You are on page 1of 23

1

Kabanata I
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Introduksyon
Ang pagnenegosyo ay isang paraan upang kumita ng pera na ipanggagastos sa
pang-araw-araw na pamumuhay. Maraming uri ng negosyo ang pwedeng pasukin ng
isang indibidwal o isang grupo upang gawing hanapbuhay.
Sa panahon ngayon, maraming negosyo na ang naglipana. Nariyan
nagsusulputan ang ibat ibang uri ng negosyo na mabilis naman pumapatok sa mga
mamimili. At sa paglipas ng panahon, unti-unting nag-iiba ang paraan ng pagbebenta
ng mga produkto. Kung dati sa mga pwesto sa mga malls, bangketa at palengke tayo
makakabili ng mga produkto ngayon nariyan na ang mga pamamaraang online katulad
na lamang ng paggamit ng social networking sites dahil ngayon, patok na patok sa mga
tao ang paggamit ng mga social networking sites. Maraming negosyante ang
gumagamit ng mga social networking sites ngayon dahil sa pamamagitan ng mga ito
mas napapadali at nagiging mas convenient ang transakyon ng negosyo sa pagitan ng
online buyer at online seller. Ang mga social networking sites na ito ang nagiging tulay
upang mas makatipid sa oras at pagod ang mga mamimili sa pagbili ng mga produkto
dahil kahit nasa bahay lamang basta mayroon kang internet connection at kompyuter
na maaaring gamitin upang makapaghanap ng mga produkto makakabili ka ng produkto
na gusto mo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga panuto kung paano mabibili ang
mga produktong nagustuhan.

2

Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay may layunin na matukoy ang mga epekto ng social
networking sites bilang paraan ng pagbebenta ng produkto.
Samakatuwid, ang mga mananaliksik ay naglalayong matugunan ang mga
sumusunod na katanungan:
1. Anu-ano ang mga mabuti at di mabuting naidudulot ng pagbili ng mga produkto sa
social networking sites?
2. Ano ang nagiging batayan ng mga mamimili sa pagbili ng mga produkto sa social
networking sites?
3. Ano ang pinagkaiba ng pagbebenta sa social networking sites sa tradisyunal na
istilo ng pagbebenta?

Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong:
1. Matukoy ang ibat ibang epekto ng social networking sites sa pagbebenta ng
mga produkto.
2. Maikumpara ang epekto ng paggamit ng social networking sites sa iba pang
paraan ng pagbebenta ng mga produkto.
3. Makapaglahad ng mga ideya na makakatulong sa pagbebenta ng mga produkto
gamit ang mga social networking sites.

3

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang makatulong sa mga online seller
kung paano pa nila mapapaganda ang paraang kanilang ginagamit sa pagbebenta ng
produkto. Sa pamamagitan din ng pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay
makakakalap ng impormasyon na makakatulong upang malaman ang mga epekto ng
social networking sites bilang paraan ng pagbebenta ng produkto na makakatulong sa
mga nagbabalak mag negosyo gamit ang social networking sites sa pagbebenta ng
produkto.

Saklaw at Delimitasyon
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga mag-aaral ng Far Eastern
University na bumibili ng mga produkto gamit ang mga social networking site at sa mga
epekto ng social networking sites bilang paraan ng pagbebenta ng produkto. Ang mga
respondente na pawang mga mag-aaral ng Far Eastern University ay nanggaling sa
ibat ibang instituto sa nasabing unibersided at napili sa pamamagitan ng random
sampling technique.
Ang mga mananaliksik ay kukuha ng mga opinion sa limampung mag-aaral ng
Far Eastern University na bumibili ng mga produkto gamit ang social networking sites
sa pamamagitan ng talatanungan o survey questionnaire.


