You are on page 1of 19

PAGSULAT NG

PATALASTAS
Pahina 296
PANIMULA
Napakahalaga ng mga patalastas o
anunsyo sa ating komunidad. Isa ito sa
pinakaginagamit na paraan upang
maipangalat ang mga mahahalagang
impormasyon na kinakailangang maipaalam
sa mga tao sa komunindad.
Ang pagsulat nito ay hindi basta-basta.
Kinakailangan nating bigyang-pansin ang mga
tulong para makabuo ng isang mahusay at
epektibong patalastas.

Tandaan, tunguhin nating mapaabutan ng


impormasyon ang mga tao sa paraang mabilis
at tama nilang mauunawaan.

Iyan ang dahilan kung kaya’t kailangan nating


maging maingat at deretso sa pagsulat ng
patalastas.
Sa pagtatapos ng pag-aaraal sa modyul
na ito, ang mga kalihim ng barangay ay
inaasahang:
• Nailalahad ang kahulugan ng isang
patalastas o anunsyo
• Nakasusulat ng isang patalastas o anunsiyo
• Napahahalagahan ang layunin ng isang
patalastas o anunsiyo
Ano ang patalastas?

Ang patalastas ay isang pampublikong


pahayag na karaniwang pormal at may tiyak
na tunguhin. May iba’t ibang uri ng
patalastas, pero ang lahat ng ito ay may
layuning magpaalam.
Mga Tuntunin sa Paggawa ng
Patalastas:

1. Maging tiyak sa paksang susulatin.


Alamin ang mga impormasyon tungkol sa
kung ano ang iyong ipatatalastas. Mahalaga
na alam mo ang ilang mahahalagang detalye
ng iyong susulatin.
Mga Tuntunin sa Paggawa ng
Patalastas:

2. Gawing maikli ang mensahe. Maging


direkta at gawing hitik ito sa impormasyon
kahit maikli lamang ito. Ang iyong mga
mambabasa ay madali itong mauunawaan at
madali nila itong mababalik-balikan.
Mga Tuntunin sa Paggawa ng
Patalastas:

3. Ilagay ang mahahalagang


impormasyon. Isulat ang mga detalye na
sumasagot sa mga tanong na: Ano? Sino?
Bakit? Saan? Kailan? At Paano?
Mga Tuntunin sa Paggawa ng
Patalastas:
4. Isulat ang patalastas nang maayos.
Gumamit ng malalaking titik and huwag
mag-atubiling gumamit ng bold, underline,
italics at font size. Ngunit huwag naman
itong sosobrahan. Maging konsistent sa
iyong pamamaraan; kung gagawin naka-
bold ang isang pamagat, siguraduhing naka-
bold na rin ang susunod na mga pamagat na
may katulad na layunin.
Mga Tuntunin sa Paggawa ng
Patalastas:
5. Gumamit ng mga direktang pananalita.
Kung ang patalastas na iyong gagawin ay
naglalaman ng masamang balita, gawin
itong tuwiran. Dagdagan na lamang ito ng
mensahe na magpapaunawa sa kanila o
magbibigay sa kanila ng postibong pananaw
tungkol sa iyong patalastas sa paraang
nagbibigay-galang sa kanila.
Mga Tuntunin sa Paggawa ng
Patalastas:
6. Ipaskil ito sa lugar na madali itong
makikita. Pumili ng lugar na maaaring
pumukaw sa mata ng mga tao at pumukaw
ng kanilang atensyon. Subalit, kung
binabalak mo itong ipaskil sa mga lugar ng
negosyo gaya ng restaurant, barber shop, o
mga tindahan, humingi muna ng pahintulot
sa may-ari nito.
Mga Halimbawa:
Tala-sanggunian:
• http://www.whitesmoke.com/how-to-write-an-
announcement.html
• https://www.commoncraft.com/archives/000180.html

You might also like