You are on page 1of 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG

PANGKASAYSAYAN

Kasabay ng patuloy na pag-usbong ng teknolohiya sa ating lipunan aypatuloy din


ang mga pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng komersyopartikular na sa
aspeto ng advertising o pag-aanunsyo.

Sa kasalukuyan, hindi nalamang nalilimita ang pag-aanunsyo sa pagpapakalat ng


mga tarheta o pamplet,pag-iimprinta ng mga magasin at pagpapaskil ng mga
naglalakihang billboard.

Hindi na lang din nakaasa ang mga negosyante sa paggamit lamang ngtelebisyon,
radyo at pahayagan bilang medya upang maipakilala ang kani-kanilang produkto't
serbisyo.

Ngayon maging ang paggamit ng internet aykabilang na sa pagmemerkadong


istratehiya ng mga kumpanya para makahimokng mga mamimili.

Ang paggamit ng internet sa pag-aanunsiyo ay tinatawag na onlin


eadvertising o minsan ay tinatawag ding internet advertising at web advertising.

Nakita ang potensyal ng online advertising dahil sa tumataas na bilang ng mgataong


gumagamit ng internet.

Pinapayagan ng online advertising na maipakita ang mga anunsyo sa mgatao na


maaaring interesado sa mga produkto at serbisyong nakapaloob dito,habang pini-
filter o sinasala nito ang mga taong walang interes dito. Maaari ringmasubaybayan
kung ang mga taong iyon ay nag-click sa iyong mga onlineadvertisement upang
mabasa ang tungkol dito.

IPINASA NI: Janaia A. Lorejo 8 - Chrysolite

IPINASA KAY: Ginang, Melody Colinares

You might also like