na nakasulat sa Filipino.
4. Gaano kahalaga ang Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino sa disiplina ng Medisina,
Ekonomiks at Sikolohiya lalo na sa panahong ito ng pandemya?
5. Magbigay ng sampung (10) terminolohiya na may kinalaman sa inyong kurso. Bigyan
ito ng kahulugan at paliwanag gamit ang Wikang Filipino. Maaaring sumangguni sa
mga batayang aklat at babasahin.

58

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________

PANGGITNANG PAGSUSULIT (MIDTERM EXAM)


Sumulat ng sanaysay na may temang “Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino:
Pandayan ng <Inyong Kurso/Major hal. Sikolohiyang> Maka-Pilipino. Sundin ang
sumusunod na balangkas
I. Intelektuwalisasyon ng Wika: Kahulugan, Pananaw, Halaga
>talakayin sa bahaging ito ang mga katuturan at kahalagahan ng
intelektuwalisasyon, maging ang proseso nito
II. Epistemolohiyang Filipino: Ugnayang Filipinolohiya at Intelektuwalisasyon ng
Filipino
>talakayin sa bahaging ito ang Konseptong Filipinolohiya ni Abadilla pati na
ang ugnayan at gampanin ng intelektuwalisasyon sa isa’t isa
III. Sosyo-Historikal na Pagtalakay sa Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino
>talakayin sa bahaging ito ang pinagdaanang kasaysayan ng wikang
Pambansa, mga naging balakid sa paglawig nito pati na ang mga naabot at
pag-unlad nito
IV. Mga Pagsisikhay sa Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino
>talakayin sa bahaging ito ang mga pagkilala sa mga ambag sa
inteletuwalisasyon ng wikang Filipino
V. Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino sa <Inyong Kurso/Major>: Ambag sa
Kalinangang Pilipino
>talakayin sa bahaging ito kung bakit dapat maisulong ang
intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sa larangang kinabibilangan at
maiaambag nito sa ating kalinangan
Hindi bababa sa lima (5) at hindi lalagpas sa sampung (10) pahina ang inyong sanaysay.
Sundin ang sumusunod na pormat:
8” x 11”, Arial, 11, 1.5 espasyo bawat pangungusap. 2.0 espasyo bawat talata, 1
pulgadang margin sa bawat gilid.
Lagyan din ng bibliograpiya sa pagtatapos ng sanaysay. Sundin ang APA na pormat.
Maaari ding sumangguni sa iba pang mga babasahin.

Paraan ng Paggrado:
Teknikalidad (gramatika, kapitalisasyon, pagbabantas at pagsunod sa pormat, atbp) – 10%
Pagpapahayag (paggamit ng lengguwahe, maayos na pagtatahi-tahi ng mga ideya at daloy ng
pagtalakay) –45%
Nilalaman – 45%
Kabuuan – 100%

59

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________

KABANATA 4: Karanasan sa Intelektuwalisasyon ng Wika ng mga Piling


Bansa sa Silangan at Kanluran

The most important relationship between language and culture that gets to the heart of what is
when you lose a language is that most of the culture is in the language and is expressed in the
language. Take it away from the culture, and you take away its greetings, its curses, its praises, its
laws, its literature, its songs...its wisdom, its prayers. The culture could not be expressed and
handed on in any other way. What would be left?
-Joshua Fishman
Sosyo-lingguwista at eksperto sa pagpaplanong pangwika at edukasyong bilinguwal

Panimula
Natalakay na sa mga naunang kabanata ang kahalagahan ng intelektuwalisasyon ng wika
bilang mahalagang hakbang tungo sa ganap na pagpapaunlad hindi lamang ng wika kundi
maging ng kamalayan ng mamamayan nang sa gayon ay ganap tumimo sa kanyang pagkatao
ang mga mahahalagang karunungan sa iba’t ibang disiplina na malayang dadaloy sa tulong sarili
nitong wika tungo sa makatao, makabayan, at siyentipikong pagtugon at pagkilos sa pagkamit ng
pambansang kaunlaran. Ang ganitong konteksto ay litaw na litaw sa karanasan ng bansa sa
patuloy nitong pag-iintelektuwalisa sa Filipino, ito’y sa kabila ng masalimuot nitong kasaysayan
ng kolonyalismo at pagbaka sa mga puwersang labis na nakakapinsala sa aspetong
pangkabuhayan at pangkultura—kasama na rito ang wika at edukasyon.
Hindi lamang nag-iisa ang Pilipinas sa buong na daigdig na patuloy na kumikilos sa
intelektuwalisasyon ng wika. Maraming nasyon, lalo na yaong naturingang nasa Ikatlong Daigdig,
na may katulad na karanasan sa atin ang patuloy ding nagsisikhay sa intelektuwalisasyon ng
kanilang wika kasabay ng patuloy nilang pagkilos tungo sa kani-kanilang pag-unlad bilang
bansang nagsasarili.
Ang mga sumusunod ay sipi mula sa iba’t ibang pag-aaral hinggil sa intelektuwalisasyon
ng wika ng piling mga bansa na tulad ng Pilipinas ay multi-lingguwal at multi-kultural.