4

Teoretikal/ Konseptwal na Balangkas


Depinisyon ng mga Terminolohiya
1. Social networking sites- isang midyum na ginagamit ng mga negosyante upang
ibenta ng madali ang kanilang mga produkto.
2. Online buyer- sila ang mga tao na bumibili ng mga produkto na ibinebenta gamit
ang mga social networking sites.
3. Online seller- sila ang mga tao na gumagamit ng social networking sites sa
pagbebenta ng kanilang mga produkto.
4. Target market- sila ang mga tao o konsyumer na isinasaalang-alang ng mga
seller sa pagbebenta nila ng mga produkto.
Mga Epekto ng
Social
Newtorking Sites
bilang
Paraan ng
Pagbebenta ng
mga Produkto
Social
Networking Sites
Paraan ng Pagbebenta
ng mga Produkto
Epekto
5

Kabanata II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

Ang bahagi na ito ay naglalahad ng mga pag-aaral o literature na may
kaugnayan sa mga epekto ng social networking sites sa pagbebenta ng mga produkto
ayon sa persepsyon ng mga estudyante mula sa Far Eastern University.

Social Networking Sites
Sa panahon ngayon, patok na patok ang internet sa lahat, lalo na ang mga
online social communities. Ayon kay Kotler at Armstrong (2011), ang online social
communities ay mga blog, social networking sites, o iba pang virtual worlds kung saan
ang mga tao ay nakikihalubilo at nakikipag-socialize o nagpapalitan ng impormasyon at
opinion.
Ang social networking sites (SNSs) ay mga web-based na serbisyo na
nagbibigay daan sa mga indibidwal upang (1) makagawa ng publiko o semi-publikong
profile sa isang bounded system, (2) makabuo ng listahan ng ibang users na may
kapareho silang interes o koneksyon, at (3) makita at malaman ang mga bagong
nagaganap o mga update sa buhay ng mga kapwa-users sa loob ng sistema
(http://jcmc.indiana.edu/vol13/issue1/boyd.ellison.html).
Maraming ibat ibang uri ng social networking sites, ngunit ang pinakasikat sa
lahat ay ang facebook. Ang facebook ay isang website na unang ginawa ni Mark
6

Zuckerberg para kanyang mga kapwa-estudyanteng nasa kolehiyo sa Harvard
University. Sa pagsikat at pagdami ng mga users ng facebook, ito ay ginawa na rin
nilang accessible sa kahit na sino, basta sila ay labing-tatlong taong gulang pataas. Ang
facebook ay maaaring magamit upang makagawa ng sariling customized profile. Maari
ring mag-upload ng mga larawan, video, at impormasyon tungkol sa mga users.
Mayroon ding mga friends na maaaring makakita nga mga post ng mga users sa
kanilang mga profile (http://www.techterms.com/definition/facebook).
Marami pang ibang uri ng social networking sites. Isa pa sa mga pinakasikat ay
ang twitter. Ito ay ginawa ni Jack Dorsey at unang inilabas sa publiko noong March
2006. Ang twitter ay isa ring online service na nagbibigay daan sa mga users nito na
makakuha ng ibang update sa mga kapwa-users sa pamamagitan ng pagsagot sa
katanungang: What are you doing? Ang mga post sa twitter ay tinatawag ring tweets.
Ang mga ito ay may limitasyon na hanggang 140 na karakter lamang. Ang kaibahan ng
twitter sa ibang social networking sites ay ang bilis sa pagpopost ng mga update dito.
Kung ikukumpara sa iba, mas mabilis makakuha ng update dito
(http://www.techterms.com/definition/twitter).
Napakarami pang ibang social networking sites tulad ng youtube, tumblr,
myspace at iba pa. Sa mga social networking sites na ito, mas madali at mabilis
malaman ang ginagawa ng mga kaibigan at ang ibat ibang uso o trend hindi lamang sa
Pilipinas, kundi sa buong mundo.

