You are on page 1of 5

CvSU Mission

CvSU Vision Republic of the Philippines Cavite State University shall provide
The premier university in CAVITE STATE UNIVERSITY excellent, equitable and relevant educational
historic Cavite recognized for Don Severino de las Alas Campus opportunities in the arts, science and
excellence in the development Imus Campus technology through quality instruction and
of globally competitive and relevant research and development activities.
Cavite Civic Center, Palico IV, It shall produce professional, skilled and
morally upright individuals. City of Imus, Cavite 4103 morally upright individuals for global
(046)471-6607/ 436-6584 competitiveness.

Ang Pagsasalin ng Ingles na Pananaliksik


Sa Wikang Tagalog

Submitted by
Daphne C. Bautista

Submitted to
Ginoong Richard Gaytos

January 2021
ISANG PAG-AARAL NG SOSYAL NA PAGGAMIT NG MEDIA
AT INTERAKSYON
Chapter 1: Introduksyon

Ang paggawa ng isang pelikula ay maaaring gumastos ng milyun-milyong dolyar.


Upang maprotektahan ang pamumuhunan, gagasta ang mga advertiser ng kalahati ng
marami, kung hindi higit pa, sa pag-promote ng pelikula upang kumita sa unang
dalawang linggo ng paglabas ng pelikula (Anders, 2011). Kailangan maintindihan ng
mga advertisers ang audience o ang mga manonood at alamin kung paano abutin ang
audience para maiwasan ang pagsasayang ng pera sa hindi matagumpay na
campaign. Mga kumpanyang gaya ng Lionsgate ay nadisukbre o nalaman na ang
interactive campaigns online ay isa sa mga matagumpay na aksyon para abutin ang
mga Millenials (Anders, 2011). Sa pagsusuring ito, social media promotion ay tatagurian
bilang paggamit ng mga social media platforms na hinahayaan o pinapayagan ang mga
audience makisali sa films.

Ngayong panahon, mahirap nang abutin ang Millenials dahil sa lubusang


paggamit ng mga streaming sites at social media. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay
mag-focus sa mga indibidwal na 18-29 na taong gulang. Para maabot ang Millenials,
hindi sapat ang pagpapakita ng trailer ng palabras o movie kapag patalastas o
paggamit ng tradisyunal na pag-advertise. Gusto nilang magkaron ng interaksyon sa
mga ipapalabas na movies at maging parte nito. Panonood ng movies kapag ito’y na-
release na ay hindi na sapat para masiyahan ang audience (Simpson, 2012). Interactive
campaigns kagaya ng Hunger Games ay isang bagong paraan para abutin ang
Millenials at ma-excite sa mga ipapalabas na movies. Kaunting pagsusuri at pag-aaral
ang nagawa patungkol sa ganitong paksa para matulungan ang mga advertisers
unawain kung bakit mas nagkakaroon ng interaksyon ang audience sa online
promotions. Mga palabas na hindi sikat o kilala ay nagdurusa sa kanilang pagkabigo sa
pag-abot sa audience at ipaalam sa kanila na ang bagong palabas ay ipapalabas na
(Simpson, 2012). Ang mga advertisers ay kailangang mmalaman at unawain kung bakit
ang mga audience ay binibigyang pansin sa mga ibang promotions sa social media
sites at kung paano nakakatulong ang kanilang interaction sa pagiging matagumpay ng
movie. Itong pag-aaral na ito ay snusuri ang mga estratehiya at mga paraan ng mga
film promoters upang maabot ang mga kabataan at hikayatin silang manood.

Madaming pag-aaral ay pinakita na ang Millenials ay gusto ang “two-way-


discussion” sa isang move advertisements (Wilcox, 2012). Ibig sabihin, gusto nilang
makipag-interact at makasali sa paborito nilang palabas o movies para mas may
malaman at maging parte pa sila sa movie. Sa pagitan ng entertainment competition,
pagtaas ng presyo ng ticket, 3D versions ng mga sikat na pelikula, at ang increased use
ng social media at streaming sites, nahirapan ang mga advertisers na pasikatin ang
mga hindi kilalang pelikula para magkaroon ng maraming audience sa sinehan
(Berglund, 2012; Dergarabedian, 2011; Wilcox, 2012). Sa pag-intindi ng kagamitan at
kasiyahan ng Millenials na nakukuha nila sa social media, nagkakaroon sila ng aral o
insights kung bakit ginagamit ang social media. Ang pananaliksik ay maaaring gamitin
upang pag-aralan kung paano maaaring maging matagumpay ang mga patalastas sa
social media. Mga pelikula kagaya ng Hunger Games ay gumamit ng digital marketing
at social media promotions para makuha ang mga fans na mag-interact sa pelikula
bago ito ipalabas sa sinehan. Ginamit ang social media para maglabas ng mga clips,
mag-interact kasama ang mga fans, at dagdagan ang pagkaalam sa pelikula. Ang
Facebook account ay mayroong mga games at quizzes para malaman kung anong
district ka kabilang at sa twitter account naman nila ay isali ang mga followers at
hikayatin silang mag-tweet patungkol sa pelikula upang magkaroon sila ng pre-
screening ng pelikula sa malapit na sinehan sa kanilang lugar. Ang matagumpay na
campaign ng Lionsgate ay naglalahad na ang online at social media promotion ay isa
sa mga creative na paraan upang ma-engage ang Millenials (Simpson, 2012).

