You are on page 1of 4

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa kabanatang ito, tatalakayin ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura tungkol sa

online shopping, mga epekto nito sa pakikipaginteraksyon ng mga mag-aaral, at iba pang

detalye tungkol sa paksa ng pag-aaral. Sinisikap ng mga mananaliksik na magbigay ng sapat

na kaalaman at pag-unawa sa pamamagitan ng pagkalap ng mga detalye at datos na

nasaliksik.

Kaugnay na Literatura

Banyaga:

Ayon sa isang blog na may pamagat na “Problems Customers Face While Shopping

Online” (Ice Cube Digital, 2018) ang mga mamimili ay may sampung mabibigat na problema

na hinaharap sa makabagong teknolohiya. Ang mga suliranin na hinaharap ng mga mamimili

ay ang paghahanap sa dekalidad at walang depekto na produkto, inventory ng mga gamit na

binebenta, pagpapadala ng bayarin, mga nakatagong dagdag bayad, di malinaw na mga

polisiya, magulong website at hindi atraktibong disenyo sa website ng produkto.

Ayon kay Rodney Teopengco (2009), “Trust is probably the single most important

factor in running an Online Business. Although the volume of the use their credit cards due to

many scams, frauds and other-fly-by high operations plaguing the internet.” Mahirap

magtiwala sa isang tao lalo na kung tungkol sa pera ang pinaguusapan. Isa sa mga dahilan

kung bakit mahirap magtiwala ay dahil sa kahirapan. Sa mga kalagayan ng Online Business

kinakailangan makuha ang tiwala ng mamimili upang makabenta ng kanilang produkto.

Hindi lang sa kalidad at presyo ng produkto ang batayan ng mga mamimili kundi pati na rin

ang estado at itsura ng business site ng may-ari nito.


Ayon din kay Chris Brogan (chrisbrogan.com) “Organizations have a lot to consider

once they decide they want to jump into a social networking and social media. There are

many opportunities to slide off the trails, or worse to let the effort fall into disarray.” Sa ating

henerasyon, ang Internet ay isang malaking tulong sa ating lahat. Napapadali at napapabilis

nito ang ating mga gawain. Katulad ng pakikipagkomunikasyon sa ating minamahal sa buhay

na nasa malayong lugar at pagbebenta ng mga gamit. Ngunit kasabay din nito ang paglabas

ng mga mapanlinlang at mapagsamantalang mamamayan.

Lokal:

Ayon kay Tarun Mittal (2017), ang online shopping ay nakakatulong sa mga tao na

mamili nang maayos at walang pagod habang nasa bahay lamang. Hindi na kailangan

maghanap kung saan saan at hindi na rin kailangang tumawad upang makakuha ng mababang

presyo. Mas pinipili na ng mga Filipino ang pagbili ng mga produkto gamit ang Online

shopping dahil sa mas madali, mas abot-kaya ang presyo at mas sigurado sila sa kaligtasan ng

kanilang pinamili (Manila Times, 2014). Ang Online Shopping ay isa na ngayon sa paraan ng

madaliang pagbili ng mga gamit at damit para sa mga taong wala nang oras makalabas sa

kanilang mga hektik na iskedyul (Ice Cube Digital, 2018).

Habang parami na nang parami ang mga mabibili sa online shop, tumataas din ang

bilang ng mga tao na natatakot sa kredibilidad ng mga online shop owners. Lalo na’t kung

mga gadgets ang binibili dahil malaki ang tiyansa na ang mga customers ay madaya sa

pamamagitan ng mga online shops na nagbebenta ng pekeng gadyets. May posibilidad rin na

sila ay madaya. Mayroon ding pagkakataon na may masasamang loob ang manlalamang sa

kanilang kapwa sa pamamagitan ng online shops. Kaya hindi maiiwasan kung bakit hindi pa

rin buo ang loob ng mga tao sa mga online shops na nagbebenta ng gadyets.

Kaugnay na Pag-aaral

Banyaga:
Ayon sa ginawang pananaliksik ni Mckinsey, nakasaad na “More objects are

becoming embaded w/ sensors and gaining the ability to communicate. The resulting

information networks promise to create new business models, improve business process, and

reduce costs and risks.” Dahil sa Online Business sites, nagkaroon ng bagong paraan ang mga

supplier upang kumita ng pera, pinababa rin nito ang presyo at pinalawak ang kapakanan ng

mga bumibili, mas napadali na ngayon ng teknolohiya ang buhay ng mga tao.

