You are on page 1of 1

Pangalan:________________________________Taon/Pangkat: __________________Iskor:__________

Paaralan:________________________________Guro:_______________________Asignatura:FILIPINO 8

Manunulat ng LAS: EMIL PATRICK N. BALQUIN Tagasuri ng Nilalaman: GINALYN S. VILLAFLOR


Paksa: Social Awareness Campaign Quarter 3 Wk.8, LAS 2
Mga Layunin: a. Nakasusulat ng isang malinaw na social awareness campaign tungkol sa isang paksa na
maisasagawa sa tulong ng multimedia. (F8PU-IIIi-j-34).
b. Nahihinuha ang layunin ng social awareness campaign.
Sanggunian: Guimare, Aida. 2018.Pinagyamang Wika at Panitikan: Batayang Aklat sa Filipino. Sampaloc,
Maynila: Rex Book Store, Inc. at Panitikang Pilipino 8, Modyul para sa Mag-aaral, MELCS

Nilalaman
Social Awareness Campaign

Alam mo ba na ang pagbuo ng isang kampanyang panlipunan (social awareness campaign) ay isang
instrumento upang maihatid sa publiko ang mahahalagang impormasyon na maaaring magpalawak sa kaalaman
o di kaya’y magligtas sa iyo mula sa kapahamakan o sakuna.
Ang pagbuo ng kampanyang panlipunan (social awareness campaign) ay maituturing na isang
pampublikong komunikasyon dahil nagpapalawak ito ng mga kaalaman sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
impormasyon sa publiko.
Bukod dito, pinipili ang mga salitang ginagamit na angkop sa pagbuo ng kampanyang panlipunan (social
awareness campaign). Inaayos din ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipang ipinahahayag sa
pagbuo ng kampanyang panlipunan (social awareness campaign). Dito pumapasok ang sinasabing angkop na
mga komunikatibong pahayag.

Halimbawa:

• “Sumunod ka sa konsensya mo, ngunit gamitin mo rin ang utak mo.”


• “Droga ay iwasan, salot ito sa bayan.”
• “Lingapin ang kapaligiran nang dengue ay maiwasan.”

Gawain: Mag-isip at Lumikha


Panuto: Mula sa mga paksa sa bawat bilang, bumuo ng komunikatibong pahayag gamit ang mga angkop na
paraan sa pagbuo nito. Gayahin ang pormat sa ibaba.

Halimbawa:
Pang-aabuso sa kalikasan
“Ang basurang itinapon mo ay babalik din sa iyo.”

1. Pang-aabuso sa mga kababaihan


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

2. New normal sa edukasyon


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

3. Kahalagahan ng bakuna kontra COVID-19


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

4. Pagputok ng bulkan
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

5. Paghahanda sa paparating na bagyo


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

You might also like