You are on page 1of 7

ANG KABISAAN AT BENEPISYO NG ONLINE BANKING SA MGA MAG-

AARAL NG BACHELOR OF SCIENCE IN BUSINESS ADMINISTRATION 1ST


YEAR NG PAMANTASAN NG LUNSOD NG SAN PABLO

Bilang pagtupad sa Pangangailangan sa Asignaturang Filipino sa iba’t ibang disiplina

Kabanata 1

ANG SULIRANIN

Panimula

Ang online banking ay kilala rin bilang e-banking na tumutukoy sa paggamit


ng terminal, teklada, at subaybayang daan sa sistema ng pagbabangko sa
pamamagitan nang paggamit ng telepono. Ito rin ay nakatutulong sa customer na
maka-acess sa kanilang pondo sa pamamagitan ng kanilang mga mobile na telepono o
elektronikong gamit, sa gayon nababawasan ang pangangailngan ng mga kostumer na
magpunta sa mga pisikal na bangko upang gumawa ng transaksyong pananalapi. Sa
madaling salita ang online banking ay ang paggamit ng telepono at network ng
telekomunikasyon para sa paghahatid ng iba’t-ibang uri ng mga produkto at serbisyo
pagbabangko. Bukod dito, madaling maa-access ng mga kostumer ang kaniyang bank
account at makapagsagawa ng mga transaksyon sa pamamagitan nang paggamit ng
kaniyang kompyuter o mobile na telepono sa tulong ng online banking.

Sa ngayon, nag-aalok ang mga bangko ng iba't-ibang uri ng serbisyo sa


pamamagitan ng mga platapormang elektronikong pagbabangko. Ang mga bangko ay
nag-aalok ng impormasyon tungkol sa mga produkto at serbisyo nito sa mga
customer.

Bukod dito, ang ilang mga bangko ay tumatanggap at tumutugon din sa mga
tanong sa pamamagitan ng email. Pangalawa, pinapayagan ng mga bangko ang
kanilang mga kostumer na magsumite ng kanilang mga tagubilin o aplikasyon para sa
iba’t-ibang serbisyo, gaya na lamang ng pagtingin sa balanse ng kanilang account, at
iba pa. Bukod dito, pinapayagan ng mga bangko ang kanilang mga customer na
patakbuhin ang kanilang mga account para sa paglilipat ng pondo, pagbabayad ng bill,
pagbili at magredeem ng mga sekuridad, atbp.

Ang layunin ng pag aaral na ito ay upang tukuyin ang mga benepisyo ng
Online Banking para sa mga 1st-Year na mag-aaral ng Pamantasan ng Lunsod ng San
Pablo sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Nais ng mga
mananaliksik na mabigyang linaw kung gaano kahalaga at nakakatulong ang
paggamit nito gayundin ang mga isyu na nararanasan ng mga mag-aaral at ipaliwanag
ang mga epekto ng paggamit ng Online Banking.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maunawaan ang paksa ng Kabisaan at Benepisyo


ng Online Banking sa mga Mag-aaral ng Bachelor of Science - 1st Years ng
Pamantasan ng Lunsod ng San Pablo at naglalayong sagutin ang mga sumusunod na
suliranin:
1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa mga sumusunod na katanungan:
1.1 Pangalan (opsyonal)
1.2 Kasarian
1.3 Edad
1.4 Gaano na katagal gumagamit ng Online Banking
2. Paano nga ba makakatulong ang pag o-online banking para sa mga mag-aaral ng
PLSP?
1.1 Sustento (Allowance)
2.2 Pag-iipon (Savings)
2.3 Pagkolekta ng bayad (collection of payment)
3. Ano nga ba ang kapakinabangan at hindi kapakinabangan nang paggamit ng online
banking?
3.1 Isyu sa Teknikal
3.2 Isyu sa Seguridad
3.3 Pagdedeposito
4. Ano ang mga dahilan kung bakit ginagamit ngayon ang online banking ng mga
Piling Mag-aaral ng PLSP?
5. Paano ito lubhang makaiimpluwensya sa ibang mag-aaral ngayong panahon ng
pandemya sa pagiging responsable sa pera?