7

Ang mga sumusunod ay ang listahan ng mga nangungunang social networking
sites sa buong mundo ayon sa (http://www.ebizmba.com/articles/social-networking-
websites):
Social Networking
Sites
Estimated Monthly
Visitors
1. Facebook 750 000 000
2. Twitter 250 000 000
3. LinkedIn 110 000 000
4. MySpace 70 500 000
5. Google Plus+ 65 000 000
6. DeviantArt 25 500 000
7. LiveJournal 20 500 000
8. Tagged 19 500 000
9. Orkut 17 500 000
10. CafeMom 12 500 000
11. Ning 12 000 000
12. Meetup 7 500 000
13. myLife 5 400 000
14. Badoo 2 500 000
15. MeetMe 2 400 000


8

Online Marketing
Tayo ay naninirahan sa isang high-tech na mundo ngayon. Lahat ng mga bagay
ay mas napapadali ng teknolohiya. Sa ngayon, mas pinadali na rin ang pagbili at
pagbebenta ng mga produkto. Hindi na kailangan ang personal na transaksyon. Maari
nang makabili ng ibat ibang produkto sa pamamagitan ng internet.
Ayon kay Kotler at Armstrong (2011) ang online marketing ang pinakamabilis na
lumalagong uri ng direct marketing. Ito ang malawakang paggamit ng internet sa pagbili
at pagbebenta ng ibat ibang produkto. Ito ay mayroong malaking impact sa mga
mamimili at sa mga nagbebenta.
Ang nasasaklaw ng online marketing ay ang paghanap at pagpili ng tamang
marketing strategy na makakakuha ng atensyon ng target market upang makagawa ng
sales o benta (http://sbinfocanada.about.com/od/marketing/g/onlinemarketing.htm).
Mayroong ibat ibang uri ng online marketing. Ito ay ang mga sumusunod:
Ecommerce
Online Advertising
Search Engine Marketing
Email Marketing
Social Media Marketing
Article Marketing


9

Ayon kay Kotler at Armstrong (2011), mayroong apat na uri ng online marketing
domains. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Business-to-Consumer
- Ito ang pagbebenta ng mga produkto at serbisyo mula sa mga nagbebenta
patungo sa mga pinal na konsyumer sa pamamagitan ng internet.
2. Business-to-Business
- Ito ang paggamit ng online marketing upang makahanap ng mga business
customers, bago man o luma, upang makakuha ng buying efficiencies at mas
magandang presyo.
3. Consumer-to-Consumer
- Ito ang pagpapalitan ng impormasyon online tungkol sa mga produkto at
serbisyo sa pagitan ng mga pinal na konsyumer.
4. Consumer-to-Business
- Ito ang palitan kung saan ang konsyumer ang naghahanap ng mga seller,
nagsusuri sa impormasyon ng produkto ng mga seller, nagpapanimula ng
pagbili, at minsan pa nga ay nagbibigay ng terms ng transaksyon.





10

Kabanata III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Disenyo
Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong uri ng metodolohiya
kung saan ang mga mananaliksik ay naghanda ng talatanungan o survey questionnaire
upang makalikom ng datos. Para sa mga mananaliksik ito ang pinaka angkop na
paraang dapat gamitin sa kanilang pag-aaral upang makakalap ng mas maraming mga
datos sa mga respondente.

Respondente
Ang mga mananaliksik ay kumalap ng mga impormasyon sa tulong ng
limampung mag-aaral ng Far Eastern University na bumibili ng mga produkto gamit ang
social networking sites mula sa ibat ibang instituto sa unibersidad.


Instrumento sa Pagkalap ng Datos
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng instrumento na kung tawagin ay
talatanungan o survey questionnaire. Ang mga talatanungan na ito ay pinasagutan sa
limampung mag-aaral ng Far Eastern University na bumibili ng mga produkto gamit ang
social networking sites, upang makakalap ng mga datos.
11

Tritment ng mga Datos
Ang mga datos na nakalap ay isinalin sa pamamagitan ng pagta-tally at pagkuha
ng porsyento ng mga sumagot sa partikular na tanong. Naging madali lamang ang
pagkuha ng mga porsenyento dahil ang gagawin lamang ay susundin ang pormula sa
baba.





