You are on page 1of 3

Adbertisment Sa Kapaligirang Pinoy

Marietto III Caduyac 11- Alcaraz

Jairus Zim Pasagad


Reece Arianne Cabrera
Ariel Madanguit
L.E Abigail SInoy

■ Adbertisment
Repleksiyon ng personalidad ng gumagawa ng adbertisment ang bawat ginagawa
niya. Nagiging larawan ang adbertisment ng pagiging buhay at makulay na
nakadaragdag ng panghihikayat sa mga mamimili. Kapupulutan din ng aral ang bawat
adbertisment na nakikita, nababasa, napapanood, at nasusulat.
Ang tilang maikling pelikula o isang nakasulat na pabatid/impormasyon na
ipinalalabas o pinakikita sa publiko upang makatulong na maibili ang produkto.
Maaaring nagbibigay rin ng anunsiyo ang isang adbertisment
Layon ng adbertisment na magbigay ng maayos na impormasyon sa mga mamimili;
gayundin mga mensaheng nagbibigay ng paalala sa isang gawain sa pamamagitan ng
isang anunsiyo
■ Iba’t ibang paraan ng pagpahahatid ng advertisement at halimbawa nito
■ Adbertisment sa Bus
Karaniwang pelikula o isang produkto ng gadget, pagkain, gamit pangmedikal at iba
pa
Naniniwala ang mga adbertayser na malaking panghikayat kung sa bus ay
maglalagay rin sila ng adbertisment sapagkat bawat makakita nito ay hindi maaaring
hindi mapalingon lalo na kung maganda ang pagkakagawa, na bentahe para
magkaroon ng interest at lumaon ay mahikayat na bilhin ang isang produkto. Madali
ring maunawaan ang gamit ng wika.
Bukod sa nakapanghihikayat ang adbertisment sa bus, nakapagdudulot din ito ng
karagdagang kagandahan sa disensyo ng bus.
■ Adbertisment sa Telebisyon
Ang bawat komersiyal sa telebisyon ang nagsisilbing adbertisment. Ito ang
sinasabing pinkaepektibong uri ng adbertisment sapagkat halos lahat ng tao ay may
panahon sa panonood ng telebisyon. Iba-iba ang register na gamit ayon sa produkto o
sitwasyon.
Ginagawang kaaya-aya, maayos, at malinaw nag pagpapahayag na nais iparating
sa adbertisment sa telebisyon upang magbigay-tuon ito nga mga manonood.
■ Adbertisment sa Radyo
Epektibo ring paraan ang radyo upang mahikayat sa isang produkto ang isang
mamimili. Tulad din sa telebisyon kailangan ang airtime sa estasyon o network upang
marinig ang mga komersiyal kaugnay ng adbertisment. Sa radio ay nagkukuwento o
parang nakikipag-usap na daan sa mabisang pag-aadbertays ng anumang produkto.
Di tulad ng ibang uri ng adbertisment, ang adbertisment sa radio ay di na
kailangan pang papagtuunan ng paningin upang ganap na maunawaan ang mensahe,
at bawat detalye ng adbertisment, pakikinggan mo lamang.
■ Adbertisment sa Online
Isang paraan ng promosyon ang adbertisment sa online gamit ang Internet at World
Wide Web upang iapahay ang husay at ganda ng produktong inaadbertays.
■ Adbertisment sa Billboard
Malalaking estuktura ang billboard na makikita sa mga pampublikiong lugar na
nagpapakita ng adbertisment sa mga motorista at pedestrian na dumaraan tungkol sa
isang produkto. Karaniwang makikita sa mga pangunahing lansangan kung saan
dumaraan ang maraming tao. Makikita ring ang mga ito sa mga lugar na matao tulad
ng terminal ng bus, sa mga mall, mga gusaling pinagtratrabahuhan, mga stadium, at
marami pang iba.
■ Kahalagahan ng Adbertisment sa Lipunang Pilipino
1. Nagsisilbing gabay sa tamang pagbili
2. Nalalaman ang kakaibang katangiang taglay ng isang produkto
3. Nagkakaroon ng pagkakataon na piliin ang tamang produkto
4. Nakapagbibigay ng karagdagang mga impormasyon na laging tatandaan sa pagbili
5. Nagiging kritikal sa pagpili ng bibilhin
6. Nagpapaalala ng magandang katanging ng mga produkto na dapat laging tandaan
■ Kakayahang Lingguwistika
Maagham na pag-aaral ng wika. Pokus ng pag-aaral ang ponolohiya o palatunungan,
morpolohiya o palabuuan ng mga salita, at sintaksis o palaugnayan ng isang wika tulad
ng Filipino
■ Kakayahang Gramatikal
Saklaw ng gramatika ang pag-aaral sa sistema ng pagkakaugnay-ugnay ng mga salita
sa pagpapahayag ng kaisipan. Tumutukoy ang wastong gamit ng Filipino sa paglalapat
o aplikasyon ng kaalamang panggramatika sa pagbuo ng makabuluhang pangungusap
o pahayag. Wasto ang gamit ng Filipino kung bukod sa maayos o nasa tamang sistema
ang pagkakabuo ng pangungusap o pahayag ay masining at kaakit-akit na pakinggan o
bashahin
■ Kakayahang Estruktural
Ayon kay Otanes, tinawag na istruktural ang kakayahang ito sa pag-aaral ng wika,
sapagkat layon nitong ilarawan ang estruktura o porma ng isang wika. Ang porma ng
isang wika ang magsisilbing signal o pamamaraan sa pagpapahayag ng mga mensahe
sa pamamgitan ng wikang ito. Halimbawa, sa pagpapakahulugan na gagamitan ng
antala o sandaling hinto, iba ang kahulugan ng pangungusap na: Hindi pula ang t-shirt
niya.” sa “Hindi/ pula ang t-shirt niya.” May antala sa Hindi sa ikalawang pangungusap.

You might also like