Aralin 7: Intelektuwalisasyon ng mga Wika sa Aprika


The Intellectualisation of African Languages, Multilingualism and Education: A Research-based
Approach (2014)
Russell H. Kaschula at Pamela Maseko
(http://alternation.ukzn.ac.za/Files/docs/21%20SpEd13/02%20Kaschula%20F.pdf)
Tinalakay nila Kaschula at Maseko (2014) ang polisiyang umiiral hinggil sa
intelektuwalisasyon ng mga katutubong wikang Aprikano at ang mga naging karanasan ng mga
wikang Aprikano sa proseso ng pagpapaunlad ng kanilang wika.
Ayon kina Kaschula at Maseko, ang intelektuwalisasyon ng kanilang wika ay
nangangailangan ng mga interbasyon sa parehong lebel ng mother-tongue at pangalawang wika.
Pagdating sa pagtuturo ng mga wikang Aprikano bilang mga pangalawang wika, kailangan pa rin
ng mga katuwang na wika at nangangailangan ng mas integratibong panlipunang lapit (approach)
sa pagtuturo ng mga wikang ito. Bukod dito, ang pagunlad ng mga kursong bokasyunal ay
kailangan din sa yugto ng sosyo-politikal na kasaysayan ng Timog Aprika. Sa punto de bistang
60

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
pangwika, nananatili pa rin ang maliliit na ebidensya ng isang normalisado, integratibo,
transpormatibong multilingguwal na lipunan. Sa kabila ng ganitong katangian, mayroon pa ring
hating-pangwika na pumapagitan sa mga mayaman at mahirap, sa pagitan ng mga mamamayang
marunong mag-Ingles, sa mga hindi gaanong marunong, at sa mga hindi talaga marunong
gumamit ng wikang Ingles. Dagdag pa nina Kaschula at Maseko, kailangang makapagtatag ng
mga kursong market-related na nasa kinagisnang wika (mother tongue) at may panlipunang
responsibilidad na dapat ituro gamit ang kinagisnang wika kasabay ng tuloy-tuloy na proseso ng
intelektuwalisasyon pati na ang pagpapaunlad ng mga terminolohiya.
Para kina Kaschula at Maseko, dapat ding hayaang magamit nang husto ang mga lokal
na wika nang makapagtanim ng mga gawaing pangkaisipan at pundamental na mga konsepto at
lapit ng iba’t ibang disiplina kasabay ng pagmumulat sa mga mag-aaral sa mga karunungan at
rehistro sa Ingles, na siyang wika ng halos lahat ng sanayang aklat. Sa ganitong paraan,
magagawang mapanghawakan ng mga propesyunal at mananaliksik ang mga disiplina nang
buong husay gamit ang isa sa kanilang katutubong wika pati na sa wikang Ingles.
Iginiit din nina Kaschula at Maseko na ang intelektuwalisasyon ng kanilang wika ay tuloy-
tuloy na proseso at nangangailangan din ng pondo at suporta mula sa kanilang Tagapangulo ng
mga Wikang Aprikano. Kailangan din na magkaroon ng kanya-kanyang “Catalytic Project for
Concept Formation” ang siyam nilang opisyal na wika, na nakabase mga unibersidad na
pangunahing institusyon sa pagpapaunlad at intelektuwalisasyon ng kanilang wika. Dagdag pa ni
Kaschula at Maseko, kailangan ding ng pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensyang
pangkontinente gaya ng Academy of African Languages para sa pakikipagtulungan sa
intelektuwalisasyon ng kanilang mga katutubong wika at matuto sa ganitong proseso lalo na sa
karanasan ng wikang Afrikaans at Kiswahili na higit na intelektuwalisado sa kasalukuyan.

The Role of African Universities in the Intellectualisation of African Languages (2007)


