You are on page 1of 7

Masusing Banghay Aralin sa Health

I. Layunin
a. Matatalakay ang responsibilidad ng isang mamimili
II. Paksang Aralin
Paksa: Responsable Ako
Sanggunian: DepEd (2013) K to 12 Health Curriculum Guide. Pasig: DepED.

Rizaldy R. Cristo, et. al., (2017). Music, Art, Physical Education and
Health Kagamitan ng Mag-aaral, Tagalog. Quezon,
Philippines: Book Media Press, Inc.

National Consumer Affair Council (NCAC). (n.d) Consumer Rights


and Responsibilities. Retrieved from
naciphil.tripod.comlidq.html

Kagamitan: Laptop, TV

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang Hapon mga bata!
Magandang hapon ma’am Rica!

Kamusta kayo ngayong umaga?


Mabuti naman po.
Handa na ba kayo para sa ating
panibagong aralin?
Opo Ma’am!
Kung handa na kayo, ano ang dapat
niyong gawin para matuto sa aralin natin
ngayon?
Makining po nang Mabuti, makiisa at
makibahagi po sa mga gawain.

2. Pagbabalik- aral

Noong nakaraang aralin natalakay natin


ang tungkol sa karapatan ng isang
mamimili. Ano-ano ang mga karapatang
ito?
1. Karapatang Pumili
2. Karapatang Malaman ang
Impormasyon ng Produkto o Serbisyo
3. Karapatan sa Payak na
Pangangailangan
4. Karapatan sa Isang Malinis na
Kapaligiran
B. Panlinang na Gawain
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ito ay
nagpapakita ng katangian ng mahusay na
mamimili. Lagyan ng ekis ( X) kung ito
ay hindi nagpapkita ng katangian ng isang
mahusay na mamimili.

_____1. Inaamoy ni Rico ang isda bago


niya ito bilhin.
_____2. Umuwi si Marie ng hindi
binilang ang kanyang sukli.
_____3. Sinuring Mabuti ni Carol ang
timabangan nang bumili siya ng limang
kilong bigas.
_____4. Ikinumpara ni Aling Marina ang
presyo ng paninda sa mga tindahan sa
palengke bago siya mamili.
_____5. Nagalit si Mang Lito Nang
malaman niyang Expired na nag nabili
niyang de lata sa tindahan.
1. /
2. X
3. /
4. /
5. X
C. Paglalahad ng Paksa
Tignan ang mga larawan.

Masikip pala ang


nabili kong
pantalon. Hindi
maisara ang
zipper.

Naku! Expired na
pala ang gatas na
nabili ko.
Mabaho na ang
amoy.
Ito ay nagpapakita ng nagging masamang
karanasan ng mga mamimili sa pagbili ng
produkto.

Ano ang ipinapakita sa larawan?

Magaling! Ang mga masamang karanasan


sa pamimili tulad nang nasa larawan ay
maaring maiwasan kung tayo ay magiging
responsible sa ating pamimili.

Tandaan natin na ang bawat karapatan ay


may kaakibat na pananagutan o tungkulin.

D. Pagtatalakay
Ang bawat mamimili ay may
responsibilidad sa pagpili at
pagdedesisyon sa produkto o serbisyong
ating bibilhin.

Ang mga responsibilidad o tungkulin ng


isang matalinong mamimili ay ang mga
aksiyon na dapat gawin upang masiguro
na:

• Sadyang alam mo ang impormasyon


bago bilhin o
gamitin ang isang produkto o serbisyo.
• Nakukuha mo kung ano ang halaga ng
iyong binili.
• Anumang mga problema sa produkto o
serbisyo ay
nareresolba nang mabilis para sa iyong
ikasisiya.

Narito ang limang responsibilidad ng


isang mamimili:

Pakibasa.

1. Mapanuring Kamalayan
Ito ang tungkulin na maging listo
at mapagtanong tungkol sa gamit,
halaga, at kalidad ng mga
produkto at serbisyo na ating
tinatanggap.
Tungkulin ng mga mamimili na maging
responsable sa kaniyang pagpili o
pagdedesisyon sa pagbili. Bago bumili ng
isang produkto o serbisyo, ugaliing
magtanong tungkol sa gamit, halaga, at
kalidad ng produkto o serbisyo.

Pakibasa ang pangalawa. 2. Pagkilos/Aksiyon


Tungkulin ng mamimili na
maipahayag ang sarili at kumilos
upang makasiguro sa
makatarungang pakikitungo.

Tumgkulin ng mamimili na
maipagtanggol ang sarili sa mga
pagkakataon na nagkaroon ng di-
magandang karanasan sa pamimili. Dapat
sabihin ang reklamo sa tamang
kinauukulan upang mabigyan ng tamang
solusyon ang nagging problema at
mapagbuti pa ang serbisyo at produkto ng
nagtitinda.

