You are on page 1of 9

u

9
Araling Panlipunan 9
Suplemental na Instruksiyong
Pampagkatuto sa Araling Panlipunan
Quarter 1 – Week 7-8
Ang Karapatan at Tungkulin ng Mamimili

Olongapo City National High School


SDO – Olongapo City
Araling Panlipunan 9
Gawaing Pampagkatuto 1
Quarter 1 – Week 7-8
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Olongapo City National High School
SDO Olongapo City – Region III

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto sa Araling Panlipunan na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto sa


Araling Panlipunan na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa Olongapo City National High School.

Bumuo sa Pagsulat ng Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto


sa Araling Panlipunan

Manunulat: Nympha P. Domingo


Tagaguhit: Maria Alexandra M. Ruiz
Tagalapat: Carl Patrick S. Tadeo
Editor: Arlene G. Mercado
Tagasuri: Nita V. Mago EdD
Tagapamahala:

Leilani S. Cunanan CESO V


Maylene M. Minimo EdD, CESE
Ariel C. Lansang
Jose C. Tala EdD
Edwina S. Espiritu
Soledad E. Pozon EdD
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 sa
Pinatnubayang Gawaing Pampagkatuto sa karapatan at tungkulin ng Mamimili.
Ang Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto sa Araling Panlipunan
na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
Olongapo City National High School at Schools Division of Olongapo City sa
pamamagitan ng Learning Resource Management System (LRMDS) Office upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa Tagapagpadaloy:

Inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto sa Araling
Panlipunan na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob dito.

Para sa Mag-aaral:

Ang Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto sa Araling


Panlipunan na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto sa Araling Panlipunan
Araling Panlipunan 9 (Ekonomiks)
Quarter 1 – Week 7-8
Ang Karapatan at Tungkulin ng Mamimili
PANGALAN: BAITANG AT SEKSIYON:

PETSA: KWARTER: LINGGO

I. Kasanayang Pampagkatuto
Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin
bilang isang mamimili Week 8 AP9MKE-Ih-18

II. Susing Konsepto

Anu- ano ang karapatan at batas na magtatanggol sa Mamimili?

Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ( Department of Trade and


Industry) ay naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili upang maging
gabay sa kanilang transaksiyon sa pamilihan.

KARAPATAN NILALAMAN
1. Karapatan sa -may karapatan sa sapat na pagkain, pananamit,
mga pangunahing masisilungan, pangangalagang pangkalusugan,
pangangailangan edukasyon at kalinisan.
2. Karapatan sa -may karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at
Kaligtasan. mapangangalagaan ka laban sa pangangalakal ng mga
panindang makasasama o mapanganib sa iyong
kalusugan.
3. Karapatan sa -may karapatang mapangalagaan laban sa mapanlilang,
Patalastasan madaya at mapanligaw na patalastas.
4.Karapatang Pumili -may karapatang pumili ng ibat-ibang produkto at
paglilingkod sa halagang kaya mo
5. Karapatang -may karapatang makatiyak na ang kapakanan ng
Dinggin mamimili ay lubusang isaalang –alang sa paggawa at
pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan.
6. Karapatang -may karapatan bayaran at tumbasan sa ano mang
bayaran at kapinsalaan na nagbuhat sa produkto na binili mo. May
tumbasan sa ano karapatan kang mabayaran sa ano mang kasinungalingan
mang kapinsalaan. o mababang uri ng paninda.
7. Karapatan sa -may karapatan sa consumer education, nagtatanong at
Pagtuturo tungkol nagtatanggol sa iyong karapatan. Ito ay naglalagay ng
sa pagiging karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan
matalinong upang makagawa ng hakbanging makatulong sa mga
Mamimili desisyong pangmamimili.
8. Karapatan sa -may karapatan sa kalayaan, pagkapantay pantay at sapat
isang Malinis na na mga kalagayan sa buhay na nagbibigay pahintulot sa
Kapaligiran. isang marangal at maayos na pagkatao .
LIMANG PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI

Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ay nagpalaganap rin ng limang


pananagutan ng mga mamimili. Ang sumusunod ay ang mga pananagutang
nabanggit:

PANANAGUTAN NILALAMAN
1. Mapanuring Kamalayan Ang tungkuling maging listo at
mausisa tungkol sa kung ano ang
gamit, halaga at kalidad ng mga
paninda.
2. Pagkilos Ang tungkuling maipayag an gating
sarili at kumilos upang makatiyak sa
makatarungang pakikitungo.
3. Pagmamalasakit na Panlipunan Ang tungkuling alamin kung ano ang
ibubunga ng ating pagkonsumo ng
mga kalakal at serbisyo sa ibang
mamamayan lalong higit sa pangkat
ng maliliit.
4. Kamalayan sa Kapaligiran Ang tungkuling mabatid ang
kahihinatnan ng ating kapaligiran
bunga ng hindi wastong
pagkonsumo.
5. Pagkakaisa Ang tungkuling magtatag ng
samahang mamimili upang
magkaroon ng lakas at
kapangyarihang maitaguyod at
mapangalagaan an gating
kapakanan.

