You are on page 1of 5

Paggamit ng Elektronikong wallet ng mga estudyante na nasa unang taon sa kolehiyo sa

departamento ng Impormasyong at Teknolohiya sa Poleteknikong Unibersidad ng Pilipinas


Sangay ng Lopez, lalawigan ng Quezon taong 2021-2022
KABANATA I
PANIMULA

Sa pamamagitan ng globalisasyon na may kahulugang pagpapakita ng isang malaking


hamon para sa mga ekonomiya ng iba't ibang lipunan o ibang mga bansa sa kung paano
paunlarin o panatilihin ang kanilang pambansang pagkakakilanlan sa harap ng patuloy na mga
pagbabago na dulot at naiimpluwensyahan ng teknolohiya. Kung may mga pagbabago sa
globalisasyon, tiyak na may mga pagbabago pagdating sa teknolohiya. Malaki ang kahalagahan
ng teknolohiya sa buhay ng tao dahil ito ay naging isang pamamaraan na ginagamit para sa
kaginhawahan at kadalian ng mga gawain sa pang-araw-araw na buhay. Nagsimula ang paraan
ng digital na pagbabayad noong 1997 nang maglunsad ang Coca Cola ng ilang vending machine
sa Helsinki na nagpapahintulot sa mga customer na bumili ng mga lata sa pamamagitan ng mga
text message. Bagama't ibang-iba sa mga makabagong transaksyon sa e-wallet, pinaniniwalaang
ito ang pinagmulan ng mga ito. Di-nagtagal, ang mga mobile device ay naging isang paraan ng
pagbili ng mga tiket sa pelikula at paglalakbay, pag-book ng mga hotel at pag-order ng
pagkain.Noong 2003, humigit-kumulang 95 milyong tao ang gumamit ng mobile device para
bumili. Ngayon, ang mga tao ay gumagamit ng mga digital na wallet upang magbayad para sa
mga bagay na nais ng tao. Isa sa mga gamit ng teknolohiya ay ang "E Wallets" ito ay isang
electronic device na ginagamit bilang wallet para mapadali ang mga transaksyon. Ito ang ilan sa
mga kasalukuyang sikat na E-Wallet na ginagamit sa panahon ngayon na G-Cash, GrabPay,
Lazada Wallet, PayPal, Coins, ph. at PayMaya. Ang bilang ng mga gumagamit ng "E-Wallet" sa
2020, gamit ang nangungunang G-Cash, ang mobile wallet na pinamamahalaan ng Ayala Group
Globe Telecoms ay nakamit ng 254% taunang paglaki ng volume ng transaksyon noong 2020,
ang customer base ay lumawak sa 33 milyong mga gumagamit . Ang Paymaya ay isa sa
pinakasikat na online payment services sa taong 2020.Ang Paymaya, ang nag-iisang end-to-end
na digital device na nag-aalok ng kaginhawahan sa pagbabayad, ay iniulat na gagamitin ng
mahigit 28 milyong customer sa pagtatapos ng 2020.
Capule E.,(2020) sinabi niya na “Kahit senior na ay nakakasunod at nakakasabay pa
din sa mga makabagong teknolohiya. Kailangan lang talaga nang practice kasi most of the time
ako lang ang kumakalikot nitong aking cellphone.

Laking tulong po nito lalo sa pagbabayad ng bills online gamit ang PayMaya,”. Bagamat hindi
lamang ito ang nag-iisang elektronikong wallet binigyang halaga rin ni Father Dela Cruz ang
gcash.

Dela Cruz R., (2021) ng Diocese of Novaliches, sinabi niya na nakatutulong ang GCash
para sa mga nais magsimula ng negosyo subalit maliit ang capital.Ang Savings and Loans Group
ay isa sa mga approach ng Diocese para sa community empowerment at savings mobilization ng
parishioners — karamihan sa kanila ay kasalukuyang nasa low financial standing at nakatira sa
loob ng sementeryo sa tabi ng parokya.“Ang pandemya at ang mga problemang idinulot nito sa
kabuhayan ng mga miyembro ng community ang inspirasyon [ng partnership na ito]. Gusto
naming matulungan sila na magkaroon ng pagkakakitaan during these trying times para sila ay
makabangon. GCash is perfect [for those starting a business] lalo na ngayong panahon kung saan
napakaimportante ng safety and convenience,” pahayag ng pari. Bagamat napakarami pang
alternatibong e- wallet apps bukod sa mga nabanggit ay mahalaga na maunawaan natin ang
kahalagahan nito sa ating pamumuhay at sa pamamagitan nga ng pananaliksik na ito ay
maliliwanagan tayo sa kung ano pa ang naidudulot nito sa atin.

