Paano nga ba nakalaya ang mga Pilipino sa kalupitan at hindi makatarungang
pamamahala ng mga Kastila? Paano nga ba nagamot ang bawat kanser ng ating lipunan? Masasabi nga bang isang ganap na Malaya ang ating bansa? Habang pinapanuod ko ang palabas na ito hindi ko maiwasan ang pagtulo ng mga luha ko. Nakalulungkot isipin na sobra sobra ang hirap na pinagdaanan ng mga kapwa ko Pilipino noong mga panahong iyon, ngunit sa kabilang banda ay nakaramdam ako ng kaunting tuwa dahil hindi ko naranasan ang mga bagay na kanilang pinagdaanan. Napakaraming suliranin ang kinakaharap ng mga Pilipino noong panahon ng mga kastila, ngunit ang pumukaw ng aking atensyon ay ang mga obra maestra na isinulat ni Rizal. Sa pamamagitan ng mga obrang ito naging bukas ang isipan ng mga Pilipino. Nagising sila sa katotohanan na sobra na ang mga kalupitan na kanilang natatamasa mula sa mga kamay ng mga Kastila. Malaki rin ang naging impluwensiya nito sa puso at isip ng bawat Pilipino, dahil dito natuto silang bumangon, lumaban at ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Nakalaya ang mga Pilipino dahil sa mga obra na isinulat ng ating pambansng bayani na si Dr. Jose Rizal. Sapagkat isinulat niya ang mga obrang ito ng walang halong takot sa mga kastila kahit na alam niya na maaring siyang mapahamak. Marami man ang nagsasabi sa kanya na maaari siyang mapahamak dahil sa mga nobelang kaniyang nilikha ngunit hindi siya nagpatinag. Sa pamamagitan ng kanyang mga akda ipinakita nya ang bulok na pamamahala ng pamahalaan at maling pamamalakad ng relihiyong katolisismo at mga kawani ng gobyerno ng espanya, ngunit hindi nagpadaig sa takot ang ating pambansang bayani.Dahil sa pagmamahal niya sa inang bayan ibinuwis niya ang kanyang buhay ng walang takot at pag-aalinlangan.Buong tapang niyang hinarap ang isang panganib alang- alang sa bayan. Iisa lamang ang hangarin ni Rizal ito ay ang magkaroon ng pantay pantay na karapatan ang bawat Pilipino at magkaroon ng kalayaan ang bawat isa. Hindi ko inakala na may isang tao pala na gagawin ang lahat para sa kaniyang bayan. Dahil sa mga nobelang ito mas lalong nakilala ng mga Pilipino ang kanilang mga sarili natuto silang ipagtanggol ang sarili nilang karapatan. Tunay na kahanga hanga ang ipinamalas ng ating pambansang bayani, sinong tao ba ang makaiisip na higit na mas makapangyarihan ang pluma o panulat kaysa sa mga patalim. Pinatunayan niya na hindi kailangan ng madugong labanan upang maasam ang kalayaan na hinahangad ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng pluma nailahad ni Rizal ang kanyang saloobin sa mga kapwa ko Pilipino. Sa pamamagitang ng pluma nabigyan ng lunas ang kumakalat na kanser ng ating lipunan, sa pamamagitan ng pluma nagising ang mga Pilipino sa kaalispustahan ng mga Kastila at higit sa lahat sa pamamagitan ng pluma unti- unting naging malaya ang inang bayan mula sa mga aserong kamay ng banyaga at dito na nga nagsimulang magkaroon ng kalayaan at karapatang ang mga Pilipino sa sariling Bayan.