BATAS NA NANGANGALAGA SA KAPAKANAN NG MGA MAMIMILI

Nakatakda sa REPUBLIC ACT 7394 ( Consumer Act of the Philippines) ang


katipunan ng mga patakarang nagbibigay proteksiyon at nangangalaga sa
interes ng mga mamimili. Isinusulong din ng batas na ito ang kagalingang
dapat makamit ng lahat ng mamimili. Itinadhana ng batas na ito ang mga
pamantayang dapat sundin sa pagsasagawa at operasyon ng mga negosyo at
industriya. Ang sumusunod ang binibigyang-pansin ng batas na ito:

a. Kaligtasan at proteksyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan


at kaligtasan.
b. Proteksyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawaing may
kaugnayan sa operasyon ng mga negosyo at industriya.
c. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga mamimili.
d. Representasyon ng kinatawan ng mga samahan ng mamimili sa
pagbalangkas at pagbuo ng mga patakarang pangkabuyahan at panlipunan.
CONSUMER PROTECTION AGENCIES.

Ang mga sumusunod ay mga ahensya ng pamahalaan na tumutulong upang


maisulong ang kapakanan ng mga mamimili.

Bureau of Food and Drugs (BFAD) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling


etiketa ng gamut, pagkain, pabango at make-up.

City/Provincial/Municipal/Treasurer- hinggil sa timbang at sukat, madayang


timbangan at mapanlinlang na pagsukat.

Department of Trade and Industry ( DTI) – hinggil sa paglabag sa batas ng


kalakalan at industriya-maling etiketa ng mga produkto.

Energy Regulatory Commission (ERC)- reklamo laban sa pagbebenta ng di-


wastong sukat o timbang ng mga gasoline at mga liquefied petroleum gas

Environment Management Bureau ( DENR-EMB) – namamahala sa


pangangalaga sa kapaligiran

Fertilizer and Pesticide Authority (FPA)- hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/ maling


etiketa ng pamatay insekto at pamatay-salot.

Housing and Land Use Regulatory Board ( HLURB)- nangagalaga sa mga


bumibili ng bahay at lupa pati na rin sa mga subdibisyon.

Insurance Commission- hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng seguro.

Philippine Overseas Employment Administration( POEA)- reklamo laban sa


illegal recruitment activities.

Professional Regulatory Commission ( PRC)- hinggil sa mga hindi matapat na


pagsasagawa ng propesyon kabilang na ang mga accountant, doctor, engineer,
atbp.

Securities and Exchange Commission (SEC)- hinggil sa paglabag sa binagong


securities act tulad ng pyramiding na gawain.

III. Mga Gawain


Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagot Nito, Hanapin Mo!
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa
mga pagpipilian. Letra lamang ng tamang sagot ang isulat sa guhit bago ang bilang.

_____1. Batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga mamimili.


a. Republic Act 7394
b. Republic Act 8974
c. Republic Act 6519
d. Republic Act 6390
_____2. Anong kagawaran ang naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili?
a. Securities and Exchange Commision( SEC)
b. Department of Trade and Industry ( DTI)
c. Bureau of Food and Drugs ( BFAD)
d. Department of Labor and Employment ( DOLE)
____3. Sa walong karapatan ng mga mamimili, saan may karapatan ang mamimili
na pumili ng ibat-ibang produkto at paglilingkod?
a. karapatan sa kaligtasan
b. karapatang pumili
c. karapatang dinggin
d. karapatan sa patalastasan
____4. Anong ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa
hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng gamot, pagkain , pabango at make-up.
a. BFAD
b. DTI
c. FPA
d. SEC
____5. Kung ikaw na mamimili ay may reklamo hinggil sa nabili mo na bahay at lupa
pati sa subdibisyon, Kangino ka lalapit?
a. HLURB
b. POEA
c. SEC
d. DTI

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Karapatan mo, Ipaglaban mo!!!


Panuto: Ipagpalagay na ikaw ay nakabili o nakagamit ng produkto o serbisyo na
makikita sa HANAY A . Pumili ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan na lalapitan
sa HANAY B. Isulat ang letra at buong sagot sa unang linya.

SAGOT HANAY A HANAY B


1. Double dead na karne ng a. bureau of food and
baboy drugs
2. Illegal na recruiter b. fertilizer and pesticide
pagpunta sa Hongkong authority
Depektibong parte ng c. housing and land use
bahay na nabili sa Fiesta regulatory board.
Homes.
3. Maling timbang ng LPG d. Philippine overseas
employment
administration
4. na SCAM sa palalaro ng e. energy regulatory
AXIE commission.
5. Nakabili ng fake na f. securities and exchange
pamatay o lason sa daga. commission
IV. Repleksiyon: Ang aking Natutuhan sa Aralin!!!!
Ngayon ay alam mo na ang iyong mga karapatan bilang isang mamimili .Sa
isang sitwasyon ng pamimili sa 7- ELEVEN na ikaw ay nadaya sa maling presyo na
nakasulat ng chocolate. Paano mo maipaparating sa kinauukulan ang iyong hinaing?
Gumawa ng kaukulang LETTER OF COMPLAINT laban sa 7-ELEVEN na may
mapanlinlang na presyo sa nabiling chocolate.

V. Mga Sanggunian

SUSI NG PAGWAWASTO

GAWAIN 1 Gawain 2
1.a 1. a
2. b 2. d Gawain 3
3. b 3. c opinion
4. a 4. e
5. a 5. b

SANGGUNIAN
EKONOMIKS: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag aaral.

You might also like