You are on page 1of 29

Ekonomiks

MELC 5
Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo
Pamantayan Sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga salik na
nakaaapekto sa pagkonsumo (AP9MKE-Ih-16).

 Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang matatamo ang mga


sumusunod na kakayahan:

1. nabibigyan ng kahulugan ang pagkonsumo;


2. natutukoy ang iba’t ibang uri ng pagkonsumo;
3. naipaliliwanag ang mga salik na nakaaapekto sa
pagkonsumo, at
4. napahahalagahan ang matalinong pagtugon sa mga salik na
nakaaapekto sa pagkonsumo.
Ano ang pagkonsumo?

Sa pag-aaral ng ekonomiks binibigyang diin ang gawain


ng paggamit ng mga produkto at serbisyo upang
matugunan ang pangangailangan at makamit ang
kasiyahan sa mga taong gumagamit nito. Ang tawag sa
konseptong ito ay pagkonsumo.
Ang pagkonsumo ay hindi lamang limitado sa mga
pagkain o paggamit ng mga produkto bagkus kabilang
rin dito ang pagtangkilik sa mga serbisyo tulad ng
pagpapagupit ng buhok, paggamit ng kuryente o tubig at
iba pang serbisyong nagbibigay sa tao ng kasiyahan o
kapakinabangan.
Apat na Uri ng Pagkonsumo
Tukuyin kung anong uri ng pagkonsumo
ang sumusunod.

1. Tela
2. Pag-inom ng tubig
 Direkta
3. Pagbili ng cellphone
4. Pagkain ng junk food
5. Pag-hoard ng sapatos  Produktibo
6. Paggamit ng droga
7. Ulam sa canteen
 Maaksaya
8. Refrigerator
9. Softrdrinks
10. Hoarding ng sapatos  Mapanganib
Magdiriwang ng kaarawan si Wisely pero
napagdesisyunan ng kanyang pamilya na walang
handaang magaganap dahil sa krisis na nararanasan na
dulot ng COVID-19 pandemic. Binigyan na lamang siya
ng isang libo ng kanyang mga magulang para mabili ang
gusto niya sa kanyang kaarawan. Kung ikaw si Wisely,
paano mo gagastusin ang isang libong piso?
Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo
Pagbabago ng Presyo
Ang pagtaas o pagbaba ng presyo ay nakaaapekto sa dami
ng kanyang binibiling produkto o serbisyo.

Pagkakautang
Mga Salik na Nakaapekto sa Pagkonsumo  Dahil sa pagkakautang ay mababawasan ang kakayahan
ng tao na makabili.

Kita
Ito ay nagdidikta sa anong paraan ng pagkonsumo ng isang
tao. Kapag lumalaki ang kita ay lumalaki din ang
 

kakayahan niya na bumili ng produkto o serbisyo.

Mga Inaasahan
Ang mga inaasahang pangyayari sa hinaharap tulad ng
sakuna, pandemya, pagdiriwang at iba pa ay nakaaapekto
sa desisyon ng mga konsyumer na bumili.

Pag-aanunsyo o Patalastas
 Ang nakikita sa mga anunsiyo sa telebisyon, pahayagan,
radyo, internet at social media ay madaling
makaimpluwensya sa tao sa pagkonsumo.
Pagbabago ng Presyo
Ang pagtaas o pagbaba ng presyo ay
nakaaapekto sa dami ng kanyang binibiling
produkto o serbisyo.
Pagkakautang

Dahil sa pagkakautang ay mababawasan


ang kakayahan ng tao na makabili.
Kita

Ito ay nagdidikta sa anong paraan ng


pagkonsumo ng isang tao. Kapag lumalaki
ang kita ay lumalaki din ang kakayahan niya
na bumili ng produkto o serbisyo.
Mga Inaasahan

Ang mga inaasahang pangyayari sa


hinaharap tulad ng sakuna, pandemya,
pagdiriwang at iba pa ay nakaaapekto sa
desisyon ng mga konsyumer na bumili.
Pag-aanunsyo o Patalastas

Ang nakikita sa mga anunsiyo sa telebisyon,


pahayagan, radyo, internet at social media
ay madaling makaimpluwensya sa tao sa
pagkonsumo.
Produkto Ko, Ipatalastas Ko!
Nabigyan ka ng pagkakataon na pumasok sa isang
negosyo at nagdesisyong gumawa ng produkto. Naisip
mong kinakailangan itong i-anunsyo para makumbinsi
ang mga konsyumer na tangkilikin ito.
Gumawa ng isang poster bilang patalastas sa
produktong ibebenta. Gawing patnubay sa paggawa ng
poster ang rubrik sa ibaba. Gawin ito sa ½ crosswose.
RUBRIK PARA SA PATALASTAS