Pangatlo basahin. 3. Pagmamalasakit sa Lipunan


Responsibilidad natin na alamin
ang resulta ng ating pagkonsumo
ng mga produkto at serbisyo sa
ibang mamamayan, lalo na sa mga
pangkat ng maliliit o walang
kapangyarihan; maging ito ay sa
lokal, pambansa, o pandaigdigang
komunidad.

Tungkulin ng isang mamimili na alamin


kung ano ang maaring epekto ng pagbili
ng mga produkto o serbisyo sa iba pang
mamimili. Halimbawa : nung pandemya.
Marami satin ang nagpanic buying na
nagdulot ng pagkaubos ng mga produkto,
ang pagkilos na ito ay makaapekto sa
ibang mamimili lalo na sa mga mahihirap
wala ng matitira para sa kanila. Kaya
dapat alamin natin ang resulta ng kilos na
ating gagawin sa pagkonsumo ng mga
produkto, kung ito ba ay makaapekto sa
iba pang mamimili.

Ika-apat pakibasa. 4. Kamalayan sa Kapaligiran


Ito ang tungkulin na mababatid
ang kahihinatnan ng ating
kapaligiran dulot ng hindi wastong
pagkonsumo. Nararapat lamang na
pangalagaan ang ating mga likas
na yaman para sa kinabukasan ng
mga darating na bagong
henerasyon.

Tungkulin ng isang mamimili na alamin


ang epekto ng produktong o serbisyong
binili sa kapaligiran. Halimba, kapag tayo
ay namamalengke. Ipinagbabawal noon
ang paggamit ng plastic sa pamilihan kaya
ang mga namimili ay nagdadala ng
sariling bag para sa mga produktong
kanilang bibilhin. Isa itong paraan upang
mapangalagaan natin ang ating
kapaligiran.

At panghuli pakibasa.
5. Pagkakaisa
Ito ang responsibilidad na
makiisa sa mga samahan ng mga
mamimili upang magkaroon ng
sapat na lakas at kapangyarihan na
itaguyod ang mga karapatan ng
mga mamimili.

Tungkulin ng mamimili na isulong ang


karapatan at mapangalagaan ang
kapakanan ng bawat mamimili. Ang
pagsali sa mga samahan ng mga mamimili
kung saan maaaring makapagbigay ng
komento at mungkani ay makabubuti
upang maayos ang serbisyo sa bansa.

Naintindihan ba ang ating talakayan?


Opo ma’am!
E. Paglalahat

Kung talagang naintindihan ang ating


aralin. Ano na nga ulit ang mga
responsibilidad ng isang mamimili?
1. Mapanuring Kamalayan
2. Pagkilos/Aksiyon
3. Pagmamalasakit sa Lipunan
4. Kamalayan sa Kapaligiran
5. Pagkakaisa
F. Aplikasyon

Tukuyin ang mga responsibilidad ng


mamimili na ipinapakita sa bawat
larawan. Pagtapatin ang Hanay A sa
Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B

IV. Pagtataya

Isulat sa sagutang papel ang salitang Tama kung ang pangungusap ay nagsasabi tungkol
sa responsibilidad ng mamimili at Mali naman kung hindi.
________1. Humingi ng tulong sa tindera kung paano gamitin ang produkto bago ito
bilhin.

________2. Hindi na kailangan isauli ang produktong may depekto dahil nakauwi ka na
ng bahay.

________3. Ang mga tindahan ay dapat magkaroon ng pila para sa mga senior citizen na
at may kapansanan.

________4. Kung ang nabiling produkto ay hindi tama, huwag na itong gamitin.

________ 5. Maaaring itapon sa tabi ng tindahan ang hindi nagustuhang produkto na


nabili.

Gawain B.
Dugtungan ang parirala sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang responsableng mamimili ay...


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Rubriks sa pagpaliwanag ng Gawain:


5 3 2
Naipaliwanag nang Hindi gaanong Hindi maayos ang
maayos ang maayos ang paliwanag.
pangungusap. paliwanag.
V. Takdang Aralin
Gumuhit o gumupit ng larawan ng isang mamimili mula sa isang diyaryo o magazine.
Isulat kung anong tungkulin ang ipinakikita sa larawan at ipaliwanag ito.

Pamantayan:
• Naisagawa ang pagguhit o paggupit ng larawan ng isang mamimili.
• Nakilala ang tungkulin na ipinakita sa larawan
• Naipaliwanag ang tungkulin na ipinakita sa larawan.

5 puntos Naisagawa ang pagguhit o paggupit ng


larawan ng isang mamimili.
3 puntos Nakilala ang tungkulin na ipinakita sa
larawan.
2 puntos Naipaliwanag ang tungkulin na ipinakita
sa larawan.

You might also like