Neville Alexander
(nasa https://www.codesria.org/IMG/pdf/4-Alexander-5-1-2007.pdf)
Tinalakay ni Neville (2007) sa kanyang sanaysay ang historikal at sosyolohikal na
pagbabago ng mga wikang Aprikano tungo sa mataas na gamit ng mga ito na nagmungkahi ng
isang serye ng mga hakbang tungo sa realisasyon para sa mga pagbabago ng Language Plan of
Action in Africa, na binuo at ipinatupad mahigit 20 taon na ang nakararaan.
Para kay Alexander, labis na nakakapinsala sa pag-unlad ng mga wikang Aprikano ang
hegemonikal na posisyon ng wikang Ingles bilang wika ng politika at edukasyon na bunga ng
neo-kolonyal na mga polisiya pagkatapos ng dekolonyalisasyon sa naturang kontinente.
Sa kabila ng pagkakaroon ng malawak na dibersidad ng wika, iginiit ni Alaexander na
hindi ito dapat maging dahilan upang hindi sumalig sa alinman sa halos 2000 katutubong wika sa
kontinenteng Aprika. Para kay Alexander, ang intelektuwalisasyon ng mga wikang Aprikano ay
usapin ng pansarili at pambansang pagkakakilanlan.
Kaugnay nito, ang intelektuwalisasyon para kay Alexander ay isa ring demokratikong
pagkilos din para sa Aprika. Sa pagsusuri ni Alexander, ang mga pundamental na polisiya ng
kolonyalismo ay tumatagos din sa polisiyang pang wika. Para sa kanya, ang pagtataguri bilang
wikang opisyal ng Ingles at wikang pambansa ng kanilang katutubong wika ay isang malinaw na
diskursong sumasapul sa distansyang panlipunan, pampolitika, at pangekonomiya na
naghihiwalay sa kanilang mamamayan (manggagawa, magsasaka, at tradisyunal na
petiburgesya) palayo sa mga elitista, at palalong gitnang uri, na silang nasa liderato at gumagawa
ng batas, gaya ng mga polisiyang pangwika. Sa ganitong lente, makikita na ang ideolohiya o
61

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
oryentasyon sa likod ng mga polisiyang pang wika na nagaangat sa mga wika gaya ng Pranses,
Ingles, at Portuges bilang wika ng kapangyarihan ay repleksyon lamang hinggil sa paglilingkod
ng mga ito sa kanilang panginoong mananakop. Kaya naman para ay Alexander, ang
demokratikong argumentong ito sa intelektuwalisasyon ay isa ring argumento sa panlipunang
pagkakapantay-pantay.
Para kay Alexander Malaki ang gampanin ng mga unibersidad sa intelektuwalisasyon ng
kanilang wika. Dapat na linangin ang kanilang katutubong wika sa pamamagitan ng paggamit nito
bilang wikang panturo sa edukasyon at pagsasaling wika.
Kaugnay nito, ibinahagi ni Alexander ang mga naging hakbang ng African Academy of
Languages (ACALAN), Association of African Universities (AAU) at CODESRIA hinggil sa
pagpapalong pangwika at pagpapaunlad ng korpus sa iba’t ibang estado ng kontinente. Mungkahi
ni Alexander, dapat paunlarin ang mga nauna nang hakbang dito gaya ng ginawang rebisyon
nina Maurice Tadadjeu (ng Cameroon) at Salam Diakite (ng Mali) noong 2004 sa 1986 bersyon
ng OAU Language Plan of Action for Africa. Noong 2006, na tinagurian nilang “Taon ng mga Wika
Sa Aprika”, ay nagsagawa ng mga proyekto gaya ng “Translation Program”, “Terminology
Development, “Panafrican Joint Masters and Doctoral Program in Applied Linguistics, at “Stories
Across Africa” na tumuon sa mga pagpaplanong pangwika, pagpapaunlad ng mga korpus,
pagsasalin, at iba pang gawaing pangkaunlaran ng wika. Naniniwala din si Alexander na malaki
ang magagawa ng pagsasaling wika sa intelektuwalisasyon ng kanilang wika.
Para kay Alexander, ang kanilang karanasang pangwika ay resulta ng pagkaipit sa elitista
at makagitnang uri at demokratikong polisiyang pangwika, na higit na makapagbubukas ng
pagkamalikhain at pagtitiwala sa sarili na nakabase sa masining, siyentipiko, ekonomikal na
pagtatagumpay. Kailangan ding isaaalang-alang ang mga namumutawing Amerikanisadong istilo
ng diskurso at pagnilayan ang epekto nito sa global na pakikipagsabayan o kompetisyon sa
pagitan ng homogenisasyon at hegemonisasyon, at kultural na dibersidad at multilingguwalismo.
Para kay Alexander, dapat magkaroon ng matinding rason sa pagpapalaganap ng mga wikang
Aprikano bilang wika ng kapangyarihan at mas mataas na estado. Hindi maikakailang ang
katangiang multilingguwal at ang karanasan ng kolonyalismo ay labis na nakaapekto sa
kasaysayan at kalagayang pangwika ng kontinente, ngunit naniniwala si Alexander na sa
pamamagitan ng ACALAN, ang preserbasyon, pagpapalawig, at intelektuwalisasyon ng mga wika
sa kontinente ay mananatiling bahagi ng progresibong hakbang tungo sa isang Aprika kung saan
ang mamamayan ay may totoong pagkakataon na magamit at palakasin ang kanilang potensyal
hanggang sa dulo nito.

