You are on page 1of 43

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Introduksyon

Kasabay ng patuloy na pag-usbong ng teknolohiya sa ating lipunan ay

patuloy din ang mga pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng komersyo

partikular na sa aspeto ng advertising o pag-aanunsyo. Sa kasalukuyan, hindi na

lamang nalilimita ang pag-aanunsyo sa pagpapakalat ng mga tarheta o pamplet,

pag-iimprinta ng mga magasin at pagpapaskil ng mga naglalakihang billboard.

Hindi na lang din nakaasa ang mga negosyante sa paggamit lamang ng

telebisyon, radyo at pahayagan bilang medya upang maipakilala ang kani-

kanilang produkto't serbisyo. Ngayon maging ang paggamit ng internet ay

kabilang na sa pagmemerkadong istratehiya ng mga kumpanya para makahimok

ng mga mamimili.

Ang paggamit ng internet sa pag-aanunsiyo ay tinatawag na online

advertising o minsan ay tinatawag ding internet advertising at web advertising.

Nakita ang potensyal ng online advertising dahil sa tumataas na bilang ng mga

taong gumagamit ng internet.

Pinapayagan ng online advertising na maipakita ang mga anunsyo sa mga

tao na maaaring interesado sa mga produkto at serbisyong nakapaloob dito,

habang pini-filter o sinasala nito ang mga taong walang interes dito. Maaari ring

masubaybayan kung ang mga taong iyon ay nag-click sa iyong mga online

advertisement upang mabasa ang tungkol dito. Nagbibigay rin ang online

1
advertising ng pagkakataon na maabot ang mga potensyal na mamimili habang

ginagamit nila ang maraming device mga desktop, mga laptop, mga tablet,

android phone at mga smartphone.

Sa kabila ng mga potensyal ng online advertising ay mayroon din itong

mga di kanais-nais na dulot. Pangunahin na dito pagiging huwad ng ilang mga

anunsyo o di kaya'y kulang ang impormasyong inilalatag sa mga mamimili para

lamang maipakita ang magandang panig ng mga produkto't serbisyo.

Ang pagbabago sa kalakarang ito ng komersyo ay hindi naman masama.

Ang mga negatibong epekto ay hindi maiiwasan sa bawat pagbabago, ngunit

alam dapat kung paano matutugunan ang mga ito. Marapat din sanang suriin at

timbangin ng mga mamimili ang positibo at negatibo ng online advertising.

Makatutulong ito upang maging matalino at praktikal ang kanilang bawat

desisyon sa kanilang pagtangkilik sa mga produkto't serbisyo upang maiwasan

ang panloloko.

Para mas maunawaan ang posibilidad ng paggamit ng internet sa

komersyo ay maraming sarbey at pag-aaral ang isinagawa patungkol sa ibat

ibang gawain ng mga mamimili sa internet. Ngunit karamihan sa mga

naisagawang pag-aaral ay nakatuon lamang sa pagtingin ng mga negosyante

hinggil sa epektibidad at kahalagahan ng online advertising nang hindi

isinasaalang-alang o inaalam ang persepsyon ng mga mamimili tungkol ditto,

(Berthon, Pitt, Watson, 1996).

2
Malinaw na maraming kaisipan ang umiiral sa paggamit ng online

advertising. Kung kaya't ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang malaman

ang persepsyon ng mga estudyante sa positibo at negatibong epekto ng online

advertising. Ito ay sapagkat ang mga estudyante ang pinakamadalas gumamit ng

internet at sila ang pinakamalaking porsyento sa kabuuang populasyon ng mga

gumagamit ng internet ayon kay Calisir (2003). Ang pananaliksik na ito ay

partikular na nakatuon sa mga estudyante ng School of Business and

Accountancy ng Colegio de Dagupan na kung saan ang gawain ng online ay

malapit sa kanilang mga kurso.

Saligang Pangkasaysayan

Ang online advertising ay isang anyo ng pag-aanunsiyo na gumagamit ng

anumang materyal na makikita sa internet tulad ng video clip, audio clip, larawan,

e-mail messages, at maging mga interaktibong laro, na may layunin na bigyan

ng impormasyon ang mga mamimili hinggil sa mga produkto at serbisyo na

iniaalok ng isang negosyo.

Ito ay itinuturing ngayon na pinakamabilis na lumalagong medya ng pag-

aanunsyo sa kasaysayan. Bago pa man umusbong ang online advertising na

alam ng nakararami ngayon, ito ay may mga nauna ng anyo. Ang sinasabing

pinagmulan nito ay noong 1978 matapos magpadala ng mga spam email

campaign sa 400 tao si Gary Thuerk na noo'y marketing manager sa Digital

Equipment Corporation. Layunin ni Thuerk na anyayahin sa demonstrasyon ng

3
bagong produkto ng kompanya na Decsystem-20 ang mga masigasig at may

interest sa larangan ng teknolohiya. Samantala, ang unang spam email na pang-

komersyo ay ginamit nina Laurence Canter & Martha Siegel sa kanilang

pagpapakilala at pag-aalok ng kanilang serbisyo bilang abogado.

Nakamit ng online advertising ang tugatog nito noong mga kalagitnaan ng

1990's kung saan inaasa ng maraming mamumuhunan sa online advertising ang

balik ng kanilang ipinuhunan. Ang unang online advertisement naman ay unang

nasilayan sa world wide web noong 1994 sa anyo ng banner ads na may sukat

na 468x60 px. Ngunit hindi naging maganda ang pagtanggap dito, dahil sa

kamahalan nito at hindi rin ito naging epektibo.

Noong 1997 ang GeoCities Information Architect at Technical Project

manager na si John Shiple ay umisip ng paraan kung paanong ang mga anunsyo

ay mas maging epektibo kung ikukumpara sa paggamit ng banner ads. Ito ay

tinawag na pop-up ads na kusang nabubuksan sa pagbisita sa mga website,

dahilan upang ito ay hindi maiwasang mapansin at nagdudulot ng pagkaantala

sa iyong gingawa. Samantala, ang website network na ExitExchange ay nag-

debelop ng pop-under ads. Ang pop-under ads ay may parehong konsepto sa

pop-up ads ngunit ito ay mas hindi nakakasagabal sa iyong ginagawang

pagbisita sa website.

Isang taon matapos malikha ang pop-up at pop-under ads ay lumikha si

Bill Gross ng Goto.com ng paid placement model (PPM) para sa online

advertising sa mga search engines. Nagtagumpay ang ginawang ito ng

4
Goto.com at kalaunan din ay nabili ito ng Yahoo. Matapos nito ay nag-alok ang

Yahoo ng pay per click advertising na modelo.

