You are on page 1of 17

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT ANG MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng panimula na siyang

maglalahad ng paksa, kaugnay sa literatura na nagpapalawak sa

ideya ng paksa, balangkas konseptwal na nagpapaliwanag sa

ninanais ng mananaliksik, paglalahad ng suliranin, haypotesis,

kahalagahan ng pag-aaral, saklaw at limitasyon ng pag-aaral at

mga katuturan ng mga katawagang ginagamit.

Introduksyon

Ang online business networking ay isa sa kinahuhumalingan

ng napakaraming kabataan ngayon. Ito ay maituturing na

makabagong paraan ng komunikasyon at negosasyon.

Sa henerasyon ngayon marami ng paraan o medyum ang maaaring

magamit ng mga kabataan upang magkaroon ito ng pagkakakitaan.

Nariyan ang tinatawag nating sosyal medya at teknolohiya na

malaki ang naging silbi sa pagkakaroon ng malawakang online

business networking sa Pilipinas. Ang “Paysbook E-commerce

System” o mas kilala sa tawag na “Paysbook” ay isa sa mga online

business networking na umiiral sa ating bansa at inilunsad nito

lamang Enero 2018. Ito ay isang kombinasyon ng Social Media

Platform, E-commerce System at Affiliate Marketing Program na

1
pinamumunuan ni CEO Arjay Gallenero. Ayon sa kanya, ang

programang ito ay layong magbigay pagkakataon sa mga tao gaya ng

mga mag-aaral na magkaroon ng pagkakakitaan sa halagang higit

milyones.

Ayon kay CEO Gallenero, upang maging bahagi at makasali ng

“Paysbook” ay kinakailangan mong magbayad ng halagang 1,000

pesos na panimula para sa opisyal na account na iyong gagamitin.

Matapos mong magkaroon ng account ay kinakailangan mong

makapaglog-in upang makatanggap ka sa iyong account ng 300

pesos reward. Kasunod nito ay kailangan makapag anyaya ka rin ng

mga bagong miyembro na sasali upang madagdagan ang iyong pera.

Sa ganitong paraan ay magkakaroon na ang mga kabataan ng

pagkakataong kumita gamit lamang ang kanilang mga gadyet.

Ang Surigao State College of Technology o SSCT ay isa sa

mga paaralan sa Surigao City na may higit sampung porsyento na

mga mag-aaral na kasali sa “Paysbook”. Ayon sa kanila, ang

“Paysbook” ay nakakatulong kahit papaano upang hindi sila umasa

sa kanilang mga magulang at dahil daw dito nagkakaroon sila ng

libangan. Dahil dito unti-unting tumataas ang bilang ng mga mag-

aaral na sumasali sa paysbook.

Sa kabilang dako, bagamat tumataas ang bilang ng nga mag-

aaral ng SSCT na kasali sa tinatawag na paysbook ay ni nanais ng

2
mananaliksik na malaman ang mga salik na nakakaapekto sa pagsali

nito at ang epekto nito sa kanilang akademya.

MGA SURING-BASA SA MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa parting ito hangaring ipakita ng mga mananaliksik ang

ilang mga bagay na may kaugnay sa literatura at pag-aaral ng

ibat-ibang kaisipan na naglalayong mapalawak, mapatingkad at

ibayong mapaunlad ang katuturan sa pag-aaral na ito.

Kasaysayan ng Online Business o Networking

Noong 1900 kasabay ng pagdating ng internet ang pakikipag-

negosasyon ng mga tao ay nabago, na kung saan ang transaksyon ng

mga tao o mangangalakal ay gumagamit na ng internet. Dahil dito

nagbukas ito ng pinto at oportunidad sa maraming negosyante.

Kung ating pupunain, dati ang mga malalaking negosyo lamang ang

may pagkakataong maka-access sa web. Gayun paman, ngayon, ang

puhunan ng mga indibidwal sa pagbubukas ng maliit na negosyo ay

may pagkakataon ng lumago gamit lamang ang internet.

Ang pagnenegosyo online ay isa sa masasabing pinaka popular

na pakikipag-sapalaran sa panahon ngayon. Isa ang mga business

networking sites sa usong-usong teknolohiya ngayon. Ang mga

business networking accounts na kilalang-kilala ngayon ay

Ayosdito.com, Sulit.com, Lazada.com at pati sa mga social

networking site gaya ng Facebook, Instagram at Twitter ay meron

3
na din nagtatayo ng negosyo. Marami ang magagawa sa mga business

networking sites tulad ng makipagkomunikasyon,gumamit ng iba’t-

ibang mga application, at makapagsimula ng negosyo. Maaaring

kumita ng pera sa paggamit lang ng online networking o online

business.