Aralin 8: Intelektuwaliasyon ng Wika sa Malaysia at Indonesia


Language Policy in Malaysia: Reversing Direction (2005)
Saran Kaur Gill
https://www.researchgate.net/publication/226303242_Language_Policy_in_Malaysia_R
eversing_Direction)
Ayon kay Gill (2005), matapos ang makamit ang Kalayaan noong 1957, bunuo ng
programa ang Pamahalaan ng Malaysia sa pagtatatag sa Bahasa Melayu bilang opisyal na wika
para sa lahat ng tungkulin ng pamahalaan at bilang wikang panturo sa mga paaralan sa lahat ng
antas. Sa loob ng 40 taon, sinuportahan ng pamahalaan ang isang pangunahing programa sa
kultibasyon at modernisasyon ng wika. Subalit hindi naman kinontrol ng pamahalaan ang wikang
ginagamit ng pribadong sektor, kasama na ang pamumuhunan at industriya, kung saan matindi
ang globalisasyon na nagtutulak sa paglakas ng Ingles. Ang demand sa Ingles ay lalo pang

62

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
sinusugan ng mga pwersa sa internasyunalisasyon ng edukasyon na natagpo naman sa
pagbubukas ng mga katuwang na internasyunal na pamantasan na gumagamit ng Ingles. Ngunit
noong 2002, inanunsyo ng pamahalaan ang pagbabaligtad sa patakaran, na nag-uutos sa
paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa lahat ng antas.
Sinuri ni Gill ang mga presyur na nagtulak sa pamahalaan ng Malaysia na baligtarin ang
patakarang pangwika patungo sa tuluyang pagpapagamit ng Ingles bilang wikang panturo sa
lahat ng antas.
Ayon kay Gill, malaki ang impluwensya ng globalisasyon at ang ekonomiya ng
karunungan sa pagpili sa Ingles na ginagamit sa agham at teknolohiya. Dahil sa presyur ng
kasalukuyang panahon, ang “information age” at globalisasyon, hamon para sa Malaysia na
tiyaking taglay ng bansa ang mga kinakailangang kapasidad ng mga mamamayan, gaya ng kung
natutugunan ba ng umiiral na kalidad ng kahusayan sa wika ang pangangailangan ng bansa.
Hamon din sa Malaysia ang tuloy-tuloy na mga lumalabas na mga kaalaman at impormasyon at
ang implikasyon nito sa patakarang pangwika.
Kaugnay nito, ayon sa report ng National Brain Trust on Education noong 2002 na
nakaangkla sa Vision 2020 ng Malaysia na siyang blueprint sa Industriyalisasyon ng bansa sa
2020, sinasabi:
“Ang Malaysia ay isa sa may magandang sistema ng edukasyon sa Ikatlong Daigdig. Ngunit para
sa paglalakbay na tinatatahak natin para sa ikalawang henerasyon (sa 2020), kailangang bumuo
ng bagong set ng mga pamantayan upang makamit ang mga bagong resulta.”
“…Ang P-economy (production-oriented economy o ekonomiyang nakasandig sa paggawa,
produksyon, at mababang teknolohiya) ay nangangailangan matinding lakas, at disiplinadong
pwersa sa paggawa. Ang K-economy (knowledge-based economy) ay nangangailangan ng “brain-
intensive”, nag-iisip, malikhain, inobatibo, at disiplinadong lakas-paggawa. Sa kasalukuyan, ang
Malaysia ay may world-class na P-economy. Samantalang napakababa naman ng bilang ng lakas-
paggawa sa K-economy. Sa kasamaang-palad, sa pagsulong ng K-economy, isang pandaigdigang
pagpapabago na unti-unting magaganap kung saan ang magkakaroon ng pundamental na
pagbabago sa kaayusan kung saan ang halagang ekonomiko ay mas higit nang manggagaling sa
mga paggawang pangpag-iisip at higit na hindi na manggagaling sa mga pisikal na paggawa at
produksyon (kahit pa nananatili pa rin ang kahalagahan nito). Ang pagbabago mula sa mababang
lakas-paggawa tungo pagiging world-class na K-economy ay kailangang pabilisin at puspusan.
Kakaunti na lamang ang natitirang oras.”

Dahil sa ganitong layunin para sa Industriyalisasyon, kinailangang paunlarin ang


kaalaman ng mga manggagawa na maaaring palakasin ang larangan ng agham at teknolohiya
na mahirap i-access ang mga impormasyon at kaalaman dahil sa nakasulat ito sa Ingles, at isinisi
sa makabayang patakarang pangwika kaya mas naging tatas sa sariling wika ang maraming
iskolar sa mga unibersidad kaysa sa Ingles. Dahil dito nagkaroon ng isang pangunahing
programang pagsasalin mula Ingles patungo sa Behasa Melayu para sa buong acces ng mga
impormasyon at kaalaman sa Ingles. Dagdag pa ni Gill, kumpara sa Hapon na talagang isinulong
ang industriyalisasyon sa pamamagitan ng intelektuwalisasyon ng Nihongo sa larangan ng
agham at teknolohiya, sa Malaysia, sa kabila ng demand ng sa impormasyon at kaalaman sa
nasabing larangan, hindi pa rin ito natutugunan ng programang pagsasalin: kung hindi man
maibibigay sa mga mag-aaral ang mga materyal sa Bahasa Melayu, kinakailangan nilang mag-
aral ng Ingles.
Problema din ng Malaysia ng kawalan ng lehislasyon ng wika sa larangan ng
pamumuhunan at industriya. Sa kabila ng pagtatagumpay ng Bahasa Melayu bilang wika ng
edukasyon, pamamahala, at batas, Ingles ang nagdodominang wika ng komunikasyon sa
pamumuhunan, lokal man o internasyunal, industriya at pagbabangko na siyang pundasyon ng