Ang online advertising ay gumagamit ng dalawang modelo. Una ay ang

pay-per-click na kung saan ang mga advertisers ay kailangang magbayad sa

bawat pagkakataon na ma-click ang kanilang advertisement. Ang pay-per-

impression naman ay ginagamit upang masukat ang halaga ng kabuuan ng

pagmemerkadong kampanya sa internet.

Samantala, binago ng Google ang online advertising nang ilunsad nito ang

Google Ad Words noong 2000. Ito ay binubuo ng mga maiikling teksto na

naglalarawan tungkol sa advertisement at uniform resource locator o URL link

patungo sa isang website. Ang mga ads na ito ay nakabase sa iyong hinahanap

sa mga search engines na dulot ng Google. Ito ay makikita sa bandang itaas o

gilid ng mga pangunahing resulta ng iyong gingawang paghahanap sa search

engine.

Ang pagsikat ng social media ay mas lalong nagpasigla sa online

advertising. Noong 2008, inilunsad ng Facebook ang Facebook ads for

business. Ipinakilala naman ng Twitter noong 2010 ang promoted trends at

promoted tweets. Ang itinuturing naman na pinakamakapangyarihan na social

media kung pag-uusapan ang online advertising ay ang Youtube na napansin

ang impak nito noong 2008 matapos mailunsad ang promoted videos at pre-roll

ads. Ang mga pre-roll ads ay mga maiikli video na mapapanuod sa unang

5
bahagi ng video na iyong na-click, ito ay karaniwang nagtatagal ng 15 hanggang

30 segundo.

Ang online advertising ay mahalaga dahil malaking tulong ito para sa

isang mamimili na gumawa ng mga matalinong pagpapasya sa pagbili. Base sa

mga pag-aaral ng mga mananaliksik tulad ni Gartner ay naipahatid sa mga

nakararami ang pagtaas ng bilang ng mga consumer na gumagamit ng mga

social media. Gayundin, ang pananaliksik sa pamamagitan ng mobile internet ay

nagbigay-daan upang isakatuparan ang paunang mga produkto at ang

pananaliksik sa presyo bago gumawa ng pinal na desisyon.

Sa pamamagitan ng marketing sa internet, maaari mong

mapagtagumpayan ang hadlang ng distansya. Maaari kang magbenta ng mga

kalakal sa anumang bahagi ng bansa nang walang-set up ng mga lokal na outlet,

magiging madali rin para sa iyo ang pagpapalapad ng iyong target na market.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aanunsiyo o advertising ay isang napakahalagang gawain sa

larangan ng komersiyo. Kung kayat kinakailangang matukoy ang bawat aspeto

nito para sa ikababatid ng mga mamimili at maging ng mga negosyante. Sa

kasalukuyan ay ibat iba ang kaisipang umiiral hinggil sa makabagong anyo ng

pag-aanunsiyo na tinatawag na online advertising, dahil dito ang mga

mananaliksik ay humantong sa pag-aaral na ito upang maisakatuparan ang mga

sumusunod na layunin:

6
1. Mabigyang-pansin at makapagbigay ng karagdagang kaalaman hinggil sa

paggamit ng internet bilang midyum sa pag-aanunsiyo. Lalong-lalo na ng mga

estudyante na pawang mga kabataan na madalas gumamit ng internet.

2. Mailahad ang mga positibong epekto ng online advertising batay sa

persepsyon ng mga estudyante ng SBA. Ito ay makatutulong upang

maipakita ang kagandahan ng internet bilang medyum sa pag-aanunsyo.

3. Mailahad ang mga negatibong epekto ng online advertising batay sa

persepsyon ng mga estudyante ng SBA. Ito ay higit na makatutulong upang

malaman ang mga nararapat na gawin upang mas mapabuti pa ang paggamit

nito sa panghihikayat ng mga mamimili. Ganoon din ay upang

mapangalagaan ang interes ng mamimili na tumatangkilik sa mga produkto o

serbisyong nakapaloob

4. Matimbang ang mga positibo at negatibong epekto ng online advertising

upang magkaroon ng malinaw na pagtingin sa kung ito ay ba ay epektibo sa

panghihikayat ng mga mamimili na tangkilikin ang mga produktot serbisyong

nakapaloob sa mga ito.

5. Matulungan ang mga mamimili upang magkaroon ng matalino at praktikal na

desisyon sa kanilang pagtangkilik sa mga produkto't serbisyong nakapaloob

sa mga online advertisement.

7
Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang persepsyon ng mga

estudyante ng School of Business and Accountancy (SBA) sa positibo at

negatibong epekto ng online advertising.

Inaasahan din na sa dulo ng pag-aaral na ito ay mabibigyan ng tiyak na

kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang pagkakakilanlan ng mga estudyante ng SBA, ayon sa:

a. Edad?

b. Kurso?

c. Taon?

d. Internet Access?

e. Kadalasan sa Paggamit ng Internet?

2. Ano ang madalas na ginagawa ng mga estudyante ng SBA sa kanilang

paggamit ng Internet?

3. Ano ang mga positibong epekto ng online advertising batay sa

persepsyon ng mga estudyante ng SBA?

4. Ano ang mga negatibong epekto ng online advertising batay sa

persepsyon ng mga estudyante ng SBA?

5. Sang-ayon ba ang mga estudyante ng SBA sa paggamit ng online

advertising para mahikayat ang mga mamimili na tangkilikin ang iba't

ibang produkto't serbisyo?

8
Balangkas Konseptwal

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa persepsyon ng mga estudyante ng

SBA ng Colegio de Dagupan sa positibo at negatibong epekto ng online

advertising. Ang daloy ng pananaliksik na ito ay mas mauunawaan sa

pamamagitan ng isang paradaym.

INPUT PROSESO AWTPUT

Positibong Epekto Pananaliksik


ng online
advertising Sampling
Persepsyon ng mga
Negatibong Epekto Sarbey estudyante ng SBA
ng online ng Colegio de
advertising Pagtatala at Dagupan sa Positibo
Komputasyong at Negatibong
Kabuuang Istadistikal
pagtanggap sa
Epekto ng Online
online advertising Pagsusuri at
Advertising
sa panghihikayat Interpretasyon
ng mga mamimili

Makikita sa input ang mga pangunahing katanungan na layuning

mabigyan ng kasagutan ng pananaliksik na ito. Ang mga input na ito ay dadaan

sa ibat ibang proseso na masusi at maingat na pinangasiwaan ng mga

mananaliksik upang malaman ang implikasyon ng bawat datos na makakalap. Ito

ay susuriin at bibigyan ng interpretasyon na ayon sa suliranin at layunin ng pag-

9
aaral na ito. Sa dulo rin ng pag-aaral na ito ay matutukoy kung ano ang mga

positibo at negatibong epekto ng online advertising batay sa persepyon ng mga

estudyante ng SBA ng Colegio de Dagupan.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sinimulan noong Enero, 2016 at natapos noong

Marso ng parehong taon sa Colegio de Dagupan, Lungsod ng Dagupan.