Ang online business o business networking sites ay

kinagigiliwan ng lahat, maging babae man o lalaki, matanda o

bata, mahirap o mayaman. Sa pamamagitan ng mga online business

site ay nagiging mas mabilis at madali ang pagbili ng produkto

at kumita ng pera. Karamihan sa mga nawiwili sa mga ito ay ang

mga estudyante.

Kasaysayan ng Paysbook

Ang Paysbook ay ang kauna unahang "Social Media Platform"

sa Pilipinas. Inilunsad ito opisyal noong January 28, 2018, at

ito ay may sariling opisina na matatagpuan sa Unit 409 JR

Building, Quezon Ave. Bgy South Triangle, Q.C..

Ang CEO ng Paysbook ay si Sir Arjay Gallenero na ang

layunin ay makatulong sa kapwa kung papano kumita ng extra

income sa pamamagitan lamang ng mga cellphones o computer kahit

na nasa bahay lang.

Ang Paysbook ay kombinasyon ng tatlong Innovative Internet

Business sa mundo ngayon:

4
1.) SOCIAL MEDIA PLATFORM

2.) E-COMMERCE SYSTEM

3.) AFFILIATE MARKETING PROGRAM

Upang kumita may mga paraan ang Paysbook sa pagbibigay ng

kita:

BONUS REWARDS

1.) Signup bonus - Pag signup mopalang ay makakatanggap ka ng

P300 at makikita mo yan sa account dashboard mo.

2.) Log-In / Log-Out Rewards -Pagkatapos ma activate ang iyong

account ay makakatanggap ka naman ng ₱200.00sa bawat araw na pag

log in at pag log out mo. Ang kailangan mo lang gawin aymag

login at logout ka ng apat na beses kada araw para kumita ng

₱200.00 Anim na araw mo itong gagawin sa loob ng anim na araw

ikaw ay makakatanggap ng ₱1,200.00.

BINARYCOMMISSION/PINAKAMALAKING KITAAN

Ibig sabihin nito ay kikita ka pagmay naiinvite ka na

mapapasali mo dito at kikita ka din sa bawat tao na mapapasali

ng invite mo.

Mga kagamitan para magkaroon ng Online Networking

1. Kompyuter

5
Ayon sa Wikipedia, ang kompyuter ay isang uri ng mekanismong

ang ginagawa aymangasiwa ng mga datos ayon sa mga panuto. Sa

karagdagan, ang programa na isang termino sa pag-iimbak at

pangangasiwa ng mga panuto ay isang katangian ng kompyuter.

Isang magandang katangian nito ay ang pagsasa-ayos ng mga

impormasyon saiba’t ibang lugar. Ang kompyuter network na nabuo

ay tinawag na internet. Sa pamamagitanng koneksyon sa internet,

maaaring makapasok o makapagbigay daan sa mga website na may

kinalaman sa social networking.

2. Internet

Ang Internet ay malawakang pangmadlang daan na pinagsama-

samang kompyuter networks na naghahatid ng datos sa pamamagitan

ng pocket switching na gumagamit ng pamantayang Internet

Protocol (IP). Ito ay isang “network of networks” na binubuo ng

milyon na maliliit na networks sa larangan ng pantahanan,

pampaaralan, pangangalakal, pampamahalaan at sosyal na nagdadala

ng iba’t ibang impormasyon at paglilingkod katulad ng email,

online chat, file transfer o paglipat ng salansanan at

pinagdugtongdugtong na webpages at iba pang mapagkukunan ng

impormasyon ng World Wide Web. Maraming tao o kumpanya ang

gumagamit ng web logs o blogs na pangkaraniwang ginagamit bilang

online diaries o talaarawan. Mahalaga ang ginagampanang papel ng

Internet sa pagpapalawak ng social networking.

6
Sintesis:

Ang mga kaugnay na literatura ay isinasaalang upang

makatulong sa kasalukuyang pag-aaral. Ang kasaysayan ng online

business networking ay naglalahad kung papaano umusbong at

nabago ang sistema ng pagkakaroon ng pagkakakitaan ng mga tao.

Dahil dito nadiskobre at umusbong ang tinatawag na Paysbook na

ngayon ay may malaking naitulong sa mga tao.

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga salik na

nakakaapekto sa pagsali ng mga piling mag-aaral ng SSCT sa

Paysbook at ang epekto nito sa kanilang akademya.

BALANGKAS KONSEPTWAL

Upang mas lalong maintindihan ang hangarin ng mananaliksik

layunin ng bahaging ito na ipahayag ang konsepto upang mas

lalong maintindihan ang ninanais na makamtan ng mananaliksik.