Bilang isang kabataan na bunga ng isang makabagong henerasyon, hindi ko naranasan
ang mga bagay na naranasan ng mga Pilipino noong mga panahon ng Kastila, ngunit sa pamamagitan ng pag-aaral sa bawat kasaysayan ng ating bansa ay unti-unti akong namulat, natuto at humanga sa mga taong walang takot na nakipaglaban at nagbuwis ng kanilang buhay alang-alang sa kalayaan na inaasam. Nalaman ko na ibang- iba pala talaga ang panahon noon sa panahon ngayon, hindi ko maiwasang tanungin ang aking sarili na kung ako kaya ang nasa kalagayan ng mga Pilipino noon magagawa ko rin kaya na ibuwis ang sarili kong buhay para sa bayan? Sa palagay ko’y hindi , dahil hindi naman ako kasing tapang ng ating pambansang bayani. Maiisip ko rin kaya na maaaring makatulong ang mga obra upang mapalaya ang ating bansa? Sa tingin ko ay hindi ,dahil hindi naman ako kasing talino at kasing galing ng ating pambansang bayani. Nakalulungkot lang isipin na sa kabila ng lahat ng sakripisyo ng ating mga bayani may mga tao paring hindi nakikita ang tunay na halaga ng mga obrang inilathala ni Rizal, may mga taong sadyang nagbubulagbulagan sa tunay na kalagayan ng ating bansa. Gayon pa man naniniwala ako na balang araw makikita din ng bawat isa ang tunay na halaga ng mga obrang ito, dahil kahit lumipas man ang mahabang panahon ang mga ipinamalas ng ating mga bayani ay hinding hindi mabubura sa puso at isipan ng bawat Pilipino. Masasabi nga ba nating isang ganap na malaya na ang ating bansa? Sa palagay ko’y oo ,dahil may karapatan na tayong gawin ang mga bagay na nais nating gawin at mayroon na tayong sapat na lakas upang protektahan ang ating mga sarili at higit sa lahat mayroon na tayong batas na ipinatutupad sa mga taong nakagagawa ng mga gawaing hindi makatarungan. Kung noon ay hawak tayo sa leeg ng mga kastila na walang ibang ginawa kung hindi maging sunod sunuran at gawing alipin sa sariling bayan, ngayon ay maaari na tayong mamuhay ng tahimik,malaya at walang pangangamba. Subalit hindi dito natatapos ang mga suliranin na dumarating sa ating bansa, katulad ng walang katapusang pakikipaglaban sa mga karapatan ng ating teritoryo, pagtangkilik at pagmamahal sa kultura ng ibang bansa, pag-aaral sa ibang wika at higit sa lahat ang mga suliraning kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan ito ay ang unti-unting pagpatay sa wikang Filipino. Hindi ko lubos na maisip na hahantong tayo sa ganitong sitwasyon. Ang wikang ipinaglaban ni Gat Jose Rizal ay unti-unting naring pinapatay ng mga gobyernong namamahala sa ating bansa. Sa kabilang banda naisip ko na hindi ganap na tunay na malaya ang ating bansa. Dahil minsan ang pagiging malaya ay hindi nagagamit sa tama. Ang pagiging isang malaya ay hindi masasabing isang ganap na malaya kung sa sariling bayan hindi ka kayang ipaglaban dahil sa tunay na buhay sila pa ang ating kalaban. Kung nabubuhay lamang ang ating pambansang bayani ngayon, Ano kaya ang mararamdaman niya? Sa palagay ko’y pagsisishan niya na itinaya niya ang sarili niyang buhay para lamang makamit ang kalayaan ng ating bansa dahil may mga Pilipinong patuloy paring nagpapasakop sa mga dayuhan, may mga Pilipino paring mas tinatangkilik ang ibang wika upang makasabay lamang sa agos ng panahon. Nakakalungkot isipin na ang bansang pinaniniwalaan mong ganap ng malaya ay hindi pala matatawag na isang malaya,kung nabubuhay lang sana si Rizal hindi niya hahayaan na humantong sa ganito ang sitwasyon nating mga Pilipino, hindi niya hahayaang na maghari-harian ang ibang bayan sa sarili nating bayan, wala sanang mga Pilipino ang papasakop sa kultura ng iba. Pero, wala tayong magagawa dahil tapos na ang pagsasakripisyo niya sa atin at kailanman ay hindi na siya muling babalik pa upang ipagtanggol tayong muli sa mga kasalanang tayo mismo ang gumawa at nagsimula. Sabi nga sa kataga “Ang lahat ng problema ay may solusyon” ,pero paano nga ba masusulusyunan ang isang suliranin kung hindi tayo kikilos at magkakaisa .Paano nga ba masusulusyunan ang mga problema kung ang mga gobyerno na mismo ang gumagawa ng problema. Magkaisa man ang mga Pilipino sa pagsigaw ng kalayaan kung ang mga taong nasa itaas naman ay nagbibingi bingihan walang silbi ang pinagsama-samang tinig ng mamayan. Sa paglipas ng panahon hindi na ako magtataka pa kung isang araw magising nalang tayo sa katotohan na tuluyan na tayong sinakop ng mga dayuhan dahil karamihan sa mga Pilipino ay mabilis malason ang isipan at madaling mahulog sa mga mabubulaklak na salita. Ngunit sa kabilang banda, hindi dito nagtatapos ang aking pag-asa na muling makakamit ng mga Pilipino ang tunay na kalayaan dahil naniwala parin ako sa katagang sinabi ni Gat Jose Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng Bayan”Alam kong maraming kabataan ang tumatalikod sa katagang ito dahil narin siguro sa pangit na takbo ng ating panahon ngayon. Gayunpaman mas marami paring kabataan ang alam kung tunay na nagmamahal sa sariling bayan at kabilang na ako don. Ang mga kabataang magpapalaya sa ating bansa ang mga kabataang magbibigay ng inspirasyon sa mga susunod pang henersyon .Alam kong balang araw may darating na isang kagaya ni Rizal na gagamit muli ng pluma upang imulat muli ang mga Pilipinong tuluyan ng nabulag ng mga dayuhan. Naniniwala ako na balang araw muling makakakita ang mga Pilipino lalo na ang mga gobyernong namamahala sa ating bansa at magigising ang mga Pilipino sa mga mali nilang gawa, balang araw makikilala ang bansang Pilipinas dahil tayo ay mayroong nang pagkakaisa at balang araw makikita nila ang mga pinagdaanan ng ating pambansang bayani para sa Inang bayan at kapwa Pilipino.