Legaspi (2020), isang mamahayag, ayon sa kanya umaabot sa 70 milyong gumagamit ng


cell phone sa Pilipinas at 20 milyong Pilipino ang gumagamit ng cellphone. Ang GCash at
PayMaya ay dalawang nangungunang E-Wallet. Nagamit na ang paggamit ng E-Wallets simula
nang gamitin ng LRT at MRT ang "NFC-enabled beep card" na hindi na kailangan pang
humawak ng cash ang mga pasahero. Malaking tulong nga ang pagkakaroon ng e-wallet app
ngayong panahon ng pandemya. Mas lalo pang napaunlad ang ganitong pamamaraan sa
pagbabayad o pakikipag transaksiyon, Naiiwasan din nito ang makikisalamuha ng tao kung
magbabayad dahil nga nakakatulong ang ganitong pamamaraan upang malimitihan na rin ang
pagkalat ng nakakahahawang sakit. Mabisang paraan ito sa panahon ngayon.
Ang pagnanaliksik na ito ay naglalayong malaman ang bilang at ano ang ginagamit na e-
wallet apps ng mga estudyanteng nasa unang taon sa kolehiyo sa departamento ng Impormasyon
at Teknolohiya sa Poleteknikong Unibersidad ng Pilipinas Sangay ng Lopez, Lalawigan ng
Quezon, taong 2021-2022.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang malaman ang epekto ng pagkakaroon ng E-

WALLET apps ngayong panahon ng pandemya ng mga estudyante na nasa unang taon sa

kolehiyo sa departamento ng Impormasyong at Teknolohiya sa Poleteknikong Unibersidad ng

Pilipinas Sangay ng Lopez, lalawigan ng Quezon taong 2021-2022

Layunin ng pag-aaral na ito na matugunan ang mga sumusunod na katanungan:


1. Demograpikong Propayl ng mga Piling estudyante ng Lopez, Quezon na tumutukoy sa

kanilang:

a. Edad

b. Kasarian

2. Ano ang karaniwang E-Wallet app ang ginagamit ng mga piling mamamayan ng Lopez,

Quezon?

3. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng E- wallet app?

4. Ano ang Epekto ng E-Wallet app ngayong panahon ng pandemya sa piling

mamamayan ng Lopez, Quezon?

a. Mabuting epekto

b. Di- mabuting epekto


Konseptuwal na Balangkas

Ang IPO ay Input-Process-Output Model kung saan pinapakita nito ang biswal na

paglalarawan ng mga proseso o aktibidad. Iniisa-isa nito ang mga proseso upang malaman ang

iba’t ibang pananaw ng mula sa input na tutugon sa maaaring awtput nito. Sa pamamagitan nito

binabalangkas ng diagram na ito ang paggunawa kung ano ang kinakailangan ng input-process

na tutugon sa mga pangunahing awtput nito.

INPUT PROSESO AWTPUT

 Paggawa ng  Mabuti at di mabuting


Mga Piling Mag-aaral dulot ng paggamit ng e-
Questionaire wallet
ng Politeknikong
Unibersidad ng
 Pagsasagawa ng
Pilipinas na nasa  Kahalagahan ng
survey
kursong Impormasyon paggamit nito sa iba’t
at Teknolohiya. ibang aspeto ng
 Dokyumentasyon pamumuhay.

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang kahalagahan, mabuti at

di mabuting naidudulot ng “E-Wallet: system” ng mga piling mag-aaral ng IT sa Politeknikong

Unibersidad ng Pilipinas. Ginagamitan ito ng Input-Process-Output Model. Sa Input Frame

inilalahad dito ang kuwalipikadong pagtugon sa surbey ng mga kumukuha ng kursong IT.

Makikita naman sa Process Frame ang mga hakbang na gagawin ng mananaliksik ukol sa

pagkuha ng ng mga datos saklaw ang interbyu at dokyumentasyon. Ang Output Frame naman ay
sumasaklaw sa nakalap na datos ukol sa kahalagahan, mabuti at di-mabuting naidudulot ng

paggamit ng “E-Wallet System”

You might also like