12

Kabanata IV
RESULTA AT PAGLALAHAD


Ayon sa resulta ng ginawang questionnaire ng mga mananaliksik, ang
karaniwang ginagamit ng mga respondente sa katanungang, Anu-anong mga social
networking sites ang ginagamit mo upang makahanap ng produktong gusto mong
bilhin? Ang sumagot ng Facebook ay may kabuuang 100%., Twitter na may 26%,
Instagram na may 18%, Others na may 16%, at ang huli ay ang Multiply na may
pinakamaliit na 8%. Sa kabuuan, ang may pinakamalaking porsyento ng kadalasang
ginagamit na social networking sites upang makahanap ng produkto ay ang Facebook
na nagsisilbing pangunahing paraan sa pagbebenta ng mga produkto
0%
20%
40%
60%
80%
100%
120%
Facebook Twitter Instagram Multiply Others
B
i
l
a
n
g

n
g

m
g
a

s
u
m
a
g
o
t


Social Networking Sites
Anu-anong mga social networking sites ang
ginagamit mo upang makahanap ng produktong
gusto mong bilhin?
Series 1
13


Ayon sa resulta ng ginawang talatanungan ng mga mananaliksik, sa
katanungang, Anu-anong mga produkto na ang nasabukan mong bilhin gamit ang
social networking sites? Ang sumagot ng Damitay 56%, Accessories na may 24%, ang
Ballers at Others na may parehong 22%, ang Shoes na may 20%, at ang huli ay Bags
na may 10%. Sa kabuuan, damit ang may pinakamalaking porsyento ng produkto na
binibili ng mga respondente sa internet.




0%
10%
20%
30%
40%
50%
60%
Damit Accessories Phone
cases
Ballers Shoes Bags Others
B
i
l
a
n
g

n
g

m
g
a

s
u
m
a
g
o
t

Produkto
Anu-anong mga produkto na ang nasabukan
mong bilhin gamit ang social networking sites?
Series 1
14


Ayon sa resulta ng ginawang talatanungan ng mga mananaliksik, sa
katanungang, Magkano ang nagagastos mo sa isang transaction sa pagbili ng
produkto gamit ang social networking sites? Ang sumagot ng P901 pesos pataas ay
may 34%, ang P301- 600 pesos at P601- 900 ay may 28%, ang P100- 300 na may
22%. Sa kabuuan, ang pinakamalaking nagagastos ng respondente sa pagbili ng
produkto sa internet ay nagkakahalagang P901 pataas.



0%
5%
10%
15%
20%
25%
30%
35%
40%
P100- 300 P301- 600 P601-900 901 pataas
B
i
l
a
n
g

n
g

m
g
a

s
u
m
a
g
o
t

Gastos
Bilang ng nagastos sa pagbili ng produkto ng
mga mag-aaral ng FEU
Series 1
15


Ayon sa resulta ng ginawang talatanungan ng mga mananaliksik, sa
katanungang, Paano mo natatanggap ang iyong nabiling produkto? Ang sumagot ng
Meet-up ay may 76% at ang sumagot naman ng Door-to-door delivery ay may 42%. Sa
kabuuan, ang karaniwang pagtanggap ng nabiling produkto ay sa pamamagitan ng
pag- mimeet up, kung saan mas angkop itong gamitin dahil tiyak mong makukuha ang
binili mong produkto.




0%
10%
20%
30%
40%
50%
60%
70%
80%
Meet- up Door-to-door delivery
B
i
l
a
n
g

n
g

m
g
a

s
u
m
a
g
o
t

Paraan ng pagtanggap
Paano mo natatanggap ang iyong nabiling
produkto?
Series 1
16