63

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
ekonomiya. Sa ganitong kaso, nananatili ang wikang Ingles sa pagiging wika ng kapangyarihan
at kapital sa pamamagitan ng pagsakop nito sa larang ng pamumuhunan at industriya.
Dahil sa ganitong sitwasyong pangwika at pangekonomiya, humina din ang employment
rate ng mga nagsisipagtapos sa mga pampublikong pamantasan sa Malaysia. At ayon ka Gill,
dahil sa mga ganitong sitwasyon sa kabuuan, napakalaking hamon na magbalanse sa pagitan
ng tungkulin at katayuan ng Bahasa Melayu sa bansa at ng tungkulin ng Ingles sa
internasyunalisasyon. Dagdag pa ni Gill, matibay ang pamahalaan sa mga alituntunin sa
patakarang pangwika nito para sa agaham at teknolohiya pati sa ekonomikong ideolohiya. Ngunit
sa parehong pagkilos ay ang paghila sa Bahasa Melayu palayo sa posisyon nito sa pagiging wika
ng mas mataas na edukasyon.
Sa kabila ng suliranin ng Bahasa Melayu, nagsikap ang Universiti Kebangsaan Malaysia
sa pagpapalawig at pagpapaunlad ng Bahasa Melayu bilang wikang intelektuwal, pambansa at
internasyunal na mga lebel sa pamamagitan ng isang plano mula 2000 hanggang 2020 sa
pangunguna ng Center for Academic Advancement ng pamantasan na may layuning paunlarin
ang kaalaman sa konteksto ng isang global na ekonomiya pati na ang gradwal na pagpapaunlad
sa Bahasa Melayu bilang isang wikang intelektuwal sa pambansa at internasyunal na lebel.
Para kay Gill, ang mga ganitong gawain ay nakabubuti sa pagsisikhay na mapaunlad at
mapatupad ang isang modelong magtataglay ng mga pagkakataon at mga metodolohiya sa
pagpapalawig ng wika sa iba’t ibang lebel—ang internasyunal, nasyunal, at sub-nasyunal na mga
lebel ng komunidad. Dagdag pa ni Gill, ang ganitong modelo ay dapat magsilbing pagmumulan
ng iba’t ibang pambansang pagkilos sa mga hamon ng globalisasyon at pagsasakatutubo
(indigenization).

One Hundred Years of Language Planning in Malaysia: Looking Forward Ahead to the Future
(2004)
Abdullah Hassan
nasa https://www.languageinindia.com/nov2004/abdulla1.html
Tinalakay sa papel na ito ni Hassan (2004) ang kasaysayan ng pagpaplanong wika at
mga patakaran sa wikang pambansa ng Malaysia at ang mga naging resulta nito.
Ayon kay Hassan, ang limapungtaon ng pagpaplanong pangwika sa Malaysia ay nagkamit
ng ilang katangi-tangi na tagumpay. Una, sa pagpaplano ng istatus o gampanin ay nagbagong-
hubog sa Malay bilang isang wikang ginagamit sa edukasyon, administrasyon, at rehiyunal an
komunikasyon sa pagitan ng ilang bansa sa Timog-Silangang Asya. Lumawak din ang gamit nito,
mula sa pagiging wika na ginagamit ng Malay at ng ilang hindi-Malay, tungo sa isang wika na
istandardisado at ginagamit sa lahat ng promal na sitwasyon. Sa pagpaplano ng korpus, higit na
nagtagumpay ang wikang Malay sa mas kongretong usapin. Nakabuo ito ng isang sistematiko at
maayos na sistema sa pagbaybay at pagbigkas. Mayroon nang mahigit 2.5 milyong teknikal na
termino ang nabuo para magamit sa akademiko at mas sopistikadong diskurso.
Para kay Hassan, ang paggamit ng Malay sa edukasyon at administrasyon ay hindi
lamang upang pagbuklurin ang bansa kundi isa ring paraan ng paglaban ng mga katutubo upang
hindi matabunan ng ibang lahi sa bansa.
Sa kabila ng tagumpay na ito sa pagpapatupad ng patakaran sa wikang pambansa, may
nagsulputan pa ring mga suliranin. Halimbawa, mas nagiging monolingual umano ang mga
kabataan sa mga probinsya dahil sa ang kahusayan nila sa Ingles bilang pangalawang wika ay
hindi umabot sa mas mataas na antas dahil sa ilang kahirapan. Nakararanas din ang mga