Figura 1. Iskema ng Pag-aaral

Propayl ng participante Mga salik na nakakaapekto Epekto sa kanilang


ayon sa: sa pagsali ng Paysbook: akademya:

 Ang maaring  Pagtaas ng


 Baitang ng isang
benepisyo ng marka
mag-aaral
 Kasarian
Paysbook sa mag-  Pagbaba ng
aaral. marka
 Edad
 Mayaman o Mahirap
 Estado sa buhay
 Pagka-inganyo ng
isang mag-aaral.

7
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang

mga salik na nakaka-apekto sa pagsali ng mga piling mag-aaral ng

SSCT sa online business networking na “Paysbook” at ang epekto

nito sa kanilang akademya.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon rin sagutin ang mga

sumusunod na katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa mga sumusunod:

1.1 Baitang ng isang mag-aaral

1.2 Edad

1.3 Kasarian

1.4 Estado sa buhay

2. Ano ang epekto nito sa akademya ng isang mag-aaral?

HAYPOTESSIS

Ho1. May makabuluhang kaugnayan ang mga salik na

nakakaapekto sa pagsali sa Paysbook ng piling mag-aaral sa

epekto nito sa kanilang akademya.

Ho2. Walang makabuluhang kaugnayan ang mga propayl sa

epekto nito sa akademya ng mag-aaral.

8
Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ng lubos ang mga mananaliksik na ang pag-aaral

na ito ay mahalaga sa lipunan. Ang pamanahong papel na ito ay

makakatulong sa mga estudyante upang maintindihan at mabatid ang

mga maaring epekto ng online business na “Paysbook” sa kanilang

akademya. Ito rin ay makakatulong hindi lamang sa mga mag-aaral

kundi pati narin sa mga kabataan at magulang upang malaman nila

ang mga maaring adbantahe at disadbantahe sa pagsali nito sa

“Paysbook”.

Idagdag pa dito, makakatulong din ang pag-aaral na ito sa

iba pang mananaliksik namay kaparehong paksa. Maaari ring

makakalap ng mga mahahalagang impormasyon dito ang mga nagnanais

na sumali sa online business networking na paysbook.

Saklaw at Limitasyong ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga salik na

nakakaapekto sa pagsali ng Paysbook ng mga piling mag-aaral ng Surigao

State College of Technology (SSCT) at ang epekto nito sa kanilang

akademya. May kabuuang labing limang respondent ang mabibigyan ng mga

talatanungan at itoy ipinasagot sa mga mag-aaral na kasali na ng

paysbook.

9
Pokus.Ang tinitiyak nito ay nilalaman sa ginagawa naming pag-

aaral tungkol sa dahilan ng pag-sali ng mag-aaral sa Paysbook at

ang epekto nito sa kanilang akademya.

Lugar.Ang pag-aaral na ito ay gagawin lamang sa paaralan ng

SSCT, na kung saan doon kami gumagawa ng aming pananaliksik sa

paaralan na iyon,

Partisipante.Ang pangunahing kinukunan ng mga datos ay ang

mga mag-aaral na kasali sa paysbook online business networking.

Panahon.Ang pananaliksik na ito ay ginawa sa taong panunuruan

2018-2019 sa unang semester.

MGA KATUTURAN SA KATAWAGAN

Ang mga sumusunod na mga salita ay binibigyan ng katuturan

ayon sa paggamit sa pag-aaral na ito. At lahat ng

terminolohiyang ginagamit namin ay kuha po galing internet,at sa

aklat.

Paysbook - ay kombinasyon ng tatlong Innovative Internet

business sa mundo ang social media platform, e-commerce system,

at affiliate marketing program.

Akademya – tumutukoy sa paaralan o iskwelahan, kapisanan ng

mga iskolar at natatanging eskwelan o pribadong hayskul o mataas

na paaralan.

10
Online Networking – ito ay isang estratehiya sa pagnenegosyo

o pakikipagtransaksyon gamit ang internet.

Affiliate Marketing – ito ay isang mabisang paraan ng

pagmamarket. Ang mga store owners ay pweding magamit ang mga

websites at iba pa.

11
Kabanata II

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ay ipapakita ng mga kalahok sa pananaliksik

at napapaloob dito ang instrumento ng pananaliksik, pamamaraan

at pagsuri ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa paraang deskriptiv.

Sa maikling paglalarawan ito ay kumakatawan sa mga bagay na

maaaring binibilang at pinag-aaralan kaya tinawag rin itong

statistikal na pananaliksik. Ang mga datos ng pananaliksik na

ito ay nababatay sa katotohanan, tumpak at maparaan. Sa mga

mabilisang pag-aaral madalas ginagamit ang pamaraang ito.

