You are on page 1of 7

8

Gawaing Pampagkatuto sa Filipino


Kuwarter 3– MELC 7
Pagiisa-isa ng mga Positibo at
Negatibong Pahayag

REHIYON VI-KANLURANG VISAYAS


Filipino 8
Learning Activity Sheet (LAS)
Un 2020

g Kagawa

i
Filipino 8
Gawaing Pampagkatuto Blg. 7
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan
ng pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit
ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 –
Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 8

Manunulat: Juliebeth A. Baralla


Editor : Susan J. Quistadio
Tagasuri : Lilibeth D. Meliton
Tagalapat : Susan J. Quistadio

Division of Capiz Management Team:


Salvador O. Ochavo, Jr.
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Regional Management Team:


Ramir B. Uytico
Pedro T. Escabarte,Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

ii
MABUHAY!

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Capiz sa pakikipagtulungan ng
Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng
Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng
learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang
mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang
kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap
na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:


Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan
ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy
ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan
mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:


Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.

iii
Kuwarter 3, Linggo 3

Gawaing Pampagkatuto Blg. 7

Pangalan:________________________________Grado at Seksiyon:_____________________

Petsa: __________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 8

Pagiisa-isa sa mga Positibo at Negatibong Pahayag

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag. ((F8PB-IIId-e-30)

II. Panimula (Susing Konsepto)


Bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang sariling opinyon sa bawat
pangyayari, sitwasyon o paksang tinatalakay na siyang mahalaga nating
ipahayag maaaring ito man ay positibo o negatibo. Sa araling ito ay
mauunawaan at maiisa-isa mo ang mga positibo at negatibong pahayag base sa
tekstong tatalakayin.
Sa bahaging ito ay atin munang alamin kung ano nga ba ang
tinatawag na positibo at negatibong pahayag.
Ang positibong pahayag ay ang mga pahayag na may diwang
positibo at magandang kahulugan.
Halimbawa: 1. Naghahatid ng aral, inspirasyon sa social media ang
‘Father Tiktoker’ ng Pampanga.
2. Dahil sa social media ay maraming naaliw at nalibang
kahit may pandemya.

Ang negatibong pahayag naman ay mga pahayag na may diwang


negatibo o salungat o hindi pagkiling sa diwa ng nakararami.
Halimbawa: 1. Parami nang parami ang bilang ng mga namatay na
nagpositibo sa covid 19.
2. Hindi naging madali para sa lahat ang pagbangon mula
sa kahirapan.

Mga Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELC’s) sa Filipino 8, pahina
232

Jocson, M.O., et al. (2013). Panitikang Pilipino. Filipino 8 Modyul para


sa Mag-aaral. Pasig City: Book Media Press.

https://www.youtube.com/watch?v=y-RTBCIpWYY. Positibo,
Negatibo, Katotohanan, Opinyon at Personal na Interpretasyong
Pahayag

https://news.abs-cbn.com/patrolph

1
III.Mga Gawain

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng
(√) tsek kung ito ay positibong pahayag at (x) ekis naman kung negatibong
pahayag.

_____1. Hindi maganda ang pangyayari sa taong 2020 dahil sa pandemya.


_____2. Sa kabila ng kahirapan ay patuloy pa ring lumalaban ang mga
Pilipino.
_____3. Naku! Isyu dito, isyu doon. Ang gulo na ng mundo.
_____4. Mabuti na lamang dumating na sa Pilipinas ang vaccine na
makakapuksa sa corona virus.
_____5. Bawat isa ay may mabuting natutuhan dahil sa mga pinagdaanan sa
buhay.
_____6. Nakakaaliw ang iyong ipinakitang palabas kanina.
_____7. Nakakasira sa mata ang sobrang gamit ng gadyet.
_____8. Maraming magagandang tanawin at lugar ang matatagpuan sa
Pilipinas.
_____9. Madaling makakalap ng impormasyon ang pag gamit ng social
media.
_____10. Mas lalong naghirap ang lahat gawa ng COVID19.

Gawain 2.
Basahin at unawain ang isang komentaryong panradyo kaugnay ng
Freedom of Information Bill (FOI) na makikita sa iyong Batayang Aklat sa
Filipino 8 pahina 142 at sagutin ang gawain sa ibaba.

Panuto: Isa-isahin ang mga positibo at negatibong pahayag batay sa


tekstong binasa. Sundin ang hanay sa ibaba at isulat sa iyong sagutang
papel.

Positibong Pahayag Negatibong Pahayag

Gawain 3.
Panuto: Makinig sa radyo o manood sa telebisyon ng isang napapanahong
balita sa ngayon at magtala ng limang sariling positibong pahayag at
negatibong pahayag base sa napakinggan o napanood na balita. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.

2
___________________________________________
Pamagat ng Programang Napanood o Napakinggan

Estasyon:
Petsa:
Oras:

Positibong Pahayag
1.
2.
3.
4.
5.

Negatibong Pahayag
1.
2.
3.
4.
5.

4. Mga Batayang Tanong

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang positibong pahayag?


2. Ano ang negatibong pahayag?

IV. Repleksiyon

Panuto: Dugtungan ang pahayag ng mga natutuhan mo sa araling ito. Isulat


sa iyong sagutang papel.

Natutuhan ko sa araling ito na__________________________________________


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3
4
Gawain 1
1. x
2. √
3. x
4. √
5. √
6. √
7. x
8. √
9. √
10. x
Gawain 2
Positibong Pahayag Negatibong Pahayag
1. Dapat naman talaga na walang 1. Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di
itinatago ‘yang mga politikong ‘yan magdiriwang na ang mga tsismosa at
dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu
bayan. doon na naman yan! Demanda dito,
2. Sa tingin ko partner eh makakatulong demanda doon!
pa nga yan dahil magiging mas 2. Ayon kay Quezon Representative
maingat sila sa pagdedesisyon at Lorenzo Taňada III, “Pag hindi pa
matatakot ang mga corrupt na opisyal. naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh
mukhang tuluyan na itong
maibabasura.”
Gawain 3
Iba iba ang posibleng sagot.
V. Susi sa Pagwawasto

You might also like