Nakatuon lamang ang pag-aaral na ito sa pagtukoy ng persepsyon ng mga

estudyante ng School of Business and Accountancy (SBA) sa mga positibo at

mga negatibong epekto ng online advertising sa komersyo.

Nililimitahan naman ng pag-aaral na ito ang mga respondente sa mga

estudyante ng SBA dahil na rin sa kakulangan ng sapat na oras at

rmapagkukunan o resorses para maisagawa ang pag-aaral sa mas malawakang

saklaw.

Kahulugan at Terminolohiya

Ang mga sumusunod na termino na nakapaloob sa pamanahong papel na ito

ay binigyang kahulugan upang makatulong sa mga mambabasa na lubusang

maunawaan ang kabuuang konteksto ng pananaliksik.

10
1. Advertising/pag-aanunsyo

-ay isang uri ng komunikasyong inilaan upang manghimok ng isang

madla (mga manonood, mga mambabasa o mga tagapakinig) upang

kumuha't gumawa ng ilang aksyon.

2. Online advertising

-ay isang anyo ng promosyon na gumagamit ng internet at world wide web

para sa mga layunin na ipinahayag ng paghahatid ng mga mensahe sa

pagmemerkado upang maakit ang mga mamimili. Halimbawa nito ay ang

mga contextual ads sa mga resulta ng search engine sa pahina, banner

ads, rich media ads, social networking advertising, interstitial ads,

advertising network at mga e-mail sa marketing.

3. Internet

-isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta

ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba't-

ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono,

satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable (wireless)

na kung saan ang mga iba't-ibang impormasyon ay mapaparating at

mababasa ng publiko.

4. Persepsyon

-paraan o kakayahang unawain at suriin ang isang bagay batay sa sariling

desisyon at kaisipan.

11
5. Positibong Epekto

-mga kanais-nais at kapaki-pakinabang na mga pagbabagong dulot ng

isang pangyayari o bagay na isinagawa

6. Negatibong Epekto

-mga di kanais-nais at masamang pagbabagong dulot ng isang

pangyayari o bagay na isinagawa

7. SBA

-School of Business and Accountancy

8. BSA

-Bachelor of Science in Accountancy

9. BSBA-FM

-Bachelor of Science in Business Administration Financial Management

10. BSBA-HRDM

-Bachelor of Science in Business Administration Human Resources and

Development Management

11. BSBA-MM

-Bachelor of Science in Business Administration Marketing Management

12
KABANATA III

METODO NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang

deskriptiv-analitik na pananaliksik. Sa tulong nito ay mas matutugunan at

mailalahad ang mga kasagutan sa mga nailatag na suliranin ng pananaliksik na

ito. Mailalarawan ang persepsyon ng mga estudyante ng bawat kurso ng School

of Business and Accountancy ng Colegio de Dagupan sa positibo at negatibong

epekto ng online advertising.

Gayundin ay masusukat ng wasto at masusuri ang kaugnayan ng mga

kasagutan ng mga respondente mula sa talatanungan gamit ang ilang simpleng

istadistikal na komputasyon. Kaugnay nito ay malinaw na matutukoy din kung

ano ang implikasyon ng mga nakalap na datos sa isinasagawang pananaliksik.

Paraan ng Pagpili ng Respondente

Napili ng mga mananaliksik ang mga estudyante ng SBA bilang mga

respondente dahil ang kanilang mga kurso ay may malaking kaugnayan sa

gawaing komersyo, na hindi naman nalalayo sa paksa ng pananaliksik na

tungkol sa makabagong paraan ng pagmemerkado at pag-aanunsyo. Isa pang

dahilan, sila ay mga kabataan na mas madalas gumagamit ng internet.

13
Ang mga respondente ay pinili sa pamamagitan ng stratified random

sampling. Mula sa populasyon ng SBA na 776 ay kumuha ang mga mananaliksik

ng 34 na porsyento sa bawat kurso upang mapabilang sa sample. Ang sampling

ay gumamit ng 5% bilang margin of error dahil sa kakulangan ng panahon at

mapagkukunan para maisagawa ang pag-aaral sa mas malawakang saklaw.

Ang dami ng respondente ay resulta ng ginawang komputasyon gamit ang

pormula sa ibaba:

Pormula:

N n
n= (Slovin, 1960) P=
1+Ne2 N

Kung saan n = laki ng sample


N = kabuuang populasyon
e = margin of error
P = porsyento

Sa kabuuan ay 263 na respondente ang kabilang sa sample para sa

isasagawang sarbey. Samakatuwid ay mayroong pantay na paghahati ng

respondente batay sa kurso.

14
Populasyon ng mga Respondente

Ang pag-aaral na ito ay kinabibilangan ng mga estudyante mula sa limang

kurso ng School of Business and Accountancy. Ito ay may kabuuang populasyon

na 776 na estudyante at mula rito ay kumuha ang mga mananaliksik ng 34% na

may bilang na 263 upang maging respondente sa isinasagawang pananaliksik.

Talahanayan Blg. 2.1

Distribusyon ng mga Respondente mula sa Bawat

Kurso ng School of Business and Accountancy

KURSO BILANG PORSYENTO RESPONDENTE


BSA 318 34% 108
BSBA-FM 208 34% 71
BSBA-HRDM 24 34% 8
BSBA-MA 54 34% 18
BSBA-MM 172 34% 58
KABUUAN 776 34% 263

Sa kabuuang bilang na 318 na estudyante na kumukuha ng kursong BSA

ay isang daan at walo (108) ang napiling respondente.

Sa kabuuang bilang na 208 na estudyante na kumukuha ng kursong

BSBA-FM ay pitumput isa (71) ang napiling respondente.

Sa kabuuang bilang na 24 na estudyante na kumukuha ng kursong

BSBA-HRDM ay walo (8) ang napiling respondente.

15
Sa kabuuang bilang na 54 na estudyante na kumukuha ng kursong BSBA-

MA ay labing-walo (18) ang napiling respondente.

Sa kabuuang bilang na 172 na estudyante na kumukuha ng kursong

BSBA-MM ay limamput walo (58) ang napiling respondente.