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa Kabisaan at Benepisyo ng


Online Banking sa mga Mag-aaral ng Bachelor of Science in Business Administration
- 1st year ng Pamantasan ng Lunsod ng San Pablo. Ang mga mananaliksik ay hindi
binibigyang diin ang iba pang uri ng online na plataporma at ilalahad ang porsyento
ng kabisaan nito. Ang pag-aaral na ito ay nakabase lamang sa mga istatistika bilang
resulta sa pagsusuri ng tatlumpung (30) indibidwal na napili upang sumagot ng sarbey
kwestyoner gamit ang online plataporma na inihanda ng mananaliksik tungkol sa
"Kabisaan at Benepisyo ng Online Banking sa mga Mag-aaral ng Bachelor of Science
in Business Administration - 1st Years ng Pamantasan ng Lunsod ng San Pablo. Ang
nasabing pag-aaral ay nahahanay sa kasanayan ng masinsinang pananaliksik na may
kaukulang katibayan, katulad ng mga datos na mula sa sarbey, at obhetibong resulta
na siyang tutuklasin ng mga mananaliksik. Nais lamang ng mga mananaliksik na
malaman kung ano ang kapakinabangan at hindi kapakinabangan ng paggamit ng
online banking sa isyung teknikal, seguridad, at pagdedeposito ng mga mag-aaral na
gumagamit nito. Nakapaloob din dito ang mga dahilan kung bakit ginagamit ng mga
mag-aaral sa ngayon ang online banking at kung paano ito lubhang maka-
iimpluwensya sa ibang mag-aaral ngayong panahon ng pandemya sa pagiging
responsable sa pera.

Kahalagahan Ng Pag Aaral

Ang pag-aaral na tumatalakay sa "Ang Kabisaan at Benepisyo ng Online Banking sa


mga Mag-aaral ng Bachelor of Science in Business Administration - 1st Years ng
Pamantasan ng Lunsod ng San Pablo", ay may layuning makatulong at magbigay
halaga sa mga sumusunod:
Mga Mag-Aaral.
Sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Business
Administration (BSBA). Maaari itong maging gabay upang sila ay magkaroon
kaalaman sa tamang paggamit ng Online Banking. Ang pag- aaral na ito ay
nagbibigay gabay at impormasyon sa kung paano makakatulong at gaano kabisa ang
online na transaksiyon.

Mga Mananaliksik.
Mabubuksan ang kamalayan ng bawat mananaliksik dahil sa pagbabasa at
pag-uunawa ukol sa kabisaan at benepisyo ng online banking. Maibabahagi ang
kaalaman na ito sa susunod pang henerasyon.

Mga Negosyante.
Sa pagkakaroon ng kaalaman sa online na trasaksiyon ito pinaka importante sa
mga negosyante sa panahon ng pandemya. Magbibigay ito ng kamalayan sakanilang
marketing strategy kung paaano, saan, kailan gaganapin ang produkto at lalo na ang
paraan ng pagbabayad nito.

Mga Customer.
Sa pagbili at pagbayad mahalagang malaman ang mga paraan kung saan
mapapadali ang mga customer. Makakatulong ito sa kanilang madaliang transaksiyon
mula sa producer at hanggang sa seller.

Mga Guro.
Sila ang nagsisilbing patnubay sa mga mag-aaral na nageensayo ng kanilang
abilidad. Dahil sa pananaliksik na ito, mabubuksan ang kanilang puso't isipan sa iba't-
ibang istratehiya sa epektibong paggabay at malalaman ang saloobin ng mga mag-
aaral na nagsasagawa ng pananaliksik.

Mga Magulang.
Bilang isang magulang, nararapat lamang na may alam sila sa ginagawa ng
kanilang mga anak. Sa pag-aaral na ito, malalaman ng mga magulang kung ano ang
Kabisaan at Benepisyo ng Online Banking at ang iba pang nakapaloob dito na
dinaranas o ginagawa ng kanilang mga anak.