Ayon sa resulta ng ginawang talatanungan ng mga mananaliksik, sa
katanungang, Sa iyong palagay, tama ba ang presyo na ipinapataw ng mga seller sa
mga produktong mabibili sa social networking sites? Ang sumagot ng Oo ay may
kabuuang porsyentong 74 at ang sa Hindi ay 30%. Sa kabuuan, ang pinakamaraming
tugon na nakalap ay ang pagsagot ng Oo na kung saan ang mga mag-aaral ng FEU ay
sumasang-ayon na tama lang ang ibinibigay na presyo ng mga seller sa mga
produktong mabibili gamit ang social networking sites.
0%
10%
20%
30%
40%
50%
60%
70%
80%
Oo Hinde
B
i
l
a
n
g

n
g

m
g
a

s
u
m
a
g
o
t

Opinyon sa presyo
Sa iyong palagay, tama ba ang presyo na
ipinapataw ng mga seller sa mga produktong
mabibili sa social networking sites?
Series 1
17


Ayon sa resulta ng ginawang talatanungan ng mga mananaliksik, sa
katanungang Ano ang unang batayan na iyong isinasaalang-alang sa pagbili ng mga
produkto? Ang sumagot ng Kalidad ay may 66%, ang Disenyo na may 44%, ang
Presyo na may 32%, at ang Tatak na may 14%. Sa kabuuan, ang karaniwang batayan
ng mga respondente sa pagbili ng produkto ay ang kalidad nito.

0%
10%
20%
30%
40%
50%
60%
70%
Presyo Kalidad Tatak Disenyo
B
i
l
a
n
g

n
g

m
g
a

s
u
m
a
g
o
t

Batayan sa pagbili
Ano ang unang batayan na iyong isinasaalang-
alang sa pagbili ng mga produkto?
Series 1
18


Ayon sa resulta ng ginawang talatanungan ng mga mananaliksik, sa
katanungang Anu-anong mga suliranin ang iyong naranasan sa pagbili ng mga
produkto sa social networking sites? Ang sumagot ng Wala ay 34%, ang Oras at
Paraan na may 22%, Scammers ay may 18% at Pera na may 10%. Sa kabuuan, ang
pinakamaraming tugon na nakalap ay ang pagsagot ng Wala na kung saan, ang mga
mag-aaral ng FEU ay nagsasabing wala silang suliranin na naranasan sa pagbili ng
produkto sa internet.





0%
5%
10%
15%
20%
25%
30%
35%
40%
Wala Pera Oras Paraan ng
Pagbabayad
Scammers
B
i
l
a
n
g

n
g

m
g
a

s
u
m
a
g
o
t

Suliranin sa pagbili
Anu-anong mga suliranin ang iyong naranasan sa
pagbili ng mga produkto sa social networking
sites?
Series 1
19



Ayon sa resulta ng ginawang talatanungan ng mga mananaliksik, sa
katanungang, Bilang isang online buyer sa social networking sites, anong mabuting
pakinabang ang iyong makukuha dito? Ang sumagot ng Mabilis maghanap ng produkto
ay may 58%, Bawas sa pagod na may 52%, Matipid sa oras na may 28% at Others na
may 2%. Sa kabuuan, ang pinakamaraming tugon na nakalap ay ang pagsagot ng
mabilis makahanap ng produkto.

0%
10%
20%
30%
40%
50%
60%
70%
Matipid sa oras Bawas sa pagod Mabilis maghanap ng
produkto
Others
B
i
l
a
n
g

n
g

m
g
a

s
u
m
a
g
o
t

Mabuting pakinabang
Bilang isang online buyer sa social networking
sites, anong mabuting pakinabang ang iyong
makukuha dito?
Series 1
20


Ayon sa resulta ng ginawang talatanungan ng mga mananaliksik, sa
katanungang, Ano ang mas pipiliin mong paraan ng pagbili? Ang sumagot ng
Tradisyunal na pagbili sa mga pwesto ay may 82% at ang sumagot ng Pagbili sa social
networking sites ay may 24%. Sa kabuuan, ang paraan na ginagamit ng aming mga
respondente sa pagbili ng produkto ay ang tradisyunal na pagbili sa mga puwesto.





