You are on page 1of 10

Mga Salik Upang Lalong Mapaunlad ang Negosyo Gamit ang Internet

Bilang Bahagi ng Pangangailangan

sa Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa Nina:

ABM 11 Y2-3

Ipinasa Kay:

Gng. Sherlyn Gonzales

Tagapayo

Mayo 2023
PAGHAHANDOG
PASASALAMAT/PAGLALAAN
ABSTRAK
TALAAN NG NILALAMAN
Kabanta I

Ang Suliranin at ang Kaligiran ng Pag-aaral

Panimula

Ang pakikipagnegosasyon online ay nagsimula pa noong 1900 kasabay ng pagdating ng Internet


kung saan ang transaksyon ng mga mangangalakal ay natawag ang pansin. Ang
pakikipagnegosasyon online ay nagbukas ng pinto ng oportunidad para sa maraming negosyante.
Mas lalong lumaganap ang pagnenegosyo gamit ang sosyal medya nang magka pandemya at
tinawag itong online business.

Ang online business ay isang proseso ng pagtitinda at pagbibili gamit ang internet. Karamihan ng
mga tao ngayon ay gumagamit na lamang ng internet sa pagnenegosyo. Sa pagkakaroon ng isang
online business ikinakailangan na tayo’y may sapat na kaalaman sa paggamit ng
teknolohiya,upang maiwasan ang pagkakamali at para mas mapalago na rin ng maayos ang
negosyo.

Ang pagbibili gamit ang internet ay malaking tulong sa bawat isa. Malaki ang maitutulong ng
online business dahil dito hindi mo na kailangang pumunta ng mall para lang makapagshopping.
Malaki din ang tulong nito dahil maghihintay ka lamang sa iyong tahanan at ito ay ipapadala na
lamang sayo. Ang pagtitinda naman gamit ang internet ay isang paraan ng pagnenegosyo. Ito rin
ay isang paraan upang kumita ng pera ang isang indibidwal. Higit sa lahat malaki ang
maitutulong ng pagtitinda gamit ang internet, lalo na sa mga taong walang sapat na oras para
pumunta sa mall at magshopping. Tulad na lamang ng mga negosyante sa mga malalaking
kumpanya,malaking tulong ang online business dahil kapag wala silang oras para pumunta ng
mall, pwedeng-pwede na silang magonline shopping.

Ang pagkakaroon ng isang online business ay isang magandang ideya. Magandang ideya ito dahil
sa simpleng pagkakaroon ng isang online business makakatulong ito upang mas mapalalim pa
ang kaalaman ng bawat isa tungkol sa negosyo at kung paano ito mapapalago. Magandang ideya
din ito dahil mas malaki ang makikita mo, dahil karamihan ngayon ay nagoonline shopping na
lamang.

Isa ang mga business networking sites sa usong – usong teknolohiya ngayon. Ang mga business
networking accounts na kilalang-kilala ngayon ay Amazon.com, Lazada.com, Shopee.com at pati
na rin sa mga sosyal medya gaya ng Facebook, Instagram, at Twitter ay mayroon na ring
nagtatayo ng negosyo.

Paglalahad ng Suliranin

A. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit tinatangkilik ng mga mamimili ang online business?

B. Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang ng isang negosyanteng magtatayo ng online business?

C. Anu-ano ang mga kalamangan at kahinaan ng pagnenegosyo gamit ang internet?

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay tukuyin ang mga estratehiya upang mapaunlad ang online
business. Mahalagang matutunan ng isang negosyante ang tamang paraan ng pagnenegosyo
gamit ang internet, malaking bagay sa isang negosyante na magkaroon ng sapat na kaalaman at
kakayahan kung paano patakbuhin ang isang negosyo. Ang pananaliksik na ito ay may layunin na
tukuyin ang mga dapat at hindi dapat gawin sa online business.

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay nangangako na ang pag-aaral na isinagawa ay makakapag hatid ng


impormasyon na makakatulong sa mga taong nasasaklaw ng pag-aaral na ito. Ang pananaliksik
na ito ay nagbibigay halaga hindi lamang sa mga negosyante kundi pati na rin sa mga mamimili.
Mahalaga ang pag-aaral na ito upang malaman nila kung ang online business ay isa bang
magandang uri ng negosyo, upang malaman ng mga negosynte ang mga estratehiya kung paano
patakbuhin ng maayos ang online business. Dagdag pa rito, malalaman din nila kung ano ang
mga epekto ng online business sa pagnenegosyo, magandang epekto man ito o hindi. Gayon din
ang kaalaman ng mga negosynte kung paano kumita ng madali sa online business.
Paradigma

INPUT

 Nais ng mananaliksik na malaman ang mga estratehiya upang mapaunlad ang online
business.

PROSESO

 Ang mananaliksik ay mamamahagi ng mga kwestyuner sa mga piling mamimili at nais


magtayo ng online business.

AWTPUT

 Inaasahan ng mananaliksik sa pag-aaral na ito na matukoy ang mga mabisang estratehiya


sa pagsasagwa ng online business.
Saklaw at Delimitasyon

Ang pagsasaliksik na ito ay isang prosesong paghahanap ng totoong impormasyon na


nagdaragdag ng kaalaman sa mga mananaliksik at sa mga mambabasa kung san ipinagsama
sama ang mga bagong kaalaman at mga napag-alaman ng mga mananaliksik. Ang pag-aaral na
ito ay sumasaklaw ng ilang mga indibidwal na siyang maging taga-tugon sa kwestyuner, sa
pamamagitan ng purposive sampling. Upang makalap ang mga impormasyon na kinakailangan sa
pagsusuring ito, kinakailangan ng 5 hanggang 10 na respondente na manggagaling sa mga
negosyanteng gumagawa ng online business.

Nilimitahan lamang ang mga kalahok sa pag-aaral na ito upang mapanatili ang kaligtasan ng
bawat mag-aaral na magsasagawa ng pagsasaliksik na ito. Pumili lamang ng mga tiyak na
indibidwal na magsasagot at magiging kalahok sap ag-aaral na ito upang magkatoon ng katiyakan
sa pagsagot sa mga katanungan at pagkalap ng impormasyon.
Depinisyon o Kahulugan ng mga Terminong Ginamit

Online Business – Ang online business ay isang negosyo na ginagamitan ng teknolohiya o


internet.

Sosyal Medya – Ang sosyal medya ay ang tawag sa mga interaktibong teknolohiya na nagsisilbing
tagapamagitan sa pagpapalitan, pamamahagi, at paglilikha ng mga impormasyon, kaisipan,
interes, at iba pang uri ng mga pahayag sa mundong digital.

Negosyo – Ang negosyo ay isang gawain na tumutulong sa isang tao o Samahan na magkaroon
ng kita upang maging hanap-buhay nila.

Internet – Ang internet ay isang sistema na ginagamit ng buong mundo upang makakonekta ang
mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng
telekomunikasyon.

Business Networking Sites – Ang business networking sites ay isang paraan ng mga negosyante
para maipakita o maipakilala sa mga mamimili ang kanilang produkto ng hindi gumagamit ng
mga magagastos na advertisements.

Estratehiya – Ang estratehiya ay isang salitang nangangahulugang mahusay na paraan o


mahusay na pamamaraan.

You might also like