PAMANTAYAN 5 4 3 2

  Ang nabuong      
Impormatibo patalastas ay Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong
nakapagbibigay ng patalastas ay patalastas ay patalastas ay
wasto at nakapagbibigay ng kulang sa hindi organisado
napakahalagang wastong impormasyon at kulang sa
impormasyon impormasyon tungkol sa impormasyon
tungkol sa tungkol sa katangian ng tungkol sa
katangian ng mga katangian ng mga mga salik na katangian ng
salik na nakaapekto salik na nakaapekto sa mga salik na
sa pagkonsumo. nakaapekto sa pagkonsumo. nakaapekto sa
pagkonsumo. pagkonsumo.

         
Malikhain Napakagaling ng Magaling ang May kakulangan Hindi maayos
pagkagawa ng pagkagawa ng ang pagkagawa ang pagkagawa
patalastas. patalastas. ng patalastas. ng patalastas.
Buod
• Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa paggamit at
pakinabang ng produkto at serbisyo.
• Ito ay isang mahalagang gawaing pang-ekonomiya na
nagbibigay katuturan sa produksyon. Walang
malilikhang produkto at serbisyo kung walang
kokonsumo ng mga ito.
• Layunin nito na matugunan ang pangangailangan at
magkaroon ng kasiyahan sa mga taong gumagamit
nito.
• May apat na uri ng pagkonsumo. Ang direkta,
produktibo, maaksaya at mapanganib na
pagkonsumo.
• Ang iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo
ay ang mga sumusunod; pagbabago ng presyo, kita,
pagkakautang, mga inaasahan at pag-aanunsyo.
Pagtataya
Basahin at unawain nang mabuti ang tanong sa bawat aytem.  
1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan
ng pagkonsumo?
A. Ito ay proseso ng paglikha ng panibagong produkto.
B. Ito ay ang interaksyon ng mamimili at nagtitinda sa isang
pamilihan.
C. Ito ay mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-
yaman, produkto at serbisyo.
D. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng produkto o serbisyo upang
matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
2. Ang pagkonsumo ay may iba’t ibang uri. Anong uri ang
nakapagdudulot ng agarang kasiyahan sa mamimili?
A. direkta C. produktibo
B. maaksaya D. mapanganib

3. Ang lahat ng tao ay mamimili. Paano mo malalaman kung may


nakukuhang kasiyahan ang mamimili sa pagkonsumo ng
produkto at serbisyo?
A. Kung patuloy pa rin siya sa paggamit ng naturang produkto.
B. Kung inubos niya ang stock ng naturang produkto sa pamilihan.
C. Kung hindi na siya tumatangkilik sa naturang produkto o serbisyo.
D. Kung nagmahalan ang presyo ng produkto at serbisyo sa
pamilihan.
4. Isang uri ng pagkonsumo na nagdudulot ng pinsala sa
kalusugan ng isang tao. Alin sa mga sumusunod ang
tinutukoy nito?
A. direkta C. produktibo
B. maaksaya D. mapanganib

5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong


isaalang-alang sa pagkonsumo ng isang produkto o
serbisyo?
A. kapakinabangan nito
B. kasiyahan na dulot nito para sa sarili
C. kaligayahan na dulot nito sa ibang tao
D. kaibahan nito sa ibang produkto o serbisyo
6. Ang pagkonsumo ay isang mahalagang gawaing pang-
ekonomiya ng bansa sapagkat ito ay nagbibigay
katuturan sa produksyon. Ano ang mahihinuha mo sa
pahayag na ito?
A. Walang produksyon kung walang pagkonsumo.
B. Walang pagkonsumo kung walang produksyon.
C. Ang pagkonsumo ay nakasalalay sa dami ng produkto o
serbisyo.
D. Maaaring may mga produkto at serbisyo kahit walang
produksyon.
7. Ang hindi pagtugon ng mga tao sa kanyang
pangangailangan at kagustuhan ay magdudulot ng iba’t
ibang suliranin sa ekonomiya ng bansa. Alin sa mga
sumusunod ang payak na paglalarawan sa suliraning ito?
A. Mawawalan ng hanapbuhay ang mga tao.
B. Magreresulta sa pagkalugmok ng bansa sa kahirapan.
C. Mabubuhay pa rin ang mga tao na nasa mga liblib na
lugar.
D. Walang pamilihan dahil walang malilikhang produkto
at serbisyo.
8. Ang pagkonsumo ay isang mahalagang gawain ng lipunan. Paano mo
mailalarawan ang isang lipunan na walang pagkonsumong nagaganap?
A. walang umiiral na pamilihan
B. industriyalisado at superyor sa paggawa
C. may naglalakihang mga gusali at bahay-kalakal
D. kakikitaan ng interaksyon sa pagitan ng konsyumer at prodyuser