Lokal:

Ayon sa mga artikulo na nabasa at napag-alaman ng mga mananaliksik, maraming

tulong ang naidudulot ng teknolohiya sa pangaraw-araw na buhay. Katulad na lamang ng

napiling paksa ng mga mananaliksik na Online Shopping. Nasasaad sa artikulo ng

studymode.com na sa tamang kasaysayan ng komersyo sa pagbebenta ay malaki na ang

naiambag ng teknolohiya. Sa katunayan, ang teknolohiya ang isa sa mga pangunahing paraan

kung bakit ang pagbili at pagbebenta ay nagiging madali, mabilis at mabisa. Kung kaya

naman napakaraming mga tao ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pamimili.

Sa isang pag-aaral na ginawa ng PayPal na may pamagat na “PayPal study reveals

more Filipinos are now shopping online” (2018) sinasabing inaasahan na mas dadami pa ang

bilang ng mga online shopper sa Pilipinas. Ang mga nakalap na datos ay mula sa 34,000 na

tao sa 31 bansa kasama na ang Pilipinas, 1,006 ang mga 18 ang edad pataas. Sa pagtaas ng

mga gumagamit ng teknolohiya sa pagbili kailangan natin alamin ang mga ugali ng mga

consumers upang ito ay mabantayan at makahanap ng paraan upang matulungan sila.

Ayon sa “What is the buying behavior of Filipinos online?” ng MoneyMax.ph (2014)

ang mga Pilipino ay isa sa mga Asia Pacific’s most active Internet users at isa rin sa mga

masiyasat ng mga produkto. Sinabi sa artikulo na mahilig suriin ng mga Pilipino ang mga

produkto kung kaya naman 34 pursyento lamang ng online searches ang nagiging sales ng
mga kumpanya. Ilan sa mga tinitignan ng mga Pilipino sa produkto bago bumili ay ang

presyo, reviews ng mga nakabili na at naghahanap pa ng best deal sa iba’t ibang sites.

Ang mga kabataan ay higit anim na ulit na mas malamang mamili gamit ang app

kumpara sa mas matatandang henerasyon. Gayunman, ipinapakita ng data na ang trend para

sa pagsa-shopping ay magbabago. Ang mga kabataan ay dalawang ulit na mas malamang na

nag-shopping gamit ang website noong nakaraang taon at higit anim na ulit na mas malamang

na nag-shopping gamit ang app kumpara sa mas matatandang henerasyon. (yougov.com)

Ayon sa isang pag-aaral na pinamagatang “Pananaliksik tungkol sa

pakikipagnegosasyon online” (2014), ang Facebook ay ang numero unong social network

ngayon sa buong mundo. Kung kayat ginagamit ito ng mga malalaking kompanya para dito

ilagay ang kanilang advertisement at para mas madaling malaman ng mga mamimili ang

tungkol sa kanilang mga produkto. Hindi lamang ang mga kompanya ang nakikinabang sa

ganitong pamamaraan dahil maging ang mga ordinaryong tao ay ginagamit ang Facebook

upang magbenta ng ilang kagamitan sa pamamagitan ng pag popost ng kanilang nais na

ibenta na produkto. May mga kompanyang gumagamit ng internet upang magkaroon ng

mahusay na paraan at upang mahawakan ang transakyon, particular ang pag order na sistema.

Gamit ang ipinanukalang sistema, ang isang customer ay maaring umorder ng produkto ng

kompanya ano mang oras, kahit saan. Bukod dito, dahil ang sistema ay sa pamamagitan ng

online at sa pamamagitan ng SMS, ang prospektib na mga customer ng kumpanya ay tumaas.

Kaya ang sistema ay maaring mag ambag sa pag taas ng benta ng kanilang mga produkto.

Napagtanto ng mga mananaliksik na lumipas na ang maraming dekada at tuluyan na ding

binago ng panahon ang mundo pati na rin ang saloobin ng kaluluwa ng tao, sadyang tayo ang

walang kapagurang galuganin ang mga posibilidad upang maabot ang pinakamataas na antas

ng pamumuhay. Isinilang ang teknolohiya ayon sa pagkahayok natin sa pagbabago.

You might also like