You are on page 1of 2

ADBERTISMENT SA KAPALIGIRANG PINOY

Pahalagahan ang paggamit ng wika sa bawat sitwasyon.

Tinatawag na advertisement ang tila isang maikling pelikula o isang nakasulat na pabatid/impormasyon
na ipinlalabas o ipinapakita sa publiko upang makatulong na mabili ang produkto. Maaring nagbibigay
din ng anunsyo ang isang adbertisment.

Layon ng adbertisment na magbigay ng maayos na impormasyon sa mga mamimili. Gayundin, mga


mensaheng nagbibigay ng paalala sa isang gawain sa pamamagitan ng isang anunsyo.

ADBERTISMENT SA BUS

Karaniwang mga pelikula o isang produkto ng gadget, pagkain, gamit pangmedikal, at iba pa ang
makikitang adbertisment sa bus. Naniniwala ang mga adbertayser na malaking panghihikayat kung sa
bus ay maglalagay rin sila ng adbertisment sapagkat sapagkat bawat makakakita nito ay hindi maaring
hindi mapalingon lalo na kung maganda ang pagkakagawa, bentahe para magkaroon ng interes at
lumaon ay mahikayat na bilhin ang isang produkto. Madali ring maunawaan ang gamit ng wika.

ADVERTISMENT SA TELEBISYON

Ang bawat komersiyal sa telebisyon ang nagsisilbing adbertisment. Ito ang sinasabing pinakaepektibong
uri ng adbertisment sapagkat halos lahat ng tao ay may panahon sa panood ng telebisyon. Iba't-iba ang
register ng gamit nang ayon sa produkto o sitwasyon.

ADBERTISMENT SA RADYO

Epktibo ring paraan ang radyo upang mahikayat sa isang produkto ang isang mamimili. Tulad din sa
telebisyon kailangan ang airtime sa estasyon o network upang marinig ang nga komersiyal kaugnay ng
adbertisment. Sa radyo ay nagkukuwento o parang nakikipag-usap na daan sa mabisang pag-aadbertays
ng anumang produkto.
Di tulad ng ibang uri ng adbertisment, ang adbertisment sa radyo ay di na kailangan pang pagtuunan ng
paningin upang ganap na maunawaan ang mensahe, at bawat detalye ng adbertisment, papakinggan mo
lamang

ADBERTISMENT SA ONLINE

Isang paraan ng promosyon ang adbertisment sa online gamit ang Internet at World Wide Web upang
ipahayag ang husay at ganda ng produktong inaadbertays.

ADBERTISMENT SA BILLBOARD

Malalaking estraktura ang billboard na makikita sa mga pampublikong lugar na nagpapakita ng


adbertisment sa mga motorista at pedestrian na dumaraan tungkol sa isang produkto. Karaniwang
makikita sa mga pangunahing lansangan kung saan dumaraan ang maraming tao. Makikita rin ang mga
ito sa mga lugar na matao tulad ng terminal ng bus, sa mga mall, mga gusaling pinagtratrabahuhan, mga
stadium at marami pang iba.

You might also like