64

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
kabataang ito ng diskriminasyon sa paghahanap ng trabaho dahil sa matinding kahirapan sa
pagpapatuloy ng edukasyon pagkatapos ng antas sekondarya. Ayon kay Hassan, may kinalaman
ito sa kasalukuyang pagsandig sa wikang Ingles ng edukasyong tersyarya. Mapanganib para sa
mga mag-aaral na hindi nakakagamit ng mga materyales na nasa Ingles na makulong sa
monolingguwal na sitwasyon, maliban na lamang kung at hanggang sa ang Malaysia ay
makabubuo ng isang sapat na imbakan ng kaalaman na nasa wikang Malay.
Ipinakita ni Hassan na magagawa ng wikang Malay na maabot ang mga layuning binuo
noon pa sa pagpapaunlad sa mga bagong gamit at gampaning nararapat para sa isang wikang
pambansa. Para kay Hassan, ang Malaysia ay maaaring maging isang multietniko, multikultural,
at multi-relihiyong bansa; isang bansang multilingguwal na nagsasalo mga parehong
pagpapahalaga. Ang pagiging homogenous sa etnisidad, relihiyon, kultura, at wika ay hindi agad-
agad makapagbibigay ng integrasyon at istabilidad. Naniniwala sa Hassan na kayang magkaisa
ng bansang Malaysia.

One Land, One Nation, One Language: An Analysis of Indonesia’s National Language Policy
(2009)
Scott Paauw
(www.sas.rochester.edu/cls/assets/pdf/working/Paauw.pdf)
Tinalakay ni Paauw ang kasaysan at karanasan ng pagpaplanong wika ng Indonesia mula
nang lumaya ito sa pananakop noong 1957 inihambing sa mga naging karanasan ng bansang
Malaysia at Pilipinas.
Ayon kay Paauw, matagumpay ang Indonesia sa pagsasakatuparan ng pambansang
patakaran sa wika dahi sa ilang mga dahilan. Una, ang pagpili sa Malay bilang wikang pambansa.
Hindi tinignan ng mamamayan ng Indonesia ang Malay bilang banta sa kanilang etnikong
pagkakakilanlan. Dahil hindi ito ang wikang ng higit na nakararaming tao, at hindi wika ng isang
pangkat na may kapangyarihang politikal at ekonomikal, hindi ito tinignan bilang banta sa kultural
na pagkakakilanlan ng iba pang pangkat etniko.
Kaiba sa Malaysia at Pilipinas, ang napiling wika bilang wikang pambansa ay itinuring na
banta ng iba pang pangkat sa lipunan. Sa Malaysia, ang wikang Malay (Bahasa Melayu) ay mas
inilalapit sa mga Malay (na ang relihiyon ay Islam), ang mga katutubo na nagkokontrol ng
kapangyarihang politikal sa bansa, at itinuring na magiging banta sa iba pang etniko at kultural
65

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
na pagkakakilanlan ng mga Intsik at Indiano, na silang bumubuo sa halos kalahati ng populasyon
ng bansa. Pinanatili sa Malaysia ng Ingles na kolonyal na wika, na isa ring mahalagang wika sa
daigdig, upang maipagamit sa mga pangkat na ito bilang ikatlong wika sa mas malawak na
komunikasyon at upang makapag-ugnayan sa iba pang bansa sa daigdig. Ang Malay, bilang
wikang pambansa, para sa mga hindi Malayo, nagsisilbing mang wikang ng edukasyon ay may
maliit pa ring gamit sa kanilang pamumuhay.
Sa Pilipinas, ang Tagalog na batayan ng wikang pambansa ay wika rin ng pinakamalaking
pangkat-etniko at wika ng pangkat-etnikong may higit na kapangyarihang politikal. Nagresulta ito
sa pagtutol sa Tagalog bilang wikang pambansa. Ang pag-iral ng Ingles bilang isang mahalagang
wika sa lipunan ay binigyan ang mga Pilipino na hindi Tagalog ng ibang wika na maaaring gamitin
sa inter-etnikong komunikasyon, idagdag pa na ang wikang ito ay daluyan din ng komunikasyon
sa iba pang dako ng daigdig.
Ang pananatili ng Ingles sa lipunang Malay at Pilipino ay nagresulta sa hindi tuluyang
pagtatagumpay ng mga patakaran sa wikang pambansa sa dalawang nasyon. Dagdag pa ni
Paauw, tila mas nagiging dahilan sa hindi pagtatagumpay ng patakaran sa wikang pambansa
bilang wikang tagabuklod ay ang pagtutol ng mamamayan sa isang wikang pambansa na para
sa kanila’y ipinipilit lamang ng dominanteng pangkat-etniko.
Ayon kay Paauw, ang kakulangan ng Indonesia ng isang wikang pandaigdig ay nagkaroon
ng negatibong epekto sa kalidad ng mas mataas na edukasyon, at maaaring nagdulot din ng
negatibong epekto sa ekonomiya dahil sa marami Indones hindi kayang makipag-ugnayan sa iba
daigdig. Ito naman ang kaiba ng Indonesia sa bansang Malaysia at Pilipinas pagdating sa wikang
Ingles.
Para kay Paauw, ang pataran sa pambansang wika ng Indonesia ay naging epektibo sa
pagbubuklod ng bansa, na lumikha sa malakas na pambansang pagkakalinlan at
pagpapalaganap ng edukasyon at literasi sa buong bansa. Ang bahagi kung saan naman naging
mahina ang tagumpay na ito ng Indonesia ay ang kahinaan sa wikang may magagawa sa
pakikipag-ugnayan sa iba pang bansa sa daigdig. Mungkahi ni Paauw, sa pamamagitan ng
pagpapaunlad sa edukasyon sa banyagang wika, malalagpasan ng bansa ang kahinaan nito
nang hindi nasasakripisyo ang kanga-hangang tagumpay ng patakaran ng Indonesia sa wikang
pambansa.

