You are on page 1of 49

PAGKONSUMO

1. Tuwiran- natatamo ng
individual ang kasiyahan sa
pangbili at paggamit ng
produkto at serbisyo.
2. Produktibo- pangbili
ng produkto upang
magawa o makalikha
ng iba pang produkto.
3. Maaksaya- pangbili
ng mga produkto na
hindi direktang
tumutugon sa
pangangailangan ng
tao.
4. Mapanganib- pagbili
at paggamit ng
produkto na maaaring
makapinsala sa
kalusugan ng tao.
1. Pagbabago ng Presyo
• Nagiging motibasyon ang
Presyo ng produkto o serbisyo
sa pagkonsumo.
• Mas mataas ang pagkonsumo
kung mababa ang Presyo at
mababa ang pagkonsumo kung
mataas ang Presyo.
2. Kita
• Nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao.
• Ayon kay John Maynard Keynes, sa kaniyang aklat na
The General Theory of Employment, Interest and Money,
malaki ang kaugnayan ng kita ng tao sa kaniyang
pagkonsumo. Habang lumalaki ang kita ng tao lumalaki
rin ang kaniyang kakayahan na komonsumo ng produkto.
Sa kabilang banda, ng pagbaba ng Kita ay pagbaba
naman ng kakayahan kumonsumo.
3. Mga Inaasahan

•Ang mga inaasahang mangyayari sa


hinaharap ay nakakaapekto sa
pagkonsumo sa kasalukuyan.
4. Pagkakautang
• Kapag maraming utang ang isang tao maaaring
maglaan Siya ng bahagi ng kaniyang salapi
upang ipambayad dito. Ito ay magdudulot ng
pagbaba ng kaniyang pagkonsumo dahil
nabawasan ang kaniyang kakayahan na makabili
ng produkto. Tataas naman ang kakayahan
niyang kumonsumo kapag kaunti na lamang ang
binabayaran niyang utang.
5. Demonstration Effect

•Madaling maimpliwensyahan ang tao ng mga anunsiyo


sa radyo, television, pahayagan at maging sa internet at
Iba pang social media.
Batas na Nangangalaga sa Kapakanan ng Mamimili

• Republic Act 7394(Consumer Act of the Philippines)


- Nakatakda ang kalipunan ng mga patakarang
nagbibigay ng proteksyon at nangangalaga sa interes
ng mga mamimili.
- Isinusulong ang kagalingang dapat makamit ng lahat
ng mamimili.
- Itinatadhana nito ang mga pamantayan dapat sundin
sa pagsasagawa at operasyon ng mga negosyo at
industriya.
a. Kaligtasan at proteksyon ng mga mamimili laban sa
panganib sa kalusugan.
b. Proyeksyon laban sa mapanlinlang at Hindi makatarungang
gawaing may kaugnayan sa operasyon ng mga negosyo at
industriya.
c. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga
mamimili.
d. Representasyon ng kinatawan ng mga samahan ng
mamimili sa pagbalangkas ng mga patakarang
pangkabuhayan at Panlipunan.
WALONG KARAPATAN NG MAMIMILI:
1.Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan.
2.Karapatan sa Kaligtasan
3.Karapatan sa Patalastasan
4.Karapatang Pumili
5.Karapatang Dinggin
6.Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano Mang Kapinsalaan
7.Karapatan sa Pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong
mamimimili
8.Karapatan sa isang malinis na kapaligiran.
LIMANG PANANAGUTAN NG MGA
MAMIMILI:
•Mapanuring Kamalayan- ang
tungkuling maging listo at mausisa
tungkol sa kung ano ang gamit,
halaga at kalidad ng mga paninda at
paglilingkod na ating ginagamit.
LIMANG PANANAGUTAN NG MGA
MAMIMILI:
•Pagkilos- ang tungkuling
magpahayag ang ating sarili at
kumilos upang makatiyak sa
makatarungang pakikitungo.
LIMANG PANANAGUTAN NG MGA
MAMIMILI:
• Pagmamalasakit na Panlipunan – tungkuling
alamin kung ano ang ibubunga ng ating
pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa
ibang mamamayan, lalong higit ang pangkat
ng maliliit o walang kapangyarihan maging
ito ay lokal, pambansa, o pandaigdig na
komunidad.
LIMANG PANANAGUTAN NG MGA
MAMIMILI:
•Kamalayan sa Kapaligiran-
tungkuling mabatid ang kahihinatnan
ng ating kapaligiran bunga ng di
wastong pagkonsumo. Kailangang
pangalagaan ang likas na yaman
para sa ating kinabukasan.
LIMANG PANANAGUTAN NG MGA
MAMIMILI:
•Pagkakaisa- ang tungkuling
magtagtag ng samahang mamimili
upang magkaroon ng lakas at
kapangyarihang maitaguyod at
mapangalagaan ang ating
Kapakanan.
Gawain 1: LIGHTS, CAMERA, ACTION!

Panuto: Gumawa ng dula dulaan na magpapakita


ng sumusunod na tema:
Unang Pangkat: katangian ng matalinong mamimili
Ikalawang Pangkat: Mga karapatan ng mamimili
Ikatlong Pangkat: Mga tungkulin ng Mamimili.

You might also like