Depinisyon ng mga Salita

Online Banking - Ang serbisyong ito ay nag-aalok ng mga pangkalahatang serbisyo sa


pagbabangko upang isama ang impormasyon sa pag-check ng account at paglipat ng
mga pondo at iba pang mga karagdagang serbisyo sa pamamagitan ng kaginhawahan
ng internet mula sa bahay, o opisina, saanman sa mundo, (Ibkethics, 2019).

Benepisyo - tumutukoy sa mga mabubuting epekto na maaaring makuha o matanggap


mula sa isang bagay at gawain, (Daventero, 2017).

Teknikal - nangangahulugan ng galing sa espesyalisasyon. Inilalarawan ito ng


paggamit ng mga kagamitan at kaalaman tungkol sa isang bagay. Nangangailangan ng
masusing evaluation ang isang teknikal na pag-aaral. Dito may sinusunod na mga
proseso. Mas madali itong maintindihan dahil simple lamang ang konsepto sa likod
nito, (Muchkin, 2020).

Seguridad - Ito ay naaangkop sa anumang marurupok at mahahalagang tao o ari-arian,


tulad ng tirahan, komunidad, bansa, o organisasyon, (Grzll, 2018).

Pagdedeposito - Ang deposito sa bangko ay isang paraan kung saan ang customer o
kumpanya ay nagpapanatili ng halaga ng pera sa bangko para sa tiyak na tagal ng oras
at sa ilalim ng hanay ng mga kondisyon na itinakda sa kontrata, (Salud, 2021).

Kabanata 2

KAUGNAY NA LITERATURA

Lokal
Ipinapaliwanag ng Techopedia (2021), na ang ang online banking ay
tumutukoy sa mga serbisyo sa pagbabangko kung saan maaaring pamahalaan ng mga
nagdeposito ng higit pang mga aspeto ng kanilang mga account sa Internet, sa halip
na pagbisita sa isang sangay o paggamit ng telepono. Ang online banking ay
karaniwang binubuo ng isang ligtas na koneksyon sa impormasyon sa pagbabangko sa
pamamagitan ng home computer ng depositor o ibang aparato.

Ayon kay Seven Banks (2020), Makakapagpadala na kayo sa account ng mga


bangko na tie-up ng Western union sa loob ng China at Philippines. Kahit gaano
kalaki ang ipadala na pera ang singil sa padala ay pareho lang, kaya kahit magpadala
ng malaking halaga magagamit ang serbisyo at hindi na aalalahanin ang singil sa
ipinadala. Maraming pagpipilian na bangko para sa serbisyong "Deposito sa Bangko"
sa Pilipinas katulad ng Banco de Oro (BDO), MetroBank, Bank of the Philippines
Islands (BPI) at marami pang iba.
Sa pamamagitan ng pagpaparehistro bilang isang online na customer sa iyong
bangko (o isang bagong bangko), nakakukuha ka ng access sa online sa halos lahat ng
mga pinakaraniwang mga serbisyo na ibinibigay ng iyong bangko sa mga lokal na
sangay nito. Sa kabila ng lumalagong katanyagan ng online / internet banking, hindi
lahat ay kumbinsido na kapaki-pakinabang na gawin ang paglipat mula sa tradisyunal
na pagbabangko sa isang sangay, (Moreau, 2021).

Banyaga

Sa isang tiyak na layuning pangwakas na kunin ang


pangmatagalang benepisyo, ang mga bangko na tumutuon sa mga
panghalili bilang isang pangunahing merkado para sa mga
indibidwal na pangangasiwa sa badyet. (Kubenka at Ptackova,
2016).