Deskripsyon ng mga Respondente

Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay pawang mga estudyante

ng School of Business and Accountancy. Sila ay mula sa ibat ibang kurso, BSA,

BSBA-FM. BSBA-HRDM, BSBA-MA at BSBA-MM. Ang mga respondente rin ay

kinabibilangan ng mga estudyante mula sa ibat ibang taon.

Instrumentong Ginamit

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng talatanungan bilang instrumento

sa pangangalap ng impormasyon para sa pananaliksik na ito. Ang mga tanong

ay may wastong kaayusan at tiniyak na may kaangkupan ang mga ito sa

suliraning nais lutasin ng mga mananaliksik. Ito ay ginamit sa sarbey na

pinasagutan sa 263 na estudyante ng SBA para malaman ang kanilang

persepsyon sa mga positibo at negatibong epekto ng online advertising.

Ang mga tanong sa sarbey-kwetyuner ay nahahati sa limang bahagi:

I. Pagkakakilanlan ng mga Respondente

16
II. Madalas na Gawain sa Internet

III. Positibong Epekto ng Online Advertising

IV. Negatibong Epekto ng Online Advertising

V. Kabuuang Pagtanggap sa Online Advertising

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsimula sa paghahanap

ng mga sangguniang makatutulong upang madagdagan ang kaalaman at

kabatiran tungkol sa paksang positibo at negatibong epekto ng online

advertising. Kabilang na rito ang mga literatura, pag-aaral na may kaugnayan sa

isinasagawang pag-aaral, dyornal, aklat at iba pang mga babasahing nailathala

sa internet.

Mula sa mga impormasyong nakalap ay gumawa ang mga mananaliksik

ng talatanungan para sa isasagawang sarbey. Bago pa man ito ay humingi na

ang mga mananaliksik ng pahintulot mula sa dekana ng School of Business and

Accountancy para isagawa ang sarbey sa nasasakupang departamento.

Personal na pinamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbabahagi ng

mga talatanungan sa 263 na respondente na base sa komputasyong ginawa

mula sa 776 na populasyon ng SBA. Ang pinagkunan ng opisyal na bilang ng

mga estudyante ng limang kurso ng SBA ay mula sa tanggapan ng dekana ng

departamento.

17
Matapos nito ay kinalap ang mga talatanungan upang masuri at

mapaghambing ang mga sagot ng mga respondente gamit ang ilang simpleng

istadistika para matukoy ang kabuuan nito at mabigyan ng komprehensibong

interpretasyon.

Tritment ng mga Datos

Ang mga nakalap na datos ay isa-isang itinala at ginamitan ng mga

simpleng istadistikal na komputasyon upang malaman ang implikasyon nito sa

mga suliraning nailatag ng isinasagawang pag-aaral.

Sa mga nakalap na datos mula sa una at ikalawang bahagi ng

talatanungan ay kinuha ang posryento ng mga kasagutan sa bawat tanong.

Pormula:


P = 100

Kung saan: P = porsyento/bahagdan


F = bilang ng mga sumagot
N = kabuuang respondente
Sa mga nakalap na datos mula sa ikatlo, ika-apat at ikalimang bahagi ng

talatanungan ay kinuha ang weighted arithmetic mean ng mga sagot upang

malaman ang kabuuang tugon ng mga respondente sa bawat tanong.

Ang mga respondente ay binigyan ng Likert-Scale type na iskwala na may

kaakibat na deskripsyon para sa kanilang kasagutan sa bawat tanong.

18
Deskriptibong Marka Numerikal na Marka Arbitraryong Marka

Lubos na sumasang-ayon 5 4.21 5.00

Sumasang-ayon 4 3.41 4.20

Neutral 3 2.61 3.40

Di sumasang-ayon 2 1.81 2.60

Lubos na di sumasang-ayon 1 1.00 1.80

fx
Pormula: x=
f

Kung saan:
x = weighted arithmetic mean
fx = kabuuang produkto ng f at x
f = bilang ng sumagot
x = numerikal na marka
f = kabuuan ng bilang ng sumagot

19
KABANTA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagpapaliwanag ng mga datos na

nakalap at nalikom ng mga mananaliksik mula sa mga talatanungan na

ipinasagutan sa mga estudyante ng School of Business and Accountancy ng

Colegio de Dagupan na tungkol sa Positibo at Negatibong Epekto ng Online

Advertising.

Grap Bilang 1

Distribusyon ng mga Respondente Batay sa Edad

16-18
19-21
22-24
2.28%
25.48%

72.24%

Ipinapakita sa Grap Bilang 4.1 ang mga datos na naglalahad ng

distribusyon ng mga respondente batay sa kanilang edad. Sa dalawang-daan at

animnaput tatlo (263) na respondente, 72.24% na katumbas ng isang-daan at

siyamnapo (190) ang mga nasa pagitan ng edad 16-18. Samantala, 25.48% ang

20
nasa pagitan ng edad 19-21 na may kabuuang bilang na 67 na respondente.

Anim na respondente o 2.28% naman ng kabuuang respondente ang nasa

pagitan ng edad 22-24.

Grap Bilang 4.2

Distribusyon ng mga Respondene Batay sa Taon

Unang Taon
Ikalawang Taon
Ikatlong Taon
Ikaapat na Taon

11.41%
14.45%
50.57%
23.57%

Ipinapakita sa Grap Bilang 4.2 ang mga datos na naglalahad ng

distribusyon ng mga respondente batay sa kanilang taon. Sa dalawang-daan at

animnaput tatlo (263) na respondente, 50.57% na katumbas ng isang daan at

tatlumput tatlo (133) ang nasa Unang Taon. Animnaput dalawa (62) o 23.57%

ng kabuuang bilang ng mga respondente ang nasa Ikalawang Taon. Samantala,

14.45% naman ng mga respondente ay nasa Ikatlong Taon na may bilang na

21
tatlumput walo (38). Ang 11.41% naman ay binubuo ng tatlumpong (30)

estudyante na nasa Ikaapat na Taon.

Grap Bilang 4.3

Bilang ng mga Respondente na may Sariling

Access sa Internet

Mayroon

Wala

15.59%

84.41%

Ipinapakita sa Grap Bilang 4.3 ang mga datos na naglalahad ng bilang ng

mga respondente na may sariling access sa internet. Sa dalawang-daan at

animnaput tatlo (263) na respondente, 84.41% na katumbas ng dalawang-daan

at dalawamput dalawa (222) ang may sariling access sa internet. Samantala,

apatnaput isa naman o 15.59% ng kabuuang populasyon ng mga respondente

ang walang sariling access sa intenet.

