You are on page 1of 1

BIONOTE – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin ang kahulugan ng tinatawag na bionote at

ang dahilan, layunin, katangian, mga bahagi at halimbawa nito.

Ito ay ang maikling paglalarawan ng manunulat na ang gamit ay ang pananaw ng ikatlong tao na
kadalasang inilalakip sa kaniyang mga naisulat. Ito rin ay isang nakapagtuturong talata na
nagpapahayag ng mga katangian ng manunulat at ang kaniyang kredibilidad bilang propesyonal.

Sinusulat ito para malaman ng mga mambabasa ng karakter at kredibilidad sa larangang


kinabibilangan, ito rin ay isang daan para maipakilala ng manunulat ang kanyang sarili sa mga
nagbabasa.

Ang layunin nito ay ito’y ginagamit para sa sariling profile ng isang tao parang katulag ng
kanyang academic career at iba pang nalalaman ukol sa kanya.

Mga Bahagi Nito

 Personal na impormasyon – mga pinagmulan, ang edad, ang buhay kabataan hanggang
sa kasalukuyan
 Kaligirang pang-edukasyon – ang paaralan, ang digri at karangalan
 Ambag sa larangang kinabibilangan – ang kanyang kontribusyon at adbokasiya

Mga Katangian ng Ayos na Bionote


 Maikli ang nilalaman
 Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
 Kinikilala ang mambabasa
 Gumagamit ng baligtad na tatsulok mula sa pinakamahalaga hanggang sa hindi gaanong
pinakamahalaga
 Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
 Binabanggit ang degree kung kailangan
 Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
S
Halimbawa
 JOHNSON, JONAS – Isinilang sa lungsod ng Derry sa bansang Ireland at diyan siya
nakapagtapos ng hayskul sa Coleraine. Ninais niyang maging isang fighter pilot ngunit
hindi siya kwalipikado. Ngunit kahit hindi niya makamit ang pagiging piloto ay may
nalalaman na siya sa mga makina. Sa kasalukauyan ay nagtatrabaho siya sa isang
pamilihan ng machine parts bilang isang drayber ng delivery truck. Isa rin siyang
miyembro ng isang pangkat na pawang mga taong hindi angkop sa lipunan na tinatawag
na pinamumunuan ng isa ring misfit na si Franz Piero.

You might also like