Ang mga panghalili partikular na ang mga estudyanteng


panghalili ay kailangang magtiwala sa mga bangko para sa mga
parangal, kredito, o suportang nauugnay sa pera mula sa kanilang
lipunan para sa pagpopondo ng kanilang pag-aaral. Ang isa
pangmahalagang bagay ay kanilang pagtatapos sa kanilang pag-
aaral, ang mga panghalili ay magkakaraoon ng mataas na sahod at ito ay isang
magiging lubhang kaakit-akit na pagtitipon ng mga kliyente para sa mga bangko. Sa
ganitong paraan, sinusubukan ng mga bangko na kunin ang mga mag-aaral na ito na
may iba’t-ibang pagsulong sa mga deal at pambihirang alok na paminsanan, sa lahat
ng mga account, na hindi lubos na kapareho ng isang bangko. (Md. Bashir Uddin,
2018)

Idinagdag ni Muellbauer (2008) na sa isang tiyak na pagtatapos ang layunin


nito na makuha ang mga mag-aaral na ito, ang mga bangko ay nag-aalok ng
magkakaibang mga produkto at serbisyo, halimbawa, Club As, Christmas Club
account, senior-national account, CD, trust, junior investment account, at iba't- ibang
bagong mga produkto, markdown financier administration, bilang karagdagan sa
isang malaking grupo ng mga talaan ng negosyo.

Yavas, Bilgin at Shemwell (2008) at Mishra et al. (2016) iminumungkahi na


ang pagsulong ng mga administrasyon ay hindi lamang makakatulong sa mga
pribadong bangko sa pagkuha ng piraso at pagpapasigla ng interes para sa kanilang
mga serbisyo at itinatampok din nila ang karugtong ng sangay bilang isa pang paraan.

Inilarawan ni Watson (2003) ang mga mag-aaral bilang komunidad na


pinapaboran ang pagkonsumo kaysa sa pag-iipon, at itinuturing na mahalaga ang pera
para sa personal na tagumpay. Ang pahayag na ito ay sinuportahan din ni (Yurchisin at
Johnson, 2004) at nagmungkahi ng mga mag-aaral na nabubuhay sa kasaganaan
bilang mga indibidwal na madaling makipagkaibigan at mas matalino, matagumpay,
at masipag. Direktang sinusuportahan nina Chaplin at John (2017) ang pahayag ni
Watson at iginiit nila na ang mga mag-aaral, katulad ng mga nasa hustong gulang, ay
sinusuri ang pagtingin ng ibang tao sa mga bagay na pagmamay-ari nila.

Ayon kina E. Ernovianti et al, sa kanilang pag-aaral na “The Usage of Internet


Banking Service Among Higher Students in Malaysia” (2012), nasabi roon na
epektibo ang paggamit ng online banking sa mga estudyante. Partikular na, isinaad
doon na mas malaki ang naging epekto nito sa edad ng mga kabataan dahil mas
madali silang natuto sa paggamit ng teknolohiya sa pagbabangko.

Ayon kay A. Farooq sa kaniyang pananaliksik na “Factors Affecting Security


Behavior of Kenyan Students: An Interogation of Protection and Behavior” (2019)
kaniyang isinaad doon na mas natagpuan ng mga estudyante ang kabisaan ng
paggamit ng online banking.

Ayon kay Frankenfield, J. (2021), Ang isang pangunahing bentahe ng online


banking ay kaginhawahan. Isa sa mga transaksyon sa pagbabangko ay ang paglilipat
ng mga pondo sa pagitan ng mga accounts at ito ay madaling lamang gawin, maaring
sa isang araw lamang, o isang linggo, saanman naisin ng isang mamimili. Ang online
banking ay mabilis at mahusay, ito ang isang benepisyo ng online banking sa aspeto
ng pagkolekta ng bayad.

Ang pag-unawa sa paggamit ng internet banking ay maaaring mahirap sa una.


Kaya naman, may ilang mga site na nag-aalok ng isang demo kung paano i-access ang
mga online na account ngunit hindi lahat ng mga bangko ay nag-aalok nito. Kaya, ang
isang tao na bago sa teknolohiya ay maaaring makaharap ng ilang kahirapan, (Anuj
Agarwal, 2020).
Maaari mong gawin ang iyong mga gawain mula sa kahit saan at anumang
oras, kahit na sa gabi o sa mga holiday kapag sarado ang bangko. Ang tanging bagay
na kailangan mong magkaroon ay isang aktibong koneksyon sa internet. Maaari kang
magbukas ng bagong account sa loob ng ilang minuto at mula saanman online. Maaari
mong bantayan ang iyong mga transaksyon at balanse sa account sa lahat ng oras.
Maaari mo ring pamahalaan ang ilang mga account nang madali sa pamamagitan ng
internet banking. Ang isang online na account ay simpleng buksan at madaling
patakbuhin, (John Csiszar, 2022).