22
Grap Bilang 4.4

Kadalasan sa Paggamit ng Internet ng mga Respondente

sa Loob ng Isang (1) Linggo

1-2 araw
3-4 araw
5-6 araw
araw-araw
19.39%
49.43%
21.67%
9.51%

Ipinapakita Grap Bilang 4.4 ang mga datos na naglalahad ng kadalasan

sa paggamit ng internet ng mga respondente sa loob ng isang linggo. Sa

dalawang-daan at animnaput tatlo (263) na respondente, 19.39% na katumbas

ng limamput isa (51) ang gumagamit ng internet ng 1-2 araw sa loob ng isang

linggo. Limamput pito (57) o 21.67% ng kabuuang bilang ng mga respondente

ang gumagamit ng internet ng 3-4 araw. Samantala, 9.51% na may bilang na

dalawamput lima (25) ang gumagamit ng internet ng 5-6 araw. Ang 49.43%

naman o isang daan at tatlumpo (130) na respondente ay araw-araw na

gumagamit ng internet.

23
Grap Bilang 4.5

Oras na Ginugugol ng mga Respondente sa Paggamit

ng Internet sa Loob ng Isang (1) Araw

1-2 oras
3-4 oras
5-6 oras
7-8 oras
7.98%
15.97% 39.54%

36.50%

Ipinapakita sa Grap Bilang 4.5 ang mga datos na naglalahad ng oras na

ginugugol ng mga respondente sa paggamit ng internet sa loob ng isang araw.

Sa dalawang-daan at animnaput tatlo (263) na respondente, 39.54% na

katumbas ng isang daan at apat (104) ang gumugugol ng 1-2 oras sa paggamit

ng internet sa loob ng isang araw. Siyamnaput anim (96) o 36.50% ng

kabuuanng bilang ng mga respondente ang gumugugol ng 3-4 oras sa loob ng

isang araw sa paggamit ng internet. Samantala, 15.97% na may bilang na

apatnaput dalawa (42) ang gumugugol ng 5-6 oras sa paggamit ng internet sa

loob ng isang araw. Ang 7.98% naman o dalawamput isa (21) na respondente

ay gumugugol ng 7-8 oras s a paggamit ng internet.

24
Grap Bilang 4.6

Madalas na Gawain ng mga Respondente sa Paggamit ng Internet

Gumagamit
ng mga Social
Media
31.59%
Naglalaro ng
51.54% mga online
16.86% games

Nangangalap
ng mga
impormasyon

Ipinapakita sa Grap Bilang 4.6 ang mga datos na naglalahad ng mga

madalas na gawain ng mga respondente sa paggamit ng internet. Sa dalawang

daan at animnaput tatlo (263) na respondente, 51.54% na katumbas ng

dalawang daan at labing-pito (217) ang madalas na gumagamit ng social media

sa paggamit ng internet. Samantala, 16.86% ang naglalaro ng mga online games

na may kabuuang bilang na pitumput isa (71) na respondente. Ang 31.59%

naman o isang daan at tatlumput tatlo (133) na respondente ang nangangalap

ng mga impormasyon sa kanilang paggamit ng internet.

25
Talahanayan Bilang 4.1

Persepsyon ng mga Respondente sa mga Positibong

Epektong Online Advertising

Weighted
Numerikal na Marka
Mean Deskriptibong Rank
Epekto Marka
x
5 4 3 2 1
1. Mura ang paggamit Sumasang-
72 360 113 452 20 60 42 84 16 16 3.70 3
ng online advertising. ayon
2. Mas mabilis at
malawakang
maibabahagi sa mga
Sumasang-
konsyumer ang 104 520 59 236 50 150 37 74 13 13 3.78 2
ayon
impormasyon tungkol
sa mga produkto't
serbisyo.
3. Matagal ang
Sumasang-
eksposyur ng mga 84 420 36 144 93 278 37 74 13 13 3.53 4.5
ayon
online advertisement
4. Nakaeengganyo't
nakaaanyaya ang Sumasang-
84 420 36 144 93 278 37 74 13 13 3.53 4.5
mga online ayon
advertisement
5. Malalaman ang tugon
at persepsyon ng
mga konsyumer Lubos na
92 460 84 368 84 252 43 86 17 17 4.50 Sumasang- 1
hinggil sa mga
ayon
produkto't serbisyong
nakapaloob dito.
6. Mas madaling
matandaan ang mga
produkto't serbisyo sa
mga online
advertisement kung 34 170 81 324 82 246 39 78 27 27 3.21 Neutral 6
ikukumpara sa mga
inaanunsyo sa
telebisyon, radyo at
pahayagan

26
Ipinapakita sa Talahanayan Bilang 4.1 ang mga datos na naglalahad ng

persepsyon ng mga respondente sa positibong epekto ng online advertising.

Nagtala ng pinakamataas na weighted mean na 4.50 (lubos na sumasang-ayon)

ang epektong Malalaman ang tugon at persepsyon ng mga konsyumer hinggil

sa mga produkto't serbisyong nakapaloob dito

Makikita naman na sumasang-ayon ang dalawang-daan at animnaput

tatlo (263) na respondente sa apat pang positibong epekto ng online advertising.

Una na rito ang epektong Mas mabilis at malawakang maibabahagi sa mga

konsyumer ang impormasyon tungkol sa mga produkto't serbisyo na nagtala ng

3.78 na weighted mean. Para naman sa epektong Mura ang paggamit ng online

advertising ay nagatala ito ng 3.70 ang weighted mean.

Nakapagtala naman ng parehong weighted mean na 3.53 ang mga

epektong Matagal ang eksposyur ng mga online advertisement at

Nakaeengganyo't nakaaanyaya ang mga online advertisement

Nakakuha naman ng pinakamababang weighted mean na 3.51 o kung

saan ay neutral ang persepsyon ng mga respondente sa kung positibong epekto

nga ba ang epektong Mas madaling matandaan ang mga produkto't serbisyo sa

mga online advertisement kung ikukumpara sa mga inaanunsyo sa telebisyon,

radyo at pahayagan.