Wala pang pagsusuring naganap na nagpopokus lamang sa movie promotions


sa pamamagitan ng social media at kung paano makipag-interact ang mga audience sa
mga movie promotions sa social media. Ang pagsusuri na ginawa ni Copeland (1992) at
Bennett (1990) ay outdate na at pinapakita lamang doon kung paano mag-respond and
mga audience sa iba pang uri ng libangan o entertainment, at hindi pelikula. Ngunit,
may mga hindi pang-iskolar na napagkunan na nag-analyze kung gaano ka-importante
ang movie promotions at ang paggamit ng social media. Pinakita ni Daly ang
kahalagahan ng movie promotions sa Cinema 3.0 at kung paano nakakaapekto ang
promotions sa outcomes ng pelikula. Meron ding kaunting qualitative na pagsusuri nan
aka-focus sa audience para mas maintindihan kung paano sila ma-engage. Ang mga
pag-aaral ay nag-provide ng background na kaalaman para mas matulungang makita
kung saang parte pagsusuri sa topic na ito ang nagkukulang at kung saang parte ang
kailangan pang gawan ng research o pagsusuri.

Rationale

Bilyon na dolyar ang nagastos kada-taon sa paglabas ng major pictures. Para


maprotektahan ang kanilang investment, ang mga marketer ay gagastos ng kalahati
hanggang tatlong beses sa halaga ng ang badyet ng produksyon sa advertising
lamang. Noong 2012, gumastos ng apat na bilyon ang Hollywood sa print at television
advertising para sa mga ipapalabas na pelikula (Westland, 2012). Maaaring ito’y
malaking gastos ng pera, ngunit sinabi sa pagsusuri na walang iba pang market ang
nakakita ng mas maraming revenue mula sa advertisements maliban sa pelikulang ito
(Mahlknecht, 2012). Pinakita kung gaano ka-importante ang advertising sa mga
pelikula. Ang mga investment sa advertisements ay nagsisimula nang mag-pay off lalo
na kapag pinalabas na sa sinehan ang pelikula. Kaya naman, kailangan ng mga
pelikula ang i-promote sa pamamagitan ng patalastas upang mas dumami ang mga
manonood at maging profitable ito. Ang mga pangangailangan at mga gusto ng
audience ay patuloy na nagbabago at kailangang malaman ng mga marketers kung
paano ito panatilihin at makiayon sa mga pagbabago at kung paano maging
matagumpay ang mga marketing trends sa future (Mahlknecht, 2012).

Itong pag-aaral na ito ay para malaman kung paano at bakit ang mga audience
ay nakikipag-interact sa iba’t ibang pelikula o film promotions sa pamamagitan ng
pagtuklas sa mga gamit at kasiyahan na natatanggap nila mula sa iba’t ibang klase ng
promotions.

Purpose Statement

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay suriin kung paano tignan ng Millenials ang
interactive movie promotions sa social media at online. Aking pag-aaralan ang mga
kagamitan at kasiyahan na natatanggap ng mga audience mula sa interactive
promotions sa iba’t ibang social media sites para madiskubre at malaman ang mga
pang-unawa ng mga Millenial kung bakit matagumpay ang interactive advertisements.

Aking pananaliksik ay magbibigay ng qualitative na pagsusuri na makakatulong


upang mas maunawaan kung paano gamitin ng audience ang social media. Kailangan
maintindihan ng marketers kung anong specific na promotion ang gumagana at gagana
at bakit at anong platforms ang mas nakakaabot sa mga audience para patuloy
makamit ang mga pangangailangan ng mga consumer. Tayo’y namumuhay sa isang
fast-paced na mundo kung saan ang social media ay ginagamit para mas mabilis
makakuha ng update kung ano ang nangyayari sa mundo at ang mga consumer ay
mabilis ding ma-bored kaya importante ang patuloy nap ag-abot at pagkuha ng kanilang
atensyon (Daly, 2010). Itong pag-aaral na ito ay hindi lamang mag-provide ng insight
para sa film makers, pero magbibigay din ng insight para sa ibang advertisers kung
paano tignan ng audience ang kagamitan ng social media sa pagdedesisyon kung aling
pelikula ang papanoorin. Ang pagsusuring ito ay magbibigay din ng academic na
pagsusuri para sa hinaharap ng film promotion sa social media sites tulad ng Facebook,
Twitter, at Instagram. Makikita rin ng advertisers kung paano gamitin ang social media
para makipag-interact at kumonekta sa mas madaming tao habang gumagawa ng
“buzz” para mas maging trending ang topic sa mga social media sites.

Reference:

https://mospace.umsystem.edu/xmlui/bitstream/handle/10355/59903/research.pdf?
sequence=2&isAllowed=y

You might also like