You are on page 1of 6

8

Gawaing Pampagkatuto sa
Filipino 8
Kuwarter 3–MELC 24
Pagsulat ng Malinaw na Social
Awareness Campaign sa Tulong
ng Multimedia

Rehiyon VI – Kanlurang Visayas

i
Filipino 8
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 24
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag


upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – FILIPINO 8

Manunulat : Lorelyn U. Guzman


Editor : Lilibeth D. Meliton
Tagasuri : Dr. Susan Quistadio
Tagaguhit : Lorelyn U. Guzman
Tagalapat : Lilibeth D. Meliton

Division of Capiz Management Team:


Dr. Salvador O. Ochavo, Jr.
Dr. Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Dr. Merlie J. Rubio

Regional Management Team:


Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

ii
Paunang Mensahe
MABUHAY!

Normal man o panibagong daloy ang mamayani sa mundo, sa alinmang


larangan ng pagtuturo, itinuturing ang mga mag-aaral bilang pinakasentro ng
kabuoang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Kahit na sa anumang paraan,
kinakailangang matamo ng mga mag-aaral ang pamantayang pamprograma na
itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang
kakayahang komunikatibo, replektibo/mapanuring pag-iisip at
pagpapahalagang pampanitikan sa tulong ng teknolohiya at iba’t ibang
disiplina upang magkaroon ng akademikong pang- unawa.

Ang Learning Activity Sheet (LAS) ay kagamitang pampagkatutong


naglalayong maipagpatuloy ang sistema ng edukasyon sa gitna ng hinaharap na
pandaigdigan krisis upang masiguro ang pagkakatamo ng mga kakayahan at
kasanayang kaagapay sa pamantayang pandaigdig sa ika-21 siglo.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) ay binuo bilang pantulong na


kagamitan sa mga mag-aaral upang maituwid ang pag-aaral ng mga ito at
magabayan sila sa pagkatutong dapat na matamo sa pagtatapos ng bawat aralin.

Bilang Tagapagdaloy ng Pagkatuto, tiyaking nakasusunod ang mga mag-aaral


sa mga gawaing nakatakdang masagutan ng mga ito. Patuloy na subaybayan ang
proseso ng pagkatuto ng mga ito tungo ikatatagumpay pag-aaral sa ilalaim ng new
normal.

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon
sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral,
unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

iii
Kuwarter 3, Linggo 8

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 24

Pangalan:_________________________Grado at Seksiyon:_____________________

Petsa: __________________________________

Gawaing Pampagkatuto sa FILIPINO 8


Pagsulat ng Malinaw na Social Awareness Campaign sa Tulong ng Multimedia

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang nakasusulat ng isang malinaw na
social awareness campaign tungkol sa isang paksa na maisasagawa sa tulong ng
multimedia. (F8PU-IIIi-j-34)

II. Panimula

May mga isyung dapat bigyang-pansin sa lipunan na dapat na malaman lalo


na ng mga kabataang tulad mo na napabilang sa makabago o modernong panahon.
Isa kang kabataang may malasakit na makatulong sa paglalahad ng mga
napapanahong isyu o paksang dapat bigyang-pansin ng mga mamamayang Pilipino.
Kaya’t kailangang gumawa ka ng paraan upang maipabatid ang bagay na ito sa
lahat. Ito ay sa pamamagitan ng social awareness campaign sa tulong ng multimedia.

Narito ang ilang mahahalagang paalala at mga hakbang sa pagbuo at paglikha ng


iskrip para sa malinaw na social awareness campaign.
1. Gumawa ng outline (banghay) ayon sa topikong nais mong pagtuunan ng
pansin sa iyong “social awareness campaign “.
2. Tandaan na ang isasagawa mong iskrip ay dapat na maging makatotohanan
upang higit itong maging kapani-paniwala.
3. Magbigay lamang ng mga konkretong halimbawa, ngunit huwag kalimutang
maging malikhain.
4. Maging deretso sa punto kapag isinasagawa ang mga diyalogo. Gamitin ang
iba’t ibang uri ng mga pahayag na pangkomunikatibo gamit ang wastong wika
nito.
5. Maging ispisipiko kung sino ang partikular na iyong pinatutungkulan sa
pagsulat ng mga diyalogo.
6. Dapat na magkakaugnay ang bawat diyalogo at eksena ng isang mabisang
iskrip.
7. Sa tulong ng multimedia (social media) ilahad ito batay sa tema, panahon at
tiyak na direksiyon ng kampanyang nais bigyang-pansin.

Narito ang ilang paraan o hakbang kung paano makabubuo ng isang maayos at
impormatibong kamalayang panlipunan o social awareness campaign
https://www.youtu.be/kehkzgxZ5Xg.

III. Mga Sanggunian


MELCs 2020 pahina 139
Enrijo, Willita A. et al (2013) Panitikang Pilipino, Modyul ng Mag-aaral sa
Filipino, Unang Edisyon, Book Media Press Inc., Printwell Inc.
https://www.youtu.be/kehkzgxZ5Xg
https://www.youtu.be/0JlriCZJq_E
https://www.youtu.be/bs1X7a9cT2A

1
IV. Mga Gawain

Gawain
Narito ang ilang halimbawa ng kamalayang panlipunan o social awareness
campaign na mapapanood sa youtube. Punan ang sumusunod na pahayag matapos
mong mapanood ang mga ito.

https://www.youtu.be/0JlriCZJq_E
Ano ang iyong natutuhan? Gaano ito kahalaga?
A.
B.
C.

https://www.youtu.be/bs1X7a9cT2A
Ano ang iyong natutuhan? Gaano ito kahalaga?
A.
B.
C.

Pagsasanay
Bumuo ng isang kampanya tungo sa kamalayang panlipunan o social
awareness campaign batay sa iyong napiling paksa sa tulong ng multimedia. Hindi
bababa sa isang (1) minuto at hindi lalagpas sa tatlong (3) minuto.

MGA PAKSA

COVID 19 Pagbabago
ng Klima

Anti - Drug
Bullying Prevention

Batayan at Pamantayan sa Pagmamarka

Rubriks sa Pagbuo ng Social Awareness Campaign


Pamantayan Marka
Orihinalidad at pagkamalikhain 40%
Pagkakaugnay ng diwa at eksena 20%
Epektibong gamit ng wika 20%
Linaw ng kaisipan at mensahe 10%
Aplikasyong teknikal 10%
Kabuoan 100%

2
V. Repleksiyon
Ano ang iyong natutuhan sa araling ito? Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

VI. Susi sa Pagwawasto

ng mga mag-aaral.
Nakadepende sa sagot
Pagsasanay

ng mga mag-aaral.
Nakadepende sa sagot
Gawain

You might also like