27
Talahanayan Bilang 4.2

Persepsyon ng mga Respondente sa mga Negatibong

Epektong Online Advertising

Weighted
Numerikal na Marka
Mean Deskriptibong Rank
Epekto Marka
x
5 4 3 2 1
1. Nakaiirita ang biglaang
paglabas ng mga online
Sumasang-
advertisement sa 78 390 69 276 62 186 30 60 24 24 3.59 3
ayon
paggamit ng Internet
tulad ng social media.
2. Napapansin ito ngunit
hindi na binabasa ang Sumasang-
93 465 69 276 61 183 25 50 15 15 3.76 1
konteksto ng mga ito ng ayon
karamihan.
3. Limitado ang mga
impormasyon tungkol sa
Sumasang-
mga produkto't 39 195 92 368 87 261 33 66 12 12 3.43 5
ayon
serbisyong nakapaloob
dito.
4. Walang kredibilidad ang
Sumasang-
nilalaman ng mga online 67 335 78 312 62 186 31 62 25 25 3.50 4
ayon
advertisement
5. Maaari itong pag-ugatan
22 110 83 332 95 285 46 92 17 17 3.18 Neutral 6
ng mga ilegal na Gawain
6. May kalakip ang mga ito
na virus na
Sumasang-
makaaapekto sa sistema 70 350 90 360 56 224 20 40 27 27 3.60 2
ayon
ng kompyuter, tablet at
cellphone.

28
Ipinapakita sa Talahanayan Bilang 4.2 ang mga datos na na naglalahad

ng persepsyon ng mga respondente sa negatibong epekto ng online advertising.

Makikita na sumasang-ayon ang dalawang-daan at animnaput tatlo (263) na

respondente sa lahat ng negatibong epekto ng online advertising maliban sa

epektong Maaari itong pag-ugatan ng mga ilegal na gawain. Ito ay nagtala ng

3.18 na weighted mean o neutral kung ito nga ba ay negatibong epekto ng online

advertising batay sa persepsyon ng mga respondente.

Nagtala ng pinakamataas na weighted mean na 3.76 ang epektong

Napapansin ito ngunit hindi na binabasa ang konteksto ng mga ito ng

karamihan.

Hindi rin naman nalalayo ang weighted mean na naitala ng epektong May

kalakip ang mga ito na virus na makaaapekto sa sistema ng kompyuter, tablet at

cellphone na may 3.60 na weighted mean at 3.59 para sa epektong Nakaiirita

ang biglaang paglabas ng mga online advertisement sa paggamit ng Internet

tulad ng social media.

Sa epekto naman na Walang kredibilidad ang nilalaman ng mga online

advertisement ay 3.50 ang weighted mean. Samantala, 3.43 naman ang naitala

sa epektong Limitado ang mga impormasyon tungkol sa mga produkto't

serbisyong nakapaloob dito.

29
Talahanayan 4.3

Kabuuang Pagtanggap ng mga Respondente

sa Paggamit ng Online Advertising

Weighted Deskriptibong
Numerikal na Marka (x)
Mean Marka
5 4 3 2 1 x

87 435 97 388 30 90 25 50 24 24 3.75 Sumasang-ayon

Ipinapakita sa Talahanayan Bilang 4.3 ang mga datos na naglalahad ng

kabuuang pagtanggap ng mga respondente sa paggamit ng online advertising

upang makapanghikayat ng mga mamimilli na tangkilikin ang mga produkto at

serbisyong nakapaloob dito. Sa dalawang daan at animnaput tatlo (263) na

respondente, walumput pito (87) ang nagbigay ng 5 puntos o lubos na

sumasang-ayon dito.

Siyamnaput pito (97) ang nagbigay ng 4 puntos o sumasang-ayon.

Samantala, tatlumpo (30) na respondente ang nagbigay ng 3 puntos o neutral sa

kung nakatutulong ba ang online advertising. Dalawamput lima ang nagbigay ng

2 puntos o hindi sumasang-ayon at dalawamput apat (24) ang nagbigay ng 1

puntos o lubos na hindi sumasang-ayon.

Sa kabuuan ay nagtala ng 3.75 na weighted mean ang mga puntos na

ibinigay ng mga respondente na ibig sabihin sumasang-ayon sila sa paggamit ng

online advertising.

30
KABANATA V

NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Natuklasan

Gamit ang mga datos na nakalap mula sa ginawang pagsasarbey sa mga

estudyante ng School of Business and Accountancy, ay natuklasan ng mga

mananaliksik ang sumusunod:

1. Batay sa mga nakalap na datos lumalabas na karamihan sa mga estudyante

SBA ay may sariling access sa internet.

2. Malaking bahagdan ng mga estudyante ng SBA ay araw-araw kung gumamit

ng internet sa loob ng isang linggo. Sa loob naman ng isang araw ay

malaking bahagdan ang gumugugol ng isa hanggang dalawang oras sa

paggamit ng internet.

3. Karamihan sa mga estudyante ng SBA ay ginagamit ang kanilang mga social

media accounts sa kanilang paggamit ng internet.

4. Ang mga limang positibong epekto ng online advertising na inilatag sa pag-

aaral na ito ay sinang-ayunan ng mga estudyante ng SBA. Pangunahin na

nga dito ang Malalaman ang tugon at persepsyon ng mga konsyumer hinggil

sa mga produkto't serbisyong nakapaloob dito. Ngunit neutral ang kanilang

persepsyon hinggil sa epektong Mas madaling matandaan ang mga

produkto't serbisyo sa mga online advertisement kung ikukumpara sa mga

inaanunsyo sa telebisyon, radyo at pahayagan.

31
5. Ang lahat ng mga negatibong epekto ng online advertising na inilatag sa pag-

aaral na ito ay sinang-ayunan ng mga estudyante ng SBA maliban sa

epektong Maaari itong pag-ugatan ng mga ilegal na gawain sapagkat

neutral ang pagtingin ng mga respondente dito kung ito nga ba talaga ay

negatibong epekto ng online advertising. Pangunahin namang sinang-ayunan

bilang negatibong epekto ang Napapansin ito ngunit hindi na binabasa ang

konteksto ng mga ito ng karamihan.

Kongklusyon

Sa tulong ng isinagawang pananaliksik sa ibat ibang mga literatura, pag-

aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral, dyornal, aklat at iba pang

mga babasahing nailathala sa internet, kabilang na rin ang mga natuklasan ng

mga mananaliksik sa isinagawang sarbey, ay humantong ang pag-aaral na ito sa

mga sumusunod na kongklusyon.

1. Ang mga estudyante ng SBA ay aktibo sa paggamit ng internet na kung saan

ay napapansin din nila ang mga ibat ibang online advertisements sa kanilang

paggamit ng social media, paglalaro ng online games at pangangalap ng ibat

ibang impormasyon.

2. Batay sa mga naging tugon ng mga estudyante ng SBA, mahihinuha na sila

ay may kabatiran sa kung tungkol saan ang online advertising at sila ay may

kanya-kanyang pagtingin sa ibat ibang aspeto nito.