9. Ang kita ay isa sa mga salik na nakaapekto sa pagkonsumo. Ano ang


kaugnayan ng kita ng tao sa kanyang pagkonsumo?
E. Pagnenegosyo ang sagot sa kahirapan ng mga taong naglilingkod sa bayan.
F. Nagsusumikap ang tao na matutugunan ang lahat ng kanyang mga
pangangailangan.
G. Higit na mas mahalaga sa tao ang kanyang kita kay sa dami ng kanyang
mga pangangailangan.
H. Kung mababa ang kita ng isang tao mas mababa ang kanyang pagkonsumo
sa kanyang mga pangangailangan at kagustuhan.
10. Ang pagkakaroon ng maraming utang ay makaaapekto sa pagkonsumo ng
tao. Bilang isang mag-aaral, paano mo maiiwasan ang pagkakautang?
A. Dapat may sapat na halaga ng pera bilang pambayad ng utang.
B. Matutong humingi ng libreng pera sa kaklase para makaiwas sa
pagkakautang.
C. Matutong magtipid sa paggamit ng pera para makabili ng pangangailangan.
D. Iwasan ang pangungutang sa mga bangko at sa ibang pang mga institusyong
pinansyal.

11. Ang mga negosyante ay gumagamit ng patalastas sa kanilang produkto sa


telebisyon, pahayagan, radyo, internet at social media. Paano ito nakaaapekto
sa pagkonsumo ng isang mamimili?
E. Mas mabenta ang mga produktong pinapatalastas.
F. Naeenganyong bumili ang tao para makasabay sa uso.
G. Mas tinatangkilik ng tao ang mga produktong iniendorso ng isang
personalidad sa telibisyon.
H. Tumaas ang pagkonsumo ng tao dahil sa impluwensyang dulot ng mga
patalastas sa telebisyon, radyo o maging sa internet.
12. Ang mga sakuna tulad ng bagyo, lindol at maging ang pandemyang
dala ng COVID-19 ay nagreresulta sa kakulangan ng suplay ng mga
pangunahing produkto. Bilang isang Pilipino, paano ka makatutulong
na mapanatili ang maayos na pagkonsumo sa kabila ng sakuna?

A. Bumili ng maramihan at itago sa bahay para hindi maubusan.


B. Bumili ng mabentang produkto sa pamilihan kahit hindi kailangan.
C. Sundin ang mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan para
makontrol ang presyo.
D. Bumili lamang ayon sa pangangailangan para mabigyan ng
pagkakataon ang iba na makabili sa parehong produkto.
13. Hindi lahat ng tao ay naiimpluwensyahan ng mga patalastas ng
mga produkto kung kaya mababa lamang ang kanilang
pagkonsumo. Ano ang ipinapahiwatig sa pahayag na ito?

A. Kaya ng tao paikutin ang presyo ng mga produkto sa pamilihan.


B. Malawak ang kaalaman ng mga tao sa bawat produktong
ibenebenta sa pamilihan.
C. Mas binibili ng tao ang pangunahing pangangailangan tulad ng
pagkain kaysa sa mga luho sa buhay.
D. Magkakaiba ang mga pangangailangan ng tao kaya mas inuuna
niya ang pagbakasyon sa ibang bansa.
14. Sinasabing may mataas na pagkonsumo ang mga taong may
malalaking kita. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
nagpapatotoo nito?

A. Kung mas malaki ang kita, mas maraming mabibiling mga produkto.
B. Kung may malaking kita, mas kayang makapagbakasyon sa iba’t
ibang bansa.
C. Kung mas malaki ang kita, mas mababa ang pagtugon sa mga
pangangailangan.
D. Kung mas malaki ang kita, mas malawak ang kaalaman sa
sisitemang pang-ekonomiya.
15. Ang pagbabago-bago ng presyo ay nakaaapekto sa pagkonsumo.
Kung ikaw ay isang mamimili, paano ka makatutulong na maiwasan
ang pang-aabuso sa pagtakda ng presyo sa mga produkto sa
pamilihan?

A. Idulog ang mga suliraning pang-ekonomiya sa mababang korte.


B. Ipagdasal at hayaan sila na maging mayaman sa mga mata ng tao.
C. Iwasan ang paggawa ng mga produkto para sa malakihang
pamilihan.
D. Isumbong ang mga abusadong namumuhunan sa Department of
Trade and Industry (DTI).

You might also like