Sapagkat ito ay nagbibigay lamang ng simpleng pagbubuod sa kung

ano ang nakalap na impormasyon. Kasama ng simpleng grap nabubuo

ng isang makabuluhang interpretasyon at konklusyon.

Tagatugon
Ang tagatugon sa ginawa naming pananaliksik ay ang mga

piling mag-aaral ng SSCT na may kabuuang 15 respondent.

Instrumento ng Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pasarvey. Ang

mga mananaliksik ay naghanda ng sarvey-kwestyoner o talatanungan

(Apendiks A) bilang instrumento sa pagkalap at pagkuha ng mga

12
impormasyon at naglalayong kumalap ng mga datos kaya nasuri ang damdamin,

pananaw at kaalaman hinggil sa nasabing paksa.

Ang pamaraang papel na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik sa loob

ng maikling panahon lamang. Sa pamamagitan ng survey, pag-tally at

pagkuha ng porsyento nakuha ang mga datos sa pag-aaral na ito. At

kinakailangan ang konting pagsisikap upang maabot mo ang pag-aaral na

ito.

Kaligiran ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa paaralan ng SSCT. May

kabuuan itong 15 miyembro ng piling mag-aaral sa magkaibang baitang. Ang

lugar na ito ay matatagpuan sa Narciso Street, Surigao City.

Template 1
Mapa ng SSCT, Surigao Del Norte

13
TALASUNGGANIAN

Libro

Valencia, Hillary. (2015). Effects of Online Business. Harvard

University. Course Hero Publishing Corp., 2014.

Internet

https://emall.paysbook.co/paysbook-e-commerce-system.co.ltd/5420
https://www.coursehero.com/file/13055603/Thesis-Filipino/
https://www.quora.com/What-are-the-advantages-and-disadvantages-
of-network-marketing
https://ph.linkedin.com/company/paysbook
https://www.practicalecommerce.com/brief-introduction-affiliate-
marketing-ecommerce

14
Apendiks A

TALATANUNGAN

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagsali ng Piling Mag-aaral sa

Paysbook at Epekto nito sa Akademya

Mga Tagatugon,

Sa tanawing ito, ang mga mananaliksik ay humihingi sa inyo

ng pahintulot sa pagsuporta sa pagsagot sa mga katanungan sa

talatanungan. Titiyakin ng mga mananaliksik na ito ay isa lamang

patnubay ng sarbey na nakakatulong sa bawat isa sa pagpapalago

sa pamagat na “MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGSALI NG PILING

MAG-AARAL NG SSCT SA ONLINE BUSINESS NETWORKING NA “PAYSBOOK” AT

EPEKTO NITO SA AKADEMYA”.

Sa malaking kasiguruan, ang bawat pahayag na nabanggit sa

talatanungan ay ibinibigay na pinakakompidensyal. Salamat sa

iyong tapat at buong suporta.

Sumasainyo,

Mga mananalilsik

15
TALATANUNGAN.

I. Profayl ng respondente

Pangalan: _________________________________________

Kasarian: ( ) Babae ( ) Lalaki

Edad : ( ) 16-18 na taong gulang ( ) 19-22 na taong gulang

( ) 23-28 na taong gulang ( ) 29-pataas

Baitang: ( ) 1st Year ( ) 2nd Year ( )3rd Year ( )4th Year

Estado sa buhay: ( ) Mayaman ( ) Mahirap ( ) Katamtaman

II. Antas ng kamalayan ukol sa mga Salik na nakakaapekto sa pagsali ng

mga piling mag-aaral sa Paysbook.

Lagyan ng tsek (/) ang antas ng kamalayan ng mga sumusunod na

nilalaman. Gamitin ang gabay na panukat sa ibaba:

4 – lubos na sumasang-ayon

3 – sumasang-ayon

2 – di-gaanong sumasang-ayon

1 – di-sumasang-ayon

A. Mga Salik na Nakakaapekto 4 3 2 1

1. Dahil sa maaaring maging


benepisyo ng programa kung
kaya’t sumali sa paysbook.

16
2. Pagkakainganyo ng isang mag-
aaral sa kanilang kaibigan.

3. Estado sa buhay.

B. Epekto sa Akademya 4 3 2 1

1. Unti-unting naiimpluwensiyahan
ang marka. Kung kaya’t bumababa
ang marka.

2. Unti-unting naiimpluwensiyahan
ang marka. Kung kaya’t bumababa
ang marka.

3. Mas pinag-gugulan ng pansin ang


paysbook kaysa sa akademya.

4. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang


ang akademya kaysa sa paysbook.

17

You might also like