32
3. Nakikita ng mga estudyante ng SBA bilang pinakapositibong epekto ang

Malalaman ang tugon at persepsyon ng mga konsyumer hinggil sa mga

produkto't serbisyong nakapaloob dito dahil na rin sa ibat ibang

pamamaraan ng makabagong teknolohiya. Kabilang na dito ang simpleng

pag-click sa mga anunsyong ito at pagtatanong o pagbibigay ng reaksyon o

suhestyon hinggil sa mga ito na mas madaling matukoy o masubaybayan

dahil na rin sa makabagong teknolohiya patuloy pa ring umuunlad. Neutral

naman ang persepsyon nila sa epektong Mas madaling matandaan ang mga

produkto't serbisyo sa mga online advertisement kung ikukumpara sa mga

inaanunsyo sa telebisyon, radyo at pahayagandahil sa sila ay may ibang

ginagawa sa paggamit ng internet, kung kayat hindi nila ito madaling maalala

lalo na sa mga anunsyong biglaan na lang sumusulpot o lumilitaw.

4. Ang epekto naman na Napapansin ito ngunit hindi na binabasa ang

konteksto ng mga ito ng karamihan ay nakikita ng mga estudyante ng SBA

bilang pinakanegatibong epekto ng online advertising sapagkat hindi nga

naman makapanghihikayat ang isang anunsyong hindi binabasa ang

konteksto. Tulad ng karanasan ng karamihan naaantala ang kanilang gawain

sa paggamit ng internet dahil sa lumilitaw na mga anunsyo, ito ay kanilang

napapansin ngunit nais nila agad itong maalis nang hindi na binabasa o

pinakikinggan kung tungkol saan ito. Siguro ay neutral naman ang kanilang

persepsyon sa epektong Maaari itong pag-ugatan ng mga ilegal na gawain

dahil sa ito lamang naman ay pag-aanunsyo gamit ang internet, at malulubos

na ito ay maaaring pagmulan ng mga masasamang gawain.

33
5. Matapos mailahad ang mga positibo at negatibong epekto ng online

advertising, sa pangkalahatan ay sumasang-ayon pa rin ang mga estudyante

ng SBA sa paggamit ng online advertising upang makahikayat ng mga

mamimili na tangkilikin ang mga produkto at serbisyong nakapaloob dito.

Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nailahad, ay buong inirerekomenda ng

mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Para sa mga negosyante na gumagamit ng online advertising para sa

kanilang mga produkto at serbisyo, marapat sanang konsiderahin ang

persepsyon dito ng mga estudyante dahil sila ay mga kabataan na madalas

gumamit ng internet na nakakita sa mga advertisement.

2. Para sa mga mamimili, kabataan at mga taong gumagamit ng internet,

maging maingat sa mga advertisement o anunsyo na nakikita sa internet.

Tiyakin muna ang kredibilidad ng mga impormasyong nakapaloob sa mga ito,

bago ito paniwalaan.

3. Para sa mga mananaliksik na nais ipagpatuloy ang pag-aaral na ito, mas

mapagbubuti ito kung ito ay isasagawa sa mas malawakang saklaw ng mga

respondente at mapagtuunan ang kaugnayan sa pagitan ng persepsyon ng

mga mamimili sa online advertising at sa katagumpayan ng paggamit nito

bilang isang pagmermerkadong istratehiya.

34
TALASANGGUNIAN

Mga Pag-aaral

Abdul Azeem and Zia ul Haq (2012), Perception Towards Internet

Advertising: A Study With Reference to Three Differennt Demographic

Groups, Global Business and Management Research Vol. 4 No.1,

p. 28-45

Muhammad Aqsa, Dwi Kartini (2015), Impact of Online Advertising on

Consumer Attitudes and Interests Buy Online (Survey on Students of

Internet Users in Makaasar), International Journal of Scientific &

Technology Research Volume 4, Issue 04, p. 230-234

McCoy et. al..(2004), A Study of the Effects of Online Advertising: A Focus

on Pop-Up and In-Line Ads, Proceedings of The Third Annual Workshop

on HCI Research in MIS, Washington, DC, p. 50-53.

Ann E. Schlosser et. al., (1999), Survey of Internet UsersAttitudes Toward

Internet Advertising, Journal of Interactive Marketing Vol. 13 No. 3,

p.34-53

Berthon, P., Pitt, L. F., & Watson, R.T. (1996), The World Wide Web as an

Advertising Medium: Toward an Understanding of Conversion Efficiency,

Journal Advertising Research, p. 43-54

35
Mga Literatura

Kasaysayan ng Online Advertising

https://yashi.com/blog/definitive-history-online-advertising

http://1stwebdesigner.com/online-advertising-history/

http://www.freelancepilipinas.org/2013/06/ano-ang-internet-

marketing.html

Pros and Cons of Online Advertising, www.mindfirecommunications.com,

(2010), Inga Rundquist.

36
APENDIKS A
Colegio de Dagupan
School of Business and Accountancy
Arellano St., Dagupan City

Pebrero 4, 2016

TEOFILA S. ALBAY, CPA, DBA


Dekana
School of Business and Accountancy

Dr. Albay:

Kami po ay isang pangkat ng mga mag-aaral ng Unang Taon ng kursong Bachelor of


Science in Accountancy na kumukuha ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik. Bilang katuparan sa naturang asignatura, kami ay naatasang
magsagawa ng isang pamanahong papel na may kaugnayan sa aming kurso.

Ang amin pong pamanahong papel ay pinamagatang, Persepsyon ng mga Estudyante


ng SBA ng Colegio de Dagupan sa Positibo at Negatibong Epekto ng Online Advertising.
Kaugnay nito, nais po naming humingi ng inyong pahintulot na mangalap ng mga datos
sa inyong nasasakupang departamento sa pamamagitan ng isang sarbey. Para
maisagawa ito, nais po naming malaman ang kabuuang bilang ng mga estudyante ng
SBA sa bawat kurso para malaman ang tiyak na bilang ng mga respondente na magiging
kabilang sa aming sample.

Ang inyo pong positibong pagtugon at kooperasyon sa aming kahilingan ay sadyang


makatutulong para sa ikatatagumpay ng aming isinasagawang pananaliksik.