Sanggunian:
 Industrial Bank of Korea, 2019. What is online banking? Nakuha mula sa:
https://global.ibk.co.kr/en/services/InternetBanking
 Daventero, 2017. Ano ang ibig sabihin ng benepisyo? Nakuha mula sa:
https://brainly.ph/question/538396
 Grzll, 2018. Kahulugan ng Kaligtasan. Nakuha mula sa:https://tl.nsp-
ie.org/seguridad-719
 Ciencia Salud, 2021. Kahulugan ng deposito. Nakuha mula sa:
https://tl.encyclopedia-titanica.com/significado-de-dep-sito
 Technopedia, 2022. Ano ang online banking? Nakuha mula sa:
https://tl.theastrologypage.com/online-banking
 Seven Bank, 2020. Paraan ng pag tanggap ng remittance. Nakuha mula sa:
https://www.sevenbank.co.jp/soukin/ph/pickup/
 Elise Moreau, 2021. Ano ang online banking? - Alike news. Nakuha mula sa:
https://tl.eyewated.com/ano-ang-online-banking/
 Michal Kubenka at Petra Ptackova, 2016. Marketing of banks. Nakuha mula sa:
https://web.p.ebscohost.com/abstract?
direct=true&profile=ehost&scope=site&authtype=crawler&jrnl=1211555X&AN
=70138955&h=X2%2fut3nc0XfQMp6bfNbRfpn2PZEhNvYg3tGEjuIDScwT9ty
LF1o8OvtIP2kAHLS38K92GnAZmaxFIGFsifYqTw%3d
%3d&crl=c&resultNs=AdminWebAuth&resultLocal=ErrCrlNotAuth&crlhashurl
=login.aspx%3fdirect%3dtrue%26profile%3dehost%26scope%3dsite
%26authtype%3dcrawler%26jrnl%3d1211555X%26AN%3d70138955
 Md. Bashir Udin, 2018. Electronic Banking Services In Malaysia: A Study on
International customers. Nakuha mula sa:
https://www.researchgate.net/publication/277271979_ELECTRONIC_BANKIN
G_SERVICES_IN_MALAYSIA_A_STUDY_ON_INTERNATIONAL_CUSTO
MERS
 John Muellbauer, 2008. Bank for International Settlements. Nakuha mula sa:
https://www.bis.org/author/john_muellbauer.htm
 Yavas, Bilgin & Shemwell, 2008. Service Quality of Indian Banks. Nakuha mula
sa: https://www.proquest.com/docview/1765626024
 E. Ernovianti et al, 2012. The Usage of Internet Banking Service Among Higher
Students in Malaysia. Nakuha mula sa:
https://www.researchgate.net/publication/271102146_The_Usage_of_Internet_Ba
nking_Service_Among_Higher_Learning_Students_in_Malaysia
 Ali Farooq, 2019. Factors Affecting Security Behavior of Kenyan Students: An
Interogation of Protection and Behavior. Nakuha mula sa:
http://erepo.usiu.ac.ke/handle/11732/6545;jsessionid=369E61BCE1570B9902F1
2F9B25834DB7
 Jake Frankenfield, 2021. Neobanks: Challenges, risk and opportunities. Nakuha
mula sa:
https://www.theseus.fi/bitstream/handle/10024/498077/Corander_Beatrice_Thesi
s.pdf?sequence=2&isAllowed=y
 Anuj Agarwal, 2020. Advantages and Disadvantages of Internet Banking. Nakuha
mula sa: https://toughnickel.com/personal-finance/Advantages-and-
Disadvantages-of-Internet-Banking
 John Csiszar, 2022. 10 ways to Build Wealth Fast. Nakuha mula sa:
https://www.gobankingrates.com/money/wealth/ways-to-build-wealth-fast/

You might also like