66

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
Gawain 14:
1. Ano-ano ang pangunahing katangiang pangwika ng Aprika, Malaysia, at Indonesia sa
Pilipinas?
2. Ano-ano ang mga suliraning kinakaharap/kinaharap ng mga Aprika, Malaysia, at
Indonesia sa intelektuwalisasyong ng kanilang wika?
3. Paano nakaapekto ang pamamayagpag ng wikang Ingles sa Aprika, Malaysia, at
Indonesia?
4. Tukuyin mga karanasan sa intelektuwalisasyon ng Aprika, Malaysia, at Indonesia na
natutulad at nagkakaiba sa karanasan ng Pilipinas. Ilatag ang sagot sa pamamagitan ng
talahanayan:

MGA KARANASAN SA INTELEKTUWALISASYON NG WIKA


APRIKA MALAYSIA INDONESIA
Pagkakatulad Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

PILIPINAS

5. Higit sa kapakinabangang pangwika, ano pa higit na layunin ng intelektuwalisasyon?

Intelektuwalisasyon: Isang Landas ng Bukas

Ang intelektuwalisasyon ay landas na tinatahak ng bansa tungo sa inaasam-asam na


kaunlaran. Para sa isang bansang multikultural at multilingguwal tulad ng Pilipinas, hindi
maitatangging masalimuot ang prosesong ito ng kultibasyon ng isang wikang hindi lamang
nagsisilbing tagapagbuklod ng mga mamamayan, kundi wikang tulay din ng sambayan tungo sa
mas malalim na pag-unawa sa kanilang pagkamamamayan, mas matatag na paninindigan sa
kanilang kinabibilangan, at mas malawak na kamulatan at kamalayan sa mga karunungan at
halagahing kailangan sa pambansang kaunlaran.

Ang wikang Filipino na salamin ng lipunang Pilipino ay dumaan din sa malubak na daan—
hindi naging madali para sa wikang pambansa na marating ang kinalalagyan nito sa kasalukuyan.
At hindi rin madali ang pinagdaraanan nitong intelektuwalisasyon. Ang mga kolonyal at neoliberal
na mga patakaran na nanamamayagpag magpasahanggang ngayon sa ating ekonomiya ay labis
na nakasasagabal sa kaunlarang pangwika na ito.

Ang edukasyong pinamamayanihan ng kaisipang kolonyal, elitista, at komersyalisado ay


lubha ding nakakaantala sa pagyabong ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplinang esensyal sa
pagtataguyod ng kaunlaran. Kung gayon, ang pagsisikap sa intelektuwalisasyon ay pagsisikap
din na malansag ang tanikala ng kolonyalismo at elitismong matagal nang sumisikil sa
oryentasyon ng sambayan.

Gayunman, malaki pa rin ang gampanin ng edukasyon—magkatuwang ang mga


administrador, guro, mag-aaral—sa pagpapalawig ng Filipino dahil ito ang lunduyan ng mga

67

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________
pundamental na karunungan sa iba’t ibang disiplina at larangang magtataguyod ng kaunlaran ng
bansa. Kung kaya’t kailangan ding bakahin ang pagbabagong-hubog ng edukasyon tungo sa
pagiging makabayan. At malaki ang gampanin ng wikang Filipino dito (Filipinolohiya).

Ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino ay nasimulan na at nagpapatuloy sa


pamamagitan ng mga pagsisikap ng mga ahensya, pamantasan at paaralan, maging ng mga
iskolar na nananalig sa lakas ng wikang Pambansa bilang wikang maghahatid sa ating bayan sa
maaliwalas na bukas. Ang mga nalikhang patakaran, sulatin, publikasyon, maging personal na
pagsusumikap na mailangkap ang Filipino sa kinabibilangang disiplina, lalo na ang umiigting pang
pagkilos ng nagkakaisang mga sektor na nagmamahal sa wika ay nagsisilbing suhay ng
intelektuwalisasyon ng Filipino.

At hindi lamang nag-iisa ang ating bansa sa pagsisikap na ito. Maraming nasyon na
mayaman din sa kultura at wika ang patuloy na nagsusumikap sa kanilang intelektuwalisasyon,
kasabay ng pagbaka sa mga puwersang umaantala sa kanilang pag-unlad. Hindi lamang tayo
ang bansang nasasailalim sa kultural na hegemonyang bunsod ng neoliberal na globalisasyon.
Malakas ang anyaya ng diwang internasyunalismo bilang bigkis ng mga mga nasyong nakikibaka
para sa kanilang kalayaang pampolitika, pangekonomiya, at pangkultura (kabilang ang wika at
edukasyon).

“Intellectualization must be an essential Philippine process.” Kaya dapat patuloy nating


bakahin ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na paggamit
nito sa iba’t ibang disiplina at larangan. Dapat paigtingin din ang intelektuwalisasyon ng Filipino
at ang partisipasyon para dito, hanggang sa malawak na populasyon. Katutubo man o mula sa
ibang bayan, pandayin ang mga karunungan madudukal dito gamit ang wikang Filipino na siyang
magsisilbing muhon ng pambansang kaunlarang inaasam-asam ng sambayang Pilipino.

68

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________

PINAL NA PAGSUSULIT (FINAL EXAM)


Sumulat ng artikulo na tumatalakay sa alinmang paksa sa ilalim ng kursong inyong
kinabibilangan. Talakayin sa pamamagitan ng wikang Filipino ang mga susing konsepto (key
concepts) at mga terminolohiya, mga teorya, mga proseso, maging mga pagpapaliwanag at
pagbibigay halimbawa para sa mga ito. Ang inyong paksa ay maaaring:
Introduksyon sa Sikolohiya (kung Sikolohiya ang kinukuhang kurso)
Mga Simulain sa Pilosopiya (kung Pilosopiya ang kinukuhang kurso)
Mga Teorya sa Agham Pampolitika (kung Agham Pampolitika ang kinukuhang kurso)
Maikling Kasaysayan ng Ekonomiks (kung Ekonomiks ang kinukuhang kurso)
Mga Batayang Konsepto ng Sosyolohiya (kung Sosylolohiya ang kinukuhang kurso)
At iba pa.
Sumangguni sa mga batayang babasahin at aklat ng inyong kurso para magkaroon ng ideya
sa magiging laman ng inyong artikulo. Halimbawa, kung may batayang aklat kayo na may
sampung kabanata, maaari na ang isa sa alinmang kabanata mula doon para maging paksa ng
inyong artikulo.
Ang mga babasahin at talakay sa modyul na ito ay makatutulong naman sa kung paano ninyo
isusulat sa wikang Filipino ang paksang inyong tatalakayin—magmula sa paraan ng pagsasalin
ng mga terminolohiya hanggang sa kung paano ito maipapahayag sa paraang mauunawaang
lalo ng mga mambabasa.
Kailangan dumaan din sa balidasyon ang iyong artikulo mula sa ilang eksperto sa inyong
paksa at pangunahin na riyan ang mga inyong guro. Ito ay upang matiyak ang kawastuhan ng
pagtalakay ng napili ninyong paksa—mula sa pagkakasalin, pagkakaunawa, at pagkakagamit ng
mga terminolohiya, susing konsepto, teorya, proseso, hanggang sa pagpapaliwanag sa mga ito.
Dapat na hindi kukulangin sa lima (5) at hindi lalagpas sa sampung (10) pahina ang inyong
artikulo. Sundin ang sumusunod na pormat: 8” x 11”, Arial, 11, 1.5 espasyo bawat pangungusap.
2.0 espasyo bawat talata, 1 pulgadang margin sa bawat gilid. Lagyan din ng bibliograpiyang nasa
APA na pormat sa pagtatapos ng artikulo.

Paraan ng Paggrado:
Teknikalidad (gramatika, kapitalisasyon, pagbabantas at pagsunod sa pormat, atbp) – 10%
Pagpapahayag (paggamit ng lengguwahe, maayos na pagtatahi-tahi ng mga ideya at daloy ng
pagtalakay) –45%
Nilalaman – 45%
Kabuuan – 100%

69

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)


lOMoARcPSD|12312658

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
ZZ Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Pang-Akademiko
Kolehiyo ng Arte at Letra

Kagawaran ng Filipinolohiya
_____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

70

Downloaded by Jhe Esco (escobanasjhen@gmail.com)

You might also like