Lubos na gumagalang,
FERRER, ARJAY S.
LAIGUE, CHRIS NICOLE Q.
TIMARIO, HERMIE D.
Mga Mananaliksik, 12-BSA-01

Binigyang-pansin ni:
JOHN MICHAEL F. GEMINIANO
Instruktor, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Pinagtibay ni:
JULINDA S. NARVASA, MDM
Dekana, School of Arts Sciences and Teacher Education

37
APENDIKS B

Colegio de Dagupan
School of Business and Accountancy
Arellano St., Dagupan City

SARBEY-KWESTYUNER

Ang sarbey na ito ay nakalaan lamang para sa mga estudyante ng School of Business
and Accountancy ng Colegio de Dagupan. Ito ay nakatuon sa Positibo at Negatibong
Epekto ng Online Advertising

Panuto: Punan ang mga patlang ng kinakailangang impormasyon at lagyan ng tsek ang
mga kahon ng iyong napiling sagot sa mga sumusunod na katanungan

I. Pagkakakilanlan:

Edad: Taon:

Kurso:

1. Mayroon ka bang access sa Internet?

Mayroon Wala

2. Sa isang linggo, gaano ka kadalas gumamit ng Internet?

1-2 araw 3-4 araw 5-6 araw araw-araw

3. Sa isang araw, ilang oras ang iyong ginugugol sa paggamit ng Internet?

1-2 oras 3-4 oras 5-6 oras 7-8 oras

II. Madalas na Gawain sa Internet

Ano ang iyong madalas na ginagawa kapag ikaw ay gumagamit ng internet?

Ginagamit ang mga social media tulad ng Facebook, Twitter, Instagram, at


YouTube

Naglalaro ng mga online games

Nangangalap ng mga impormasyon sa mga bagay-bagay

Iba pa (Tukuyin)

38
Panuto: Punan ng tsek ang mga kahon batay sa iyong persepsyon sa mga sumusunod
Na epekto ng online advertising, gamit ang mga sumusunod na iskwala:

5 lubos na sumasang-ayon
4 sumasang-ayon
3 neutral
2 hindi sumasang-ayon
1 lubos na hindi sumasang-ayon

III. Sumasang-ayon ka ba na positibo ang mga sumusunod na epekto


ng online advertising?

Epekto 5 4 3 2 1
1. Mura ang paggamit ng online advertising.
2. Mas mabilis at malawakang maibabahagi sa
mga konsyumer ang impormasyon tungkol sa
mga produkto't serbisyo.
3. Matagal ang eksposyur ng mga online
advertisement
4. Nakaeengganyo't nakaaanyaya ang mga online
advertisement
5. Malalaman ang tugon at persepsyon ng mga
konsyumer hinggil sa mga produkto't serbisyong
nakapaloob dito.
6. Mas madaling matandaan ang mga produkto't
serbisyo sa mga online advertisement kung
ikukumpara sa mga inaanunsyo sa telebisyon,
radyo at pahayagan

39
IV. Sumasang-ayon ka ba na negatibo ang mga sumusunod na epekto ng
online advertising?

Epekto 1 2 3 4 5
1. Nakaiirita ang biglaang paglabas ng mga online
advertisement sa paggamit ng Internet tulad ng
social media.
2. Napapansin ito ngunit hindi na binabasa ang
konteksto ng mga ito ng karamihan.
3. Limitado ang mga impormasyon tungkol sa mga
produkto't serbisyong nakapaloob dito.
4. Walang kredibilidad ang nilalaman ng mga online
advertisement
5. Maaari itong pag-ugatan ng mga ilegal na Gawain
6. May kalakip ang mga ito na virus na makaaapekto
sa sistema ng kompyuter, tablet at cellphone.

V. Sa kabuuan, sang-ayon ka ba sa paggamit ng online advertising para


mahikayat ang mga konsyumer na tangkilikin ang iba't ibang produkto at
serbisyo?

5 lubos na sumasang-ayon
4 sumasang-ayon
3 neutral
2 hindi sumasang-ayon
1 lubos na hindi sumasang-ayon

40
APENDIKS C-1

ARJAY SICAT FERRER


Poblacion, San Fabian, Pangasinan
Contact No.: 09274564935
Email: ferrerarjay87@yahoo.com

PERSONAL BACKGROUND

Age : 17
Gender : Male
Height : 55
Weight : 65 kgs.
Date of Birth : January 7, 1999
Place of Birth : Dagupan City
Civil Status : Single
Religion : Catholic
Nationality : Filipino
Language or Dialect : Filipino, English, Pangasinan

EDUCATIONAL ATTAINMENT
COLEGIO DE DAGUPAN
Bachelor of Science in Accountancy
Arellano Street, Dagupan City 2015-2019

SAN FABIAN NATIONAL HIGH SCHOOL


Nibaliw West, San Fabian, Pangasinan 2011-2015

EAST CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL


Caballero Street, San Fabian, Pangasinan 2005-2011

I hereby solemnly swear that the information contain here in, are true and
correct to the best of my knowledge and belief.

ARJAY S. FERRER

Applicant
41
APENDIKS C-2

CHRIS NICOLE QUELIZA LAIGUE


Calmay District, Dagupan City
Contact No.: 09272967521
Email: laigue.chris@gmail.com

PERSONAL BACKGROUND
Age : 17
Gender : Male
Height : 55
Weight : 55 kgs.
Date of Birth : July 29, 1998
Place of Birth : Calmay District, Dagupan City
Civil Status : Single
Religion : Seventh-day Adventist
Nationality : Filipino
Language or Dialect : Filipino, Ilocano, English

EDUCATIONAL ATTAINMENT
COLEGIO DE DAGUPAN
Bachelor of Science in Accountancy
Arellano Street, Dagupan City 2015-2019

DAGUPAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL


Tapuac District, Dagupan City 2011-2015

T. AYSON ROSARIO ELEMENTARY SCHOOL


Calmay North, Dagupan City 2005-2011

I hereby solemnly swear that the information contain here in, are true and
correct to the best of my knowledge and belief.

CHRIS NICOLE Q. LAIGUE


Applicant

42
APENDIKS C-3

HERMIE DIAZ TIMARIO


Lucao District, Dagupan City
Contact No.: 09304546651
Email: timariohermie@yahoo.com

PERSONAL BACKGROUND
Age : 17
Gender : Male
Height : 55
Weight : 55 kgs.
Date of Birth : October 30, 1998
Place of Birth : Dagupan City
Civil Status : Single
Religion : Catholic
Nationality : Filipino
Language or Dialect : Filipino, English, Pangasinan

EDUCATIONAL ATTAINMENT
COLEGIO DE DAGUPAN
Bachelor of Science in Accountancy
Arellano Street, Dagupan City 2015-2019

DAGUPAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL


Science, Technology and Engineering Program
Tapuac District, Dagupan City 2011-2015

WEST CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL I


Burgos Street, Dagupan City 2005-2011

I hereby solemnly swear that the information contain here in, are true and
correct to the best of my knowledge and belief.

HERMIE D. TIMARIO

Applicant

43

You might also like