0%
10%
20%
30%
40%
50%
60%
70%
80%
90%
Tradisyunal na pagbili sa mga pwesto Pagbili sa social networking site
B
i
l
a
n
g

n
g

m
g
a

s
u
m
a
g
o
t

Paraan ng pagbili
Ano ang mas pipiliin mong paraan ng pagbili?
Series 1
21


Ayon sa resulta ng ginawang talatanungan ng mga mananaliksik, sa
katanungang Bilang isang online buyer, masasabi mo bang epektibo ang paraang
paggamit ng social networking sites sa pagbebenta ng mga produkto? Ang sumagot ng
Oo ay may 66%, ang Medyo na may 36% at ang Hindi na may 4%. Sa kabuuan, ang
pinakamaraming tugon na nakalap ay ang pagsagot ng Oo na kung saan
nangangahulugan na epektibo ang paggamit ng social networking sites bilang paraan
sa pagbebenta ng produkto.




0%
10%
20%
30%
40%
50%
60%
70%
Oo Medyo Hindi
B
i
l
a
n
g

n
g

m
g
a

s
u
m
a
g
o
t

Kung Epektibo
Bilang isang online buyer, masasabi mo bang
epektibo ang paraang paggamit ng social
networking sites sa pagbebenta ng mga
produkto?
Series 1
22

Kabanata V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Lagom
Ayon sa resulta ng pag-aaral na pinamagatang Mga Epekto ng Social
Newtorking Sites bilang Paraan ng Pagbebenta ng mga Produkto (1) Mas marami ang
nagsabi na sa Facebook sila humahanap ng mga produktong gusto nilang bilhin. (2)
Damit ang kadalasan nilang binibili. (3) P901 pataas ang madalas nilang nagagastos sa
pagbili ng mga produkto. (4) Natatanggap nila ang kanilang mga binili sa pamamagitan
ng meet-up. (5) Marami ang nagsabi na tama ang presyo na ipinapataw ng mga seller
sa mga produktong mabibili sa social networking sites. (6) Mas marami ang nagsabi na
kalidad ang nagiging unang batayan nila sa pagbili ng mga produkto. (7) Mas marami
rin ang nagsabi na wala silang suliranin na naranasan sa pagbili ng produkto sa social
networking sites. (8) Mas marami rin ang nagsabi ng mabilis maghanap ng produkto sa
social networking sites. (9) Mas pinipili nila ang tradisyunal na paraan ng pagbili sa mga
pwesto. (10) Nasabi nila na epektibo ang paraang paggamit ng social networking sites
sa pagbebenta ng produkto.

Konklusyon
Ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng konklusyon na mayroon talagang mga
epekto ang paggamit ng social networking sites bilang paraan ng pagbebenta ng mga
produkto. Katulad na lang ng mas matipid ito sa oras, mababawasan ang iyong pagod
23

at mas mapapabilis ang paghahanap ng produkto. Nakakuha ng pinakamataas na
porsyento ang mabilis maghanap ng produkto na nangangahulugang kaya sila bumibili
sa social networking sites ay para hindi sila mahirapan sa paglilibot sa mga pwesto
upang makahanap ng mga gusto mong mga produkto. Pero base rin sa resulta ng
sarbey mas pinili ng mga respondente ang tradisyunal na paraan ng pagbili sa mga
pwesto na. Sa kabuuan, nangangahulugan ito na masasabing may mga epekto at
epektibo nga ang paggamit ng social networking sites sa pagbebenta ng mga produkto
ngunit mas pipiliin pa rin ng mga respondent na bumili sa mga pwesto dahil mas
nakakapili sila at mas nasusuri nila ang kanilang binibili.

Rekomendasyon
Ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay nagrerekomenda na mas mabuti
pa rin ang tradisyunal na pagbili sa mga pwesto sa malls, bangketa at palengke ng mga
produkto dahil mas masusuri mo ang produktong gusto mong bilhin. Sa paraang ito
mapapagod at mauubos ang iyong oras ngunit mas mapipili at masusuri mo ang mga
produktomh iyong ninanais.
Ang pag-aaral ring ito ay gustong magbigay ideya sa mga online seller sa mga
trends o patok na bilihin na maaaring ibenta.

You might also like